Three Seconds āœ”

By Vicissiveour

2.1K 764 640

"Just three seconds..." Ā©2021. Ugly_Writes. All rights reserved. More

THREE SECONDS
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
AHEM!
THREE SECONDS

19

25 17 4
By Vicissiveour

Sasamahan sana ako ni Lowelyn, pero 'di pa nga s'ya nakakatayo no'ng sabay-sabay naman siyang pinigilan ng mga kaklase ko. Iritable tuloy siyang nagpapadyak-padyak at napipilitang bumalik sa pagkakaupo.

Mag-isa na lang akong lumabas ng room, ginagalingan pa rin ang pag-arte na kuno masakit ang tiyan.

Actually, wala pa akong plano kung saan ako pupunta ngayon. Na-badtrip lang talaga ako kanina nang todo kaya ako napunta sa sitwasyon na 'to.

Nilingon ko naman ang gray field. Medyo malayo 'to sa kinatatayuan ko. Pero bagaman gano'n, kita ko pa rin kung gaano na 'to katahimik. Wala na sila. Saan na kaya ang dalawa na 'yun?

Sa dulo ng court ay nakalinya ang mga kagaya ni Charlie na martial artist. Habang hindi niya pa 'ko nakikita ay kaagad na 'kong umalis at tinungo ang daan patungo sa clinic dahil baka pinagmamasdan ako ni ma'am mula sa room namin.

So, napagpasyahan ko nalang na sa library mag-stay hanggang hapon. Nagkita-kita kaming lima roon.

"Ano'ng nakain mo?" tanong ni Joyce at saka hinagis ang bag ko sa mukha ko. Napatawa siya sa sariling ginawa. Sasabihin ko sana or should I say magsisinungaling na sana ako na kaya ako nag ka-dysmenorrhea ay dahil sa kakaiba kong ulam kanina nang muli na naman siyang nagsalita, "...anong nakain mo't nagpanggap ka na may sakit?"

Nag-apiran silang apat, at humalukipkip na lang ako sabay nguso.

Sabay-sabay kaming tumayo, papauwi na dahil alas kuwatro na. Simula noong mga nakaraang araw ay nakasanayan ko nang maglakad patungo sa mansyon namin.

Kasabay ko naman ang apat, kaya kahit may times na nakakapagod ay nag-e-enjoy din naman dahil walang katapusan ang topic namin.

"Baka dahil sa nakita niya kanina," mahinang bulong ni Frency, pero sapat na para marinig naming apat. May hinala akong tungkol sa 'kin ang sasabihin niya pero 'di ko lang alam kung ano. Napaayos ako ng tayo. "...'di ba nakita mo sina Janna at Cyriel kanina?"

Inosente niya akong ngitian, at natahimik naman kaming lahat.

"Ha?" I whispered under my breath. "'Di, a'. Masakit talaga ang tiyan ko kanina."

Tinanguan nila akong apat, tangong 'di naman kombinsido. Sinabihan na kami ng librarian na isasara na ang library kaya umalis na kami. Nagtanung-tanong naman ako sa mga naging lesson. Humiram na lang ako ng notes para may magamit ako mamayang gabi.

Malapit na kasi ang first grading exam. Wala naman akong planong aralin lahat ng lesson dahil unang-una sa lahat, ang hirap no'n!

Pangalawa, ano ako genius? Albert Einstein na may 160 plus IQ?

Pangatlo, masyado pa akong busy sa mga bagay na 'di ko mapaliwanag. Basta busy ako. At panghuli namang dahilan, nakaka-stress kayang mag-study ng matagal! Okay lang sana kung hanggang one hour lang. 'Yun ang bet ko.

At ayun na nga... Kaming lima ay sabay na naglakad, at ang topic namin ay patungkol sa birthday ni Charlie mamaya.

"Ano kaya'ng magandang gift, 'no?" nag-i-imagine kong bulong.

Alam kong masyado nang late para bumili ng regalo dahil ilang oras na lang ay pupunta na kami sa bahay nila. Pero baka lang naman makahabol.

Pero nga kapag pupunta ako ng mall ngayon, siguradong mababaliw lang ako kakaisip sa ireregalo sa kaniya. Ano ba kasi'ng hilig ng tao na 'yun?

