Owned By Him

By BLACIRE

323K 7.4K 579

Sabi nila kapag tahimik ang bagyo mas nakakatakot, mas mabagsik at mas nakakapaminsala. Then what if a man wh... More

Owned By Him
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Epilogue

Chapter 10

10.9K 239 12
By BLACIRE


Chapter 10
_______


Dalawang linggo na ang nakararaan matapos ang pagpapakasal nila ni Phoenix nang biglaan.

Sa mga linggo na iyon ay naging maayos naman ang lahat sa kanilang dalawa. Madalas ay busy ang asawa sa trabaho pero sinisiguro pa rin nito na makakauwi lagi nang maaga para sabay silang mag dinner.

Napakasweet nito sa kaniya at sa bawat araw na lumilipas mas ramdam niyang lalo niya itong minamahal.

Napangiti siya pagkapasok pa lamang sa University na kaniyang pinag aaralan. Sa susunod na linggo ay graduation na nila at nandito lamang siya upang ibigay sa dean's office nila ang natitirang requirements na kailangan niyang ipasa. Next week din bago ang graduation day nila ay uuwi ang parents nina Phoenix. Hindi nga lang makakasama si Phoebe dahil may exams daw ito.

Kinakabahan siya sa totoo lang. Wala pang nakaaalam na kahit sino na kasal na sila ni Phoenix maliban nalang sa mga kaibigan nito at sa kaibigan niyang si Paula at ang boyfriend nito. Noong una ay nabigla ito nang sobra sa nalaman. Nagtampo pa ito sa kaniya lalo na at hindi niya man lang daw ito inimbitahan.

"Beshie!!" agad siyang napalingon nang marinig ang matinis na boses nang kaibigan. Speaking of Paula, tumatakbo ito na parang bata papunta sa kaniya.

"Paula ano ka ba, baka matapilok ka diyan ang taas nang heels mo." sigaw niya dito pero ipinagpatuloy lamang nito ang pagtakbo palapit sa kaniya at kumapit pa sa braso niya.

"Sa wakas Beshie, this is it. Next week tuluyan na tayong makakalaya sa buhay estudyante. Jusko mawawala na rin ang stress ko sa life at tuluyan nang mai-enhance ang ganda ko." natawa siya lalo na nang kumembot pa ito habang hinahawi ang kulot nitong buhok.

Bumaling naman ito sa kaniya nang marinig nito ang halakhak niya.

"Tuwang-tuwa ka naman diyan Beshie. Ang blooming mo pa ah. Ganyan ba pag araw-araw nadidiligan?" walang prenong ani nito na siyang ikinapula nang kaniyang buong mukha.

Agad niyang tinakpan ang bibig nito at tumingin pa siya sa paligid at lalo pa siyang namula nang makitang may mga napatingin sa kanila dahil sa lakas nang boses nang kaibigan niya.

"A-ano ka ba naman Beshie. Hinaan mo nga ang boses mo. Pinagtitinginan na tayo oh. Napaka eskandalosa mo talaga." bulong niya dito at pinanlakihan pa ito nang mga mata.

Pilit na tinanggal naman nito ang kamay niya sa bibig nito at nang magtagumpay ay ngumiti ito at tinitigan siya.

"Ang ganda mo kasi kahit kailan Beshie. Kaya siguro patay na patay sayo si Phoenix dahil sa alindog mong iyan. Hindi na ko magtataka na palagi kang ginagapang nang gwapong--"

"Paula!"

Ngumiti ito at nag peace sign pa sa kaniya bago kumapit ulit sa kamay niya.

"Oo na titigil na. Ikaw talaga para kang si Maria Clara. Anyway, hanggang ngayon talaga hindi pa din ako makapaniwala na magiging asawa mo siya. Eh ang sungit sungit kaya non tapos ang talim pa lagi tumingin lalo na noong unang beses noon makita si Lawrence."

Natahimik siya nang mabanggit nito ang dating nobyo.

"S-si, si Lawrence kamusta na ba siya?" hindi niya mapigilang tanungin ito tungkol sa kalagayan nang dating nobyo. Tuluyan na siyang nawalan nang balita tungkol dito. At alam niyang may alam din naman kahit papaano si Paula sa kalagayan nito lalo na at kaibigan nang nobyo nito si Lawrence.

Giniya siya ni Paula palapit sa isang Bench at sineyasan siyang maupo sa tabi nito bago nito nilapag ang dalang shoulder bag na dala sa tabi nito.

"Ang alam ko dinala siya nang mga magulang niya sa probinsya nila. Ang sabi ni Andrew maayos na daw ang kalagayan nito. Pero minabuti na lang nang magulang niya na dalhin muna siya doon para mas maging maayos ang pakiramdam ni Lawrence." malungkot na tumitig ito sa kaniya."Balita ko hinahanap ka niya. Hindi ni Lawrence matanggap na magkahiwalay na lang kayo nang biglaan. Ni walang pag uusap. Sabi pa nga ni Andrew nag iba na daw ito. Madalas daw nitong sabihin na makukuha ka daw niya ulit."

