One shots Revealed

By imbethqui

1.1K 60 43

Entries na ipinasa ko sa iba't ibang contest dito sa Wattpad. More

Author's Note
The Lady in Shining Armor: Monte Carlo High [Audition Piece]
Tristan [Round 1: Know Your Genre]
Khione [Round 4: Do It Your Way]
Lucy [Final Round: Collaboration]
Lara (Mystery/Thriller Community PH Halloween wricon)
Ivan (PNY12)
Miden (Catharsis 2 audition entry)
Celine (Catharsis 3 auditions)
After AC01043000 [Inkdom's First Community Event]

Imyel [Round 3: Story of My Life]

118 7 6
By imbethqui

A/N: Based on the theme, this is one incident in my life that I will not forget. This happened to me and to the rest of my teammates in my current job. Well, not literally. Trust. Envy. Betrayal. Rumor. Lie.

The title should have been Emily, but for some weird reason, I jumbled the letters thinking that during that time, the title will be shown during the posting of entries. Baliw lang.

**************

Special Class. Ito ang grupo ng mga estudyante na pinili para mag-review at hasain para kumuha ng entrance examinations sa apat na pinaka-prestihiyosong unibersidad sa bansa. Ang resultang makukuha nila ang magiging basehan ng rating ng high school na pinagmulan nila. Sa Bria High School, sampung estudyante ang napili ngayong taon mula sa class 4-A para makabilang sa Special Class.

***

"Dalawang linggo na lang!" 

"Manlilibre ka ba after two weeks, Cher?" Biro ni Toni sa kaibigan.

"Wala akong pera, no! Masaya lang ako kasi matatapos na itong Special Class na 'to."

"Ayaw mo ba'ng nasa Special Class ka? Maswerte nga tayo kasi tayo ang napili. Maraming estudyante ang gustong mapunta dito. Biruin mo, libre na ang review natin." 

"Korek ka diyan, Jess! Pagkaka-alam ko, nasa twenty thousand pesos ang review para sa entrance exams ngayon, eh. Sa atin, libre na!" Nag-apir pa ang magkatabing sila Melanie at Jess.

"Bilisan niyo na lang ang lakad, pwede? Baka inaantay na tayo ni Teacher Lene." 

"Hungry for knowledge na naman, Niel?" Pabirong sabi ni Emily at nagtawanan sila habang lumalakad papunta sa kwarto ng Special Class sa fourth floor ng kanilang building. 

Narating na nila ang kanilang kwarto at napansin nilang nakabukas ang pintuan nito. Tahimik silang pumasok sa kwarto at tinignan ang upuan sa harapan.

"Good afternoon, Teacher Lene." Mahinang bati ni Amanda. 

"Sorry po, late kami." Paghingi ng paumanhin ni Lisa.

Nagtaka sila nang wala silang nakuhang sagot mula sa guro na nakaupo sa swivel chair na nakatalikod sa kanila. Nanatili silang nakatayo sa may pintuan ng kwarto at nag-antay na magsalita ang kanilang guro. 

"Teacher Lene?" Pagtawag ni Eli sa guro.

"Padaan nga, titignan ko siya." Pinadaan nila ang kaklaseng si Macky at dumiretso ito sa harapan para tignan ang lagay ng kanilang guro. Iniikot niya ang swivel chair at nanlaki ang mga mata niya sa nakita niya.

"AAAAAHHHHH!!!" Nag-tilian ang ilang babae at tumakbo palabas ng kwarto. Sumunod naman ang iba at iniwan ang duguang katawan ng kanilang guro sa swivel chair nito.

 *** 

"Sabay-sabay po kaming pumunta doon pagkatapos ng huling klase namin." Paliwanag ni Macky sa kanilang Principal. Doon sila dumiretso pagkalabas nila ng Main Building para ipagbigay-alam ang nakita nila.

"Wala ba kayong nakitang lumabas sa kwarto na iyon bago kayo dumating doon?"

Umiling silang lahat. Wala silang nakitang lumabas mula sa kwartong iyon at sila lang ang pumasok. Basag ang ulo ng kanilang guro at duguan siya. Walang bagay na maaaring ginamit para patayin siya. Ang tanong nilang lahat ay kung sino ang gumawa nito sa kanya at bakit?

"Principal, nandito na po ang mga pulis." Tawag ng isang guro sa kanilang Principal.

"Okay, susunod na ako." Tumayo siya mula sa kanyang upuan at tinungo ang pintuan. Ngunit bago siya lumabas ay nilingon niya ang mga bata at tinignan isa-isa. "Walang lalabas ng opisina ko."

"Ano ba'ng nangyayari? Bakit hindi pa tayo pwedeng umalis?" Maluha-luhang tanong ni Amanda sa mga kasama.

"Sino'ng pwedeng gumawa noon sa kanya? Mabait naman siyang teacher, mabait na tao." Niyakap ni Lisa si Amanda at tumulo na pareho ang kanilang mga luha.

"Ang sabi nila, kabit daw siya. Baka 'yung totoong asawa ang pumatay sa kanya?"

"Eli, bakit ganyan ka mag-isip?! Kung wala kang pruweba, hindi totoo ang mga balitang 'yan! Namatay na nga 'yung tao, chismis pa rin ang iniisip mo!" Tumayo si Emily at kumuha ng tubig mula sa dispenser.

"Guys, 'wag naman kayo magtalo, please? Lahat tayo gusto nang umuwi, natatakot na ako." Mahinang sabi ni Cher at isinandal niya ang ulo niya sa balikat ni Niel. Tahimik na tumayo si Niel at kinuha ang basong pinag-inuman ni Emily at kumuha ng sarili niyang tubig.

