Mr. & Ms. Gray

By PurpleSwallow

393K 14.5K 1K

"I need a child not a husband." - Grayzyl Simone More

TEASER
PART 1
Chap. 2
Chap. 3
Chap. 4
Chap. 5
Chap. 6
Chap. 7
Chap. 8
Chap. 9
Chap. 10
chap. 11
Chap. 12
Chap. 13
Chap. 14
Chap. 15
CHAP. 16
Chap. 17
Chap. 18
Chap. 19
PAALALA

Chap. 20

9.3K 694 75
By PurpleSwallow

Chap. 20

Hindi makapagsalita si Grayson. Hindi n'ya alam kung anong isasagot sa dalaga. Hinagkan na lamang n'ya ang noo nito. At para mabawasan ang pag-alala ni Graydelle..sinabi n'yang:

"We need more time to think. We don't need to rush."

Agad namang niyakap ng mahigpit ni Graydelle.

Habang sa loob ng silid ni Neneng; tuwang tuwa ang lahat sa sanggol.

"Ang cute naman ng baby. Kamukhang kamukha ni Grayson. Siguro maganda din ang donor kasi ang ganda ng pilik mata ng bata." Puring puri ni Oliver.

"Neng, salamat." Halos hindi mapigil ni Grayzyl ang di mapayakap sa kaibigan. Hindi naman maunawaan nina Blue kung bakit ganun ang reaksyon ng pinsan ni Neneng.

"Ehem, naku ang lalim naman ng luha mo. Parang IKAW ANG NANAY at apektadong apektado ka sa nangyayari." Agad na nasambit ni Oliver.

"Sir, natakot lang po kasi ako kanina. Kaya ganito ang naging reaksyon ko." Mahinahong sinabi ni Grayzyl.

Dumating ang nurse para kunin ang bata at dadalhin sa nursery room. Gustong sundan ni Grayzyl ang sanggol; ngunit hindi agad s'ya makakaalis dahil na nga sa mga taong nakapaligid. Nagkatinginan na lamang sila ni Neneng.

Sa Nursery room naman...

"Ayan na..ayan na ang baby ni Grayzyl." Tuwang tuwa na lumapit ang 3 magkakapatid.

"Hello, Boy. I'm Tita Gladys."

"Naku, sinasabi ko na nga ba.. maganda ang lahing pinili ni Grayzyl..ang gwapo ng bata!" Nagtitili si Anotnette.

"Ha ha ha ha..sa wakas nadagdagan na naman ang lahi natin." Singit ni Brenda.

Tuwang tuwa ang tatlo na pinagmamasdan ang bata.

"Ate, maiuuwi kaya ni Yzyl ang bata sa atin? Naku, nag-aalala na ako ng husto."

-Antonette

"Mangyayari 'yan kung ipapaalam ni Grayzyl ang totoo sa ama ng bata."

"Pinagdarasal ko nga, silang dalawa nalang ni Grayson ang magpakasal. Hindi ko gusto si Troy Maxillian. Parang wala silang chemistry ni Yzyl."

"Wala tayong magagawa. We don't know her destiny."

-------------------------------------------------------

Pagkaraan ng ilang araw, naiuwi na si Neneng at ang sanggol sa pamamahay ni Grayson sa Pearl Farm. Maging ang mga kasambahay ni Grayson ay tuwang tuwa sa pagdating ng sanggol.

Hindi pa makakakilos ng maigi si Neneng kaya si Grayzyl ang lahat na kumilos para sa sanggol. Tinuturuan s'ya ni Neneng sa dapat gawin.

"Neng, ang saya saya ko. Ganito pala talaga ang pakiradamdam kung magiging ina ka. Hindi man ako ang lumuwal pero damang dama ko ang saya na di maipaliwanag."

"Syempre, ikaw ang ina. Ikaw ang pinagmulan. Ako lang ang lumuwal. Pero sa susunod..ikaw na."

