Left in the Dark (Savage Beas...

By Maria_CarCat

6.8M 239K 80.8K

In darkness, I found peace More

Left in the Dark
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Epilogue
Special Chapter 1
Special Chapter 2
Sequel
SAVAGE BEAST SERIES SELF-PUB

Chapter 25

92.6K 3.6K 1.4K
By Maria_CarCat

Flowers






Nanatili ang titig ko kay Eroz. Nanatili din ang matalim niyang tingin sa mga bumati sa amin. Friends ba niya iyon or kalaro lang sa basketball? Kasi kung friend ko yan hindi ko susungitan. Or inborn na talaga kay Eroz ang pagiging masungit?

Napangisi ang mga lalaki. Maging si Duncan, nahihiya silang napakamot sa kanilang mga batok. I notice na ganuon ang mga lalaki pag nahihiya. Bakit kaya?

"Pasencya na Eroz, hindi namin alam. Hindi din alam ni Duncan, diba?" sabi ng isa sa kanila, siniko pa nito si Duncan para pasagutin ng Oo.

Sa huli ay nagpaalam na sila sa amin. Ni hindi na nga nila ulit kinulit pa si Eroz about sa basketball game. Sayang, ready pa naman akong icheer si Eroz if ever may game sila.

"Tapos ka na bang kumain?" seryosong tanong niya sa akin.

Napatigil ako sa dapat sanang pagtusok ng squid balls. "I want to try pa this squid balls na walang tentacles" sabi ko kay Eroz. Umigting nanaman ang kanyang panga at bahagyang kumunot ang noo.

Napangisi si Manong vendor kaya naman napatingin din ako sa kanya. Nakangisi siyang hinahalo yung mga paninda niya habang nagpriprito.

"Manong, your mantika is good. Hindi tumatalsik" puri ko sa mantika niyang behave, but pansin ko iba na ang color.

Ngumisi siya. "Ganuon talaga Ma'm ilang beses ka ba namang gamitin, hindi ka ba mapapagod sa pagtalsik" natatawang sabi niya sa akin na ikinalaglag ng panga ko.

"Manong, you're so bad. Maawa ka naman po sa mantika..." giit ko. I'm serious, pero si Manong ay mas lalong natawa.

Tumikhim si Eroz. Kaagad siyang dumukot ng pera sa kanyang bulsa at nagbayad ng kinain namin. Sinabihan ko pa siyang hindi pa ako tapos pero hindi na siya nagpapigil.

"Minsan prumeno ka sa mga sasabihin mo. You might offend some people, buti at nagawa pang magbiro ni Manong" galit na pangaral niya sa akin habang hila hila niya ako palayo duon, palabas ng simbahan.

"What's wrong in asking? When you ask, you learn. Dapat magcontinue ang learning...kaya dapat ask lang ng ask" pangaral ko din sa kanya.

Tumikhim siya. "Not all the time" giit niya kaya naman humaba nanaman ang nguso ko.

Nakakunot ang noo niya dahil sa galit. Pero mas lalong kumunot iyon ng makita ko kung paano bumaba ang tingin niya sa aking nakangusong labi. Hindi ko mapigilan, kahit naman ayusin ko ay ganuon pa din.

Yaya Esme told me before na cute ang lips ko. No need na ng effort because it was always in it's natural pout. Without an effort, my lips is always pouting. And it's a bit small and curvy.

"I'm sorry for being to madaldal. I don't want din naman to offend other people" pagsuko ko.

Aminado ako na sometimes hindi ko na macontrol ang self ko sa pagsasalita. Dahil kasi ay masyado kong kinimkim ang mha thoughts ko. Kaya naman nung natuto akong magpahayag ng totoo kong nararamdaman, wala namang tigil.

Nanatili sandali ang titig niya sa akin hanggang sa mapabuntong hininga na lang siya at magiwas ng tingin sa akin. Pinagdikit ko ang mga kamay ko, kukurutin ko nanaman sana ang likod ng aking palad ng hindi na iyon matuloy dahil mabilis na kinuha ni Eroz ang kamay ko, hinawakan niya iyon.