"Paano na ang Special Class? Siya lang ang humahawak ng Special Class simula ng magkaroon ng ganitong program ang Bria High School." Nagsalita sa unang pagkakataon si Cresta.

"Saka na natin pag-isipan ang Special Class. Nawalan tayo ng mabuting teacher, para na siyang nanay sa atin. Bakit may gagawa nito sa kanya?" Tumayo si Macky at tumingin sa labas ng bintana. Tanaw niya ang ambulansya at police car sa labas. Nakita din niya ang katawan ng kanilang guro na nakatakip ng puting kumot na isinakay sa ambulansya.

"Ano pa ba'ng kailangan nila sa atin?" Inip na tanong ni Jess.

***

"Siya si Mr. Joseph Arcega. Siya ang bago niyong Special Class teacher at hahawak sa inyo sa susunod na ilang araw. Maging mabait kayo sa kanya." Lumabas din agad ang Principal pagkatapos ipakilala sa mga bata ang bago nilang Special Class teacher. Tahimik lang ang lahat. Nilipat na sila ng bagong classroom kinabukasan dahil kasalukuyan pa ring sarado ang kwarto kung saan nakita ang bangkay ng pumanaw nilang guro. 

"Okay, class! Good afternoon!" Masaya nitong bati sa klase. "Bago tayo magsimula, I would want to extend my condolences to your departed Special Class teacher. I've heard you guys were quite close. Pero 'wag kayong mag-alala, I'm also knowledgeable and friendly like her. Matutulungan ko pa rin kayong makapasa sa mga exams niyo." He smiled at them but got no good response out of it. "Bago tayo magsimula ng klase, gusto ko kayong makilala. Tell me your name and the university that you want to attend next year when you go to college." He pointed at the first student on his left.

Isa-isang nagpakilala ang mga estudyante at dumiretso na sila sa kanilang unang klase kasama ang kanilang bagong guro. Malungkot pa rin ang lahat dahil sa pagkawala ng dati nilang guro kaya hindi sila masyadong makapag-focus sa itinuturo sa kanila.

"Kaya kahit ano'ng method ang sundin niyo-- the long or the short cut, you will still get the same answer. Got it?" Humarap ang guro mula sa white board at tinignan isa-isa ang mga estudyante niya. 

"Question lang po. So kung 'yung unang method ang gagawin ko, okay lang po 'yun?" Tanong ni Toni. 

"Oh my Gods. Kakasabi lang ni Teacher. Paulit-ulit?" Pabulong na sabi ni Emily mula sa likod.

"Emily, hindi lahat nakukuha agad ang lesson kagaya mo. Hayaan mo na." Bulong sa kanya ng katabing si Niel. Nagbuntong-hininga lang ang kausap at nagsulat sa notebook nito.

***

Natapos na ang unang araw nila kasama si Mr. Arcega at sabay-sabay na silang lumabas ng campus. Kinagabihan, sa bahay nila Emily, nakita niya ang mga notes niya dati na pinag-aralan nila sa Special Class kasama si Teacher Lene.

"Be very careful on who you trust, Emily." Naalala niyang sinabi sa kanya ng yumaong guro ilang araw bago ito mamatay. Hindi niya pinansin ang sinabing iyon ng guro, ngunit ngayon lang niya ito napag-isipan muli. Ano'ng gustong sabihin sa kanya ng guro? Babala ba ito?

Kinuha niya ang cellphone niya at nag-text sa mga kaibigan.

[miryenda tau 2mrw sa McJolli after Special Class! dala na lang kau xtra money]

Sumang-ayon naman ang mga kaibigan niya sa plano at tuluyan na siyang nalibang sa pag-te-text. Nawala na ulit sa isip niya ang paalala ng guro tungkol sa pagtitiwala sa ibang tao.

***

"Wow, Melanie! Ang ganda naman ng bago mong gupit!" Pagbati ng mga kaklase niya sa kanya. May labinglimang minutong pagitan ang Math at Filipino classes nila kaya pwede silang mag-usap, pumunta sa banyo o sa canteen sa oras na ito.

"Salamat! Nakita ko lang kasi ito sa magazine, sinubukan ko lang kasi nagandahan ako sa itsura nung artistang ganito 'yung gupit." Umikot-ikot pa ito at nag-pose pang parang model sa harap ng mga kaibigan. 

"Guys, nakita niyo ba si Lisa? Babayaran ko kasi sana siya dun sa polvoron na binili ko sa kanya kahapon, eh." Tanong ni Jess sa mga nagkakatuwaang babae.

"Ako nga din magbabayad sa kanya." Dagdag ni Cher.

"Parang nakita ko siyang lumabas kanina, pagtunog nung bell. Baka nag-CR?" Sagot ni Amanda.

"Baka nga. Puntahan ko na, mag-CR din naman ako." Tumayo mula sa upuan niya si Cher at lumabas ng kwarto.

Nagpatuloy sa pag-uusap ang makakaibigan nang makalipas ang ilang minuto ay hinihingal na pumasok sa kwarto so Macky at tumingin sa mga kaibigan. Tumigil ang lahat sa kung anumang ginagawa nila at tumingin sa kanya.

"Si Lisa..."

***

"Ano ba... Ano ba'ng nangyayari sa atin?" Takot na tanong ni Jess sa mga kaklase habang nakatayo sila sa labas ng Girls' Restroom. 

"Friend, hindi ko din alam. Natatakot na din ako." Sagot sa kanya ng kaninang masayang si Melanie.

"Bakit si Lisa pa? Wala naman siyang ginagawang masama..." Hindi matigil sa pag-iyak si Amanda habang nakayakap siya kay Emily. 

"Ano ba'ng nangyari, Cher?" Tanong ni Eli sa kaklase.