"Neng, hindi mangyayari 'yon."

"Chooss! Wala akong masabe..MAPERA ka naman..push mo 'yan!" Sabay tawa ni Neneng.

"Hindi ako nagsisisi na ibinigay ko ang egg cell ko kay Grayson..ANG GWAPO NG BATA! Maraming salamat Neng. Utang ko sa 'yo ang kaligayahan ko."

"Gaga, wala kang utang sa akin. Ako ang maraming utang sa 'yo. Simula noong bata pa tayo; nagkaanak na lang ako..hanggang sa iniwanan ng sira ulo kong asawa..nandito ka sa tabi ko laging umaalalay sa akin. Salamat din Yzyl."

Maluhaluha ang dalawang magkaibigan.

TOK TOK TOK..

Pumasok si Grayson sa silid ng bata. Kasama nito si Graydelle.

"Hello, Baby Gray." bati ni Graydelle sa sanggol. Agad itong binuhat at hinalikan ang pisngi. Natutuwa naman si Grayson sa ipinakita ng dalaga. Habang sina Neneng naman at Yzyl ay naiinis na makitang muli ang babae. Inilabas nina Grayson at Graydelle ang bata sa silid nito. Hindi na nagawang sundan ng dalawa.

"Yzyl, anong gagawin mo ngayon? May balak ka na bang aminin ang totoo kay Grayson? Bilisan mo at baka mapornada pa ang lahat."

"Hindi pa muna Neng. Hindi pa ito ang tamang panahon. Tsaka, pwede pa namang makapaghintay 'yong abogado."

"Eh ang pinagkautangan ng tatay mo?"

Napaisip si Grayzyl.

"May panahon pa Neng. Magagawan ko pa ito ng paraan."

Positibo pa rin si Grayzyl na malulusutan ang problema nito kay Troy. Ngunit hindi maiwasan ni Grayzyl ang mangamba. Dahil napapaisip s'ya kung paano maipapaliwanag ang lahat kay Grayson. Ayaw n'yang pati si Neneng ay madamay.

Habang tumatakbo ang mga araw..napuno ng saya ang bahay ni Grayson. Madalas napapaaga ang uwi ng binata. At madalas na ring pumupunta si Graydelle sa bahay nito. Ligid sa kaalaman ni Grazyl lihim na pinag-aaralan ng kapatid ang loob at labas ng bahay ni Grayson. Nakatuon kay Yzyl ang pakay ni Graydelle tuwing napapadalaw sa Pearl Farm.

Minsan..Maagang umuwi si Grayson galing sa isang Business Transaction. Inabutan nitong nasa balkonahe sina Grayzyl at ang sanggol. Parehong natutulog ang dalawa. Nakaupo si Grayzyl sa rocking chair. At nasa kanyang dibdib ang natutulog na sanggol.

Dahan dahang lumapit si Grayson. Ilang buwan narin n'yang lihim na sinubaybayan ang kilos ni Grayzyl sa pag-alaga ng bata. Masasabi n'yang halos lahat ng oras nasa tabi ng kanyang anak ang dalaga. Mapaaraw o gabi..laging magkasama.

Ibang iba ang kilos ni Yzyl kay Graydelle. Ni minsan hindi tumagal si Graydelle na kalungin ang bata. Malimit agad nito binibigay kay Grayson. Gayun paman, malakas ang kanyang kutob na si Graydelle ang kanyang DONOR. Iniisip n'yang naghihintay lamang si Graydelle nang pagkakataon upang aminin sa kanya ang totoo.

Dumaan pa ang mga araw.. Inabutan ni Grayson na nag-uusap sina Neneng sa hardin. Nasa lilim sila ng isang puno. Habang ang sanggol ay nasa stroller nito. Lumapit si Grayson at nakisali sa dalawa.

"Neng, putulan mo ng kunti ang bangs ko." Utos ni Yzyl.

