A Walking Canvas (Rare Disord...

By aerasyne

161K 8.9K 1.9K

Rare Disorder Series #1 To be Published "Does my condition invalidates my right for life? Would everything be... More

A Walking Canvas
Prologue
01: Brave
02: Little One
03: Intense
04: Seat
05: Sing
06: ---
07: Accept
08: Unnameable
09: Devyn
10: Reverie
11: Escape
12: Yogurt
13: ---
14: Lost
15: A Place with You
16: Uncertainty
17: Resurrection
18: Explanation
19: ---
20: Aggravation
21: Living Nightmare
22: Beauty
23: Insecurities
24: Never
25: Intensify
26: Special
27: Medicore
28: ---
29: In Love
30: Scared
31: ---
32: Broken
33: Exposed
34: Answer
35: Unloved
36: Things About Bliss
37: Intention
38: Forward
39: Unchosen
40: Life Threat
41: The Connection
42: The Darkness
43: The Antagonist
44: The Fight
45: The Comeback
47: The Finale
Epilogue
Author's Note
White in Full Colors
A Walking Canvas Book

46: Laure

1.6K 69 5
By aerasyne

CHAPTER FORTY-SIX
Laure


Humigpit ang kapit ko sa braso ni Dad nang inulan kami ng kislap sa hindi mabilang na camera na nakatutok sa direksyon naming tatlo. Mom was on my right side while dad was on my left. Parehong naka-angkla ang magkabilang kamay ko sa mga braso nila at doon kumuha ng tapang na humarap sa maraming tao na paniguradong tutok sa amin ang atensyon.

Ang bawat camera na hawak ng mga media ay tutok sa amin, sinusundan ang bawat paglakad na ginagawa namin papasok sa loob ng cinema. Tonight, is the premier night of their comeback movie. Bumilis ang pagtibok ng puso ko dahil sa kaba nang marating namin ang dulo kung saan may mga reporter na naghihintay para sa mga tanong na ibabato nila sa mga magulang ko. Ang kaba na nararamdaman ko ay hindi ko man lang makita sa mga magulang ko na kalmado pa ring nakangiti sa mga kaharap.

"What can you say about the issues circulating around you for the past months?" someone asked.

My mother smiled at that person. "I can't disclose any information about that private matter to the public. It's between my family and we want it to remain between us. I hope people would understand that."

"What about the news of some your actors that's showing interest about your daughter, Miss Vanessa?"

Imbes na sumagot si Mom ay nilingon lang niya ako parang sinasabi na ako na ang sumagot. Umiling-iling ako kay Mom bilang pagtanggi pero nginitian lang niya ako na parang binibigyan ako ng lakas ng loob na sumagot sa tanong.

"Baka po nagkakamali lang po kayo?" nakangiting sagot ko, kinakabahan sa nakukuhang atensyon.

"I don't think so, Miss?"

"Bliss po."

"Yes, Miss Bliss. I think some actors at your age are sending you flowers. Am I right?" nakangiting tanong niya sa akin.

Pinigilan ko ang sarili ko na mapangiwi sa sinabi niyang 'yon. Totoong may nagpapadala ng bulaklak sa bahay namin ng hindi lang iisang beses simula ng kumalat sa iba't ibang balita ang eksistensya ko. Hindi rin iisang beses na nakatanggap ako ng mensahe sa mga social media accounts nila mula sa mga sikat na actor na kilala ng mga magulang ko at may iilan na hindi para lang iparating sa akin dahil wala akong account para sa sarili. Maging mga hindi naman artista ay nagme-message sa kanila sa hindi malamang kadahilanan.

I still find it uncomfortable until now. Hindi naman kasi ako sanay na makakuha ng atensyon ng maraming tao. I was always alone or if not, just surrounded by small number of people. I don't want to put colors in their actions and I especially don't want to be rude. That's why I turned them down in the most courteous way possible. And I am also with someone now, I have Devyn. I don't need any other man in my life.

"I uh... I don't really know what to say about it. I didn't expect to receive this kind of attention but," napakamot ako sa pisngi ko sa kawalan ng sasabihin. "I already have a boyfriend."