Nabigla ako. Akala ko kasi after the sermon session ay galit na siya at hindi nanaman ako papansinin. But I was wrong, hinawakan pa din niya ako kaya naman holding hands while walking nanaman kami palabas ng simbahan. Kay Yaya Esme ko iyon nalaman, sweet daw pag ganuon. Sayang hindi pwedeng may pa-sway sway pa at baka mas lalong mainis si Eroz.

Natigilan ako ng madaanan namin ang bilihan ng cotton candy. I try to stop myself for wanting it pero I really want to try. Ang huling kain ko nuon ay sobrang bata ko pa.

"Eroz, can we buy a cotton candy?" tanong ko sa kanya na may kasamang pagkuhit pa sa kanyang matigas na braso.

Kahit kung ano anong nakikiya ko ay hindi pa din makatakas sa paningin ko ang tingin ng ilan sa kanya. Gwapo ofcourse, pero kasi kalalabas lang namin ng simbahan pero yung face niya and aura para nanamang may sisigurin. I don't know.

"Bata ka pa ba?" masungit na tanong niya sa akin.

"Why? Bata lang ang pwede?" laban ko.

Tiningnan niya ako at inirapan. "Sinabi ko na sayo, hindi lahat ng gusto mo makukuha mo. Masyado ka ng...spoiled"

Bumagsak ang magkabilang balikat ko. Naiintindihan ko naman, pero cotton candy lang naman iyon. I can pay naman for myself. Libre ko pa siya.

Tahimik akong nagpahila sa kanya sa kung saan. Sobrang traffic sa labas ng simbahan and super daming tao. Sabay sabay din kasi ang labas ng mga cars from the parking lot then yung mga papasok naman ng simbahan to attend the next mass.

"Kumain na muna tayo bago umuwi" sabi niya sa akin ng lagpasan namin ang terminal ng tricycle.

Tumango ako. "Date?" mahinang tanong ko sa kanya.

"Kakain" sagot niya ulit, mas matigas. Ayaw talaga pahuli at patalo. 

"Still a date" sabi ko pa rin. Bahala siya, it's true naman kaya. Hindi naman kami friends just to have a friendly date.

Siya na din ang nagsabi kanina na we're getting married soon. But napaisip din ako, paano kaya maging boyfriend si Eroz. How was it to feel being his girlfriend? Nakita ko nuon how sweet he is kay Tathi. He's soft din pag dating sa kanya. And always smiling. I want to experience that stage also.

Never pa akong naligawan. I want to experience the traditional panliligaw din. Like receieving flowers and chocolates from my suitor. Pupunta siya sa house para ipagpaalam ko kay Papa for a date tapos iuuwi niya ako sa house sa time na napagusapan nila ni Papa.

Tiningnan ko si Eroz. Napanguso na lang ako, hindi ko siya maimagine na gagawin ang lahat ng iyon sa akin. If ever man, bala hindi kayanin ng heart ko. Baka hindi ko din mapigilang tumili if ever, tili kagaya ng kay Yaya Esme everytime na may kissing scene sa pinapanuod niyang drama.

"May gusto kang kainan?" tanong niya.

Nilingon ko ang mga fastfood na nakapaligid sa amin. May Sta. Maria town center din na maraming kainan at mga botiques.

"Sa mura lang, kasi we're nagtitipid" sagot ko sa kanya.

Tumaas ang isang kilay niya dahil sa narinig. What? I don't want to be called spoild again. I can adjust, I can always adjust.

Hindi ko kinaya ang titig niya sa akin maya naman bumaba ang tingin ko sa sahig, pero parang mas hindi ko kakayaning makita ang magkahawak naming mga kamay.

Sa huli ay nagtake out na lang kami sa KFC dahil puno ang halos lahat ng fastfood.  Karamihan sa mga iyon ay mga nagsimba din.

