Mad Hatter

By hrxshyx

2.6K 408 232

(UNDER MAJOR EDITING.) "Have I gone mad?" I asked her. "Yes, but let me tell you a secret, all the best peopl... More

M A D H A T T E R
O N E : The Internship
T W O: Head Start
T H R E E: Maze
F O U R: Blue Catterpillar
F I V E: Wake Up
S I X: Strangers
S E V E N: Devil in the Pool
E I G H T: Lurking Ghost
N I N E: Past
T E N: Finally
E L E V E N: One of Them
T W E L V E: Dinner Date
T H I R T E E N: Chase
F O U R T E E N: Home
F I F T E E N : The Feast
S I X T E E N : Downfall
S E V E N T E E N : Shelter
E I G H T E E N : Long Night
N I N E T E E N : Don't Breathe
T W E N T Y: Arzillan
N I N E T E E N
T W E N T Y
T W E N T Y O N E
T W E N T Y T W O
T W E N T Y T H R E E
T W E N T Y F O U R
T W E N T Y F I V E
----
TWENTY SIX
T W E N T Y S E V E N
T W E N T Y E I G H T

T W E N T Y N I N E

15 1 0
By hrxshyx

Chapter Four:
Mad as a Hatter


"Anak, gumising ka na" tinig ng isang babae, ang boses nito ay napakakalma.

"Magbihis ka ha? tapos bumaba ka na" pagkasabi nito ay lumabas na siya ng kwarto ng kanyang munting anak.

Sinunod naman ng batang lalaki ang utos ng kanyang ina.

Dali-dali siyang naligo at nagbihis ng pormal na suotin at nagsuot ng paboriton niyang kulay dahon na coat na regalo sa kanya ng namayapa niyang ama.

Bumaba na siya at nakita niya ang isang babaeng may pulang pula na labi at ilang mga lalaking nakapormal na itim na kasuotan.

"Tim, anak, halika dito" tawag sa kanya ng kanyang ina, lumapit siya dito at nagtago sa likod nito.

"Tim, 'wag ka matakot, nandito sila para tulungan tayo" dagdag ng kanyang ina.

Naupo sila sa sala at naghanda ng tsaa ang mga katulong nila para sa mga bisita.

"Queen, ito po si Tim" pagpapakilala ng kanyang ina sa babae na sinuklian naman ng ngiti ni Queen.

"Tara na" akmang aalis na ang mga bisita, kasama si Tim ng tumakbo ang bata sa kanyang ina.

"Ma? saan po nila ako dadalhin?" tanong ng bata na ngayo'y umiiyak na.

Lumuhod sa harapan ng bata ang kanyang ina at hinawakan ito sa magkabilang pisngi.

"Anak, papagalingin ka nila, gagamutin nila 'yang sakit mo" bakas na rin sa ina ang pagkalumbay.

"magkikita pa ba tayo ma?" tanong ng bata na walang humpay ang pagtulo ng luha.

Hindi na rin napigilan ang pagiyak ng kanyang ina.

"Oo, magkikita pa tayo ha?" pagkasabi nito, kinuha na si Tim ng mga lalaking nakaitim at isinakay sa kanilang sasakyan.

•••

"Hi" nagulat si Tim ng makita ang isang batang lalaki na hindi nalalayo sa kanyang edad, may kasama itong maliit na batang lalaki din.

"bago ka dito?" tanong muli nito, ngunit nanatiling tahimim si Tim.

"Ako nga pala si Thack at ito si Mally, ikaw? anong pangalan mo?" tanong nito.

"T-Tim" sagot niya.

umupo sa tabi niya ang dalawang bata, agad na nakatulog si Mally pagkaupo nito.

"Bakit ka nandito?" tanong ni Thack sa kanya.

"Gagamutin daw nila ako" sagot niya. Nagbuntong hininga naman si Thack at inakbayan si Tim.

