Three Seconds ✔

Od Vicissiveour

2.1K 764 640

"Just three seconds..." ©2021. Ugly_Writes. All rights reserved. Více

THREE SECONDS
1
2
3
4
5
6
7
8
9
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
AHEM!
THREE SECONDS

10

40 23 25
Od Vicissiveour

"Next time, magtali ka ng buhok. Rule 'yan ng school," taas noong ika ni Janna, at tahimik nalang akong tumango.

Nagpatuloy ito sa pagsasalita, at hindi ko na magawang iangat ang tingin dahil nahihiya na ako. Marami naman dito ang kagaya kong walang tali, pero bakit sa 'kin lang siya nakamasid?

Sikreto nalang akong napaismid at kumuha ng popcorn sa bag ko. Nakalagay ito sa maliit na baso na may takip. Palihim nalang akong kumain, walang balak na pakinggan ang sinasabi ng mga nasa harapan.

Napahiya ako roon, a'! Ako talaga ang target niya. At isa pa, transferee lang naman ako rito kaya malay ko ba kung ganoon nga ang patakaran nila?

"Iniisip mo?" boses ni Lowelyn ang nagpagising sa 'kin. Nasa labas na kami ng school ngayon dahil nabalitaan naming bawal nang lumabas ng school simula sa susunod na araw.

"Hindi ka naman nakatali, a', pero bakit ako lang ang pinagsabihan ni Vice?" Nakanguso pa 'ko. 'Di ko lang talaga kase matanggap.

Apat na nga lang pala kami. Wala si Frency. Kanina pa 'yun umalis nang 'di man lang nagbigay ng dahilan kung bakit. Napabuga nalang ako ng hininga at sinapo ang dalawang pisngi habang ang siko ay walang ganang pinatong sa table. Inaantok na 'ko.

Na-discourage lang talaga ako sa nangyari kanina. Parang wala lang naman 'yun sa mga kaklase ko pero nahihiya pa rin ako.

"Gusto mo kape? Order kita?" tumayo si Joyce. Nagliwanag naman ang mukha ko. Sunod-sunod akong tumango at napasigaw nalang nang hilain niya 'ko papatayo. Masyado siyang malakas kaysa sa 'kin kaya p'wersahan nalang akong napalakad at sinabayan siyang um-order.

Tinanong ako ng matandang babae kung anong timpla ng kape ang gusto ko, pero hindi na 'ko nakasagot at pinikit nalang ang mga mata kase si Joyce na raw ang bahala sa lahat.

Lutang akong bumalik sa table. Gusto kong matulog para kinabukasan ay magkaroon na rin ng energy ang katawan ko. Actually, wala naman akong ginawa na nakakapagod kahapon para mapagod ako ngayon. 'Yung Janna lang talaga na 'yun ang dapat na sisihin.

"Gashong, nasaan na kaya si Frency? Hindi niya pa nababayaran ang utang niya sa 'kin, a'?" Umiling-iling pa si Lowelyn at tiningnan ako na parang nanghihingi ng sagot kung nasaan na si Prens.

Nagsimula nalang kami sa pagkain at namilog ang mga mata namin nang biglang nagpakita si Frency sa harapan. Napakaitim ng kamay niya. Hinihingal pa siya, kaya agad namin siyang inaya na umupo para pakalmahin.

"Anong...? Bakit ang itim mo?" si Ytang ang unang nagtanong. Nag-angat naman ng tingin si Frency sa 'kin at makahulugan akong tinitigan. Halata sa mukha nina Lowelyn, Joyce at Ytang na wala pa silang kaalam-alam sa sideline ni Prens. Nag-isip naman ako ng paraan dahil mukhang kailangan ni Frency ng tulong.

Hindi ko alam kung ano'ng dahilan niya para maglihim pero gusto ko siyang suportahan. Tinawag ko silang lahat, kaya napabaling sila sa 'kin gamit ang nagtatanong na tingin. I was not sure kung kapani-paniwala ba ang maisasagot ko, pero wala na akong ibang choice kundi mag-try.

