Three Seconds āœ”

Oleh Vicissiveour

2.1K 764 640

"Just three seconds..." Ā©2021. Ugly_Writes. All rights reserved. Lebih Banyak

THREE SECONDS
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
29
30
31
32
33
34
35
AHEM!
THREE SECONDS

28

20 10 1
Oleh Vicissiveour


"Kahit kailan, 'di ko pinagsisihan ang pagpunta ko rito," I told them, my voice shaking uncontrollably.

Tila isang napakalakas na pwersa ang humampas sa dibdib ko kaya agad din akong nanghina. Totoo 'yun. Totoong-totoo. Noong una, pwersahan akong pumunta rito. Pero kahit na gano'n, marami nang nagbago ngayon.

Huminga ako nang malalim, pero kahit na anong gawin ay ramdam ko pa rin kung gaano ako kahina ngayon. "Sorry sa lahat-lahat, Pa. "

Masasabi kong 'di 'to ang pinakaunang beses na tinawag ko siyang gano'n pero ito talaga ang pinakasensiro sa lahat. Na halos sa lahat ng ginawa n'ya sa 'min noon, himalang nawala kaagad. At ang tangi ko na lang na nararamdaman ay pagsisi, 'di para sa iba kundi mismo talaga sa sarili.

'Di naman ako manhid, alam kong may obligasyon pa 'kong dapat ko talagang pagtuunan ng pansin.

The moment I accused myself, the moment I lied, the moment I accepted their accusations, I was already doomed.

Alam kong masama ang mag-isip ng mga negatibong bagay, pero 'di ko lang talaga ma-kontrol ang sarili. Pakiramdam ko pa nga'y nag-iisa lang ako ngayon, nasa isang desyerto, uhaw na uhaw, tahimik na sumasaklolo, pero wala pa ring kamay na nag-aabot ng tulong.

At ngayon, mas lalo ko lang pinatunayan sa kanila na isa talaga akong walang silbi, na apelyedo lang ang tanging laban ko, na kung wala ako sa pamilyang 'to, bitak na bitak talaga 'ko.

"Even if you say so many apologies, nothing can change the fact that you ruined the legacy of our family," diskompyadong-diskompyadong sabi ng isa kong Tita, nurse ang propesyon niya kaya nakakailang siyang tingnan.

Para akong tinoturture nang paulit-ulit, mas lalong pinagmumukha sa 'kin na hanggang dito nalang talaga 'ko, wala nang ibubuga pa. "Nagkulang ba ako sa 'yo?" linya ni Papa at hiniga ang likod sa armrest ng sofa. "You are mad at me. It's obvious. But this..?" Nahihirapan siyang bumuntong-hininga hininga bago muling nagpatuloy. "This is too much for us to take.

Pagkatapos ng libing ni Ate noon, kumalat na ang iba't ibang tsismis tungkol sa addiction niya, at lumipas ang ilang taon na medyo tumahan na ang mga tao, pero ngayong bigla-bigla na lang akong nagdesisyon, wala na akong kawala pa.

Minsan nang pumasok sa isip ko ang sabihin ang totoo, na nadala lang ako ng emosyon noong gabing 'yun kaya nakapagsinungaling ako, pero wala na talaga. Kahit tumula pa ako sa harapan nila, hindi pa rin nila ako papaniwalaan. Marahil ay ganito na talaga ako katanga, kagaya sa tawag noon ni Janna sa 'kin

At tama nga siya. Tanga ako. Napakatanga. Padalos-dalos. Mahina. Adik. Pero kung gusto nila, I could willingly take a drug test. Sila lang ang hinihintay ko. I didn't have trust in myself anymore.

"Pero magbabago ho ako," pabulong kong sabi. Bagaman ramdam ang nag-iinsultong tingin ng iba, umayos pa rin ako ng tayo. Matapang ako. 'Yun ang gusto kong makita nila ngayon. Gusto kong may mapatunayan. Balang araw, magiging propesyunal din ako kagaya nila.

"Huwag mo sanang kagagalitan ang sarili  Marynald," si Auntie at nakayukong napailing. Batid kong labag din sa loob niya na sabihin 'yun, pero pinipilit lang ang sarili para mapalabag ang loob ko. "All we want is your safety, kaya kung ayaw mo talagang mag-home school dito, mas makakabuti sa 'yo kung sa Maynila ka na lang magpatuloy. I can take care of your school documents. At may kaibigan ka roon, correct? So may dahilan pa para bumalik doon."

Pero may dahilan din ako para manatili rito.

"Sa ginawa mo," madiin na dagdag ng isa ko pang Tita. Batid kong masamang salita na ang sasabihin niya, at hinanda ko na ang sarili para roon.

