Owned By Him

By BLACIRE

324K 7.4K 579

Sabi nila kapag tahimik ang bagyo mas nakakatakot, mas mabagsik at mas nakakapaminsala. Then what if a man wh... More

Owned By Him
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Epilogue

Chapter 12

9.5K 243 20
By BLACIRE



Chapter 12
________







"What are they doing here?" malamig na bigkas nang kaniyang Asawa na siyang bumasag sa katahimikan. Napatingin silang lahat dito.

Kahit siya man ay sobrang nagtataka. Anong nga bang ginagawa ni Stephanie sa bahay nila at bakit ngayon pa kung kailan nagsi celebrate sila nang Graduation niya. Akala niya para lang sa kanila ang gabing ito pero bakit nandito ito? At kailan pa ito naging close sa Mommy Lea niya?

"Son, don't be so excited. Later I'll tell you the reason why." ngumiti ang ginang sa anak. Bakas ang tuwa sa mukha nito pero kung si Xiarra ang tatanungin. Hindi siya natutuwa.

Hindi niya pa din nakakalimutan ang nangyari last week kung saan nasobrahan sa kapal ang pagmumukha ni Stephanie para ipangalandakan sa kaniya nang harap-harapan na fiance nito si Phoenix.

Tumalim lang ang tingin nang asawa pero hindi na ito nagsalita pa. Ipinagpatuloy nalang nila ang pagkain kahit na tuluyan na siyang nawalan nang gana.

Kinakabahan siya. Hindi niya alam kung bakit.

Dapat ay masaya siya dahil sa wakas Graduate na siya at mamaya sana ay plano na nilang sabihin sa mga magulang nito ang tungkol sa pagpapakasal nila kahit na biglaan. Alam niyang magugulat ang mga ito pero umaasa pa rin siya nang magandang resulta.

Pero ngayon, hindi niya na alam ang nangyayari.

Tanging tunog lang nang mga kubyertos ang naririnig. Walang nagtangkang magsalita at hindi niya alam kung siya lang ba ang nakakaramdam nang awkward. Lalo na nang masulyapan niya ang Kapatid ni Stephanie na si Stephen na nakatitig sa kaniya.

Ilang minuto pa ang nakalipas at sa wakas ay tapos na silang kumain. Nailigpit na nang mga katulong ang pinagkainan nila at kasalukuyang nasa harapan nila ang isang klase nang French dessert na ginawa ni Manang Rosie.

Hindi niya pa iyon tinitikman. Kung tutuusin ay wala siyang gana. Kakaunti lang nga ang kinain niya kanina dahil pakiramdam niya ay hindi niya kayang kumain habang nakikitang masayang kumakain Si Stephanie sa harap niya. Ito pa nga ang naglalagay nang pagkain sa plato nang asawa niya.

Gustohin niya mang gawin iyon para sa asawa ay hindi niya magawa. Walang nakakaalam na kasal sila. At iyon ang masakit.

"I know nabigla kayo Phoenix, Xiarra iha kung bakit may bisita tayo ngayong gabi na dapat ay private dinner lang nating pamilya." panimula nang Mommy Lea niya na ikinabaling nila dito.

Pansin niyang kanina pa hindi nagsasalita ang Daddy Edward niya. Tahimik lang ito simula kanina na hindi na din naman niya pinagtakhan dahil hindi naman talaga ito palasalita. Dito nga nagmana si Phoenix.

"Napaka special kasi nang araw na ito para sa pamilya dahil sa wakas ay Graduate na din si Xiarra." bumaling sa kaniya ang nakangiting ginang "Congratulations Iha, we are so proud of you." malambing na ani nito na siyang ikinangiti naman niya.

"Thank you Mommy." ani niya na ikinatango nito.

Bumaling ito sa lahat. Isa-isa sila nitong tiningnan bago nag seryoso. Doon na siya kinabahan.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Kaya nandito sina Stephanie ay dahil magiging parte na din naman sila nang family natin. Hindi nga lang makakarating ang Daddy niya dahil may emergency itong pinuntahan but anyway I have a good news to all of you." tumingin ang ginang sa nakangiting si Stephanie.

"I am glad to tell you that Phoenix and Stephanie are soon to be a husband and Wife and we are now expecting my very first grandchild because Stephanie is Pregnant." masiglang ani nang Ginang na siya ikinabigla niya nang lubos.