"And I think you just broke the heart of your admirers," nakangiting sabi ng reporter sa akin.

"Hala, hindi naman po."

The reporters continued throwing questions, but the security guided us to the entrance of the cinema. Ang may kadiliman na lugar ang sulalubong sa amin pagkapasok sa loob ng cinema. The back part of the room was already filled with people waiting for the movie to start.

Ang VIP area ay may iilan na ring tao na nakaupo. Habang ang mga bakanteng pwesto naman ay may mga pangalan na nakapaskil para sa mga taong pinaglalaanan ng upuan na 'yon. Ang pangalan ko ay napapagitnaan ng sa kanila Mom and Dad.

The moment we fully entered the room, all eyes followed our every move. Their stares are heavy, it was full of admiration towards our family. Hindi ko alam kung paanong parang mahika na bumalik sa kanila ang mga bagay na nawala dahil sa pagsiwalat ng mga bagay-bagay sa pibliko.

They never shared information about anything that had happened. They didn't confirm nor deny anything. Basta isang araw nabalitaan ko na lang sa kanilang dalawa na matutuloy ang pelikulang pagtatambalan nila. And that's great news since this will also serve as their farewell movie.

Dad lead our way to our seats. At kahit nang mga sandali na 'yon ay ramdam ko pa rin ang mga titig nila sa amin. I silently roamed my eyes around venue, and I feel a pang of shyness when I realized that I stood out too much.

But unlike before that I would initially feel like I wanted to hide myself from the crowd. Now, there may be a little feeling of being uncomfortable, but I feel fine. Hindi na nangingibabaw ang ilang.

A woman with a gentleman on her side made their way to our direction. At dahil nga hindi naman ako mahilig manood ng palabas sa TV o ng mga pelikula ay hindi ko sila nakilalang dalawa.

"Margarette," nakangiting bati ni mom sa babae.

"Vanessa, stunning as always."

Nakipag-beso ang ang ginang sa mga magulang ko. Maging ang lalaki ay bumeso rin kay mom at nakipagtapikan kay Dad. Bumama ang tingin ng ginang sa akin at marahan akong ginawaran ng ngiti.

"What a glamorous child you have, Vanessa. Don't you think so, Harris?" tanong nito sa katabi na marahil ay anak niya.

"Definitely, Mom. Such an angel," sagot niya nang direktang nakatingin sa mga mata ko.

Nag-init ang mahkabilang pisngi ko sa hiya dahil sa munting ugong nang pang-aasar na nagsisimulang pumuno sa buong cinema. Gusto ko man na ipagbigay alam sa kanila na mayroon na akong kasintahan ay hindi ko na ginawa.

Nginitian ko ang lalaki ng bahagya. "Salamat."

"Let's take our seats," Dad thankfully said breaking the silent commotion of the crowd.

Nagpapasalamat na ngumiti ako sa kaniya sa ginawa niya dahil alam kong nararamdaman din niya ang ilang ko sa nangyari. Tahimik na nagsiupuan kami sa mga sari-sariling puwesto ngunit nagpilit ang kaninang ginang na magpalit kami ng puwesto. Hindi man buo ang pagsang-ayon ko ay pumayag ako para lang hindi na humaba pa ang usapan.

Ang kaninang dapat na uupuan ko ay si Mom na ang nakaupo habang sa upuan naman na niya nakaupo ang ginang habang ako naman ang umuukopa sa pwesto niya na katabi lang ng pwesto ng anak. Sa kaliwa ko ay ramdam ko pa rin ang titig niya sa akin kahit na hindi ko na siya muli pang sinulyapan.

"Nice dress," papuri niya.

My eyes dropped down to the black off-shoulder dress that I am wearing. It was just a plain off-shoulder dress. Nothing that stands out except that the dress itself is making my skin complexion more brighter than it already is.

I am only wearing a very light makeup, almost nothing. And my hair is tied up in a messy bun letting some strands fall on both side of my cheeks.

"Thanks, I guess?" alangan na sabi ko, medyo ilang sa mga papuri at tingin na ibinibigay niya.

"I uh..."