"Pumasok lang ako dito... Sabi kasi nandito siya nung break... Tinawag ko 'yung pangalan niya, pero hindi siya sumasagot... Kaya sinilip ko 'yung mga cubicle... Tapos... Tapos..." Hindi rin mapigilan ni Cher ang pag-iyak dahil sa magkahalong takot at lungkot sa sinapit ng kaibigan nila. 

"Galing kasi ako sa CR ng Boys, eh 'di ba magkatabi lang naman 'yan ng konti? So paglabas ko, nakita ko si Cher na nakaupo sa sahig, umiiyak at nanginginig. Pinasok ko siya sa loob tapos dun ko nakita si Lisa sa loob ng cubicle. Para siyang sinakal. Sinakal siya gamit 'yung sarili niyang kwintas." Napa-iling na lang si Macky sa nangyari at pina-alis agad sila sa lugar na iyon nang dumating ang mga taga-Admin kasama ang mga Paramedics.

"Hindi na nakakatuwa 'to. Kamamatay lang ni Teacher Lene, ngayon, si Lisa naman!" Pabagsak na umupo sa silya niya si Emily. 

"Oo nga. Hindi pa nalulutas 'yung kaso ni Teacher Lene, may isa na naman." Pagsang-ayon ni Cresta.

"Ano ba 'to, gusto ko nang mag-drop out. Nakakatakot na dito sa Bria." 

"Hindi tayo pwedeng umalis, Jess. Isipin mo na lang, isang buwan na lang, graduation na." Pagpigil sa kanya ni Cher.

"Oo nga, tama siya. Konting tiis na lang, guys. Mag-ingat na lang tayo palagi." Kalmadong sabi ni Niel.

"Madali lang kasi sabihin 'yan para sa'yo, Niel. Ang laki mo kasing tao, kaya mong ipagtanggol 'yung sarili mo. Ikaw saka si Macky, eh paano naman kami?" Alalang sabi ni Melanie.

"Edi sama-sama tayo. Walang aalis mag-isa, ganun. Kung may magpupunta sa CR, tatlo kayo. Saka kung aalis man ang isa sa atin, magsabi na lang sa iba kung saan pupunta para may alam sa atin kung saan ka hahanapin." 

Umayon ang lahat sa sinabi ni Macky at hindi na nga sila nag-hiwa-hiwalay kung hindi kailangan. Sabay-sabay ulit silang pumunta sa Special Class at nandoon na agad si Teacher Joseph pagdating nila. 

"Hi, guys! Oh? Bakit parang ang lulungkot niyo na naman? May surprise quiz ba kayo kanina sa huling subject niyo?" Umupo lang silang lahat ngunit walang sumagot sa tanong ng guro. "Okay lang ba kayo? Nasaan nga pala si Lisa? Nag-CR ba siya?" 

"Wala na po siya, Teacher Joseph." Matipid na sagot ni Eli. He deserved to know. Estudyante niya din naman si Lisa kaya dapat niyang malaman.

"What? What do you mean 'wala na siya'?"

"Patay na po siya, Teacher."

"What?! You guys stay here, okay? I'll just check with the Admin. Give me two to three minutes." At mabilis na lumabas ng kwarto ang guro. 

"Si Lisa... Close sila ni Teacher Lene..." Bulong ni Cher habang nakatingin sa whiteboard.

"So? Iniisip mo ba'ng konektado 'yung mga kaso nila?" 

"Hindi ba sumagi sa isip mo 'yun, Emily?"

"That's illogical. Paano magiging related 'yun, estudyante si Lisa at teacher si Teacher Lene!"

"Paano kung may alam sila na hindi natin alam?"

"Ano? Ano ba'ng sinasabi mo dyan?"

"Kasi guys, 'di ba, medyo close kasi si Lisa kay Teacher Lene. Hindi niyo ba napapansin 'yun?" Pagsali ni Toni sa usapan.

"Lagi lang bumibili si Teacher Lene kay Lisa ng mga dessert, close na agad?" Pagtatanong ni Melanie.

"Ganun na sila unang linggo pa lang ng Special Section--"

"Tama na guys, pwede? Ano ba 'yan, we're talking about dead people here. Respeto naman." Pag-awat ni Jess sa mga kaibigan. "Lagi na lang ganito ang nangyayari tuwing may namamatay, pwede ba itigil niyo na 'yang kaka-chismis niyo?" 

"Okay!" SI Teacher Joseph ang bumasag ng diskusyon nila. "I'm sorry about your loss. Again. This must be hard on your part, losing a classmate and a friend. But guys, we still need to continue. We still have our lives to live. I'll start the discussion, ask me questions anytime, okay?" 

***

"Ang ganda naman ng ayos ng buhok niyo!"

"Oo nga, kayo lang nag-ayos niyan?"

"Pwede din ba kami magpa-ayos ng ganyan?"

Nagkakatuwaan ang class 4-A after lunchbreak kinabukasan. Dahil sama-sama na kumain ang Special Class, lahat ng ginagawa nila, halos pare-pareho na. Gaya ng pag-aayos ng buhok ni Jess. 

"Girl, si Jess ang gumawa nito sa amin. Sabay-sabay kasi kami kumain kaya nung natapos kami, ito, inayusan niya kami lahat na mga girls." Pagbibida ni Melanie sa itinuturing niyang best friend na si Jess sa mga kaklase nila.

"Ang ganda ng gawa niya kay Cresta, oh! Jess, ayusan mo din ako ng buhok! Please?"

"Sige, sige, pero bukas na lang kasi wala na tayong time today. Okay lang ba? Magdala na lang kayo ng mga panali niyo sa buhok para kumpleto gamit bukas." Nakaupo na rin si Jess sa wakas nang mag-alisan na ang iba nilang kaklase sa upuan niya.

