Passionate Obssession [R-18 S...

By rosequeen21_

804K 18.8K 1.1K

WARNING! Rated SPG! This book contains mature themes, strong languages, and scenes which are not suitable for... More

⚠️Author's Note⚠️
💞PROLOGUE💞
☢️CHAPTER 1☢️
☢️CHAPTER 2☢️
☢️CHAPTER 3☢️
☢️CHAPTER 4☢️
☢️CHAPTER 5☢️
☢️CHAPTER 6☢️
☢️CHAPTER 7☢️
☢️ CHAPTER 8☢️
☢️ CHAPTER 9☢️
☢️ CHAPTER 10☢️
☢️ CHAPTER 11☢️
☢️ CHAPTER 12☢️
☢️ CHAPTER 13☢️
☢️ CHAPTER 14☢️
☢️ CHAPTER 15☢️
☢️ CHAPTER 16☢️
☢️ CHAPTER 17☢️
☢️ CHAPTER 18☢️
☢️ CHAPTER 19☢️
☢️ CHAPTER 20☢️
☢️ CHAPTER 21☢️
☢️ CHAPTER 22☢️
☢️ CHAPTER 23☢️
☢️ CHAPTER 24☢️
☢️ CHAPTER 25☢️
☢️ CHAPTER 26☢️
☢️ CHAPTER 27☢️
☢️ CHAPTER 28☢️
☢️ CHAPTER 29☢️
☢️ CHAPTER 30☢️
☢️ CHAPTER 31☢️
☢️ CHAPTER 32☢️
☢️CHAPTER 33☢️
☢️ CHAPTER 34☢️
☢️ CHAPTER 35☢️
☢️ CHAPTER 36☢️
☢️ CHAPTER 37☢️
☢️ CHAPTER 38☢️
☢️ CHAPTER 39☢️
☢️ CHAPTER 40☢️
☢️ CHAPTER 41☢️
☢️ CHAPTER 42☢️
☢️ CHAPTER 44☢️
☢️ CHAPTER 45☢️
☢️ CHAPTER 46☢️
☢️ CHAPTER 47☢️
☢️ CHAPTER 48☢️
☢️ CHAPTER 49☢️
☢️ CHAPTER 50☢️
☢️ CHAPTER 51☢️
☢️ CHAPTER 52☢️
☢️ CHAPTER 53☢️
💞Epilogue💞
Author's Note

☢️ CHAPTER 43☢️

9.1K 221 1
By rosequeen21_

Napabuntung-hininga ako at kinuha ang bag ko sa staff room. Sa wakas, makakauwi na ako at makakausap ko si Krypton.

Buong araw akong hindi mapakali at naiinis kapag naaalala ko ang sinabi ni Alee tungkol sa nangyari kay Doc Mark. Hindi ako tanga para hindi alam na may kinalaman si Krypton at naiinis ako dahil doon.

Oo, alam kong deserve ni Doc Mark na madisiplina dahil sa mga kagagawan niya hindi lang sa akin kundi sa iba pa noon pero hindi tama ang pangingialam ni Krypton.

He’s barging in my workplace. Naiintindihan ko ang magandang pakay niya para sa akin pero sana sa ibang mapayapang paraan. Ayokong ginagamit niya ang pera at kakayahan niya para sa akin dahil pakiramdam ko, ginagamit ko siya. It’s like I’m using him for my own selfish needs.

Sinabi pa sa akin ni Alee ang iba’t ibang kumakalat na chismis na narinig niya. Isa dito ay pinatanggal ko daw sa trabaho si Doc Mark gamit ang impluwensya ni Krypton. Like what the heck?

May nagsabi pa na mayaman pala ang boyfriend ko kaya anytime pwede na akong mag-resign sa trabaho at magpalamon na lang kay Krypton. Nakakapagtaka kung paano nila nalaman ang background ni Krypton. Ganon ba sila kabilis mangalap ng impormasyon?

At ang pinakamalupit na nanggigil sa akin ay gagamitin ko daw ang impluwensya ni Krypton para ma-promote at makamit ang gusto kong posisyon.

Malutong na pakshet ang pinakawalan ko nang matapos sabihin ni Alee ang lahat ng mga nakalap niyang chismis. Ang bilis talagang kumalat ang mga haka-haka. Biruin mo, isang gabi lang ang lumipas pero grabe na ang kinalabasan ng kwento.

“Twilight, sinabi ko lahat ng nalaman ko para aware ka pero huwag kang magpapa-apekto sa sinasabi nila. Alam mo ang sarili mo at kilala kita.” Sabi ni Alee at kahit papaano kumalma ako at pinagpaliban muna ang mga ito at nag-focus sa trabaho.

I barely got through the day. First time kong magpasalamat na madami pasyente namin kaya saglit kong nakalimutan ang problema ko at hindi namalayan na uwian na.

Alam kong madaming version na ng kwento ang lumakbay at wala na akong magagawa doon. Peope will believe what they want to believe. Pero mabigat pa rin sa pakiramdam ko na unti-unting nasisira ang reputasyon ko dahil lang sa mga haka-haka.