Kumuha si Neneng ng gunting at sinimulang putulan ang bangs ni Yzyl. Sinuklay pa nito ang buhok ng kaibigan sa likurang bahagi.

"Ang ganda ng buhok mo." Sabi ni Neneng.

"Aray! dahan dahan naman Neng. Masakit eh." Reklamo ni Yzyl dahilan napapatawa si Neneng. 

"Maldita ka kasi kaya pati buhok mo lumalaban. Tignan mo sumama pati sa suklay. Ayan ang mga hibla. Kasama 'yong dulo. Di bale tutubo rin naman." Turo pa ni Neneng ang mga buhok ni Grayzyl na umipit sa suklay.

"Isinama mo na yata pati anit ko." Nakapangiwi pa si Grayzyl habang kinukuha ang mga hibla ng buhok sa suklay.  Inilagay ni Yzyl ang mga hibla ng kanyang buhok sa isang pahina ng aklat -TEMPLE OF A THOUSAND FACES. Nakita ni Grayson ang pahina : 143.

KRINGGGG KRINGGGGGGG....

Isang International Call ang tumatawag para kay Yzyl. Bahagyang lumayo ang dalaga.

"Hello."

( Hello, Gray. Kumusta? Ilang buwan na lang ang natitira at mag-iisang taon na ang pinagkasunduan natin. I'm so excited to see you again. )

"T-Troy."

( Yeah, it's me. Ayaw ko nang malaman kung naaalala mo pa ako. Cause I know you don't give a damn. Well, let me remind you of our deal. I'm here in Italy. You still have time to produce the money. Just give me a call if you have it. Or else..SEE YOU AT THE CHURCH. )

Napapikit ang dalaga sa sinabi ng kausap.

" Troy, I'M READY for that ."

( Good. Anyway, I miss you. See you soon! )

Napahilamos ng mukha ang dalaga, Napansin naman ni Grayson ang pagbago ng mukha ni Yzyl.

"Okay ka lang ba Yzyl?" Tanong ni Grayson. Nakita nitong tila naging matamlay ang mukha ng dalaga. Napilitang ngumiti ang dalaga. Lumapit sa bata at hinagkan nito ang noo. Nagkataon na pumasok si Grayson sa loob ng bahay.

"Neng, katatawag lang ni Troy Maxillian. Pinapaalala n'ya ang pinagkasunduan namin."

"Ha?! Papano 'yan? Naku, kailangan kausapin mo na si Grayson tungkol sa bagay na 'to. Sigurado akong makikinig 'yon."

Huminga ng malalim si Grayzyl..Hindi n'ya alam kung makakayanan n'yang harapin at aminin ang totoo sa amo.

---------------------------------------------------------

Kinagabihan...Sa labas ng bahay.

Naisipang tumawag ni Grayzyl sa kanyang kapatid na si Gladys.

"Ate, hindi ko alam kung anong gagawin. Kinakabahan akong aminin kay Grayson. Hindi ko alam kung mauunawaan n'ya o hindi."

( Naku, mabuti nang aminin mo para matapos na ang lahat. Mabayaran na natin ang utang ni Papang. )

"Ate, natatakot ako kasi nga..nilihim namin ni Neneng ang lahat. Lalong lalo na ang pagkukunwari ko sa kanya."

(Kelan ka kikilos, kung mauunahan ka ni Graydelle? Alalahanin mo hindi na makakapaghintay si Troy. )

Natameme si Grayzyl.

Mula sa balkonahe..nakita s'ya ni Grayson.

"Kanina ko pa napapansin na tila nababalisa si Yzyl. Para bang may pinuproblema. Kinakabahan ako sa mga ganung kilos. Lalo na't parating s'ya ang kasama ng anak ko. God, napapaisip ako ng masama sa kanya."

-------------------------------------------

Santa Catalina..

FERTILITY HOSPITAL...

"Sunog! Sunog!! Nasusunog ang klinika!!" Sigaw ng Security Guard.

BAM!! KABLAAMMMMMM!!!!!