Bigla ata siyang nabingi.

Para siyang pinagbagsakan bigla nang mundo sa narinig. Hindi ma proseso nang utak niya ang sinabi nito. Parang biglang nayanig ang mundo niya.



Unti-unti siyang nilalamon nang sakit at ramdam niya ang pananakit nang mata niya dahil sa pagpipigil sa kanyang luha na bumagsak.

Napatingin siya sa asawa na nakayuko. Gusto niyang makita ang mga mata nito. Gusto niyang kumpirmahin dito ang sinabi nang Ginang.

Gusto niyang sabihin nito sa harapan niya na hindi iyon totoo. Gusto niyang hilingin na sana'y panaginip lang ang lahat. Pero ang hinahangad na kumpirmasyon ay nakuha niya nang sa wakas ay tumingin sa kaniya ang Asawa at bakas sa gwapong mukha nito ang guilt.

Bigla siyang nablanko.

Buong gabi siyang tulala. Habang nag uusap ang mga ito sa harapan niya ay para siyang robot na nakaupo lang sa kaniyang upuan.

Iniisip niya palang ang nangyayari sumasakit na ang kalooban niya. Paano nalang ngayong nasa harapan niya na.

Ang sakit lang isipin, hindi dahil magpapakasal ang lalakeng kasal na sa kaniya kung hindi ang kaalamang buntis ang pakakasalan nito.

Paano iyon nangyari? Niloloko lang ba siya ni Phoenix? Halos hindi pa man sila nagtatagal bilang mag asawa ay may nabuntis na agad ito? Are they already in a relationship when he got Stephanie pregnant?

Gusto nang lumabas nang luha sa mga mata niya pero pilit niya iyong pinipigilan. Sumasakit na nga ang lalamunan niya para lang hindi tuluyan humagulhol.

Kasal sila, asawa niya ito. Pero anong gagawin niya kung naka buntis ito at gustong ipakasal nang magulang sa babaeng nabuntis nito. Ni wala ngang alam ang mga ito na kasal na ang lalakeng pinipilit nitong ipakasal sa iba. Ipinipilit nga ba?

Muli niya tiningnan si Phoenix. Umaasang bigla itong tututol at sasabihing kasal na ito sa kaniya. Pero nanatili lamang tahimik ang asawa.

Gusto niyang sumigaw at siyang tumutol. Pero paano niya ba magagawa iyon sa mga taong siyang nag aruga at kumupkop sa kaniya. Hindi niya yata makakayang makita ang mga itong tumingin sa kaniya nang puno nang galit at hinanakit.

Pumikit siya at huminga nang malalim.

Ngayon niya yata dapat na pagsisihang nagpakasal siya sa lalakeng inaakala niyang mahal din siya. Hindi niya yata kayang pakinggan ang king ano mang paliwanag na ibibigay nito sa kaniya. Kailangan niya munang makapag isip-isip.

Para na siyang mababaliw nangyayari.

Dumilat siya nang mata at tumikhim. Nakuha naman niya ang pansin nang Daddy Edward niya. Tumatagos ang titig nito sa kaniya. Tila ba may alam ito na hindi niya alam.

"Ahm magpapahinga na po sana ako. Medyo pagod din po kasi ako ngayon." mahinang sambit niya dito.

Alam niyang narinig siya nito.

Nakita niyang tumango ito at nginitian siya nang tipid na siyang sinuklian niya naman. Dahan-dahan siyang tumayo at umalis. Ni hindi napansin nang Mommy Lea niya ang pag alis niya dahil abala ito sa pakikipag usap kay Stephanie. Ramdam niya naman ang pagtitig nang asawa na hindi niya na binigyan pa nang pansin.

Walang ingay siyang umalis nang dining table at umakyat patungo sa kaniyang silid.

Kapapasok siya palang sa pinto nang kwarto niya ay bumukas na agad ito.

Napatingin siya sa pumasok at napatigil nang malamang sumunod pala sa kaniya si Phoenix.

"Anong ginagawa mo dito? You should be outside planning your wedding." mapakla niyang ani dito.

"Why would I? You're my wife and the only woman that I would love to spend my life with." seryosong ani nito na tila ba wala man lang ginawang katarantaduhan.