I checked for all my things, making sure I’m not leaving anything behind.
Nakapag-endorsed na din ako ng maayos at akmang aalis na ako nang tumunog ang phone ko. Nag-text si Krypton.

Some things needing immediate attention came up suddenly. Si Mang Kanor ang susundo sayo ngayon. He’s on his way now.

Aissh. Marahas akong napabuga ng hangin at hindi nagustuhan ang nabasa ko. Mukhang male-late siya ng uwi at mapapatagal ang pag-uusap namin.

“Miss Medina?”

Napatingin ako sa nagsalita at nakita si Chief na nakatayo sa harapan ko.

“Oh, Chief.  .  . ” kinabahan tuloy ako. Naalala ko ang huling pagtatagpo namin sa office niya nang pintawag niya ako sa utos ni Krypton. Nahihiya tuloy ako sa kanya at humingi na ako ng paumanhin pero hindi ganon kadaling kalimutan. He’s my boss at work and I value professionalism. Hindi ko na alam kung paano haharap sa kanya dahil sa ginawa ni Krypton noon. Ayokong umiba ang paningin at pagtrato ni Chief sa akin dahil sa impluwensya ni Krypton.

“Pwede ba kitang makausap saglit?” seryosong tanong ni Chief at napalunok ako sa kaba.

“Uh, yes, sure Chief.”

Ngumiti siya at nagsimulang maglakad papunta sa opisina niya at sumunod lang ako kahit na ang bigat ng pakiramdam ko. I have a bad feeling about this.

Siguradong nakarating na sa kanya ang nangyari kay Doc Mark at ang chika na may kinalaman ako doon.

Nang  makapasok kami sa opisina niya, pinaupo niya agad ako sa upuan na nakaharap sa mesa niya.

“Pasensya na kung ngayon lang kita pinatawag, kung kailan pauwi ka na.” panimula ni Chief pagkatapos niyang umupo sa swivel chair niya at humarap sa akin. "Katatapos lang kasi ng meeting namin."

“Okay lang po, Chief. Hindi naman po ako nagmamadali.” Hindi na kasi busy pa si Krypton.

Tumango si Chief at tumikhim bago nagsalita ulit. “Okay so, uhm. Pinatawag kita dahil—”

“Sorry po, Chief.” Inunahan ko na siya at humingi ako ng paumanhin habang nakayuko ang ulo. “I deeply apologize for what happened. Hindi ko po alam kung anong klaseng kwento na ang nakarating sa inyo pero humihingi po ako ng dispensa sa nangyari.”

“Hija,” mahinahong tawag ni Chief sa akin at napaangat ako ng tingin.

Nakangiti siya sa akin at walang bakas na galit sa mukha niya. “wala kang dapat ipagpaumanhin. Napag-usapan na namin sa meeting kanina ang nangyari. The board agreed to the dismissal of Dr. Jimenez due to a few reasonable reasons.”

“Pero sabi po nila—”

“Huwag kang mag-alala, Miss Medina. The rumors are just rumors. Huwag kang magpapa-apekto dito. You’re one reliable member of my staff and I know that.” Matatag na sabi ni Chief at kahit papaano nakahinga ako ng maluwag. I thought he would already be thinking of me as a gold-digger, unprofessional or something.

“But that’s not what I want to talk about with you.” Dagdag ni Chief at nagtaka ako.

Tinignan niya ako sa mata at hindi nag-alinlangang nagsalita, “I want you to consider taking my position.”

“P-po?” Ang lakas ng kabog ng dibdib ko at hindi makapaniwala sa narinig ko. Did I hear it correctly?

Ngumiti si Chief at nagpatuloy, “Miss Medina, I’m telling you personally that I would like you to consider taking over my position. I’ll fully give my recommendation to the—”

“W-wait lang po.” Naguguluhan akong napakurap ng ilang beses. He’s offering me the position as Chief Raiologic Technologist? Is he damn serious?

“Alam kong biglaan ‘to pero napag-usapan din namin sa meeting kanina tungkol sa nalalapit kong retirement,” Chief leaned forward to show how serious he is. “kaya sinasabi ko sayo—”

“Pero Chief, bakit po ako? I mean.  .  .” hindi ko mahanap ang tamang salita para ipaliwanag ang kaguluhang nagaganap sa utak ko ngayon. Dalawang taon pa lang ako dito at madami pa akong kailangang matutunan tungkol sa iba’t ibang aspeto ng departamento namin.

“Kayo ni Miss Sanchez ang pinakamatagal na nagtrabaho dito kaya kayong dalawa ang sinabihan ko na pero tumanggi na si Miss Sanchez so that leaves you as the only option.”

Hindi na ako nagulat na tumanggi si Alee dahil may balak kasi talaga siyang mag-abroad. Walang tumatagal dito dahil mostly, nag-aabroad na sila pagkalipas ng ilang taon.

Natahimik ako at hindi makasagot. Ang daming tanong na tumatakbo sa isipan ko at hindi ko nagugustuhan ang pinatutunguhan nito. Bakit biglaan? At ngayon pa talaga kung kailan alam na ng buong hospital na maimpluwensya ang boyfriend ko?