Tumulo ang luha niya dahil sa narinig. Masyadong masakit ang nangyari sa kanila ni Lawrence. Lalo na sa binata na walang ibang ginawa kung hindi ang mahalin at alagaan siya. Aminado naman siyang minahal niya din ang binata at napaka importante nito sa kaniya. Pero nasaktan niya lamang ito.

Hindi din naman niya mapipilit ang sarili na mahalin ito kung matagal nang tumitibok ang puso niya para kay Phoenix. Ang pagkakamali niya lang ay gumamit siya nang iba sa pag aakalang kaya niyang kalimutan ang binata. At sa pag-aakala na din na hindi siya nito kayang mahalin.

"Kasalanan ko ito Pau. Dahil saakin muntik nang masira ang kinabukasan niya. Lalo na ang mga plano niya sa pamilya niya."

Hinawakan nang kaibigan ang kamay niya at pinisil ito.

"Ano ka ba, nangyari na iyon wala na tayong magagawa pa. Basta ang importante masaya ka sa kung anong meron ka ngayon. Lahat nang tao nagkakamali, minsan nakakasakit pa tayo nang damdamin nang iba. Pero basta beshie kahit anong mangyari nasa tabi mo lang ako lagi." napangiti sya dahil sa sinabi nito.

Mabuti na lang at kahit hindi man kasing dami nang iba ang kaibigan niya. Meron namang isa na talagang nagmamalasakit at nagmamahal sa kaniya.

"Thank you beshie ah."

"Ano ka ba wala iyon. Pero Beshie sigurado ka bang masaya ka sa Phoenix na iyon? Hindi ka ba niya sinasaktan?" ani nito

"Hindi naman Beshie. Bakit mo naman natanong iyan?"

"Ah wala lang Beshie, naniniguro lang. Hindi ko kasi maiwasang kabahan sa asawa mo na iyon. Ewan ko ba, siguro masyado lang siyang intimidating."

Ngumiti na lamang siya dito at tumayo na.

"Halika na nga. Kung ano-anong iniisip mo. Ipasa na natin itong last requirements na kailangan. Susunduin pa ko ni Phoenix kakain daw kami sa labas ngayon bago umuwi. Baka mainip iyon sa pag antay."

"Ang sweet naman. Hay naku masyado kasing busy si Andrew ngayon. Namiss ko na ang baby ko. Hali ka na nga. " kinikilig na ani nito bago kumapit sa braso niya.

Matapos nilang makausap ang Dean nila at maipasa ang huling requirements nila ay naghiwalay na rin sila nang kaibigan. Pupuntahan pa daw nito ang mommy nito. Sasamahan bumili nang regalo para sa isang malapit na kaibigan.

Kaya naman naiwan siyang mag-isa habang nag-aantay sa asawang dumating. Buti nalang at malaya na siya kahit papaano. Wala nang mga bodyguards ang nakapaligid sa kaniya magmula nang maikasal sila. Mabuti naman at nadala sa pakiusap ang asawa.

Agad siyang napatingin sa kaniyang harapan nang tumigil ang pamilyar na kotse. Ito na ang kotse nang asawa. Napangiti siya at agad na binuksan ang pinto sa unahan at bigyan nang matamis na ngiti ang asawa ngunit agad din namang nawala ang galak niya nang makitang may nakaupo na pala sa upuang nakalaan para sa kaniya.

"Hi! You're Xiarra right?" maaliwalas na mukha ni Stephanie ang bumungad sa kaniya habang nakangiti ito na halata namang peke.

"Ah-ahm" She cleared her throat, parang biglang panandalian siyang nakapusan nang hangin dahil sa babaeng ito.

"Oh nevermind. Sa hulihan ka nalang maupo Girl ah? You know it's my moment to be with Phoenix. And it would be nice if the girlfriend would be in front while the sister is on the back." nakangisi na ani nito na tila nang iinsulto pa.

Agad naman siyang napatingin kay Phoenix na nakatingin lang sa harapan.

"Just get in Xiarra." walang emosyon na ani nito na siyang dahilan para mangilid ang mga luha niya.

Hindi niya alam kung ano ang nararamdaman. Napakasimpleng salita lang naman iyon galing sa asawa pero bakit biglang nanakit ang dibdib niya.

Biglang parang may bumara sa lalamunan niya. Wala nang siyang nagawa pa kung hindi ang sumunod dito. Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto sa backseat bago nanghihinang pumasok sa loob.

Hindi niya alam kung bakit biglang kasama nito ang babaeng ito. Sa pagkakaalam niya dati ay walang relasyon ang dalawa at ito lang si Stephanie ang lumalapit kay Phoenix. Pero bakit nandito ito ngayon. Bakit sinasabi nitong boyfriend nito si Phoenix at parang wala itong alam na asawa na siya nang lalake.