"Teka, bibili ako ng sampaguita" sabi niya bago kami tuluyang pumara ng tricycle.

"Flowers" sambit ko. Tumango lang siya at sandaling binitawan ang kamay ko para dumukot nanaman ng pera sa bulsa niya. Hawak kasi niya ang plastick ng pagkain namin sa kabilang kamay.

Ramdam ko biglang panlalamig ng aking kamay dahil sa kanyang pagbitaw. It's scary din if ever masanay ako. Baka hanap hanapin ko. But i'm hoping this will last. We will last...sana talaga.

The sampaguita is for the poon sa house. May praying spot din kasi duon, si Yaya Esme palagi ang nagproprovide sa amin ng sampaguita nung bata ako.

Syempre naman Gertrude, alanga namang para sayo eh hindi ka naman poon!

Nginitian ko siya ng hawakan niya ulit ang kamay ko. "I love flowers too..." kwento ko. I just want him to know, kasi nga diba we're still on the getting to knlw each lther stage before marrying. We are lucky nga. Kasi sa ibang set up na ganito kasal kaagad.

Hindi niya na napansin ang sinabi ko ng may dumaang tricycle at pinara niya. Una niya akong pinapasok, and this time sinigurado niyang hindi na ako mauuntog ulit.

Pagkauwi sa bahay ay tinakbo ko ang papunta kay Chin chin. Natawa ako ng makita kong lagpas na siya sa nilagay naming tela para maging higaan niya. Baby pa pero ang kulit na.

"Lumabas ka nanaman, you're so kulit talaga. Kanino ka nagmana?" natatawang tanonh ko sa tuta namin while  I carrefully carry her pabalik sa tamang place.

"Syempre sayo, kanino pa ba?" pagsingit ni Eroz.

Napaawang ang aking bibig. Singit singit siya diyan. Mother and daughter bonding kaya kami. Masyado.

Hindi pa siya nakuntento. Nagsquat siya sa tabi ko para haplusin din ang tuta namin. "Baka sa totoong Mommy dog ni Chin chin. Paano ba malalaman kung masungit ang aso?" tanong ko.

Ngumisi si Eroz, nang lingonin ko siya ay nakita kong kay Chin chin pa din siya nakatingin.

"May masungit bang aso, Gertrude?" tanong niya sa akin.

"Siguro? Baka si Chin chin" sagot ko sa kanya. Bakit hindi susungit kung sa kanya magmamana?

Tumikhim siya. Alam na ata kung saan patungo ang usapan namin. Atleast Eroz is aminadong masungit siya.

"Kumain na tayo" masungit na sabi niya at nauna pang tumayo sa akin.

"Paano si Chin chin?" tanong ko. Baka gutom na din siya.

Tamad niya akong tiningnan. "Mamaya. Ako na ang bahala"

Tumango ako. "Oh ok" sambit ko at hindi ko ulit napigilang mapatingin sa kanyang dibdib.

Tumikhim siya. "Ang mata mo, kung saan saan nanaman pumupunta" suway niya sa akin.

"Huh? Andito pa yung eyes ko" sabi ko sa kanya habang pinanlalakihan siya ng mata para patunayan na hindi kung saan saan nakarating iyon.

Sinamaan niya ako ng tingin. "Mamimilosopo pa eh"

Napanguso na lang ako at tahimik na sumunod sa kanya papasok sa aming bahay. Bago iyom ay nagawa ko lang kumaway kay sa nakahiga nanamang si Chin chin. Matutulog nanaman yan, I can't wait na mas lumaki pa siya lalo para makapaglaro na kami.

Dumiretso kaagad si Eroz sa may dinning table namin para ayusin ang foods. Hinayaan ko siya, bigla ko kasing naalala yung mga damit kong magulo pa din hanggang ngayon. I'm so tamad na to make  it ayos. Naubos kaya lahat ng lakas ko sa pagtutupi nuon. Buti sana kung may walk in closet kami dito, ilalagay lang sa hanger and it's done.