"Taray mo, friend, dami mong customer!" Biro sa kanya ni Cher.

"Loka ka. Kayo kasi, kung anu-ano pinapagawa niyo sa akin, ayan tuloy!"

"Guys, meron pala akong dalang cookies. Binili ko sa canteen kanina." Ipinasa ni Toni isa-isa ang mga nakabalot na cookies mula sa bulsa niya papunta sa ibang kaibigan na nasa kabilang side ng classroom. Nagpasahan sila ng cookies hanggang sa lahat ay makakain na.

"Wala na ba?" Bulong ni Eli na nakaupo sa dulo ng row.

"Uy, wala na daw ba sabi ni Eli?" Tanong ni Melanie sa katabi.

"Friend, wala na daw bang cookies?" Tanong ni Jess sa katabing si Emily.

"Ano ba'yan, para cookies lang. Bigay nga lang, hihirit pa. Dead hungry." Pabirong bulong ni Emily sabay kalabit sa katabi. "Meron pa daw ba?"

"Oy, narinig ko 'yun, ha!" Tumayo si Eli mula sa upuan niya at tumitig ng masama kay Emily. "Nagtanong lang, dead hungry agad?!" Nagulat si Emily sa reaksyon ng kaibigan at napataas ng bahagya ang kilay niya. 

"Pwedeng joke lang 'yun, Eli?" Ang OA ng reaction mo, ha?

"Kung makapag-comment ka kasi, Emily, nakaka-offend. Alam ko, mahirap lang ako at panay hingi ako sa inyo ng pagkain, pero hindi naman dahilan 'yun para pagsalitaan mo ako ng ganyan!"

Itinaas ni Emily ang dalawang kamay niya sa pagsuko. Tumigil na siya sa pagsasalita at tumayo mula sa upuan niya. Ayaw niyang patulan ang ganitong klase ng usapan kaya naisipan niyang lumabas muna ng kwarto at pumunta sa Girls' Restroom.  

"Niel, Macky, bakit nandito kayong lahat sa labas? Wala na ba'ng History?" Tanong ni Emily sa mga kaibigan nang makabalik na siya galing sa Girls' Restroom. Lahat ng mga kaklase niya ay nasa labas ng kwarto at may ilang umiiyak. May nakatayo lang sa gilid at ang iba'y nag-uusap sa mga sarili nila. Ano na naman ang nangyari?

"Si Eli kasi, Emily." 

"Bakit, Niel? Ano'ng nangyari kay Eli?" Biglang nakaramdam ng kaba at takot si Emily sa dibdib niya. Sa mga nangyari nitong nakaraang araw, alam na niya ang ibig sabihin ng ganung tono ng pagsasalita ng mga kaibigan. Agad niyang tinungo ang kwarto nila at hindi na siya nakatuloy dahil sa hinarang na siya ng History teacher nila sa pintuan pa lang.

Hindi na niya kailangang pumasok pa dahil nakita na niya ang nangyari sa kaibigan. Nakahiga ito sa sahig at may bula ang bibig. Sa itsura niya, mukhang wala na siyang buhay. Nakatitig lang dito si Emily at hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyari. Naramdaman na lang niya ang isang kamay na humatak sa braso niya palayo sa kwarto nila.

"Paglabas mo, nagsalita pa siya ng comment niya tungkol sa 'yo, eh. Tapos maya-maya nanahimik siya tapos parang hindi na makahinga. Nahulog siya sa upuan niya at napahiga sa sahig. Doon na siya nanginig at lumabas na 'yung mga bula sa bibig niya." Pag-kwento ni Melanie nang itanong sa kanya ni Emily ang nangyari simula nang lumabas siya.

"Nalason siya?" Tanong ni Emily sabay tingin kay Toni.

"Teka, lahat kayo binigyan ko ng cookies. Sa canteen ko 'yun binili at kumain tayo sabay-sabay nun! 'Wag mo akong titignan ng ganyan." Depensa ni Toni sa sarili.

"I'm not saying anything."

"You we're going to say something!"

"Tama na, pwede ba? Gosh, lagi na lang! Paulit-ulit na 'to, naririndi na ako sa ginagawa niyo!" Lumakad palayo sa grupo si Jess at sinundan siya ni Melanie. Nasa labas lang sila ng Main Building habang hinahanapan sila ng kwartong malilipatan para maituloy ang mga klase nila para sa araw na ito.  

***

Nang sumunod na araw, unti-unting nararamdaman ng Special Class ang pag-iwas sa kanila ng kanilang mga kaklase. Wala nang ibang bumabati sa kanila, hindi kagaya dati. Bukod sa pag-iwas, masamang tingin din ang ibinabato sa kanila ng ibang estudyante. Malamig na rin ang pakitungo sa kanila ng karamihan, kahit ang mga guro nila.

"Ano'ng problema ng mga tao?" Tanong ni Amanda, pagpasok niya sa unang klase nila.

"May sumpa daw tayo, 'yang ang kumakalat ng balita sa buong Bria ngayon." Pagsagot ni Cresta.

"Sumpa?"

"Kasi 'yung mga namamatay daw lahat galing sa Special Class-- mula teacher hanggang sa mga estudyante. Iniisa-isa na daw tayo, kaya sila lumalayo sa atin. Baka daw madamay pa sila." 

"Naniniwala ka ba 'dun, Macky?"

"Amanda, kung maniniwala tayo 'dun, 'wag na lang tayong pumasok. 'Wag na tayong mag-aral or umalis tayo sa Special Class. Kung ako lang, kaya ko naman pumasa sa entrance exams ng mga university na 'yun kahit walang review. Eh, pinilit ako ng ermats ko na tapusin ito nung natanggap niya 'yung notice sa mga parents noon nung nakuha ako sa Special Class." 