May humila sa pulsuhan ko at marahan akong pinaupo sa isang couch. Si Jake. Sa sobrang pagkadarang ay nakalimutan ko nang umupo. Sa sobrang pagiging kabado, nakalimutan kong may sofa pa pala para maging suporta ko kahit papaano.

"So, ano'ng plano mo ngayon. Tama ang Auntie Celinda mo, kung nandito ka lang, walang magandang mangyayari." 'Di na 'ko nag-abala pa na balingan kung sino ang nagsabi n'on, dahil ang mas mahalaga sa 'kin ngayon ay kung papaano ako sasagot.

Pinilit kong intindihin sila. Iniisip ko pa nga lang ang sariling nasa loob lang ng bahay ay 'di ko na kaya. Sa kabilang banda naman, ayaw ko ring bumalik sa Maynila. Naroon si Tessa, pero marami akong maiiwan kapag umalis ako.

Kaya ko ba siyang iwan? I meant, kahit wala namang kami ay wala sa plano ko ang umalis. At isa pa, hindi pa kami nagkakausap. Marahil ay kap'wa lang talaga naming iniiwasan ang isa't isa, parehong nagtataguan.

"Ewan..." malungkot kong bulong sa hangin. "Nalilito na po ako, sa totoo lang. Gusto kong sundin ang gusto n'yong mag-home school na lang, pero hindi ko gusto ang gano'ng sistema. Pero mas lalong 'di ko gusto na bumalik sa Maynila. Napamahal na 'ko sa kany—" I smiled bitterly. "Rito. Napamahal na 'ko sa lugar na 'to."

"Hindi mo na kailangan pang malito," pabuntong-hiningang ani ni Auntie. "Dahil ang mga suhestiyon namin ang mas makakabuti sa 'yo, Marynald. "

Kahit papaano ay may punto silang lahat, 'di ako tanga para 'di malaman kung ano'ng mas makakabuti sa 'kin, pero... 'Di ko pa rin kaya.

"Give me time, then," naisabi ko na lang. Kahit na siguradong 'di pa rin nila ako papakinggan ay nagbakasakali pa rin ako nang todo. "Ayaw kong magpadalus-dalos."

Dahil nadala na 'ko: Ayaw ko nang umulit pa. Sawang-sawa na akong magsisi.

"Pareho talaga kayo ng Ate mong 'yun," bagamat malambing ang tono ni Papa ay bigla na namang uminit ang noo ko. Sinasali na naman nila si Ate sa litrato, at ito ang pinakaayaw ko sa lahat.

"Stop mentioning her name!" I shouted, and their eyes grew bigger in disappointment. Nasasaktan akong napatayo at determinado silang tiningnan isa-isa. Suwail na kung suwail, pero ako 'yung tipo ng tao na hindi lang mananahimik kapag sobra na talaga ang lahat. Yes, tama sila, pareho nga kami ni Ate. Pero 'di na nila kailangang isigawan pa 'yun, dahil matagal na sa 'kin 'yang sinampal ng reyalidad.

"Don't yell, you brat! Respect us! Your grandparents are here, yet you're still acting like a real addict," sigaw ng isa kong Tita. Nakakatuwa, kung makasalita'y akala mo s'ya 'tong labis na naghirap para sa 'kin, e', sa totoo nga ay minsan na lang kami kung magkita.

Kaya nga minsa'y naiingit ako sa mga kaklase ko na simple lang ang pamumuhay pero kompleto na sa buhay. 'Di tulad ko na malaki nga ang allowance, pero hindi naman kompleto. Gusto kong manumbat, pero wala pa ako sa pwesto, alam ko.
Dahil kahit ilang beses ko pang ipaglaban ang sarili, isa pa rin akong batang rebelde sa tingin nilang lahat.

Umawang ang labi ko at lumabas na ng mansyon. Huli ko pa ngang narinig ang naiiritang sigaw ni Jake, pero binalewala ko na lang ang lahat. Awtomatiko naman akong dinala ng mga paa sa puno ng mangga na madalas kong pinagpapahinggan.

My wristwatch was still tickling and I wanted time to travel so fast. The wind touched my skin the moment I closed my eyes, that's when the seconds in my life played in a very slow pace.

"Kaya mo 'yan, Marynald," bulong ko sa hangin at umupo sa lupa, saka sinadal ang likod sa katawan ng puno. "Ilang taon mo ngang nakayanan ang galit mo para sa Ama mo. Kaya sigurado akong bukas, maaayos din ang lahat, wala nang insultong matatanggap, wala nang iyak na mangyayari. Kaya ngiti ka na riyan."

Matapos kong magsalita ng kung anu-ano ay pinagmasdan ko na lang ang sakahan, lalong-lalo na ang mga berde nitong dahon na napakatatag ng tubo. Gusto kong matulad sa kanila na palaging malakas.