"Ako na ang magaayos niyan mamaya" sabi niya na ikinagulat ko.

"Huh? Ang mga clothes ko? Ako na...anyways, who's gonna make laba ng clothes natin?" tanong ko sa kanya. Lumapit na ako para matulungan siya sa ginagawa.

Tumikhim siya kaya nagangat ako ng tingin. "Uhm, Don't worry pagaaralan ko" paninigurado ko sa kanya.

Hindi siya nagsalita kaya naman hindi ko na din dinugtungan ang sasabihin ko. Tahimik kaming kumain.

Pagdating ng hapon ay naiyak ako sa tuwa ng malaman kong dumating na si Tita Afrit galing sa manila. Walang sabi sabi akong pumunta sa kanilang bahay at kaagad siyang niyakap.

"I miss you so much, Tita Afrit!" emosyonal na sabi ko sa kanya.

Namuo din ang luha sa gilid ng kanyang mga mata dahil sa tagpong iyon. Matapos ang mahigpit na yakap ay humiwalay siya sa akin, ikinulong ang magkabilang pisngi ko gamit ang kanyang magkabilang palad.

"Napakaganda mo Gertie" malambing na sabi niya sa akin kaya naman natawa ako.

"Kayo din po, Tita. Parang hindi kayo tumanda. You still look young..." balik napuri ko sa kanya kaya naman lumaki ang ngiti niya sa akin at muli akong hinila para yakapin.

Ang bahay namin ni Eroz ay napapagitnaan ng bahay nina Tito Darren and Tita Afrit. Ganito din daw sina Tita Elaine at Tito Axus nuon, feeling ko tuloy we are the younger version of them.

"Tita..." tawag sa kanya ni Eroz. Sumunod siya sa akin matapos ko siyang iwanan sa bahay kanina. I'm so excited to see Tita Afrit kasi kaya naman ng ibalita ni Eroz ang pagdating niya ay hindi na ako nagdalawang isip pa.

Humiwalay ako kay Tita para masalubong din niya ng yakap si Eroz. Napanguso ako at napasinghot, marahan kong pinunsan ang aking mga luha. Nakita ko ang tingin ni Eroz sa akin kaya naman nagiwas ako ng tingin. May times na nahihiya akong may makakita na umiiyak ako. May times din naman na wala akong pake.

"Sabi ko na nga ba't kayo din ang magkakatuluyan eh" si Tita Afrit.

Nakaupo kaming dalawa ni Eroz sa may dinning table niya. Hindi niya kami pinaalis dahil naginsist siyang paghandaan kami ng mirienda. Magisang umuwi si Tita Afrit dito, ang mga kapatid kasi niya ay may sarili na ding mga pamilya.

Naramdaman ko ang paglingon ni Eroz sa akin pero hindi ako lumingon pabalik. Ayokong makita niyang namumula nanaman ang face ko.

"Bagay sa inyo ang buhok niyo, Tita. Mas lalo kayong bumata tingnan" pagpansin ni Eroz sa short hair ni Tita Afrit.

Gusto ko din sanang punahin iyon kanina, naunahan niya lang ako. I remember nuon na gustong gusto din ni Tita Afrit ang long hair niya. Parang ako, I love my long hair.

Ngumiti si Tita Afrit at hinawakan pa ang buhok niya. "Para maiba naman" sagof niya sa amin.

Napakagat ako sa aking pangibabang labi. Up until now, hindi pa din ako makapaniwala na hindi sila ni Tito Darren ang nagkatuluyan. But as a respect kay Tita Luna, baka ganuon nga talaga. May mga taong hindi para sa isa't isa.

Napatingin ako kay Eroz. Kami kaya? Para kaya kami sa isa't isa? Sana.

"Matagal na akong hindi nakakaluto nito, sana ay ganuon pa din ang lasa" natatawang sabi ni Tita Afrit ng ilapag niya sa lamesa ang bananaque.