"Edi ikaw na makakapasa sa entrance exams kahit walang review." Pagpuna sa kanya ni Toni.

"Kaya ko naman talaga, eh. Hindi sa nagyayabang ako o ano, sinasabi ko lang na kaya ko. Nagiging positive lang ako, guys, 'di ba 'yun ang turo sa atin ni Teacher Lene noon?"

"Wala na siya! Pwede 'wag na natin siya pag-usapan? Nakakatakot, eh." Napapikit si Cher sa pagbanggit sa pangalan ng dati nilang guro.

"Mukhang tayo tayo na lang talaga ngayon." Sabi ni Niel sa mga kaibigan. Nagkatinginan sila at pinakiramdaman ang isa't isa.

***

"AAAAHHH!!!" Ilang sigawan ang narinig sa campus grounds. PE day nung araw na 'yun at palabas pa lang ng Gym ang ilan sa mga kasali sa Special Class. Nagkagulo ang mga estudyante ng Bria High School sa nakitang dalawang katawan ng estudyante sa harapan ng Main Building.

"Emily! Macky!" 

"Ano 'yun?" Tanong ni Emily sa isa nilang kaklase. Nagliligpit pa sila ng mga volleyball na ginamit nila sa PE class nila.

"Si Jess at Melanie! Sumunod kayo sa akin, dali!" Nagmadaling lumabas ang dalawa at sumunod sa kaklase. Makapal na ang tao sa harap ng Main Building at nagulat sila nang makita nila ang katawan nila Jess at Melanie na duguan sa sahig.

"Ano'ng nangyari dito?!" Nangibabaw ang baritonong boses ni Macky.

"Amanda! Ano'ng nangyari?!" Niyugyog ni Emily ang tulalang kaibigan.

"Nahulog sila mula sa fourth floor." Malamig na sagot ni Cresta. Napatakip ng bibig si Emily at napasuklay ng buhok si Macky out of frustration. Hindi na ba titigil ito?

"Toni! Cher!" Pagtawag ni Niel sa dalawa na palabas ng Main Building. Luhaan ang mga mata nila at tulala sila habang palapit sa iba nilang kaibigan.

"Saan kayo nanggaling?! Alam niyo ba ang nangyari kina Jess at Melanie?!" 

"Macky! 'Wag mo silang sigawan, please!" Pag-awat ni Emily sa lalaki.

"Ang sabi kasi nila doon na kami sa CR sa taas magbihis after PE. Bumili lang ako ng tubig sa canteen tapos pag-akyat ko, wala naman sila doon." Mahinang kwento ni Toni.

"Ano ba'ng nangyayari sa atin??? Sino ba'ng gumagawa nito?" Napaluhod sa sahig si Cher at humagulgol. Nilapitan siya ni Emily at pinilit pakalmahin. 

"Special Class na naman..."

"Balita ko, may sumpa daw ang Special Class..."

"Parang ayoko na tuloy maging Special Class next year, nakakatakot..."

"Tumigil kayong lahat!!!" Sigaw ni Macky sa mga estudyanteng nagbubulungan sa paligid nila. "Wala kayong alam! Wala!" Hinatak niya ang mga kaibigan at pumasok na sila sa Main Building.

***

"If there's something you want to tell us, this is the best time to say it." The Principal stood beside Teacher Joseph in the Special Class room. Walang sumagot at sobrang tahimik lang ng mga estudyante. Lumuluha pa rin sina Amanda at Cher, si Toni naman ay tulala lang, habang sila Cresta at Emily ay abala sa pagsusulat ng kung ano sa mga notebook nila. Sina Niel at Macky naman at tahimik lang na naka-upo sa likuran ng klase.

"Guys, I understand you're going through a hard time. We want to help."

"Itutuloy pa ba natin itong Special Class na 'to, Principal?" Nagtanong si Amanda makalipas ang ilang minutong katahimikan.

"Of course, Amanda. Why did you ask that?"

"Itutuloy pa rin kahit isa-isa na kaming namamatay?!" Tumingin ito ng masama sa Principal.

"You don't believe that rumor, do you? You are all here because you're the brightest in your class. Maraming gustong makapasok sa Special Class, pero kayo... kayo ang napili para sa pagkakataon na ito. You should consider yourselves lucky." 

"Lucky? One by one, we're dying! How can you say that? Wala ka bang pakialam sa kaligtasan namin? Sa buhay namin?" Toni suddenly spoke.

"Guys, it's the Principal you're speaking with. Please mind your manners."

"That's okay, Teacher Joseph. I understand you're mourning over your departed friends and this rumor's going around, but these should not hinder you from reaching your goals."

"Our goals or your goals?" Macky interrupted.

"Macky." Teacher Joseph called his attention.

"No, Teacher Joseph. Students are dying and she's still thinking of the school's reputation. Wala pa ngang naisasarang kaso, eh. Kapag ba namatay kami, ganun din ang mangyayari sa amin?"

"Of course, I care for all of you. Bria High School cares for all of you. We're already taking care of the cases of your friends and your previous teacher. Don't think too much, okay?" Silence. Ayaw nilang maging bastos sa Principal nila. They're still students and she's the Principal.

 ***

"Mamamatay na tayo." Takot na sabi ni Amanda nang magsimula na ang klase nilang pito.

"Amanda, 'wag ka ngang magsalita ng ganyan. Walang mangyayari sa atin, okay?" 

"Paano ka nakakasigurado, Emily? Nakita na ba kung sino'ng gumagawa nito?" 

"Guys, nagka-klase tayo. Pwede mamaya niyo na pagtalunan 'yan?" Awat sa kanila ni Niel.