"And you expect me to believe that after knowing that you got some woman pregnant? Maiintindihan ko kung gustuhin kang ipakasal ni Mommy cause she didn't know that you are already married. But knowing that she would do that because Stephanie was pregnant? Hindi mo alam kung paano mo ako dinurog dahil doon! "

Hindi niya napigilang sumigaw. Unti-unti na ring tumulo ang luhang kanina niya pa pinipigilan.

Nanginginig na ang mga kamay niya at nangangati na itong sampalin ang nasa harap.

"It doesn't matter if she was pregnant. You are my wife and I'm not going to marry her." lumapit ito sa kaniya at tumitig na parang nagsusumamo.

Umiwas siya nang tingin at umatras. Hindi niya kayang salubungin ang mga mata nito.

"Bakit hindi ka man lang tumutol? Kailan mo pa nalamang buntis siya? Alam kong matagal mo nang alam dahil hindi ka man lang nabigla nang sabihin ni Mommy na buntis siya! Kailan pa? Ha kailan pa?!"

"I-I..." huminga ito nang malalalim bago nagsalita. "Before we got married.."

Mahina lamang ang pagkakasambit nito pero para siyang nabingi. Alam na pala nito na buntis ang babae pero pinakasalan pa siya nito? Kaya ba nagmamadali itong magpakasal?

"Tangina.." Hindi niya napigilang mapamura dahil sa narinig. Mas tumindi ang paghagulhol niya dahil sa sinabi nito.

"Hindi ko inaasahang nagpakasal ako sa isang manloloko at demonyong kagaya mo! Sana hindi nalang kita pinakasalan. Napaka gago mo!" sigaw niya dito.

Nakita niya ang pagtiim nang bagang nito at ang unti-unting pag dilim nang mukha nito. Mabilis itong lumapit sa kaniya at hindi niya na ito napigilan nang bigla siyang haklitin nito at isandal sa pader.

"At sino ang gusto mong pakasalan? Ang walang kwentang Lawrence na iyon? Pwes hinding-hindi mangyayari iyon dahil saakin ka. Hinding-hindi ka na makakawala saakin dahil papatayin ko kung sino man ang tanginang hahadlang saatin."

Nanginginig na siya sa takot dito. Sumasakit na ang braso niya sa higpit nang pagkakakapit nito sa kaniya.

"Wala kang puso. Matitiis mo bang lumaki ang magiging anak mo nang walang ama? Matitiis mo ba siyang pabayaan dahil lang sa pagiging makasarili mo?"

"I don't fucking care with that child. You are the only woman who will bear my child and nothing else." matalim na ani nito.

"Hindi pala talaga kita kilala." nanghihinang sambit niya.

"Yes, You really don't have any idea about me and on what can I possibly do Honey. You don't know how heartless I could be and how obsessed I am to you. I love you so fvcking much that I'll do anything to keep you. So don't you dare disobey me!" tinitigan siya nito bago tuluyang binitawan.

Parang walang nangyari na lumabas ito sa silid niya habang siya nama'y unti-unting napadausdos at nanghihinang napa upo sa lapag.

Anong klaseng buhay ba ang naghihintay sa kaniya sa kamay ni Phoenix. Ano bang maling desisyon ang nagawa niya para danasin ang lahat nang ito.

Hindi pa ba sapat ang pananakit nito sa damdamin niya? Anong klaseng tao ba ang pinakasalan niya.












Continue Reading

You'll Also Like

454K 9.8K 45
Warning: SPG/R-18 (Slight lang!) KOLEHIYALA 2 Paisley Ellineth Diaz, 20 years old, college student, governor's temptress?
190K 3K 49
ON-GOING Hindi alam ni Kiera na dahil sa isang listahan ng utang makikilala nya ang isang lalake. Si Dwight, ang lalaking hindi niya akalaing kapatid...
27K 327 14
Makapagtapos ng pag-aaral. Iyon ang goal ni Sybil sa buhay. And then the biggest opportunity of her life came, Ang maging scholar sa isang training c...
202K 4.8K 36
Si Blanco Vladimir Isang Estudyanteng tarantado. Masaya na siya sa naging Buhay niya na nanakit. Masaya na siya na may nakakabugbogan. Pero hindi ni...