Napatingin ako sa kaniya dahil sa pagkautal niya. Nakangiwing napapakamot siya sa batok habang may nahihiyang ngiti na nakapaskil sa mga labi. He really looks embarrassed over something.

"May problema ba?" nagtatakang tanong ko.

"I just wanted to invite you for some coffee," mahinang bulong niya, talagang nahihiya sa sinabi.

Ako naman ngayon ang napakamot sa pisngi kasabay nang pagsalakay ng hiya. Ngayon lang may harapan na nag-aya sa akin ng ganito. Madalas, sa mga nakalipas na linggo at buwan, ay puro sa social media lang nagpapakilala. Naiilang ako hindi sa paraan nakasanayan ko. Ilang na mahirap ipaliwanag dahil sobrang bago lang sa akin kung kaya'y hindi ko alam kung paano hahanapin ang tamang mga salita para tumanggi sa kaniya.

Sa kawalan ng maisasagot sa kaniya ay bumaba ang paningin ko sa cellphone ko na siyang tanging dala ko ngayon. Wala sa sarili na napangiti ako nang pagbukas ko sa aparato ay unang bumungad sa akin ay ang litrato namin ni Devyn noong araw na inalok niya ako na liligawan niya ako.

My heart was filled with an overwhelming amount of love as I look at Devyn's face while he was looking at me. The shot was from below the stage. At sa pagkatanda ko ay ang babaeng nakita kong hinahabol ni Galan ang kumuha ng litrato na iyon. At hindi maitatanggi na maganda ang pakakakuha niya ng litrato.

She was able to capture the shock expression on my face with my eyes clouded with tears. And in that perfect angle she was able to give emphasis to Devyn who was in front of me, holding his guitar, singing and making me feel the love that he has for me. And that photo proved me that Devyn is indeed in love with me. That during those time, all the lies were covered by the love. And all the pretentions were replaced with the eagerness to win my heart.

"You've got a man," Harris said after a while.

"Yes," mabilis na tugon ko.

"Game over for me then."

Hindi ko na siya nagawang sagutin nang mamatay mga ilaw at nagsimula ang pagrolyo ng pelikula. Aminado ako na noong una ay hindi ko magawang masundan ang itinatakbo ng kwento. Hindi naman kasi ako mahilig sa mga pelikula. Mabilis akong mabagot at hindi ko matagalan ang pag-upo ng lagpas dalawang oras habang tutok ang paningin sa palabas.

Pero habang tunatagal, habang nakikita ko ang itinatakbo ng palabas, habang naiintindihan ko ang gustong ipunto, at habang pinanonood ko ang ayos ni mom na malayo sa madalas kong makita, ay naiintindihan ko na. Na katulad sa palabas noon sa auditorium ay muli na namang ipinapakita ang panibagong mukha ng kagandahan.

Mom and dad were not dress like a filthy rich characters that I expected them to portray. Instead, they were dressed like beggars wandering in the middle of the busy street, holding a rusty can, begging for the people some coins to survive their day.

I found myself drowning with so much emotions while watching the movie. The beauty of my mom that people used to see on her every movie is nowhere to be seen. It was hidden behind the dirty clothes, behind the dirt that was scattered all over her face and body. At hindi rin nalalayo ang porma ni Dad.

"SUNOG! SUNOG! SUNOG! GUMISING KA JIA!" sigaw ng isang ale na ang tinitukoy sa nabanggit na pangalan ay si Mom.

"HUWAG! CHRISTIAN! HUWAG KA NANG SUMUONG! MALAKAS ANG APOY!"

Naging magulo ang mga susunod na eksena. Ang bahay-bahayan na itinayo sa gilid ng lansangan ay unti-unting nilalamon ng apoy. Walang pinapatawad at walang pinapalampas. Ang dikit-dikit na barong-barong sa ilalim ng riles ay mabilis na tinupok ng apoy.

Si Dad, na ang karakter ay nagngangalang Christian, ay nagwawala at nagpipilit na lumapit sa bahay-bahayan na malapit ng maabo ang kalahati. Napahigpit ang kapit ko sa hawakan ng kinauupuan ko nang mas tumindi pa ang mga eksena. Mabilis na nakalapit at nakapasok si Christian sa loob ng nasusunog na bahay.