"Nag-text siya sa 'kin kanina na nagka-problema ang sasakyan nila kaya umuwi sila sa kanila," nakayuko kong wika.

Ang hirap talagang maghanap ng ibang sagot. 'Yun lang ang naisipan ko na medyo kapani-paniwala.

"Pero bakit siya umitim? Don't tell me, sinubukan niyang paandarin ang sasakyan nila kaya ganiyan?" nakangiwing tanong naman ni Joyce. Napansin ko siyang nag-isip-isip kaya kinabahan kaagad ako.

"'Wag niyo na 'kong pansinin. Tama si Naldy. Kaya kumain nalang tayo." Nilabas ni Frency 'yung lunch pack mula sa bag niya at tahimik na ring kumain.

Nagpahinga muna kami ng ilang minuto bago bumalik sa school. As what I expected, walang maayos na klase hanggang four o'clock ng hapon.

Ako pa rin ang tao sa mansyon maliban sa mga maids. Hiniga ko ang sarili sa couch at doon na nakatulog. Minulat ko lang ang mga mata nang makarinig ng mga yapak. Napatingin pa ako sa sariling suot. Naka-uniform pa rin ako at parang mangkukulam sa gulo ng buhok.

Humakbang ako patungong dining room, at napatayo naman sina Papa at Auntie nang makita ako. Walang kibo akong umupo at pinakinggan nalang ang pinag-uusapan nila.

"How was you day, honey?"

"Good. Nice."

Sinuklay ko ang buhok gamit ang sariling mga daliri. Marami silang tinanong sa 'kin, pero tipid pa rin ako kung sumagot. Kagaya ng nakasanayan, tumayo ako kahit hindi pa sila tapos kumain.

Busangot akong umakyat sa hagdan at muli na namang natulog. Maaga akong nagising kinabukasan. Pagdating ko sa school, pinagkakaguluhan na ang bulletin board.

Lumapit ako rito, at may iba pa ring kakaiba kung tumingin sa 'kin. Pero kahit papaano ay kaunti nalang sila. Mas marami na 'yung nginingitian at binabati ako. Bago makarating sa building namin ay madadaanan ko pa ang court at doon ko nga sila nakitang apat. Nagtayuan naman ang mga 'to paglapit ko, at tinanggap ko 'yung papel na nilalahad ni Ytang.

"Akala ko ba next day pa ang announcement?" pabulong kong tanong. Nagkibit-balikat naman sila, kaya binasa ko nalang ang whole content.

"Yey! Pasok ka! Pasok na pasok!" naunahan pa 'ko ni Lowelyn sa pag-se-celebrate. Nasa papel lahat ng names ng naka-pass sa audition. Ang sabi ng moderator ng event kahapon ay next day pa ang announcement. Akala ko ang ibig niyang sabihin sa next day ay hindi ngayon, akala ko bukas pa o sa susunod na bukas.

"Kinakabahan ako, gashong." Tinawanan ni Lowelyn ang sarili.

Pagka-recess ay nag-stay kami sa court. May bench doon at hindi lang naman kami ang naroon. Mostly ay mga freshmen ang madalas kong nakikitang nakaupo malapit sa 'min. Kanina pa nila bukang-bibig ang patungkol sa paparating na Acquaintance Party.

Nag-isip-isip naman ako kung ano kaya ang magandang gawin sa talent portion. Siguradong maraming sasayaw at kakanta. Gusto ko 'yung naiiba. Pero sa pagsasayaw lang talaga ako magaling. Gusto ko sana na mag-spoken poetry nalang pero kulelat ako roon. Baka pagtawanan pa 'ko ng lahat kapag gano'n nga ang gagawin kong talent.

"Kung mag-acting ka nalang kaya?" suhestiyon ni Lowelyn. Umiling ako bilang sagot. Kung 'di ako magaling tumula, ay mas lalong betlog ako sa mga acting-acting na 'yan. Parang wala 'ata akong choice nito kundi sumayaw nalang.