"Ah, tulad tayo, gagamutin daw nila ako pero ilang taon na, wala pa din" sabi nito at nginitian si Tim.

"Eh anong ginawa mo dito kung di ka nila ginagamot?" tanong ni Tim, nagiging komportable na ito sa presensya ng bagong kilala niyang bata.

"Masakit. Kung ano-ano nilalagay nila sa akin, tapos masakit"

"Halos lahat naman ng bata dito ganun ginagawa nila" pagpapaliwanag nito at ipinakita ang puno ng pasa at peklat nitong katawan, medyo mapayat din ito.

"Maraming bata dito?" tanong niya.

"oo, tapos yung iba nga, dito na tumanda tapos namatay, ayoko na dito" sabi ni Thack.

"Pero wala naman tayong magagawa, dito na tayo mamamatay" pagpapatuloy nito.

May pumasok sa silid na dalawang babaeng naka lab gown.

"Thack, Mally, anong ginagawa n'yo rito?" tanong ng isa sa mga ito.

"Wala po, kinakamusta lang po namin siya"

Lumabas ang mga ito, kasama si Thack at si Mally, naiwan na naman si Tim na magisa.

•••

Dinala si Tim sa isang maliwanag na silid kung saan siya ay inihiga at itinali sa kama.

Maraming siyentipiko ang nakapalibot sa kanya.

Tinusok siya ng isang napakalaking tubo sa kanyang tagiliran, sinundan ito ng isang maliit na ipinasok sa kanyang bibig.

Para sa isang batang paslit, napakasakit at napakahirap ng kanyang nararanasan sa panahong ito.

Mayroon karayom na itinusok sa kanya na naglalaman ng kung anong likido na.

Tatlong beses isang linggo nila itong ginagawa.

Naging matalik na kaibigan ni Tim si Thack.

•••

"Tim, kamusta ka na?" tanong ni Thack at naupo sa tabi ni Tim, gaya ng dati, si Mally ay tulog na naman sa isang tabi.

"Masakit, sobrang sakit na" ngumiti na lamang si Thack ng marinig ang sagot ng kaibigan.

"Ano bang mangyayari? Anong ginagawa nila sa atin?" tanong ni Tim.

"Hindi ko din alam, pero kailangan natin maging malakas no" ngumiti muli si Thack, habang pinapalakas ang loob ng kaibigan.

•••

Labing pitong taon.

Labing pitong taon na siyang nasa pasilidad na ito at walang humpay ang ginagawa sa kanilang pageeksperimento.

Kaarawan ngayon ni Thack at ipagdiriwang nila itong magkaibigan.

"Happy Birthday Thack" bati nito sa kaibigan, ngunit nakatulala lamang ito at mukhang madaming iniisip.

"Uy Thack? Birthday na birthday mo oh, dapat masaya ka" sabi ni Tim sa kanya na bahagyang kinalabit ang kaibigan.

Dahan-dahang tumingin si Thack kay Tim. Ang Thack na ito ay iba sa Thack na kilala niya.

"Masaya? Dapat ba akong maging masaya ha?" Inihagis ni Thack ang cupcake na bigay ni Tim sa kanya.

"WALA AKONG DAPAT IKASAYA" Sigaw nito at nagsimulang magwala.

Inihagis niya ang lahat ng kanyang makita sa silid at maging si Mally ay nagising.

Pumasok ang mga scientist at pinigilan si Thack at tinurukan ng pampatulog.

Mula noon ay hindi na niya nakita si Thack at kahit na si Mally.

•••

"Labing walong taon na si Tim, anong balak mo sa kanya?" tanong ni Queen sa isang lalaking matipuno.

"Tatakas ang aking anak na si Via para sumali sa internship ng laboratoryo, kailangan niya ng tagabantay" sagot nito.

Nagtaka naman si Queen sa sinasabi ng lalaki.

"At? Anong pinararating mo?"