"JIA! JIA! NASAAN KA?!" malakas na sigaw nito habang sinusuyod ang buong lugar.

Ang mahinang daing na nagmumula sa ilalim ng maliit na kahoy na lamesa ay mas nagbigay ng motibasyon kay Christian na hanapin si Jia. Kumabog ng malakas ang dibdib ko nang maalis ang lamesa ay nandoon ang babae na lapnos na ang kalahati ng katawan. Kahit alam ko na palabas lang at hindi totoo ang mga sugat na nakikita ko ay hindi ko napigilan na makaramdam ng pagkahabag sa nakikita kong kalagayan ni Jia.

Nilingon ko ang pwesto ni Mom at nakita ko siyang nakatingin din sa akin. There was a sad smile on her face and motioned me to continue watching. And I did.

"THAT MOVIE..." mahinang usal ko sa mga magulang ko. Wala man akong ginawa sa buong durasyon ng palabas pero pakiramdam ko ay napagod ako. Pagod na sumandal ako sa sofa at pinanood ang pag-upo ni Mom at Dad sa loveseat na nasa tabi ng inuupuan ko. "That was wonderful," halos tunog nananaginip na sabi ko.

"It was. Kaya nga nakaramdam din kami ng lungkot nang muntikan ng hindi matuloy. Mabuti na lang at nabigyan kami ng isa pang pagkakataon," Dad said.

Hindi ko natutukan ang mga lihim na mensahe sa sinabi niya. Bumabalik sa isip ko ang mga napanood ko kanina. The movie tackles the kind of love that doesn't see any see the difference of the person. Dahil sa sunog, hindi na naibalik ang dating magandang mukha na nalapnos ng todo.

Jia, portrayed by mom, pushed Christian out of her life not just once. Ngunit sa kabila ng paulit-ulit na pagtataboy na 'yon ay nanatili si Christian sa tabi niya. Jia hated herself. The life she had and the struggles she's been through. But Christian, instead of leaving, chose to stay and used what happened as a motivation to give Jia a better life.

Kumayod siya ng hindi lang isang trabaho sa isang araw. Mula sa paghahakot ng mga binabagsak na isda sa palengke tuwing umaga, hanggang sa pangongolekta ng basura tuwing tanghali, hanggang sa pagiging janitor sa isang hotel sa gabi.

And Christian's hard work had paid off. Mabilis siya na nakaipon at mabilis silang nakabangon. He proved her love for by staying. By giving her a better life which he successfully did. He proved his love by not looking at the things that people called ugly towards Jia. And the rest was history.

"Bliss," mom said, pulling me out of my reverie.

"Yes, mom?" sagot ko na ang paningin ay nakapako pa rin sa kisame.

"I'm sorry."

Wala sa sariling napangiti ako ngunit nananatiling hindi nakatingin sa kaniya. Wala na ang galit na noon ay buhay na buhay sa puso ko. Hindi ko na mahanap ang kalungkutan na noon ay pumupuno sa puso ko. Sapat na ang isang taon para sa akin. Sapat na ang mga buwan na lumipas para makuha ko ang pag-intindi at pagpapatawad sa puso ko.

Okay na ako.

"You're already forgiven, mom."

Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Dad. Marahil ay hindi kumbinsido sa sagot ko. "Why aren't you asking anything, Bliss?"

Sa tanong niya na 'yon ay tuluyan ko na silang hinarap. Nakita ko kung paanong kabado na nakakapit si mom sa braso ni Dad. Maging si Dad na kalmado man ang postura pero kakikitaan pa rin ng kaba sa mga mata.

I smiled at them genuinely. "I began to fear asking questions, Dad," the practiced smile plastered on my face fade away. "But I trust you and mom not to keep any secrets from me. Naniniwala rin ako na tapos na talaga ang bangungot na dala ni Ruby sa buhay ko. The fragment of the nightmare she brought in my life would always be there to haunt me. It will never fade away, but I've learned to move forward with my life. Dahil kailangan. Dahil hindi hihinto ang kasalukuyan para sa mga bagay na nangyari sa nakaraan. What happened still wake me up at night from time to time, but I know that it will just remain as a nightmare. And sooner or later, I'll be able to feel nothing but forgiveness towards Ruby."