"Ano ba'ng talent mo?" Mukhang malalim pa ang iniisip si Joyce.

"Sumayaw."

Umayos ako ng upo at pinatong ang siko sa dalawang hita. Napatingin nalang ako sa malayo. Nakita ko sa announcement kanina na isa sa mga judge si Hershly. Wala akong kaalam-alam kung papaano 'yun nangyari.

Head ng MAPEH Department ang Mama niya, kaya siya ang ginawang sub. Never akong na-challenge ng ganito. Sa dinami-rami ng mga nasalihan ko simula noong grade 7, ito lang talaga ang unang beses na nakaramdam ako ng grabeng pressure.

Kung noon, palagi akong confident, ngayon naman ay nawalan na 'ko ng pag-asa sa mundo. I never wanted to win in any contest for being a participant was enough.

"Anong klaseng sayaw?" tanong ni Ytang habang may kinukuha sa bag niya na kung ano. May nilabas itong suklay at sinuklay ang buhok niya. Napaisip naman ako ng ilang segundo.

"Wild dance?" patanong kong sagot.

Nagtaka ako kase natahimik sila. Pero kinalauna'y tumawa rin ang mga 'to nang pagkalakas-lakas. Tinaasan ko sila ng kilay. Ano ba 'tong araw na 'to?! Para akong nakalutang sa malamig na sabaw.

Siguro ay alam na ni Hershly noong una palang na kasali ako sa contest, kaya ay pinilit niya ang Mama niya na siya nalang ang gawing judge. Siguro ay gusto niya lang makaganti. Sana naman ay maging fair siya sa lahat. Kung ano man ang binabalak niya, 'wag na sana niyang ituloy at masasakal ko talaga siya.

"May suggestion ako," natatawang singit ni Lowelyn. Naging seryoso rin ito nang bigyan ko siya ng nanakot na tingin. "Mag-hiphop ka nalang kaya?"

"Oo nga," sumang-ayun ang tatlo sa sinabi niya.

"Anong tugtog ko? Ano'ng gagawin ko?" Iritable akong napakamot sa ulo. Pero talagang maganda ang suggestion nila. Parang susundin ko nalang sila tutal ay hindi gaanong common ang hiphop.

"May kilala akong makakatulong sa 'yo," si Joyce. Kinabahan naman ako sa sinabi ni Joyce. Pero gusto ko pa ring malaman kung sino 'yang sinasabi niyang makakatulong sa 'kin. "Si Cyriel."

Natahimik kaming lima at wala ni isang nagtangkang magsalita. Nalilito akong napailing at nasapo na naman ang noo. Papaano ako makakahingi ng tulong do'n, e', may kasalanan pa nga ako sa kaniya, at hindi ko pa siya nakakausap para makahingi na ako ng paumanhin dahil nasaktan ko si Janna.

Bumalik kami sa room, at tahimik pa rin talaga silang apat. Kahit papaano ay normal na ang klase kaya pinokus ko nalang ang sarili sa discussion kahit ang totoo ay binabagabag pa rin ng ibang bagay ang utak ko. Baka naman naka-move on na siya sa nangyari, 'no? Baka hindi na siya disappointed sa 'kin.

Walang teacher sa last subject kaya hinanap ko ang room ng mga SSG Officers. Nasa kabilang building lang 'to, at hindi ko sinabi sa apat na papunta ako roon.

Madali ko namang natunton ang hinahanap ko dahil may placard naman para malaman ang SSG room. Tatlong beses akong kumatok at pumasok nalang dahil wala namang sumagot sa 'kin.

"What are you doing here?"

Hindi ko pinahalata ang gulat ko nang makita si Hershly na nakapatong sa desk na nasa gitna. Maraming tables dito at 'yung inuupuan ng babae ang pinakamalaki. May nakalagay na SSG President dito, kaya kumunot ang noo ko.