"Burahin n'yo ang mga ala-ala niya at hayaan mo siyang sumali sa internship, igrupo mo siya kay Via" pagpapaliwanag nito kay Queen na tumang lamang at lumabas na ng silid.

•••

"Saan n'yo ko dadalhin?" sigaw ni Tim habang dala-dala siya ng mga lalaking naka itim, hindi siya sinagot ng mga ito, bagkus ay dinala siya sa isang silid.

Pero tapos na ang tatlong pageeksperimento sa kanya ngayong linggo.

Para saan 'to?

"Tim, maswerte ka" 'yun lamang ang sinabi sa kanya ng isa sa mga scientist na kasama niya sa silid.

Tinurukan muli siya ng kung anong likido at nawalan ng malay.

•••

Nagising ako si Tim sa isang silid sa ospital, kulay puti at asul ang tema ng kwarto, napaka aliwalas ngunit siya lamang ang tanging tao sa lugar na iyon.

"Asan ako?" tanong niya sa kanyang sarili. Pinagmasdan nito ang kanyang kamay na punong puno ng mga tubong nakakonekta sa iba't - ibang aparato.

May mga gasgas din ang kanyang mga kamay at braso.

Hindi niya maintindihan.

Wala siyang maalala.

Di niya alam kung nasaan o sino at ano ang pagkatao't pagkakilanlan niya.

Bumukas ang pinto at pumasok ang isang nasa 40's na lalaki na nakapormal na kasuotan, napakakisig ng lalaking ito.

"Mabuti naman at gising ka na" sabi nito at naupo sa upuan malapit sa kamang kinahihigaan niya.

"Nasaan po ako? Sino kayo? Sino ako?" sunod-sunod na tanong niya sa lalaki.

Sinenyasan niya ang isang personal guard na kasama niya at may ibinigay itong isang zip lock na lalagyan sa lalaki na ibinigay naman ng lalaki sa kanya.

"Naaksidente ang iyong sinasakyan, nagkaroon ng malakas ng trauma ang iyong utak kaya siguro wala kang maalala" sagot niya.

Agad na niyang hinalughog ang laman ng zip lock na bag at doon niya nakita ang mga I.D, passport at mga bagay na maaring mapagkilanlan sa kanya.

"Napadaan kami sa lugar ng aksidente at tinulungan ka" dagdag ng lalaki.

Myxzch Way.

Iyan ang pangalan niya.

"Sino po kayo?" tanong muli niya sa lalaki.

"Ako si Albus"

Zch

Ano ang lahat ng iyon?

Naguguluhan ako sa panaginip kong iyon.

Ako ba si Tim?

Kaya ba ako tinatawag ni Thack na Tim?

"Gising ka na sa wakas" nagulat ako ng nakita kong nakaupo si Thack sa isang silya sa silid at si Mally naman ay tulog.

"Naaalala mo na?" tanong niya at tumango na lamang ako.

"Mahirap tanggapin sa ngayon, isa ka sa mga eksperimento ng laboratoryong ito, Tim, kasama ko" wika nito.

Hindi ako makasagot.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

Paano na sina Charle? Si Alice?

"Ngayon, magtatrabaho ka para kay Queen, para sa D.E.A.T.H"

"At anong trabaho naman 'yon?" tanong ko.

"Papatay ka, katulad ng pagpatay mo kay Max, at sa ibang mga nakasama mo sa internship" lumapad ang ngiti ni Thack habang pinapanood niya ang pagtulo ng aking mga luha.

"Hindi ko sila pinatay" bulong ko.

"Hindi ko sila pinatay"

"HINDI KO SILA PINATAY"

Nabigla ako nang may malademonyong tawa ang lumabas mula sa akin.

"Ako ang pumatay sa kanila" bigkas ko ng may mga ngiti sa aking labi.

Continue Reading

You'll Also Like

394K 26.1K 33
When tuning in to the parallel world seems to be the only way to explain Liz's sudden disappearance, high school students Maxx, Zero and Axes try eve...