Kanina pala, by the way, nagplano akong tanungin si Cy tungkol sa gusto niyang matanggap kapag birthday niya. Baka lang naman pareho sila ng gusto. Pero nga dahil sa nahihiya at medyo upset ako kanina, walang gano'ng nangyari.

"'Di na nga kailangan ng regalo no'n," sagot ni Lowelyn sa 'kin. Napatingin naman ako sa kung saan-saan, parang timang na naghahanap ng sign kung magreregalo ba 'ko o 'wag nalang. "Present mo lang, masaya na 'yun," tinapik niya ang braso ko.

"Anong present?" natatawang singit ni Frency. "Baka kamu presence. Magkaiba meaning no'n," puna niya pa rito kaya ang ending, nagkaroon naman ng debate sa pagitan nilang dalawa.

Si Ytang naman at Joyce ay tahimik lang. Well, speaking of Joyce... Nasanay na ako sa pagiging introvert niya minsan, pero si Ytang, minsan ko lang siyang makitang ganito kaya inaamin kong nakakalungkot din pala.

Tahimik akong tumabi sa kaniya, at mukhang 'di pa rin niya 'ko napapansin. Wala akong idea kung ano ang nasa isip niya ngayon, kung tungkol pa rin ba sa nangyari kahapon o ano. Gusto kong malaman. Mukha kasi siyang may problema.

"Ytang," I called her.  "May problema ba?"

Peke siyang tumawa at natigilan. Makalipas ang ilang segundo, bumalik na ang dating s'ya -- maingay, palatawa, nanapak bigla-bigla at uunang lalakad para magkabunguan kami.

"Ano nga'ng susuotin mo mamaya?" nakangisi niyang tanong at binigyan ako ng huwag-ka-nang-magtanong-kung-bakit look.

"Leggings at purple na shirt nga."

Hindi nagtagal ay kinailangan ko nang magpaalam dahil tanaw ko na ang bahay namin. Naabutan ko si Papa na nagbabasa ng diyaryo at si Auntie na nagpapa-massage sa isang maid namin.

Simpleng kumustahan lang at nagpatuloy na ako sa pag-akyat sa hagdan. Awtomatiko akong napahiga sa kama at nag-scroll sa social media.

Masaya akong nag-take ng three-minute half bath at isa-isang nilabas 'ang mga notebooks ng apat. Napangiwi naman ako sa writing style ni Lowelyn.

Siya lang ata 'tong makakaintindi rito. May ibang letra ba naman kasi na papataas, may ibang pababa, at may iba ring patagilid, kaya digmaan talaga ang naganap.

Thirty minutes pa bago ako susunduin ng apat na 'yun, pero handang-handa na talaga 'ko. Pero, wala nga lang akong maiibigay na gift para kay Charlie.

"Alis muna ako," paalam ko kina Papa at Auntie. Kakatapos ko lang mag-dinner pero kakaunti nga lang ang kinain ko dahil nga may kainan naman do'n sa bahay ng celebrant. "Babalik ako kaagad before 9: 30."

Nag-wave ng isang kamay si Auntie habang si Papa naman ay nakangiting tumango. 'Di ko pa nasasabi kung saan ako pupunta pero mukhang good mood sila. Ano'ng nangyari?

Inasahan ko pa naman na ipapahatid nila ako kay manong.

Paglabas ko naman ng gate, nabungaran ko ang mga kaibigan ko.

Si Lowelyn --as usual -- naka-loose denim pants tapos long sleeve na color white. Naka-simple bun ang medyo mahaba niyang buhok. Si Joyce naman, naka-blazer na hanggang tuhod tapos naka-saya at t-shirt na hanggang kili-kili lang ang manggas tapos medyo tight.

Si Ytang ay suot naman 'yung jersey na sinuot niya no'ng sabay kabing nag-enroll. Naka-nike shoes ito tapos naka-tight jeans. Tapos si Frency naman, sandal lang ang suot tapos naka-dress.

Tiningnan ko sila isa-isa at biglang na-conscious sa sariling suot. Habang nasa tabi nila ako, pakiramdam ko 'di ako belong. Hindi naman kasi ako na-inform na may paganito pala sila ngayong gabi.

"Masyado namang pangit ang suot ko," busangot ko sabay tingin sa dinaanan ko kanina. Pero nakakapagod nang bumalik sa kuwarto para lang magbihis ng panibagong susuotin. "Tapos wala pa talaga akong suot na make-up."