"Hindi ba kayo natatakot? Hindi ba kayo nag-aalala na baka mamaya pag-uwi o bukas pagpasok, isa sa atin ang isusunod?" Naiyak na naman si Amanda.

"Baka mamaya, nandito lang pala 'yung--" 

"Sa tingin niyo ba nandito 'yung pumapatay?" Tanong ni Emily sa mga kaibigan.

"Sino ba'ng may motibo para gawin 'yun sa kanila? Kay Teacher Lene, kay Lisa, kay Eli, kay Jess at kay Melanie?" Tinignan ni Amanda ang mga kasama sa kwarto at napatingin na rin sa kanila ang kanilang guro na tumigil na sa pagsulat sa whiteboard.

"Teacher Joseph, pasensya na po kayo." Pahingi ng patawad ni Niel sa guro. "Ano ba, mamaya niyo na pag-usapan 'yan, pwede?" Pakiusap niya sa mga kaklase.

"Sino nga ba'ng may motibo?" Nagkatinginan na ng masama ang magkaka-klase. Napatingin si Cher sa kanilang guro na nakamasid lamang sa kanila.

"Guys, do you really want to discuss this now?" 

"Hindi kaya may kinalaman ka dito, Teacher Joseph? Ang balita, mas mataas pala ang sahod ng mga humahawak sa Special Class at matagal mo nang gusto ang posisyon na ito."

"Cher, I don't know what you're talking about. Why would I do that, anyway? Lene's a good friend of mine."

"Cher, 'wag ka naman agad mag-husga sa ibang--"

"Bakit, Amanda? 'Di ba gusto mong matapos na 'to? Hindi ka ba naghihinala na hindi man lang apektado tuwing may namamatay sa atin?"

"Baka naman ikaw ang may motibo, hindi kaya?" Napalingon si Cher sa likuran at nakitang nakasandal lang sa upuan niya si Macky.

"May problema ka ba sa akin, Macky?"

"Wala naman, ikaw ba may problema sa akin?"

"Wala. Sila, meron." Sabay tingin ni Cher sa mga kaklase.

"Huwag ka ngang mag-imbento dyan--"

"Tama siya." Napatingin ang lahat nang magsalita si Toni. "Sa totoo lang, Macky, hindi ko masyadong gusto ang ugali mo. Hindi ako naging masyadong masaya nung sinabi na kasama ka din dito sa Special Section. Ang yabang kasi ng dating mo para sa akin."

"Mayabang? Well, sorry kung ganun ang tingin mo sa akin, Toni. Pero hindi ko babaguhin ang ugali ko ng dahil lang sa sinabi mo. Ganito na ako, eh. I'll take your feedback, pero sabi ko nga, hindi ako magbabago."

"Gods, guys, ano ba 'tong pinag-uusapan natin? Bakit ba tayo nagkaka-ganito?" Tumayo na si Emily at tumingin sa lahat ng kaklase.

"Isa ka pa, Emily."

"Ch-Cher?"

"I've always been a good friend to you. I was there when no one did. I covered for you, I defended you from other people." Ikinakunot ng noo ni Emily ang nairinig niya mula kay Cher. 

"A-Ano'ng sinasabi mo, Cher? Hindi kita maintindihan?"

"I've been hearing a lot of things about you. Insensitive ka daw, nakaka-offend na madalas ang mga sinasabi mo."

"Ano? Ba-Bakit ngayon lang...?" Tinignan ni Emily isa-isa ang mga taong itinuring niyang kaibigan sa maraming taon.

"Totoo naman, 'di ba? Minsan talaga 'yung mga bitaw mo ng salita walang preno. Pakiramdam mo siguro, lahat kagaya mo. Akala mo, lahat walang pakiramdam. Hindi mo alam, nakaka-sakit ka na sa mga salita mo, lalo na 'yung mga side comments mo." Napatingin si Emily kay Amanda at unti-unting namuo ang mga luha sa mga mata niya. Hindi siya makapaniwala sa naririnig niya. 

"Hi-Hindi ko alam. Wala namang nagsasabi sa akin."

"Kasi pinagtatakpan ka nga ni Cher. Actually, ikaw at si Macky. Ginagawa niya 'yun kasi malapit kayo sa kanya." Paliwanag ni Toni.

"Teka, hindi ko kailangan ng tulong niya. I never asked for her help in the first place. Kailangan ba magpasalamat ako?"

"Oh, don't be too sarcastic now, Macky! If I know, you have a secret desire for her."

"WHAT?! Teka, Toni, dahan-dahan ka sa sinasabi mo, hindi nakakatuwa 'yan. Everyone knows I have a girlfriend in another section!   

Ibinagsak bigla ni Teacher Joseph ang libro niya sa lamesa at natahimik ang lahat ng estudyante. Umupong muli ang mga nakatayo at tumingin lang sa guro nilang nakatitig sa kanilang lahat.

"Class, I know how hard the situation is for all of you. Lahat tayo gustong malutas na ang mga kasong ito at mabuhay ng matahimik. But pointing fingers at each other won't do anything good and won't help in solving the cases. Let's leave it to the authories-- they're doing their job well, so let's do good in ours." He picked up the book and opened it on the page that he's working on earlier and copied some notes on the whiteboard.

***

Lunes. Apat na araw bago ang entrance examinations ng Special Class. Naglalabasan na ang mga estudyante mula sa kani-kanilang mga classroom para umuwi.

"Sana tayo din pwede na umuwi agad kagaya nila."

"Isipin mo na lang, mas maswerte tayo kaysa sa kanila, Cresta."  Bulong ni Niel sa kaibigan. Tinapik niya ito sa balikat at tuluyan nang umakyat ng hagdanan papuntang fourth floor kasunod si Macky.