Napaiyak na naman akong muli nang maalala si Ate. Bakit napakamisteryoso mo? Bakit kahit sumakabilang-buhay ka na'y 'di pa rin nagbabago ang tingin ng mga tao sa 'yo? Totoo ba talaga ang lahat ng sinasabi nila? 'Di ba, hindi?

E', ang bait-bait mo kaya. Pangarap mo pa ngang makapagtapos tayo ng pag-aaral, 'di ba? Kaya bakit naging komplikado?

"Damn it," isang mahinang mura ang narinig ko mula sa gilid. Gan'on na nga lang talaga ang gulat ko nang makita si Cy na galit-galit na sinisipa ang katawan ng puno. Ito ang unang beses na narinig ko siyang nagmura. Pero imbes na ma-turn off ay mas lalo pa akong namangha sa kaniya. God, Cy, ano'ng ginagawa mo sa 'kin? Bakit mo 'ko nililito?

"Ano'ng pinaggagawa mo riyan?" gulat na gulat kong tanong. Sino ba naman ang hindi kung sa kalagitnaan ng paghihinagpis mo ay may makikita kang mas galit pa sa 'yo? "Kung nandito ka para magpalabas ng emosyon, sa ibang lugar nalang dahil gusto ko pang mapag-isa."

"Kumain ka na ba?" 'yun lang naman ang naitanong niya sa kabila ng napakarami kong sinabi. "Kahit na galit ka sa mundo, kaawan mo naman ang sarili mo."

"At sino ka naman para pagsabihan ako ng ganiyan?"

Dumaan ang 'di pamilyar na lungkot sa mga mata niya, at sa huli'y nag-iwas lang ng tingin bago tumugon, "Dahil magkaibigan tayo. At ayaw kitang nakikitang umiiyak nang mag-isa."

"No thanks," mapait kong sabi. Pasensya ka na kung nasaktan na naman kita, pero kailangan ko talagang umiyak nang mag-isa ngayon. "Sanay na sanay na 'ko. "

"Huwag." His voice was horse. "Huwag kang masanay, dahil simula noong nakilala kita, may karamay ka na sa lahat ng bagay. Handa akong makinig, Nald, maghihintay lang ako sa tabi mo."

"H-hindi mo 'ko maiintindihan."

"You're wrong," tanggi niya kaagad at mabilis akong pinaharap sa kaniya. "Hindi mo pa 'ko nakikilala, naiintindihan na kita."

"A-ano?" I was tongue-tied.

Ano'ng ibig n'yang sabihin? Anong...?

Masyado talaga n'ya akong nililito. Halos lahat ng mga pakiramdam na 'di ko akalaing nag-e-exist sa mundo'y pinaparamdam n'ya sa 'kin. At bakit... Bakit ganito siya? Bakit panay ang lapit niya sa 'kin gayo'ng 'di naman ako ang minahal at mahal niya? Masyado na ba talaga akong nakakaawa tingnan? Mukha na ba akong tao na nangangailangan ng grabeng atensyon?

"Noon ko pa sinabing 'di naman masamang umiyak," kunot-noo niyang paalala sa 'kin. "Ano pang silbi ng mga braso ko kung 'di naman nakalaan para sa 'yo?"

"Ang mga braso na 'yan," maluha-luha kong bulong sa hangin, "hindi deserve na madapuan ng ni isang patak ng luha. Lalong-lalo na sa kung magmumula sa isang tulad ko."

Gamit ang isa niya lamang na kamay ay marahan niya 'kong hinila, at sinungaling na 'ko kung sasabihin kong 'di ko naramdaman kung gaano siya nag-ingat para 'di ako mas lalong masaktan. At sa isang lipas lang ng isang segundo, nakayakap na 'ko sa kaniya, parang batang umiiyak, habang siya naman ay tahimik lang akong tinatapik sa braso. Na tila pinapahiwatig niya na kung anuman ang kahahantungan ng lahat, nasa tabi ko pa rin siya, patuloy akong susuportahan.

"Sinanay mo na 'ko sa pagiging ganito mo," mahina kong komento. "Kaya 'wag kang magtatangkang iwanan ako."

Gumalaw nang kaunti ang magkabila niyang braso, natawa sa sinabi kong 'yun. Pati nga ako'y namangha sa sarili. Dahil ang totoo, masyadong 'di makatotohanan ang nangyayari ngayon. All of these were to good to be true. It felt like I was just dreaming.

"Kailan ba kita iniwan?" tanong n'ya lang. "Ikaw lang 'tong 'di pumapansin sa presinsya ko."

Pagbalik ko sa mansyon, si Jake na lang ang naabutan ko. Good thing at 'di niya na ako pinagtatanung-tanong pa kaya matiwasay akong nakapasok sa sariling k'warto.

