KNIGHTS I-5: Master of Decept...

By oaxygenknight

1.4M 45.6K 11.7K

Astreille knew her capability as a hacker and how her strength in that field can ruin someone else's life. Fo... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Epilogue

Chapter 10

22.7K 680 227
By oaxygenknight

"Sige lang, auntie, ako na po ang bahala diyan sa mga gamit ni Marie," magalang na saad ni Astreille sa matanda.

"Naku, sige, ija. Maraming salamat talaga, ha. Aasikasuhin ko lang ang kwarto namin," saad ng matanda.

"Tita, bakit nakita ko kanina sa isang kwarto n'yo lang po nilalagay 'yung mga gamit?" takang tanong ni Astreille habang inaayos ang mga maleta.

"Nakakahiya naman kasi kung pati 'yung isang kwarto sa baba ay gagalawin namin. 'Saka ayos lang, ija, kasya naman kasi sa isang kwarto kasi malaki naman." Astreille pouted her lips.

"Tita naman, e. Lima naman ang kwarto rito sa bahay kasi praning si daddy noon. Sige na, tita. Kahit sa katabing kwarto ko na lang si Marie," paliwanag ng dalaga.

Naiiyak na niyakap ng matanda ang dalaga dahil sa sobrang pagkatuwa rito. "Napakabait mo talaga, ija. Maraming salamat, ha."

"Wala po 'yon, tita. Sige po, ako na po ang bahalang mag-ayos sa mga gamit ni Marie."

Inalalayan ni Astreille pababa ang auntie dahil may katandaan na rin ito. Nang makitang ayos na ito ay umakyat na rin siya sa kwarto niya kung nasaan si Marie.

She smiled sweetly at her sleeping cousin. Pagod sa byahe kaya mas mabuting magpahinga muna ito sa kwarto niya.

She decided to fix her cousin's things habang tulog pa ito sa kwarto niya. Pumasok siya sa kabilang kwarto para asikasuhin ang mga gamit ng bata. She's glad that her father bought things for every room in their mansion, atleast ay hindi kasama sa problema ang mga gamit sa bahay.

Habang abala sa paglilinis ay hindi niya naiwasan ang mapaisip. Bumalik ang takot at kaba sa dibdib niya dahil sa nangyari kagabi.

After saying that, bigla na lang itong naglaho sa dilim. Wala man lang siyang yapak na narinig noong umalis ito.

Naniningil na ako ngayon.

She shut her eyes close to forget about what happened last night. Hindi na nga siya pinatulog no'n kagabi, ngayon naman ay patutulalain pa siya.

When she was done cleaning and fixing all her cousin's stuffs. Bumaba siya sa sala para kumustahin ang auntie niya.

She knocked three times before opening the door. Nakita niyang tapos na rin ang matanda sa paglilinis at inaasikaso na nito ang asawa.

She smiled sweetly before entering the room. "Tita? Ayos lang po ba kayo rito?"

Lumingon ang matanda sa kaniya bago tumango. "Oo naman, ija. Napakalaki nga ng bahay na 'to, tingnan mo ang tito mo. Kahit paralisado ay masaya naman ang mga mata niya kasi magkakasama na tayo."

Astreille giggled with that. "Tita, may wheelchair naman akong binili para kay tito. Kapag may oras ka, puwede mo siyang ilibot sa likuran. May malaking garden po roon at pool, si Marie rin, puwede rin po siya doon. Basta't tandaan ninyo na lang po na bahay n'yo na rin 'to."

Her auntie flashed a sweet smile.

"Napakabait mong bata, Astreille. Wala ka pa bang nobyo? Kung m'eron ay gusto ko siyang makilala. Hindi puwedeng lokohin ka na lang ng isang lalaki, ang swerte na nga sa 'yo tapos uutuin ka pa. Ay nako!" galit na singhal ng matanda na ikinatawa naman ng dalaga.

"Tita naman, e. Alam n'yo naman po na hindi dumapo sa isipan ko ang pagkakaroon ng nobyo," sagot ni Astreille rito.

"Ay sayang, gusto ko pa namang makita kung sino ang magpapasaya sa 'yo. Noong nakita kasi kita sa Hospital, alam kong malungkot ka dahil nag-iisa ka lang," nag-aalalang saad ng matanda habang hinahaplos ang buhok niya.