"Uy, sama na kami, aakyat na pala kayo agad!" Pagtawag ni Emily sa mga lalaki at mabilis itong humabol sa dalawa. Hinatak na niya si Cresta at sumunod na silang umakyat.

"Mag-CR muna ako dito sa baba, guys." Paalam ni Cher at lumakad na ito patungo sa direksyon ng Girls' Restroom.

"Teka, ako din!" Sumama na sa kanya si Toni papunta sa pupuntahan nito.

Naiwan mag-isa si Amanda na kasalukuyang nag-aayos pa ng mga gamit niya sa bag. Nakaramdam siya ng tawag ng kalikasan at nag-desisyong pumunta muna ng banyo.

"Ba-Bakit mo naman nagawa 'yun?" Narinig ni Amanda ang pamilyar na boses sa loob ng Girls' Restroom nang papasok na siya ng pintuan. Napahinto siya nang marinig niya ang isinagot ng kausap.

"Kasi hindi sila karapat-dapat sa Special Class. Si Teacher Lene, tignan mo nga, hindi nga makapag-salita ng diretsong English! Ano'ng matututunan natin sa kanya?"

"I-Ikaw ang may-gawa ng lahat ng iyon?"

"Oo. 'Yung Lisa na 'yun, akala mo kung sino'ng mabait na walang ginagawang masama. Napaka-sipsip niya kay Teacher Lene, eh! Iniisip ko nga, sumipsip lang din 'yun sa adviser natin kaya siya nakuha para sa Special Class."

"Pe-ro... kaibigan natin sila..."

"Alam mo, puro plastik 'yang mga 'yan. Si Melanie, umiiwas sa akin 'yan kasi ayaw niyang mapag-kumpara kami. Idol niya kaya ako! Tignan mo, ginaya niya 'yung gupit ng buhok ko para mapansin siya ng mga kaklase natin."

"Pero si Jess...?"

"Magkasama kasi sila ni Melanie nung oras na 'yun. Nakita ako ni Jess kaya pati siya, isinabay ko na sa 'best friend' niya." She rolled her eyes while doing the quotes in the air.

"Pati si Eli?"

"Hmmm... Si Eli, aksidente lang ang nangyari sa kanya. Kay Emily dapat mapupunta 'yung cookies na may lason, kinuha niya kasi agad, kaya ayun! Napaka-patay gutom kasi ng baklang 'yun!" 

Napatakip ng bibig si Amanda at dahan-dahang umatras palayo sa lugar na iyon.

"Isusumbong mo ba ako?"

"Hi-Hindi... Siyempre, hindi." May takot sa tono ng boses nang babaeng nagsalita. 

"Mabuti naman. Kasi ayokong madamay ka sa kanila. Bestfriends tayo, 'di ba? Buti na lang, hindi mo na-ispray itong pampatulog sa sarili mo."

"O-Oo nga... Mu-Mukha kasing body spray."

Paalis na sana si Amanda nang makabangga niya ang isang estudyanteng papasok ng Girls' Restroom.

"Aray! Ano ba 'yan, Amanda, tignan mo naman 'yung lalakaran mo!" Sigaw nito sa kanya. Natawag nito ang pansin ng mga estudyante sa loob ng banyo at natigil ang kanilang pag-uusap. 

"Amanda? Peste, narinig niya yata tayo!" Mabilis na lumabas ang dalawa at hinanap ang naunang estudyante.

"Guys! Guys! May sasabihin ako!" Hingal na pumasok sa loob ng classroom ng Special Class si Amanda. 

"Oh? Para kang hinabol ng sampung demonyo, Amanda, ah? Okay ka lang ba?" Pabirong tanong ni Macky. Inilibot ni Amanda ang mga mata niya sa buong kwarto.

"Si Emily? Nasaan si Emily?"

"Nag-CR lang saglit, feeling niya daw kasi bigla siyang dinatnan ng monthly period niya. Bakit?" Litong tanong ni Cresta sa kaibigan.

"Teacher, kailangan nating umalis dito! Alam ko na kung sino'ng pumapatay sa mga taga-Special Class!" Bakas sa mukha ng lahat ang gulat sa sinabi ni Amanda.

"Sino?" Tanong ng guro na naka-upo sa unahan ng klase.

"Si--"

Bago pa masabi ni Amanda ang gusto niyang sabihin ay isang lata ang inihagis sa loob ng kwarto nila mula sa pintuan. Biglang nagsara ang pintuan at nang subukan itong buksan ni Teacher Joseph ay hindi niya ito magawa. Kumapal na ang usok na nilalabas ng latang nasa loob ng kwarto at para itong tear gas na nakakahilo at nakakasuka ang dulot.

Nagsimula nang mag-panic ang lahat sa loob ng kwarto at nag-uubuhan na sila dahil sa usok. Nakatakip na ng panyo ang mga ilong at bibig nila habang sinusubukan ng mga lalaki na buksan ang pintuan. Ang mga babae naman ay ang mga bintana ang binubuksan. HIndi nila ito magawa sapagkat permanenteng nakasara na ito gawa ng airconditioned ang kwarto nila. 

"Buksan niyo ang pintuan! May tao ba dyan sa labas?" Tawag ng guro. 

"Tulungan niyo kami!" Si Niel naman ang kumalampag sa pintuan.

"'Walanghiya ka, kung sino ka man! Kapag nakalabas ako dito, humanda ka!" Pagbabanta ni Macky.

"Tignan na lang natin kung makalabas ka pa dyan. Sobrang yabang mo pa rin, Macky. Kahit alam mo nang malapit ka ng mamatay." Naka-krus ang mga braso niya sa kanyang dibdib at nakatayo lang sa tabi nito ang kaibigan. 

"Ikaw?!" Napalingon ang dalawa sa bagong dating.