Isang malakas na pagsabog ang narinig nakung saan biglang kumalat ang apoy. Kinain nito ang ilang bahagi ng building.

Kinabukasan, habang kumakain ng almusal sina Neneng..

" Tinupok ng apoy ang ilang bahagi ng ******Fertility Clinic dito sa Santa Catalina. Ayon sa imbestigasyon, hindi pa natutukoy ang dahilan ng pagkasunog.."

Nagkatinginan sina Neneng at Grayzyl.

"Naku, paano 'yong mga record ng mga pasyente?" Tanong ni Manang Mercy.

"Oo nga." Sagot ng isang katulong.

"Mabuti nalang at naisilang na si Baby Gray." - Manang Mercy

"Korek." Dagdag ng katulong.

"Eh, 'yong record ni Sir, siguradong natupok na ng apoy. Tsaka, hindi na natin malalaman kung sino ang DONOR ni Sir."

"Naku, may kopya ang mga hospital. Wala kayong dapat pangambahan." Sagot ni Neneng. Nanatiling tahimik si Grayzyl. At napansin ni Neneng na walang reaksyon na makikita sa mukha ng dalaga.

Nakarating ang balita kay Grayson. Maging s'ya ay nagulat sa nangyari sa Hospital.

--------------------------------------------------------------------------

Tuwang tuwa si Grayzyl sa kanyang anak. Bawat araw hindi nila kinakaligtaan ni Neneng na kunan sila ng kanyang anak ng mga larawan. At ang bawat larawan ay nagpapakita ng tunay na s'ya. Masasabing kahawig din ni Grayzyl ang anak.

Hanggang sa 'di inaasahan..

DING DONG DING DONG....

Nagmadaling pinagbuksan ni Manang Mercy ng gate si Graydelle. Nakasakay ang dalaga sa isang van.

"Manang nasaan po si Grayson?" Tanong nito.

"Ah..wala po si Sir. May kaBusiness Meeting po na mga dayuhan. Nasa isang resort po sila eh."

"Ganun ba. Ang bata?"

"Nasa loob po kasama nina Neneng at Yzyl."

Ngumiti naman si Graydelle. Agad s'yang pumasok sa loob. Sumunod si Manang Mercy na dumiretso sa kusina. Palinga linga si Graydelle sa paligid. Narinig n'ya ang tinig ng sanggol na tumatawa sa ikalawang palapag. Alam n'yang nasa balkonahe ang tatlo.

Umakyat si Graydelle at tinungo ang balkonahe.

"Hello, Sis."

Nabigla ang dalawa nang makita si Graydelle.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Yzyl.

"Bakit? Hindi ako pinagbawalan ni Grayson na pumasok dito."

"Wala si Sir Grayson." Singit ni Neneng.

Lumapit si Graydelle at dinuro duro n'ya ng kanyang daliri sa noo ni Neneng.

"Ikaw na pandakekok ka..hindi ikaw ang sadya ko dito."

Tinabig ni Neneng ang kamay ni Graydelle.

"Aba't lumalaban ka!" Walang pasabi sabi na hinila ni Graydelle ang buhok ni Neneng. Kinaladkad nito si Neneng sa labas ng pinto. Nadapa si Neneng sa ginawa ni Graydelle.

"Graydelle! Sigaw ni Yzyl. Hindi n'ya magawang kumilos dahil kalong n'ya ang kanyang anak.

"Isa ka pa!"

PAK

Isang sampal ang ibinigay ni Graydelle sa kapatid. Agad nakabangon si Neneng at sinunggaban si Graydelle at sinabunutan.

"Yzyl, pumasok ka sa loob dalhin mo ang bata!" Utos ni Neneng habang hila hila ang buhok ni Graydelle. Akmang tatakbo sana palabas si Grayzyl..Nang nakita n'yang may mga kalalakihan sa ibaba ng bahay. Mga Kasama ni Graydelle na tumago lamang sa loob ng van.