Hindi pa man ako nakakalimang minuto sa kakahiga ay nag-text si Lowelyn na pupuntahan nila ako rito. After all, I was still lucky. May mga tao pa ring nandiyan para sa 'kin.

"Nald," bungad ni Frency sa 'kin matapos akong makitang kakababa pa lang sa hagdan. "Hindi na 'ko magtatanong kung okay ka lang ba o hindi na pero handa kaming makinig."

"Tama," sa mababang tono na sabi ni Lowelyn at malungkot na umayos ng upo. "Pero nasa sa 'yo pa rin kung mag-o-open up ka o hindi. 'Di kami mamimilit."

"Siguradong hindi basta-basta ang pinagdadaanan mo ngayon, at alam ko rin na 'di ka masamang tao, may dahilan ka, sigurado ako riyan," si Joyce. "At 'wag na 'wag mong sisisihin ang sarili, dahil papaano ka sasaya kung 'di mo tatanggapin ang lahat?"

I bit the tip of my tongue, tears covering my cheeks again. Sabing 'di ka iiyak, e'!

"Kung aalis ako, 'wag kayong iiyak, a'," I whispered silently. "Magkikita pa rin naman tayo. Tapos kapag dumating na ang araw na 'yun, baka may kaniya-kaniya na tayong trabaho!"

"Ano'ng pinagsasabi mo riyan, Naldy namin?" pigil-hiningang bulong ni Frency at saka nag-iwas ng tingin. "Iiwan mo kami? Bakit? Hanggang kailan? Magko-contact pa rin naman tayo, 'no?" She laughed at her words sadly. "'Di ba noong nasa New York pa 'ko ay ganoon din tayo? Parati pa rin naman tayong mag-uusap sa video call, 'di ba?"

"Hindi naman ako aalis. Loka-loka talaga kayo," sabi ko. Nang makitang seryoso pa rin talaga sila ay napawi ang ngisi sa mukha ko at napaayos na lang ng upo. "At isa pa, 'di ko gustong malayo sa inyo. Gusto ko pa ngang sabay tayong gumaraduate..."

Naghintay ako ng ilang minuto, I let the seconds pass. Pero nanatili pa rin silang tahimik at tila tinatanya ang sandali. Ang sakit. Dahil kailangan ko namang magmukhang masaya para sa kanila. 'Di nila dapat makitang litong-lito ako. Tama nang isang tao lang ang magulo ko. Tama na si Cy. Sapat na siya. I wanted to feel the pain all alone.

"Pero, Prens, sino 'yung lalaking sumundo sa 'yo no'ng isang gabi?" I asked.

Hindi na naging komportable si Frency.

"Anong lalaki?" inosente niyang tanong pabalik. "Kailan ba 'yan? 'Bat 'di ko maalala? Wait. 'Yan ba 'yung time na nahimatay ako?"

"N'ong nasa bahay ka kasi namin, may naghagis sa 'min ng dalawang upuan, tapos kaagad kang inangat at kinarga papaalis. I was worried since you weren't in your conscious. Pero galit na galit talaga siya. "

"Baka si Papa. "

Mahina akong natawa. "Kilalang-kilala ko si Manong Pedro, Frens, kaya malabong s'ya 'yun. At saka, kailan pa naging hot college student si Manong Pedro?" nanunuya kong sabi, inaakalang makikita ang hindi pamilyar na reaksyon mula sa kaniya. Pero kahit ano'ng gawin ko, inosenteng tingin lang talaga ang sinusukli niya sa 'kin na nahahaluan ng pagkalito.

She collapsed that night because of jetlag. Natawa na lang ako habang inaalala ang reaksyon ng kuya ni Hershly. Halatang may gusto talaga sa kaibigan namin. Kinuha ko ang phone ko nang mag-vibrate ito. One message had been sent to me.

From: Batuta

i have found out that someone pranked you last night. she was Stephanie's old friend. she's a psycho. that's why her hate for your sister is the reason why she ended up putting drugs in your spoon. she already confessed. don't worry. i'll take care of everything.

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

70.6K 1.8K 34
Miss Villin (Misses Series #1) [COMPLETED] Karaleen is the woman who was born to lead the whole empire of the Villin. The only kid who carried the la...
28.7K 726 50
Barkada Series #1 "Sana Ako Nalang. Sana ako nalang ang una mong nakilala, ang una mong napansin at higit sa lahat, ang una mong Minahal. Dahil hindi...
48M 1.3M 62
Rosenda crosses path with a hot stranger who's suffering from some sort of mental illness yet seems to understand her pain and longing. She decides t...
114K 2.8K 52
What will you do if you end up in someone else body?