Nagtagal ang tingin ko kay Eroz. Nagtaas siya ng kilay ng makitang nakatingin ako sa kanya.

"Oh, paborito mo" sabi niya at bahagyang tumaas ang isang sulok ng kanyang labi na para bang may naalala sa bananaque.

What? The Caramelized banana?

Tahimik akong kumain, silang dalawa ni Tita ang nagusap. Pinagusapan nila ang tungkol sa palayan ni Tito Darren without telling his name. Sa tagal ng panahon, naka move on na kaya sila?

Matapos naming kumain ng mirienda ay umuwi din kami ni Eroz. Tita afrit needs to rest din kasi, pagod siya sa byahe pero nagawa pa niya kaming paglutuan ng mirienda.

"Ang tahimik mo" puna niya sa akin.

"I'm a bit sad lang, naalala ko lang silang dalawa ni Tito Darren nuon. I look up sa relationship nila...and they didn't end up together" malungkot na kwento ko kay Eroz.

Nagkibit balikat si Eroz. "Mapaglaro ang tadhana" he said.

Tinigilan namin ang paguusap tungkol duon, pareho din kaming nalungkot paginaalala.

Maaga akong gumising kinabukasan para sa pagpunta sa rice mill factory. Mas excited pa nga ata ako kay Eroz. Monday today, dapat you always start your week right. Wag daw tamarin pag monday kasi baka buong week kang maging lazy.

"Good morning" balik na bati ko sa mga trabahador when they started to greet us.

I was wearing a simple yellow checkerd dress and a flats. Nakalugay lang ang mahaba kong buhok. Dumiretso kami ni Eroz sa kanyang office. Pagpasok pa lang namin ay bukas na ang aircon, para bang ibinilin niya na ito.

"Can I help sa mga paper works? Miss ko na din kasi yung pagbabasa ng documents. Cairo always let me read some..." sabi ko sa kanya dahil ayoko din namang tumunganga buong araw dito sa office niya at manuod ng pagkakarga nila ng sako.

"You can use my laptop. Manuod ka ng movie kung gusto mo" sabi niya sa akin pero ayaw ko nuon. I got easily bored with that. Baka makatulog lang ako.

"I want to help you..."

Natigilan siya sa pagbubuklat ng mga documents at tumingin sa akin. I smiled back. Umigting ang kanyang panga.

"Halika rito" tawag niya sa akin. Halos mapapalakpak ako. Buti na lang at napigilan ko ang aking sarili.

Pinaupo niya ako sa kanyang swivel chair. Nanatili siyang nakatayo sa aking gilid, ang isang kamay ay nakatukod sa table habang ang isa naman ay nakahawak sa likod ng upuan.

"Ayusin mo ang mga ito according sa dates. Tsaka na kita tuturuan pag hindi na busy" sabi niya sa akin. Mabilis akong napatango.

"Sure, boss Eroz" natatawang sabi ko. Ginaya ko lang ang tawag sa kanyang ng mga employee.

Bahagyang kumunot ang kanyang noo. "Wag mo akong tawagin ng ganyan" seryosong suway niya sa akin.

Imbes na makasagot ay hindi na lang ako umimik ng irapan niya ako.

"Lalabas na ako at may delivery ngayon" paalam niya sa akin. Napaayos ako ng upo, parang nagsisisi na ako sa sinabi ko. I want to watch him work na lang pala.

"Sama me..." sabi ko.

Sinamangutan niya ako. Bumaba ang tingin niya sa mga documento sa aking harapan at itinuro iyon.

"Gawin mo yan. Ginusto mo yan" sabi niya sa akin. Gusto kong magmaktol, ginusto ko nga. Pero akala ko ba, hindi niya ako pagbibigyan sa mga gusto ko.

"Edi, you're spoiling me talaga. Kasi ginusto ko to eh" laban ko. Baka makalusot lang naman.