Narinig ko ang boses ni Chief na nagsalita ulit. “I know this is so sudden but please think about it.”

***

Wala sa sariling naglakad ako palabas ng hospital habang iniisip ang offer ni Chief kanina. Nag-oover think na ako at hindi ko mapigilang isipin na baka may kinalaman ulit si Krypton dito.

“Ma’am.” Dinig kong tawag ni Mang Kanor sa akin nang muntikan ko na siyang malampasan dahil abala ako sa pag-iisip.

“Mang Kanor, dalhin mo muna ako sa opisina ni Krypton.” Sabi ko agad nang pumasok kami sa sasakyan.

“Sige po, Ma’am.”

Nagmaneho siya agad at maya-maya pa ay inihinto niya ang sasakyan sa harap ng malaking gusali na may malaking signage sa harapan: Ferrante Group

Huminga ako ng malalim bago lumabas ng kotse at naglakad papasok ng building. I've been here before so I know a bit about the place. Diretso akong naglakad papunta sa private elevator pero pinigilan ako ng receptionist.

“Ma’am, kakaalis lang po ni Sir Ferrante.” Imporma niya sa akin na ikinagulat ko.

“Ha?”

“May biglaan po kasing lakad kaya nagmamadali siyang umalis.”

Aissh. Great timing.

Saktong tumunog ang phone ko. Tinignan ko ito at nakitang tumatawag si Krypton.

Agad ko itong sinagot at balak siyang tadtarin ng mga tanong pero inunahan niya ako sa mahinahong boses niya.

“Twilight? I’m sorry I won’t be coming home tonight. May mga kailangan pa akong ayusin kaya bukas ako makakauwi. Will you be okay?”

I’m not okay at the moment.

Hindi ako sumagot agad at marahas na napabuga ng hangin. My annoyance spiked up and it’s not helping that I wouldn’t be able to see him tonight and talk to him.

“Twilight?” nag-aalalang tawag sa akin ni Krypton sa kabilang linya.

Napabuntung-hininga ako. “Okay. See you tomorrow.”

Agad kong pinatay ang tawag at inis na inihilamos ang palad sa mukha.

Aissh!

Mukhang hindi ko siya makakausap ngayon at naiinis na ako. Gusto ko kasing  sa personal kami mag-usap but I don't think now is a good time to talk to him especially now that he's very busy with work.

Bumalik agad ako sa sasakyan at umuwi na kami sa bahay. Nagshower ako at humiga sa kama habang malalim na nag-iisip.

Hindi pa rin mawala sa isipan ko ang mga narinig kong chismis tungkol sa akin. Madaling sabihin na huwag magpapa-apekto pero nahihirapan ako.

I love my job and keeping a healthy workplace is a must for me. Ayokong magtrabaho sa isang workplace na hindi maganda ang reputasyon ko. Ang pangit sa pakiramdam na nakakarinig ng mga haka-haka habang nasa trabaho.

My irritation is getting worst and I realize it’s because my period is near. I’m hormonal at the moment.

Kailangan ko ng distraksyon sa oras na ito. Mababaliw ako kakaisip kung hihiga lang ako dito at tutunganga sa kisame.

I reached for my phone and dialed my best friend.

Sumagot siya sa pangalawang ring. “Alee, tapos ka na ba sa lakad mo?” Nauna kasi siyang umuwi kanina dahil may kailangan siyang i-process.

“Yeah,” dinig ko ang pagod sa boses niya. “kapagod nga eh, tas gutom pa ako.”

“Labas tayo.”

“Tara!” bumalik ang sigla sa boses niya at napangiti ako. We’re perfect together at times like this.

“Wait lang, Twilight, magbibihis lang ako. Sunduin na kita. Saksakyan ko gamitin natin.”

“Sige, sige. Hintayin kita dito.”

We ended the call and I immediately changed into jeans and sweatshirt. At least, makakapag-relieve ako ng stress ngayon.

Lumabas ako ng bahay at agad na naglakad papunta sa gate.

“Ma’am, aalis po ba kayo?” tanong ni Manong Guard nang makita niya ako.

“Ah, oo, lalabas lang kami ng best friend ko.”

Napakamot ng batok si MAnong Guard. “Uhm.  .  .  utos po kasi ni Sir Ferrante, hindi kayo pwedeng palabasin.”

What the.  .  .

---

Continue Reading

You'll Also Like

617K 15.3K 35
"Kitty please get out of the way. Or else-" "Or else what?" I was confident in myself. "Fine. You asked for it." With that he picked me up bridal sty...
13.4K 300 13
Clarkson Cousins Series #2: Aidan Gavin Clarkson 🔞WARNING: MATURED CONTENT🔞 "A-Ano ba?! Bi-bitawan mo nga ang kamay ko!!! U-Umalis ka nga sa i-ibab...
42K 611 62
My name is Skylar Winston. I am 15 years old. Before you ask, yes my brother is Dallas Winston. He is a nice guy once you get to know him. But wh...
129K 5.5K 44
"He can die 'cause we haven't had sex?" I say as the weight of what she's just told me hits me like a ton of bricks. "The longer the Alpha stays in t...