Siya lang talaga at ako ang tao. Alam kong wala lang mangyayari kundi kaguluhan kung haharapin ko pa siya at makikipagsalpukan. Akma na sana akong aalis nang muli na naman 'tong nagsalita.

"Sino'ng pinunta mo rito?"

Iritado ko siyang hinarap.

"Hindi ko alam." Hindi ko rin alam kung bakit ako nandito.

Mapakla siyang tumawa, nang-aasar na naman. Ngayon ay mahina ko nalang na sinisi ang sarili. Dapat pala ay sinama ko nalang ang mga kaibigan ko rito. Mukha na 'ata akong bata ngayon na nagdedepende sa Mama niya. Kakaiba kase ang babae na 'to. Pareho lang sila ni Janna na matapang at mapang-asar, pero bukod sa buhok niya ay kakaiba talaga siya.

"Wala si Pres. Nasa guidance office, kinukuha 'yung copy ng budget paper ng school."

Kalmado na ang boses nito, pero mukha pa ring naiinis sa 'kin. Umalis nalang ako, at hindi niya na talaga ako pinigilan pa.

"Saan ka galing?" sabay-sabay na tanong nina Lowelyn, Ytang, Joyce at Frency. Tutal naman ay wala akong mapapala sa lugar na 'yun, bumalik nalang ako sa library para samahan na magbasa ang mga kaibigan ko.

"Sa SSG room." Matamlay akong nag-nap. Inabot ko 'yung libro na kakatapos lang mabasa ni Joyce. Pilit ko namang inintindi ang nakasulat sa first page pero bangag pa 'ko sa bangag.

Muli nalang akong nag-nap dahil wala talaga ako sa mood magbasa. Next week na ang contest. Lunes. Nakaka-pressure. Si Hershly pa ang isa sa mga judges. Tapos hindi ko pa nakakausap si Cy. Nakakalito.

"Look who's coming." Pinagsundot-sundot pa 'ko ni Joyce, kaya galit akong napaangat ng tingin. Umamo rin kaagad ang mukha ko sa nakita. Napatayo nalang ako nang pinilit ako ng apat na lapitan si Cy na kausap pa 'yung librarian.

Huminto ako sa likuran niya dahil may tinatanong pa talaga siya sa librarian. Napahinto siya sandali nang makita ako. Tipid itong ngumiti, at sumunod lang ako sa kaniya.

Medyo malayo pa naman ako sa mga kaibigan ko ngayon kaya wala akong mapaghugutan ng lakas.

"Ano'ng ginagawa mo rito?" I asked. Ngumiti ako.

Pinakita niya 'yung folder na hawak. "Kinuha ko sa guidance ang school budget copy."

"Ahh." I nodded shyly.

Kaharap niya ang laptop niya tapos ang bilis pa niya kung mag-type. Pinaglaruan ko nalang ang sariling kuko at naghanap ng timing para sabihin ang talagang pakay ko sa kaniya. Mukha kaseng urgent ang ginagawa niya, at ayaw ko namang makaabala.

"Ano'ng kailangan mo?" bigla-bigla nalang 'tong nagsalita. Plano ko pa namang panoorin nalang siya hanggang matapos siya sa ginagawa, pero dahil siya na 'tong unang nagtanong, magsasalita na lang ako.

"About sa Acquittance Party..."

Sinara niya ang laptop at diretsong napatingin sa 'kin. Binanggit ko rin na galing ako sa room nila na nagpataas ng kilay niya. Hindi pa rin talaga nawawala ang kaba sa dibdib ko. Natatakot akong hindi niya tanggapin ang alok ko. Baka hindian niya 'ko. Pero kung ganoon nga ang mangyayari, wala na akong ibang magagawa kundi manahimik na lang.

"And?" tanong niya na naman. Sinilip ko ang mga kaibigan ko sa malayo, at nakatingin din ang mga 'to sa banda ko.