Ngumiti siya rito. "Nandito naman na po kayo nila Marie, panigurado po ay hindi na ako malulungkot."

Sabay silang tumawa dahil roon. Magsasalita na sana muli ang dalaga nang makarinig sila nang malakas na busina sa labas.

"Titingnan ko lang po kung sino 'yon, tita."

She immediately walked towards the main door before opening it. Lumabas siya para buksan ang gate at tanawin kung sino ang may ari ng sasakyan sa harapan niya.

Inayos niya ang laylayan ng puting dress na suot niya bago pagmasdan ang itim at mamahaling kotse na ngayon ay nasa harapan ng bahay niya.

Nanlaki ang mga mata niya nang makitang bumaba ang may ari ng agency nila mula roon. Hinubad nito ang suot na shades bago siya ngitian.

"Hey, Astreille."

Agad niyang niyuko ang ulo. "B-Boss, good afternoon po. B-Bakit po kayo nandito?"

Bumaling ang tingin ng dalaga sa papel na nilahad ng lalaki sa kaniya. Magalang niyang kinuha 'yon bago buklatin.

"Sir, a-ano po ito?" she asked habang nakakunot ang noo sa labis na pagtataka.

"You're fired."

Her eyes widen with that. Tiningala niya ang lalaki na may bahid ng pagtataka sa mukha.

"Po?"

"I don't want to see you again in the agency. Tinatanggal na kita sa trabaho simula ngayon," pagpapatuloy nito.

She gulped. "P-Pero boss, 'yung utang ko pa po 'diba? Bilyon pa po 'yon. Atsaka, b-bakit po ako natanggal sa trabaho?"

She took a step backward when she remembered what happened last night. Dahil ba roon kaya siya tinanggal sa trabaho? Nalaman ba ng mga 'to kung gaano kapanganib ang sinugod niya?

"Because I'll offer you a new job. As a hacker, ofcourse. And this time, 2 million ang sweldo mo kada buwan. Walang wala sa sweldo mo ngayon sa agency."

Tiningala niya ang lalaki habang pilit na pinoproseso sa loob ng utak niya ang sinabi nito. Aalukin siya nito ng bagong trabaho? At dalawang milyon ang sweldo niya kada buwan?

"P-Pasensya na po, sir. Pero naguguluhan talaga ako. Bakit po? S-Saan po ako magtatrabaho? Hindi po ba 'yan illegal?" nahihintatakutang tanong niya.

"It's better if we talk in our head quarters, Astreille. Come on, I'll give you a ride. My boss wants to see you." May pilyong ngiti sa mga labi nito na hindi niya maintindihan.

She nodded her head silently. "Magpapaalam l-lang po ako sa t-tita ko."

Nagmamadali siyang tumakbo papasok sa bahay para salubungin ang auntie niya. Ngumiti naman agad ito nang makita siya.

"Tita? Ayos lang po ba kung umalis muna po ako saglit? May kailangan lang po akong puntahan. Wala na po ba kayong kailangang asikasuhin?" nag-aalalang tanong niya rito.

"Ay, jusko, oo naman, ija. Tapos na ang lahat ng dapat asikasuhin. Atsaka magluluto na lang ako ng sopas para sa meryenda. Mag-iingat ka, anak ha?" Humalik ito sa pisngi niya kaya sinuklian niya ito ng yakap at matamis na ngiti.

She took her sling back before waving goodbye at her auntie.

Dumiretsyo siya sa labas kung saan naroon ang boss niya. She needs to know what kind of job he's offering, at kailangan niya ring malaman kung sino ang boss nito at kung ano ang pakay nito sa kaniya.

Continue Reading

You'll Also Like

2.8M 72.8K 47
Eerrah Ferrer loves causing trouble to the extent, sending students to Hospital does not bother anymore in order to get another expulsion from her cu...
6.3M 326K 99
Carnelia Manelli, isang anak ng Major General ng military at sikat na Fashion Designer na sina Jared at Kacey Manelli. Dahil dito, hindi naging madal...
14.2M 434K 67
Highest Rank Reached in Action Category: Rank #1 Her innocence. Their violence. How come a weak and innocent girl manage to enter the academy. Except...
440K 17K 48
Saellyn Yosjua was born with golden spoon in her mouth, being spoiled with all the things she want, and was even trained to act like a princess. But...