"Oh? Akala ko nasa loob ka. Sayang, hindi mo sila nakasama sa huling hantungan. Pero, hindi bale, susunod ka na rin naman." Dumukot ito sa bulsa ng palda niya at naglabas ng isang balisong. Lumaki ang mata ng bagong dating at napaatras ito ng dalawang hakbang.

"Bakit? Bakit mo nagawa ito?" 

"Lahat kayo, walang karapatang mapabilang sa Special Class! Ako lang. Ako lang ang dapat na makasama dito at hindi kayong mga plastik, mayabang at feeling!" Itinutok niya ang talim ng hawak na balisong sa bagong dating at ibinuwelo na ang braso nito para sa pag-atake.

"Te-Teka--" Pag-awat ng bagong dating sa kaibigan.

"Magsama-sama kayong lahat sa impyerno!" Ihahagis na sana niya ang balisong nang itulak sa ng katabi na ikinawala ng balanse niya. Napa-higa silang dalawa sa sahig habang nag-aagawan sa balisong. 

"Itigil mo na itong ginagawa mo!" 

"'Wag kang makialam dito!" Nadaganan niya ang pumipigil sa kanya at nasaksak ito sa tagiliran. 

"Tama na!" Itinulak siya ng nasa likuran niya at napasubsob siya sa sahig. Hindi niya napansing naagaw na sa kanya ang balisong at galit na galit itong tumayo.

"Kaya mo ba? Kaya mo ba'ng manakit ng ibang tao?" Ilang talampakan lang ang pagitan nila at unti-unting umaatras ang naka-agaw ng balisong. "Nga pala, paano mo malalaman 'yun eh insensitive ka! Insensitive ka sa lahat ng bagay! Hindi mo alam, nakaka-sakit ka na dahil sa kung anu-anong lumalabas diyan sa bibig mo!"

"Bakit mo ba ginagawa ito, Cher?!" Tanong ni Emily habang nakatutok ang talim ng balisong sa kaibigan.

"Sinabi ko na, 'di ba? Wala kayong karapatan sa kasikatan na nakukuha ng Special Class!"

"Pero mga kaibigan mo kami! Paano mo silang nakuhang patayin?!" 

"Simple lang. Ayoko sa inyo. Ayoko ng malanding teacher na kumakabit sa kung sinu-sino. Inuntok ko ng malakas 'yung ulo niya sa pader hanggang sa mamatay siya. Ang bilis ko, no? Nagawa ko lang 'yung during the break." Ngumisi siya at tumingin ng masama sa kausap. "Ayoko ng sipsip na kaklase gaya ni Lisa. Ayoko ng feeling magandang gaya ni Melanie. Ayoko ng hindi deserving na kagaya ni Jess! Of all the people in our class, bakit siya pa?"

"Ano ka ba, Cher? Ilang taon mo na silang kasama... ilang taon na tayong magkakaibigan!" 

"Kaibigan?! Trinato niyo ba akong kaibigan?!"

"Oo naman! Ano ba'ng iniisip mo?!"

"Hindi ko naramdaman 'yan kahit kailan, Emily! Kailangan ko pa'ng gawin ito para pansinin ako. I had fun, actually. Hindi ko akalain na hindi niyo malalaman na ako ang gumagawa nito. Akala ko matatalino kayo?!" 

"Cher..."

BANG!

Isang putok ng baril ang umalingawngaw sa buong lugar. Bumagsak sa sahig ang katawan ni Cher at napa-upo na rin sa sahig si Emily habang tumutulo ang kanyang mga luha at nanginginig ang katawan sa sobrang takot. Security Guard. Pulis. Medics. Ang daming tao.

Narinig niya ang sirena ng ambulansya at may mga taong pumaligid sa kanya. May dumampot sa katawan nila Cher at Toni, may pinilit buksan ang classroom ng Special Class at may tumulong sa kanyang tumayo at inalalayan siyang bumaba hanggang sa ambulansya para ma-check up.

***

Lumipas ang mga araw at nakaupo na si Emily sa harapan ng stage sa Gym ng Bria High School. Graduation Ceremony na nila at malapit nang matapos ang programa. Tumingin siya sa tabi niya at hinawakan ang kamay ng natitira niyang kaibigan na si Toni. Ngumiti siya dito at nginitian din siya nito. Nakapag-exam pa rin silang dalawa matapos mailabas ni Toni sa ospital. Kinailangan niyang operahan at salinan ng dugo ng dahil sa saksak na binigay sa kanya ni Cher. Pareho silang nakapasa sa Reed University at napag-desisyunang kukuha ng parehong kurso.

Inamin ni Toni ang lahat sa mga pulis nang maka-malay siya sa ospital. Inimbestigahan ng mga pulis ang kaso at napatunayang lahat ng ito ay gawa ni Cher. Sarado na rin agad ang kaso dahil patay na rin ang suspek. Inutusan ng DepED na magsara ang Bria High School ng isang taon bilang parusa sa nangyari sa kanilang mga estudyante.

Napatingala sa langit si Emily paglabas nila ng Gym at nagbuntoong-hininga. Salamat sa pagkakaibigan. Hinding-hindi ko kayo malilimutan.

---End of Story

Continue Reading

You'll Also Like

21.6M 753K 62
More crimes, baffling codes and clues. New mystery, same detectives, different deductions. Join Gray and Amber as well as the other characters in dis...
56.1M 990K 32
Join Lorelei and Loki as they unravel the threads of mystery, unveil the masks of evil intentions and put together the pieces of the puzzle in their...
3.3M 160K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...
696K 47.2K 44
Crime and murder podcaster Wren Lozarte is desperate to earn money for her ailing uncle so she accepts a strange but high-paying offer from a mysteri...