"Shit!" Hindi na alam ni Grayzyl kung anong gagawin.

Naalala n'ya na merong exit door sa ikalawang palapag. Kaya tumakbo si Yzyl sa pinto.

BLAG! BLAG! BLAG!

"Yzyllllll!!!!!

Napalingon si Yzyl. Nakita n'yang nahulog si Neneng sa hagdanan. Ilang beses gumulong hanggang makarating sa ibaba. Itinulak ni Graydelle. Hindi nagdalawang isip si Grayzyl na dumaaan sa pinto. Natataranta s'ya sa nangyayari. Kailangan makatakas s'ya. Buhat buhat n'ya ang sanggol.

"Habulin n'yo!" Sigaw ni Graydelle.

Samantala, ang ibang kasambahay naman ay ipinasok sa loob ng isang silid. 

Nakakita si Grayzyl ng isang bakanteng kotse. Mabuti nalang ay nasa loob ang susi. Agad sumakay si Grayzyl at pinaandar ang sasakyan. May humarang pa sa kanyang daanan na mga tauhan ni Graydelle..ngunit hindi nila nagawang mapigilan ang dalaga.

BROOOMMMMM

Walang malay si Neneng na nakahandusay sa sahig. Nasugatan ang ulo ni Neneng.

"Sampalin mo ako dali!" Utos ni Graydelle sa isang tauhan.

"Bakit po?"

""H'wag ka nang magtanong! Gawin mo na."

PAK PAK PAK

Agad namumula ang pisngi ni Graydelle. Umiyak si Graydelle at kinuha ang cell phone. Sinubukan n'yang tumawag kay Grayson.

"Gray...HELP! YZYL TOOK MY BABY! SHE RAN AWAY.."

( Anong pinagsasabi mo?! )

"Gray..AKO ANG DONOR MO! MASAMA ANG PAKAY NI YZYL SA ANAK NATIN...KIKIDNAPPIN N'YA ANG BATA!!"

(What?! )

Hindi tinapos ni Grayson ang transaksyon nagmadali s'yang umalis at umuwi sa bahay. Samantala, nagsialisan naman ang mga tauhan. Gawa na may isang van na naghihintay sa di kalayuan ng bahay.

Naiwang mag-isa si Graydelle. Kinalong n'ya si Neneng..

"Neneng gising! Hw'ag mo akong iiwan.." Umiiyak si Graydelle.

----------------------------------------------------------------

Mabuti nalang at nasa malapit lamang na resort si Grayson hindi pa umabot ng 10 minuto ay dumating na s'ya. Inabutan n'yang walang malay si Neneng at pinagtutulungan ng mga kasambahay. May mga iilang tauhan na rin na nasa paligid.

"Nasaan ang anak ko?!" Sigaw ni Grayson.

"Sir, dinala po daw ni Yzyl. May nakakita po na papuntang bayan ang kotseng sinakyan n'ya."

"Damn!" Agad sumakay si Grayson sa kotse. Mabilis ring pinaharurot ang sasakyan.

"Saan n'ya dadalhin ang anak ko? God, this is crazy..si Yzyl may masamang pakay sa anak ko..pero bakit?"

Naisipan ni Grayson na pumunta ng ilog sa park.

Matyaga n'yang nilibot ang buong park. Hanggang nakita n'ya na nasa isang sulok si Yzyl na kalong kalong ang bata. At umiiyak.

"I won't let you go...Mommy won't leave you. No matter what."

"Yzyl!!" Sigaw ni Grayson. Agad lumapit ito at kinuha ang bata sa pilitan.

"Gray...give me my Baby."

Nagsimulang umiyak si Yzyl.

"Gray, ako ang....."

"HULIIN N'YO S'YA!!" Sigaw ni Grayson. Biglang may lumapit kay Grayzyl na dalawang lalaki at sa pilitang isinakay sa isang sasakyan.