Kinuha ko 'yung phone sa bulsa at may pinakita sa kaniyang hiphop video. Mag-e-explain pa sana ako nang tumango ito na wari'y alam niya na kung ano'ng gusto kong sabihin. I knew he was a busy person since he carried a big responsibility in school, pero kakapalan ko na talaga ang mukha ko.

"Pwede kitang matulungan," he said. Muli na naman niyang binuksan ang laptop niya. Napangiti naman ako sa sinabi nito at gusto ko na tuloy mag-pa-party sa sobrang saya.

"Sure ka?"

Hindi naman 'ata masamang manigurado. Kase kung tutuusin ay hindi basta-basta ang responsibilidad niya sa esk'welahan na 'to, tapos makikisama pa 'ko at makikipagsalpukan sa sched niya.

Tumango siya, kaya wala nang mas makakapantay pa sa ngiti ko. Muli na naman akong nagtanong, "Saan tayo mag-pa-practice?"

"Ikaw," maikli lang nitong sagot.

"Anong ako?" Napaturo ako sa sarili.

"Ikaw. Kung saan mo gusto."

"Ano'ng sabi niya?" sabay-sabay na tanong nina Lowelyn, Joyce at Frency. Napangiwi naman ako nang hilain pa ako ni Lowelyn. Tumatakbo siya, kaya napatakbo na rin kaming apat. Papunta na kami sa building ng senior high at kung bakit ay 'di ko alam.

Kinabahan ako dahil baka makita ko na naman si Janna o si Hershly.

Panibagong araw na ngayon at napakasaya ko talaga dahil sa pag-uusap namin ni Cy kahapon.
Hindi pa namin napag-uusapan kung kailan kami mag-pa-practice at kung saan. Sa tingin ko ay mas maganda kung sa bahay nalang nila. Sa bahay kase naman... 'di ko trip doon. Maraming mga tsismosang maids at baka umabot na naman kay Auntie na may ano na 'ko.

"Ano'ng pinunta natin dito?" tanong ko, nalilito. Clueless din sina Joyce, Frency, at Ytang, basta ay naguguluhan na lang kaming sumunod kay Lowelyn dahil pinipilit niya talaga kami.

Isang room na ang nasa tapat namin ngayon. May naririnig akong ingay mula sa loob pero hindi naman gaano kaingay. Ngiting aso naman si Lowelyn saka binigyan kami ng thumbs up. Siya na rin ang nag-open ng pinto, at tahimik naman akong sumilip.

"Taekwondo room. Nandito si Charlie." Abot hanggang tenga ang ngiti ni Lowelyn. Napakamot na lang ako ng ulo at pinaglaruan ang sariling kuko sa likuran.

Kaagad naman akong napanguso nang makita si Cy na naglalakad sa hallway. May dala siyang folder at black na bag na lalagyan ng laptop.

Hindi pa man ako lubusang nakakalapit sa kaniya nang agad humarurot si Hershly sa gitna at parang linta na yumakap kay Cy. Iritable ko na lang na inayos ang buhok ko at pekeng ngumiti sabay lapit sa kanila.

"Oy, Quintayo," si Hershly.

Hindi ko alam kung ano'ng trip ng babaeng 'to at apelyedo ko ang ginagawa niyang pantawag sa 'kin at hindi 'yung mismong pangalan ko talaga.

"Sa bahay mo nalang tayo," I announced.

Binalewala ko nalang ang babae. I had finally made up my mind. Nakapagdesisyon na talaga ako na sa bahay na lang nila kami mag-pa-practice.

Ramdam ko ang nakakamatay na titig ni Hershly, kaya hindi na ako nagtangkang tingnan siya. She undeniably liked Cy a lot. Walang pagdududa. Lalo na ngayong para siyang pinagbagsakan ng langit at lupa.