Umigting ang kanyang panga. "You stay here at tapusin mo iyan" masungit na sabi niya sa akin.

"Pero after nito, lalabas na ako ha. Tatapusin ko kaagad!" laban ko ulit sa kanya. No one can stop me.

"Ikaw ang bahala" sabi niya at tuluyan na akong iniwan duon.

Masaya pa ako nung unang mga part. Pero hindi nagtagal ay inatake na din ako ng boredom. Maya't maya akong napapatingin sa may bintana. Hanggang dito ay rinig ko ang tawanan nila. Para bang pinaparinig talaga sa akin para maakit akong lumabas o sa isip ko lang talaga iyon?

"I can't take it anymore!" sabi ko sa kawalan at kaagad na tumayo at lumabas ng makarinig ako ng hiyawan.

Halos takbuhin ko ang labas ng warehouse ng makita kong nagkakumpol sila.

"Wow" nakangiting sambit ko ng makita kong may hawak na bouquet ng flowers si Ate Erika galing kay Junie. Kaya naman pala sila naghihiyawan.

Tumabi ako sa nakapamewang na si Eroz. Nakangiti din ito habang pinapanuod ang dalawa. Nagulat siya dahil sa aking pagdating but hindi ako natinag, I was so amazed. Ang swerte talaga ni Ate Erika kay Junie.

"Ang sweet ni Junie. Ang ganda ng flowers" namamanghang sabi ko. I know Eroz heard it kasi ramdam ko ang tingin niya sa akin.

Nakahinto ang service truck ng isang flower shop. Nagpunta sila dito para sana umorder ng bigas. Saktong may delivery and may sobrang flowers kaya they let Junie buy for Ate Erika.

"What's meron?" nakangiting tanong ko kay Ate Erika ng lumapit siya sa amin.

Panay ang tawa nito, and she's super namumula. I bet it's because of the kilig.

"Ewan ko ba diyan" natatawang tukoy niya kay Junie.

Kay Junie ko nalaman na kaya niya binilhan ng flowers si Ate Erika is because, nagkaroon sila ng tampuhan kahapon. Ang cute lang, I really love them both.

Hindi maalis ang tingin ko sa flowers na hawak niya. I'm a big inggit, hindi pa ako nakareceive ng flowers bukod sa pag si Papa ang nagbibigay sa akin.

"Tapos ka na sa ginagawa mo?" tanong ni Eroz sa akin kaya naman nawala ang tingin ko sa kanila.

"Uhm. Nope pa, konti na lang" sagot ko sa kanya.

Napabuntong hininga siya. "May gusto kang kainin, Mirienda?" tanong niya sa akin pero hindi nama siya sa akin nakatingin.

"Wala, I'm not hungry" sabi ko ulit. At lumipat ang tingin ko sa service truck ng flower shop.

Girls can buy flower for their self naman. I want one too. Kakalabitin ko sana si Eroz para sabihing bibili ako pero nagdalawang isip ako.

"Bumalik ka na sa loob" sabi niya sa akin kaya naman mas lalo akong napanghinaan ng loob.

"Wait, breaktime"

Sinimangutan niya ako. "Sinong nagsabing may breaktime ka?"

Tinuro ko ang sarili ko. "Ako, sabi ko may breaktime ako" laban ko pa. Aba, hindi kaya pwedeng walang break time sa work.

Inirapan niya ako. "Sa lahat may sagot ka talaga. Kailan ka mawawalan ng sagot?" galit na sabi niya sa akin.

"Hmm...pag wala ng tanong?" sabi ko pa kaya naman mariin nanamang napapikit si Eroz dahil sa stress. Eroz niyo stress nanaman.

Imbes na inisin si Eroz duon ay malungkot akong naglakad pabalik sa may office. Panay ang lingon ko sa truck ng flower shop. Double ang lungkot ng makita ko ang tuluyan nilang pagalis, tapos na ata sila sa sadya nila dito.