Nang bumalik kay Frency ang tingin ko -- sa mukha at buhok niya -- napatalon na naman ako sa pagkamangha sabay wika, "Ang ganda mo ngayon! Mas lalo kayong gumanda! May ka-date ka ba, Frency?"

"Basta," nakanguso niyang sabi.

'Di ko na lang siya pinilit, at inanyayahan na lang silang magsimula na sa paglalakad. Masyado namang naging matagal ang pag-uusap namin. Baka tapos na ang kainan do'n! Gutom pa naman ako.

Tantiya ko'y twenty minutes kaming naglakad bago kami nakarating sa address na sinabi ni Ytang. Siya lang kasi ang nakakaalam sa bahay nina Charlie, e'.

"Bongga, a'," pahagikhik kong ani. Bonggang-bongga. May disco sound na kaming naririnig. 'Di rin makakatakas sa sixth sense ko na marami ang imbitado ngayon bukod sa mga kakilala ng celebrant.

"Nandito kaya si Cy?" bulong ko kay Lowelyn. "'Di ba friends sila?"

Nag-isip-isip siya sandali. "Baka. 'Di ako sure. Friends sila. Pero hindi naman party boy 'yun." Masaya ako't seryoso siyang sumagot. Akala ko kasi'y mang-go-good-time na naman ang babae na 'to. "Bakit miss mo?" nakagisi niyang tanong. "Miss mo 'no?"

Sinong miss? E', palagi ko namang nakikita ang g'wapong mukha no'n sa school.

"Ha," "inis kong tugon saka nagkibit ng balikat. "'Di, a'."

Nang-aasar niyang tinap ang buhok ko, tapos sabay na kaming limang pumasok sa gate.

Hindi nga ako nagkakamali. Marami ngang tao. Pool party. Pero wala namang naka-bikini. Kadalasan lang ay mga babaeng naka-racer back o 'di kaya'y naka-sports bra ang napapansin ko.

"Bakit nila ako pinagtitinginan?" rinig kong bulong ni Frency kay Ytang.

"Ang ganda ko kasi," pagbibiro ni Ytang, at ako ang nabatukan ni Frency. Tumawa lang naman po siya. Hahampasin ko na sana siya mahagip ng mata at sixth sense ko sina Janna at Hershly.

Nakasuot ng bathrobe na color caramel si Hershly, ang pink na buhok ay lumilipad kapag naglalakad siya. Si Janna naman ay naka-simpleng sleepshirt lang tapos may towel pa sa ulo, kakaligo pa lang 'ata.

'Di nagtagal ay nagkaharap kami. Pero mukhang pareho naming 'di gustong gumawa ng eksena. Sila ang unang umiwas, at masaya ako dahil doon.

At one more thing, 'di ko na rin matingnan-tingnan nang maayos si Janna ngayon. Sa tuwing napapatingin ako sa maganda niyang mukha, nagdadatingan ang mga insecurities ko.

Nagsimula talaga ang pagiging mailap ko sa kanila simula noong mahuli nila kami sa likod ng building ng Senior High.

Samantala, tahimik akong nakaupo sa isang nipa hut nang lumapit si Janna sa 'kin.

"Sorry," aniya. By that, I became tongue-tied. Masyado akong nagulat para batiin siya. "Sorry sa nagawa kong paghila sa 'yo the previous day." Bumaba ang tingin niya sa siko ko. Bakas pa rin do'n ang hugis ng isang bracelet.

"Okay lang," sabay ngiti ko.

"Napa-consult mo na ba 'yan sa dermatologist?" sa mababang tonong tanong niya.

"Dermatologist?" I echoed. Alam ko naman 'yun, sadyang hindi ko lang maintindihan ang gusto n'yang sabihin.

"Doctor of skin. Skin expert." Inirapan niya na naman ako. "Basta," parang bata niya na namang usal. "Hindi na talaga 'yun mauulit."

Nagtanguan kaming dalawa. Bagaman ganoon, alam ko pa ring kap'wa pa rin kaming galit sa isa't isa.

Itatanong ko na sana kung magkasama ba sila ni Cy ngayon nang isang grupo ng mga lalaki ang dumating. Sa pagkakaalala ko, kasama na ro'n ang mga kapatid ni Hershly.