Napuno nang katahimikan ang buong salas ng bahay. Mataman lang silang nakatingin sa akin na para bang isang pagkakamali lang nila ay masasaktan na naman nila ako. Na sa sobrang pagsisisi nila ay parang nawalan na ng espasyo ang makagawa ng pagkakamali sa buhay nila.

Even if I wanted to ask, I just let go of my curiosity. Hindi iisang beses na pinili ko ang magtanong ng katotohanan sa mga tao sa paligid ko para lang mauwi sa mga bagay na makakasakit sa akin. Ilang beses ko nang gustong pagsisihan na nagtanong pa ako pero palaging nauuwi sa mabuti na rin na nalaman ko. That's why I chose not to ask anymore. I chose to just wait for them to tell me the things that's needed to be told.

Hawak na nila ngayon ang desisyon sa mga itinatago nila. They now have the full control of whether to give my mind peace with their lies or to give my heart peace by telling me the truth.

"Ruby was my child with my non-showbiz ex before your Dad. It was an unplanned pregnancy. Maniwala ka, Bliss. Mahal ko siya. Mahal na mahal ko siya pero kinuha siya ng ama niya sa akin. Hindi ko alam kung ano ang nag-udyok sa kaniya na gawin 'yon pero hindi ko na siya magawang mapigilan. I did everything that I can to find her. Pinaumbestigahan ko, pinahanap ko, I've hired the right men to have her back, but my efforts weren't enough. Until I made the biggest mistake in my life. I stopped."

Hindi ako nakapagsalita sa mga sinabi ni mom. No, I wasn't hurting. And no, I wasn't angry. I could only feel pity. Not towards myself, but pity for Ruby.

Hindi ko alam kung dapat ko pang ipagpasalamat na wala na siya nang hindi na niya marinig pa ang mga bagay na 'to. O malungkot dahil sa katotohanan na sinukuan siya ng tao na dapat ay nasa tabi niya hanggang sa dulo.

I don't want to question mom about her love for her. Naniniwala ako na mahal ni Mom si Ruby bilang anak niya. Alam ko rin na pinagsisisihan na ni mom ang mga kamalian na nagawa. Pero hindi ko maalis sa akin ang lungkot at awa para sa kaniya. Ruby said it herself. She wasn't wishing for an extravagant life. She wasn't wishing for her family to be whole. She simply wants... a mother. And that person gave up on her long time ago.

Napatitig ako sa mukha ni mom. I always look at her as a perfection. The epitome of beauty not just for me but also for a lot of people who looked up to her. But life really knew how to be fair. Because behind the perfection that I see in her, there was a dark past hidden behind it.

Mga maling desisyon sa nakaraan na nagresulta sa isang magulong kasalukuyan. Masyadong nakabubulag ang konsepto na kapag perpekto ang panlabas na ganda ay awtomatikong hindi na makagagawa ng pagkakamali ang isang tao. Masyadong naging bulag ang mga mata ng karamihan sa panlabas na kagandahan na nagagawa na no'n na mabura ang mga bagay na hindi maganda sa paningin ng iba.

On my mom's case, as a celebrity, it became a bigger issue. Lalo na dahil sa nangyari sa akin. But it was the past. She already asked her forgiveness for her lost child. She already grieved, and is still grieving, for her lost. And I think that is enough. As long as the lesson that was taught by that experience would remain in everyone's heart.

"I always see you as the epitome of beauty and perfection, mom," pag-amin ko. "Kaya hiniling ko na huwag akong iharap sa publiko noon. Natatakot ako na madungisan ang pangalan na pinaghirapan niyo ng dahil lang sa isang katulad ko."

"Don't say that, anak." Tumayo si mom at lumipat ng pagkakaupo sa tabi ko. "You will never taint our name. You're a blessing that we prayed so hard for. Kaya hindi mo dapat tingnan ang sarili mo sa ganiyang paraan."

"You're still proud of me, right?" I asked, almost sounding like a childish kid.