Hindi man lang ba nabanggit ni Phoenix dito na mag-asawa na sila? Bakit ang alam nito ay kapatid niya lamang ang lalake samantalang noon ay halos ipakilala siya nito bilang Girlfriend.

Napabuntong hininga siya. Kailangan niyang mag relax. Dapat ay kausapin niya na muna si Phoenix bago siya mag-isip nang kung ano-ano. Maaring magkaroon sila nang hindi pag kakaintindihan kung hindi niya lalawakan ang pang-unawa. Kahit na masakit, makikinig siya.

Sa buong biyahe ay walang nagsasalita sa kanila. Akala niya ay matatahimik lang sila sa buong durasyon pero mali pala siya. Naputol ang katahimikan nang magsalita si Stephanie.

"I really thought you were some bitch that would stole my man. Good thing Phoenix explains to me that you were only his sister." napatingin siya dito gamit ang unahan salamin nang kotse nakita niya itong nakatitig sa kaniya habang may matamis na ngiti. Sa unang tingin ay akala mo napakabait nito at sincere sa sinasabi.

Hindi siya nag salita at napabaling na lang ang tingin niya kay Phoenix na nakita niyang saglit na tumingin din sa kaniya sa salamin. Umiwas din ito nang tingin nang magsalubong ang mga mata nila. Nakatiim ang bagang nito at matalim ang titig sa daan. Mahigpit din ang pagkakakapit nito sa manibela.

Sa buong durasyon nang biyahe nila ay ganon lang ang nangyari. Tanging si Stephanie lang ang nagsasalita samantalang siya ay tumatango lang sa kung ano mang masasakit sa tenga na naririnig niya.

Hindi niya inaasahan na pati pala sa dapat na dinner nila nang asawa ay kasama pa ito. Ang malala ay parang ito pa ang asawa kung umasta. Nang pumasok sila sa loob nang restaurant ay matindi ang pagkakakapit nito sa asawa niya.

Kung wala lang siyang pag titimpi ay baka kanina niya pa ito nasabunutan o di kaya'y naingudngud sa pasta na kinakain nito. Sumama na rin nang tuluyan ang timpla niya at tuluyan niya nang hindi naitago dito ang inis na nararamdaman niya.

"Bakit ka nga pala nandito?" prangkang tanong niya dito.

"Oh you mean why did I join you here?" maarteng ipinaikot nito ang pasta sa tinidor nito. "Of course I'm here because of Phoenix. I thought we have a date but I didn't expect that you would be joining us too."

Takte talagang ginigigil siya nang impaktang ito. Hindi naman siya masamang tao pero parang gusto niyang dikdikin ang pagmumukha nito at ihalo sa sunod na perfume na gagawin niya.

Kaya lang wag nalang pala. Baka sumangsang lang ang amoy noon. Ang langsa pa naman nang ahas.

"Kailan ka pa niya naging Girlfriend?" hindi nakatiis na tanong niya.

"Oh that? Fiance was right term dear. We would be marrying soon and we will becoming a family. You should be glad for the two of us, my soon to be sister-in-law."

Napatingin siyang matalim kay Phoenix na kanina pa tahimik sa harapan niya. Unfortunately katabi nito ang hitad.

"Oh well I'm glad. Congratulations for the two of you." ginaya niya ang nag iinsultong tono nito sa pagsasalita.

"Let's go." napatingin niya kay Phoenix nang bigla itong tumayo at hinila siya paalis sa upuan nila kahit hindi pa sila tapos kumain.

Tuloy-tuloy itong naglakad papasok sa kotse nito at iginiya siya papasok. Tila nakalimutan pa nitong may kasama silang hitad na tumatakbo din patungo sa kanila pero hindi na nakahabol nang bigla na lang mabilis na paandarin ni Phoenix ang kotse.

Mahigpit ang hawak nito sa manibela at walang nagsasalita sa kanilang dalawa.

Magtutuos sila sa bahay nila nang asawa. Hindi siya papayag na manahimik lang ito na para bang walang kasalanan.

Hindi pa nga isang buwan nakalilipas ang kasal nila may hitad na agad na pinangangalandakan na Fiance nito ang asawa niya?


Hindi niya maintindihan kung bakit ang bilis niyang magalit ngayon pero siguro naman kahit sinong asawa ay talagang maiinis kapag may umaangkin sa mismong pagmamay-ari mo na.





















Continue Reading

You'll Also Like

21.8K 406 48
Paano kung sa gabing di inaasahan at makaka one night nya ay hinahanap-hanap sya palagi? At paano kung sa pag tago mo, sa anak nyo ay malalama't mala...
577K 14.7K 38
Walton Series: Harrison Walton-Swift Started: December 23, 2018 Ended: April 13, 2019
330K 12.5K 44
Rival Series 1 -Completed-
381K 10.6K 46
Caroline Erin Hunstman HUNSTMAN 3RD GEN SERIES. "Sa oras na halikan mo muli ako ay hindi ka na makakawala sa mga kamay ko." Isang gabi ay ninakaw an...