Sa sumunod kong lingon ay nakita kong nakatingin na si Eroz sa akin. Pinapanuod ang lakad ko pabalik, nakapamewang nanaman. Mas lalo tuloy nag flex ang mga muscles niya. Kaya nga gusto ko na lang sanang manuod siyang mag trabaho eh. Sayang talaga.

May desisyon talaga tayo minsan na pagsisisihan din natin sa huli. Hmp.

Tahimik akong bumalik sa ginagawa kong trabaho. Gusto ko sanang chikahin na lang si Yaya Esme thru chat ang kaso ay baka mas lalong hindi ako matapos sa ginagawa ko. Knowing Yaya Esme.

Ilang minuto pa lang simula ng bumalik ako sa loob ng office ng mapaangat ako ng tingin tumunog ang doorknob. Napaayos kaagad ako ng upo, baka akalain ni Eroz isa akong lazy worker.

My jaw literally drop ng makita kong may hawak siyang bouquet ng flower. Gusto kong tumili, but ayaw kong maging assuming. Baka sa para sa poon nanaman yan sa bahay. It's ok.

Bumaba ang tingin ko sa mga documents. Kunwari wala akong pakels. Naramdaman ko ang paglakad niya palapit sa table. Tsaka lang ako nagangat ng tingin ng ilapag niya ang flower sa lamesa.

"Is this for the poon sa bahay?" tanong ko. Inunahan ko na.

Napanguso siya. "Poon ka ba?" tanong niya sa akin, he's about to smile. Pero hindi ko iyon napansin dahil nanlaki ang aking mga mata.

"For me?" paninigurado ko.

Tipid siyang tumango. Mabilis akong napatayo, kinuha ang bouquet at halos yakapin iyon.

"Wow, first time kong makatanggap ng flowers..." sabi ko sa kanya. Beside kay Papa ofcourse.

Sa sobrang saya ko ay lumapit ako kay Eroz. Nagulat siya sa ginawa ko kaya naman mabilis na sumuporta ang kamay kamay niya sa aking bewang.

"I'm so happy. Thank you, Eroz" nakangiting sabi ko. I'm super kilig din, halos manginig ang kamay ko.

Napahawak ako sa kanyang damit ng tumingkayad ako para sana halikan siya sa pisngi. Naramdaman ko pa din ang support niya sa bewang ko. He let me do it.

Sa sobrang tuwa ay imbes na sa pisngi lang ay napunta iyon sa kanyang labi. It was supposed to be a smack on the lips. Nang tangkain kong humiwalay na ay ganuon na lang ang gulat ko ng hinabol niya ang labi ko. He kissed me too.

Wala ako sa sarili ng dahan dahan siyang humiwalay sa akin. But ramdam na ramdam ko pa din ang labi niya sa aking labi.

"Welcome..." he said sexily. So ang welcome sa kanya ay may kasamang kiss? So araw araw pala akong mag sasabi ng thank you.

"Uhm...Thank you ulit?" sabi ko para sana may kiss ulit pero natawa na lamang siya. In this world full of sayang, atleast I got my first kiss.

"I'm your first kiss" deklara niya. Alam na alam niya. How?












(Maria_CarCat)

Continue Reading

You'll Also Like

3.5M 158K 64
This is a sequel from "Left in the Dark" Series #5 of the Savage beast Series Mahirap siyang abutin, masyadong malayo. Hindi siya sa akin, para abutin
7.1M 229K 65
His Punishments can kill you
All I ask By Cher

General Fiction

3.7M 116K 33
Kairos Vejar's life is perfect. He has a beautiful wife and two beautiful children. Lahat ay nasa kanya na at masaya siya dahil dito. Pero isang pas...
82.5K 5.8K 83
❝Gagawin ulit kitang lalaki, Neiji. Tandaan mo yan,❞ { seulgi x wonwoo epistolary ff } β€’| e p i s t o l a r y # 5 |β€’ ❄ elliefrappe ; 2016 ❄ #51 in ss...