Lahat sila ay ayos na ayos. Napanguso naman ako nang 'di makita si Cy sa grupo nila. Masyadong high-class ang dating ng mga 'to. Hindi kagaya ni Cyriel na simple lang manamit pero kaakit-akit, 'di kamahalan ang pabango pero astig pa 'rin. 'Di kagaya ng mga bagong dating na 'to na naka-tuxedo.

Well... mukha na silang nasa-early twenties. Mukhang mga college na ang mga 'to. Actually, medyo crush ko 'yung sinabi ni Ytang sa 'kin noon.. 'yong may dugong spanish. Pero masyado siyang mataas sa tingin ko ngayon. Sa madaling salita, high-class ang dating nito. Ayaw ko sa mga high-class.

Tuluyang umalis si Janna, at nagsidatingan naman sina Joyce, Frency, at Lowelyn  habang may dala-dalang juice at cake. Alam kong pare-pareho lang kaming nahihiyang makipagsalamuha ngayon. Kaunti lang kasi ang kakilala namin dito.

"Ang ga-g'wapo, a'," sabi ni Lowelyn habang nakatingin sa mga lalaking high-class ang dating.

"'Di ko sila type. Masyadong maangas. Kaunti lang 'yung mukhang mabait," komento ko at nag-slice ng cake.

Napatigil lang ako sa pagsubo nang lumabas ang celebrant mula roon sa main door. May parang hinanap 'to sa paligid, at nang makita kami ay lumapit ito sa direksyon namin.

"Ganda ng suot na 'tin ngayon, a," pagbibiro ko nang tuluyan na siyang nakaharap sa 'min.

Naka-botton-down purple long sleeve siya na naka-tuck in ang back part sa isang stripe denim pants. Nasa right side mostly ang buhok niya at maganda tingnan kasi parang naka-gel pa 'to. "Halatang ikaw talaga ang may birthday," habol ko.

Tumitig siya sa mukha ko, at patawa-tawa niya kaming pinasalamatan sa pagpunta rito.

"Sorry, a', walang regalo," nasabi ko na lang. Nakaka-guilty naman. Panay ang kain namin kanina -- hanggang ngayon pero wala naman akong dalang regalo. "Babawi na lang ako next time."

Tatandaan ko na talaga ang date na 'to para next year, maghahanda ako ng bonggang gift.

"Okay lang," sabay ngiti niya sa 'kin. "Basta ang importante, nandito kayo ngayon." Tahimik naman ang apat sa tabi ko. For sure, kagaya ko rin sila na medyo nahihiya.

"Enjoy the night," Charlie stated. "Kung may problema, tawagan mo lang ako." Tinapik niya ang balikat ko. "I mean tawagan niyo lang ako," pagtatama niya. Tumalikod na 'to at in-entertain ang ibang guest.

"Oh, nasaan na si Ytang?" tanong ko habang may hinanap na isang tao. Si Cy... 'Di ba magkaibigan sila ni Charlie? So dapat nandito siya.

"Biglang umalis, e'," Sinubuan ako ni Frency ng isang kutsarang punong-puno ng icing. "May kakausapin daw."

"Hanapin na natin si Ytang," natatarantang singit ni Joyce. "Mahirap na. Marami pa namang tao ngayon dito. Tapos ang mga lalaki... Kung sinu-sino ang nakikita ko ngayon. "

Ang pagiging caring ni Joyce ay lumalabas na naman.

"Hindi na 'yun bata," si Lowelyn naman, naging giraffe na dahil panay ang tingin nito sa kung saan-saan. "At isa pa, alam niyo na kung anong klaseng babae 'yun, malakas pa 'yun sa lalaki. Kawawa na lang talaga ang gagawa ng masama sa kaniya. Baka 'di pa nahahawakan si victim, patay na si suspect."

Matapos niya 'yung sabihin, ay bumalik na si Ytang. Mukhang okay rin naman siya kaya sabay-sabay kaming napabuntong-hininga.

"Darating ba si Cy?" tanong ko na kaagad. Kanina pa 'ko nagpipigil na 'di 'yun itanong dahil tiyak na aasarin lang nila 'ko, pero hindi ko na talaga kaya. Hershly was already here, so did Janna. Tapos 'yung mga kilala kong SSG officers ay narito na rin.

Napahawak ako sa sariling sentido. "'Di ba magkaibigan sila ni Cyriel?" Hinampas naman ako ni Lowelyn matapos ko 'yung itanong. Gulong-gulo na nga 'ko, sumakit pa braso ko. S'werte ko naman.