"Of course." It was Dad. Tumayo rin siya at lumipat sa bakanteng tabi ko. "We are more than proud of you, anak. You've made it. You've survived all the battles life threw at your direction."

"And we are really sorry to the world that they failed to witness your growth." Sumandal si Mom sa balikat ko habang nakayakap ang mga braso sa baywang ko. "Only if weren't cowards and let the world knew your condition. Pero natakot kami, hindi para sa sarili namin, kundi para sa iyo. Alam namin kung gaano kagaspang ang ugali ng mga tao. Kung gaano kakitid ang utak ng iba para sa kaunting pag-intindi. I knew for sure that some people would use you as a laughingstock to satisfy their day. We don't want that for our precious jewel."

"And I think we made the right decision to give you a private life," Dad said. Napatingin ako sa kaniya at gano'n din siya sa akin. The handsome smile on his face made me smile too. "Dahil sa pinagdaanan mo. Dahil sa mga lihim na sakit na mas pinili mong solohin sa takot na masaktan mo rin kami. Dahil alam ko at nasisiguro ko na kung dinala ka rin namin ng Mom mo sa buhay namin na magulo at puno ng ingay, ay baka hindi ka na namin kasama ngayon. I don't want to be negative here. But the world is that harsh to push someone on doing something like that. The world is that cruel for people like you."

Finally, a genuine smile broke out of my face. "I understand, Dad. Fully."

Kinabig ko silang pareho sa dibdib ko. Ang mga mata ay unti-unti na namang pinupuno ng luha sa sari-saring emosyon sa sumasalakay sa puso ko. Ngunit ang nag-uumapaw na tuwa ang siyang nangingibabaw sa lahat. Tuwa dahil alam ko na tapos na talaga. Na buhay na akala ko ay puno lang ng hirap ay matutuldukan na.

COLD WIND BRUSHES my white skin as I walk though the bed lf green bermuda grass. Mon and Dad are on each of my side. All of us were silent for the same reason. To give way to the peacefulness of the soul of the person who made us experience life on a different scale.

Marahang ibinaba ko ang bugkos ng puting bulalak na pinili ko para ialay sa kaniya. Tahimik na naupo ako sa tuyong damo kasabay nang paglapat ng mga palad ko sa lapida ng taong napakalaki ng parte sa buhay ko. Kasabay nang pagsindi ng kandila ay ang paglapag ng paningin ko sa pangalang nakaukit sa lapida na 'yon.

Ruby Mendoza.

Ngumiti ako habang kaharap ang lapida at ilang sandali lang ay humampas, sa masuyong paraan, ang malamig na hangin sa balat ko. "I forgive you, Ruby," I said. "I am sorry, too. And I am hoping that you're finally at peace wherever you are."

Naramdaman kong naupo rin si Mom sa tabi ko at katulad ko ay humawak rin sa lapida. I didn't look at her face for I know that she is already crying for her lost child. Isang patunay na ang mahinang paghikbi niya na naririnig ko. Dad stayed standing behind us, but I know that he's silently talking to Ruby, too.

"Patawarin mo ako, Ruby. Anak..." mahinang wika ni Mom na nasundan nang pag-iyak.

Napangiti ako. Ngunit hindi ko rin maiwasan na makaramdam ng pait at panghihinayang para kay Ruby. "Narinig mo 'yon? She called you her child , Ruby. Tanggap ka niya," mahinang bulong ko upang hindi umabot sa pandinig ni Mom.

Hindi ko maiwasang makaramdam ng awa para kay Ruby. She's just a child wanting for a mother's love. But circumstances took that away from her that resulted to a build up anger and hatred. Hindi ko masasabi na hindi masakit at madaling kalimutan ang nagawa niya. Pero naiintindihan ko ang pinanggagalingan niya kaya hindi naging mahirap ang pahpapatawad.

The wound that she gave me left another batch of scars, much more than the first one she gave me. There were means to remove it but I declined. I want it. I want to have it with me as a reminder of who Ruby was, and her reason for all the things that she has done.