"Gray! Let me explain!!!" Sigaw ng sigaw si Grayzyl.

Nagsimula ring umiyak ang bata.

Hindi makapaniwala si Grayson sa nangyayari sa kanila.

"H'wag n'yo s'yang dalahin sa presinto. Iuwi n'yo s'ya sa bahay. Gusto kong malaman kung bakit n'ya ginawa ito sa akin."

----------------------------------------------------------------

Sinunod ang utos ni Grayson. Ikinulong si Grayzyl sa loob ng isang silid. Pumasok si Grayson sa loob at hinarap si Grayzyl.

"Sino ka nga ba talaga?"

Hindi magawang magsalita ni Grayzyl sa takot.

"Damn! Answer me!!"

"I'm GRAZYL. Ako ang EGG CELL DONOR MO."

"You're telling a lie."

"No, I'm not!"

"Shut up! Do you think you can fool me? Yzyl, naging mabait ako sa 'yo. I trusted you. Anong kinalaman ni Neneng sa 'yo?"

Umiiyak si Yzyl.

"Walang kasalanan si Neneng..Ako ang may pakana ng lahat." Halos hindi maunawaan ni Grayson ang paliwanag ni Grayzyl dahil sa pag-iyak nito.

"Gray, believe me..ako ang ina ng bata."

Umiling si Grayson at lumabas sa silid.

"Gray!" Sigaw ni Yzyl.

Dinala sa hospital si Neneng at Graydelle. Bago pa man umalis si Graydelle ay may ipinaabot na isang envelope para kay Grayson. Ibinigay ni Manang Mercy sa amo..

Binasa si Grayson ang isang papel na galing ng fertility Hospital. Na nagsasabing si Graydelle ang EGG CELL DONOR n'ya.

"I am right...Ina ng anak ko si Graydelle."

Sa loob ng silid..tinanggal ni Grayzyl ang kanyang thick eyebrows..thick glasses.. hinubad n'ya kanyang long sleeve polo. Pinalitan n'ya ng t-shirt ang kanyang pantaas.

Pagkalipas ng isang oras..

Muling bumukas ang pinto. Pumasok ang dalawang tauhan.

Nagulat ang mga tauhan nang humarap si Yzyl. Sumama si Yzyl sa kanila na walang kibo.

Nang lumabas sa pinto si Yzyl..nakita s'ya ni Grayson.

Hindi makapaniwala si Grayson sa babaeng lumabas...

"IKAW..."

Muling humikbi si Yzyl...

"I'm sorry...I lied to you.."

Hindi makapaniwala si Grayson..NASA LOOB LAMANG NG BAHAY N'YA ANG BABAENG HINAHANAP N'YA..

"Gray..inuulit ko AKO ANG INA NI ASHTON.."

Umiling si Grayson..Iniabot ang envelope.

Binasa ni Grayzyl..Parang gumuho ang mundo ni Grayzyl nang mabasa..

"No! This is not True...AKO ANG NAGBIGAY SA 'YO NG EGG CELL..HINDI SI GRAYDELLE!!"

Humangulgol ng iyak si Grayzyl. Napaluhod sa sahig ang dalaga. At gayun din si Grayson.

"Yzyl..just accept it." Garalgal na boses ni Grayson.

Umiling si Yzyl.

"Gray..ako naman talaga eh! Believe me.." Hinawakan pa ni Grayzyl ang balikat ng binata.

Hinawakan ng dalawang tauhan si Yzyl at tuluyang isinakay sa sasakyan.

Continue Reading

You'll Also Like

222K 3.4K 37
Meet Aena and Dale. This Story is Made of Fiction. ©March 2020.
255K 3.2K 28
Isang babaeng nagtitiis pakisamahan ang asawa para hindi mahiwalay sa kanyang poder ang kaniyang pamilya,puro mali nalang ang pinupuna sakaniya.Puro...
143K 3.5K 54
What will you do if you end up in someone else body?
115K 1.8K 75
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...