"Noon 'yun," Si Joyce na may baong jacket. Nagsisi naman ako't 'di ko nadala ang sa 'kin. "Nagkaaway lang dahil sa isang babae."

Napahinto ako. Pilit kong ni-register sa isip ang bawat salita sa sinabi niya, pero sa bawat pilit ko na tanggapin ang mga 'yun, nasasaktan ako. Nag-away sila dahil sa babae. Then, that girl must be so special. She must be prettier, more charming, more friendly, more attractive.

Malungkot akong yumuko, iniisip kung sino ang babae na 'yan. At may napagtanto ako. Janna.

Siya lang ang babaeng una kong nakaaway, at unang kita pa lang namin, mainit na ang dugo namin sa isa't isa. Kaya pala, kaya pala palagi silang magkasama.

"She's so lucky," ang nasabi ko na lang. Dalawang lalaki ang nagkagusto sa kaniya at marahil ay hanggang ngayon ay gusto pa rin siya ng mga 'to. "Para lang akong nakikinig ng fairytale love story."

Nagkatitigan kaming dalawa ni Joyce, at sa huli'y bumuntong-hininga siya sabay wika, "Indeed. Napakas'werte niya."

Isang lingon sa kanan ay nakita ko na ang taong matagal kong hinahanap. Bagong dating pa lang 'to pero pinagtitinginan na siya ng mga tao. Simple lang ang suot niya, pero pansin ko na na-i-intimidate ang ibang lalaki habang tinatanaw siya.

Biglang kumirot ang puso ko. Siguradong hindi lang dalawa ang nagmamahal sa kaniya kundi marami, at 'yun ang pinakamalungkot sa lahat.

Dumaloy ang kakaibang kuryente sa buo kong katawan nang magkatinginan kami. Bagaman napakarumi na ng utak ko, nginitian ko pa rin siya.

"Nald.." he called me. Lubos akong nagulat nang sa isang kurap ay nasa harap ko na s'ya. I was tongue-tied. 'Di ko alam kung bakit siya lumapit sa 'kin. "Kumusta na ang siko mo?" malamig pero nag-aalala niyang tanong.

'Di pa man ako nakakasagot nang mas lalo siyang lumapit sa 'kin. "'Bat mo ako iniiwasan?" tanong niya. Dahil simula ng encounter namin no'ng na-guidance kami, naging mailap na ako sa kaniya.

"Wala," naibulong ko na lang. Hindi ko na maramdaman ang apat sa tabi ko, marahil ay iniwan na talaga 'ko rito. "'Wag mo na nga lang akong pansinin." Hindi siya sumagot, at 'yun ang mas lalong nakakakaba. "Pumunta kana kay Janna... o kay Hershly o sa kahit na sino.."

Basta't 'wag lang sa 'kin.

"Kumain ka na ba?" tanong niya na naman. Pansin ko lang na nasanay na siya na tanungin ako ng ganiyan sa tuwing nagkikita kami. Baka akala niyang isa akong baboy.

"Malamang," 'di ko akalaing magtutunog sarkastiko 'yun. Pero nasabi ko na kaya wala na akong magagawa kundi ipagpatuloy ang nasimulan, "kaya alis ka na nga."

"Sige."

Gano'n lang?

Sa simpleng pagpapaalis ko umalis na?

Gano'n-gano'n lang?

'Di ako makapaniwala!

"Hindi ba uso sa kaniya ang salitang makiramdam?" galit kong tanong sa ere at nilibot ang tingin. Bigla akong na-badtrip. Kung kanina, malungkot, ngayon nama'y tumaas na ang high blood pressure ko.

"Marynald..." a voice from behind. Tinaasan ako ni Cy ng kilay. What the? Kumunot sandali ang noo ko, at hinila niya naman ako kaya napaupo kaming dalawa sa tiles.

Bakit siya bumalik...?

"Ano'ng ginagawa mo?" I asked, my voice shaking.

"Hilutin na 'tin," he whispered, a smile plastering on his face.

"Ang ano?"

"Ang braso mo."

Continue Reading

You'll Also Like

762K 26.9K 72
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
21.5M 700K 46
Ingrid is being stalked by a mysterious stranger. She thinks he's a psycho and is deeply afraid of him. However, her curiosity got the better of her...
618K 22.4K 32
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
210K 3.9K 21
Dice and Madisson