Hindi madaling magpatawad. Mas lalong hindi madaling makalimot. Hindi madaling umintindi ng rason kung bakit nauwi sa ganito ang lahat. Pero hindi mahirap na maramdaman ang nararamdaman niyang naghahangad lang ng pamilyang kakalinga. Si Ruby, katulad ko ay isang taong basag at nangangailangan ng kamay namagsasalba sa kaniya. She is also a woman with a broken heart and a complicated life.

What she did cannot be justified by her reason, that's the truth. Kaya umabot ng ganito katagal bago ko natutunang unti-unting pakawalan ang pagpapatawad para sa kaniya. I may not forgive her fully for now for all the scars, the nightmares, and the sleepless nights that she caused me. But I know in the right time that forgiveness will be the only thing that I will feel whenever I'll recall her name.

"Let's leave for a while," bulong ni Dad sa tainga ko.

Tumango ako bilang pagsang-ayon at saglit na nag-alay nang tahimin na dasal bago tumayo. Inalalayan ako ni Dad habang si Mom ay nananatiling luhaang humihingi ng tawad.

"Patawarin mo ako, anak ko. Mahal ka ni mama."

Panghihinayang. 'Yan ang nangingibabaw sa akin habang pinakikinggan si Mom habang kausap ang namayapang anak. Kung bubay lang si Ruby ay paniguradong matutuwa siya at sa wakas ay matatapos ang pangungulila. Pero malabo nang mangyari 'yon ngayon dahil wala na siya, dahil sumuko siya.

Nakakapanghinayang na kailangan umabot sa ganitong punto na hindi na niya mararanasan ang mga bagay na hinihiling. Siguro kung sa ibang paraan nagtagpo ang landas namin ay hindi ganito. At siguro, kung hindi galit ang umiral sa kaniya ay narito pa rin siya ang naririnig ang pagmamahal ni Mom sa kaniya.

But we can't blame a person with a chaotic heart and mind. That's how Ruby was. Kaya umabot sa masalimuot na mga pangyayari. I am just hoping that she'll be fine. And in her next life, I am hoping that she will be surrounded by love that she never had.

"I hope Mom will be alright," nag-aalalang sabi ko kay Dad na nakaakbay sa akin.

"She will be, princess."

"Dad," malambing na pagtawag ko sa kaniya.

"Hmm?"

Humugot ako ng isang malalim na hininga bago itinanong ang bagay na gusto kong bigyan ng linaw. "If we all are in a different situation, would there be me?"

Naramdaman kong natigilan siya sa tanong ko ngunit agad ding nakabawi at nagpatuloy sa paglalakad akay-akay ako. "You wouldn't be my Bliss Audrey. You would be someone with a different life and a different name. You wouldn't be different."

Ilang beses 'yong sumagi sa isip ko noong mga panahong hinihilom ko ang sarili ko. Paano nga kaya kung naging maayos ang takbo ng kuwento para kay Mom at sa ama ni Ruby? Paano kung hindi sila nagkahiwalay at hindi nakilala ni Mom si Dad?

I would probably be just another family's child. A normal one. 'Yong hindi maputi ang buhok at balat, hindi asul ang mga mata, at hindi kakaiba. My life would've been different if I have a different parents. It would've been way easier for me. No bullying, no scars, no painful words, no nightmares, and no pain. My life would be just a random ordinary story that most people wouldn't notice.

But I can't imagine my life being a normal person. Parang ang labo. Parang hindi bagay. At parang hindi ako. I wouldn't be Bliss Audrey Laure if I am not an albino.

Continue Reading

You'll Also Like

64.7K 1.3K 10
Catch line: "Where do we go from here? Nasa nakaraan ka, nasa kasalukuyan ako... Ah! Basta, sa kasalukuyan lang ako nakahawak ngayon - dahil dito, ab...
2.9M 180K 59
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
61.1K 2.8K 53
What if sa isang iglap, maging asawa mo ang iniidolo mong writer? Pwede naman iyon hindi ba? Kahit reader ka lang, pwede kang maging kasintahan ng is...
36K 1.5K 19
Ganoon na lamang ang galit ni Jill sa ex-boyfriend niyang si Jack dahil after their so-called "cool off," bigla na lamang niyang nalaman na may bago...