Tumango naman ang lalaki bilang sagot na mas lalong nagpangiti sa 'kin. Pinagtatawag na ako ng apat sa likod ko, pero gusto ko pa rin makausap si Cy para malaman kung ano'ng dapat kong dalhin para sa practice namin.

"Ano'ng nangyayari? Anong sa bahay mo na lang?" Hindi maipinta ang mukha ng babaeng may pink na buhok. Nakadikit pa rin 'to sa braso ng lalaki na wari'y 'di kayang mabuhay nang hindi nagiging linta.

Good thing at hindi niya naabutan ang pag-irap ko dahil talagang may digmaan na magaganap.

"So, ano'ng dapat kong dalhin?" Last na talaga 'tong tanong kong 'to at aalis na 'ko dahil pinagtitinginan na 'ko ng ibang students.

"Speaker. 'Yun lang," Cy answered.

"Noted!" Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko at tumalikod saka tinaas ang kamay para makapagpaalam. Nang tuluyan kong nakaharap ang mga kaibigan ko ay doon lang ako sumimangot.

Panay naman ang silip nila sa likuran ko habang ang mga mata ay may malaking question mark. Wala na si Ytang sa paningin ko, kaya tinanong ko sila kung nasaan ito.

"Nag-walk out," natawa si Lowelyn. Napatigil ako sa pagkurap.

Mabilis na lumipas ang mga oras sa isang kurap lang. Hapon na, at pinakuha ko ang sasakyan ko kay Manong dahil sasabay nalang ako kay Cy papunta sa bahay nila.

Ang sarap sa pakiramdam na dalawang beses na akong nakapasok sa bahay nila. Ramdam ko rin ang labis na pagmamahalan ng pamilya na mayroon siya, pagmamahal na hindi ako sigurado kong mayroon din ba 'ko.

Sa sala kami dumiretso, at pinatong ko na lang ang bag ko sa hita ko. May mga boses mula sa kusina, at hula ko'y mga magulang niya ang mga 'to. Nakita ko siyang pumasok sa isang k'warto. Tanaw ko lang 'to dahil malapit lang 'to sa sala.

Paglabas niya ay nakapam-bahay na siya. Kinarga ko naman 'yung speaker na pinakuha ko rin kay Manong. Ako na ang kusang nag-on nito at kino-nek sa phone ko. Hindi alam kung ano na naman ang sunod na gagawin, napaayos ako ng upo at hinintay siyang magsalita.

"Actually, magaling naman akong sumayaw," bigla-bigla na lang akong nagsalita. Mukhang nagtunog hambog naman 'ata 'yun, pero gusto ko lang talaga na malaman niya 'yun para 'di na siya mangamba sa pagtuturo sa 'kin. Marami na akong na-download na videos, at siya ang gusto kong mag-decide kung ano ang i-pi-perform ko.

Inabot ko sa kaniya ang phone ko, at agad niya rin naman 'tong kinuha. Just watching him like this, he was giving me the feelings I never knew existed. Parang ang saya-saya ko. Parang kontento na 'ko. Parang gusto ko nalang na dito tumira. Ay, ewan ko. Basta 'di ko ma-describe.

"Mas gusto ko 'yung unang video," bulong niya at muling binalik sa 'kin ang phone. Pinigilan kong 'di mapanguso at tinabingi nalang ang ulo para 'di maging halata na kung anu-ano na ang pinag-iisip ko.

"Shall we start?" he asked using his circumspect voice.

Masaya akong tumango, at kapwa kaming tumayo.

I just hid my smile. And I saw him doing the same.

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

17.8M 355K 27
A Collaboration with Race Darwin and Cecelib
6M 195K 65
Christian Sage Monterio is not someone you messed up with. At age 17, he's fearless, bold, and dangerous. However, an incident happened that drove h...
31.9M 814K 48
Prequel of "I Love You since 1892" Pilit hinahanap ni Aleeza ang mga kasagutan sa mga kakaibang panaginip at pakiramdam na nararanasan niya sa tuwing...
2.2M 144K 50
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...