Mad Hatter

Von hrxshyx

2.6K 408 232

(UNDER MAJOR EDITING.) "Have I gone mad?" I asked her. "Yes, but let me tell you a secret, all the best peopl... Mehr

M A D H A T T E R
O N E : The Internship
T W O: Head Start
T H R E E: Maze
F O U R: Blue Catterpillar
F I V E: Wake Up
S I X: Strangers
S E V E N: Devil in the Pool
E I G H T: Lurking Ghost
N I N E: Past
T E N: Finally
E L E V E N: One of Them
T W E L V E: Dinner Date
T H I R T E E N: Chase
F O U R T E E N: Home
F I F T E E N : The Feast
S I X T E E N : Downfall
S E V E N T E E N : Shelter
E I G H T E E N : Long Night
N I N E T E E N : Don't Breathe
T W E N T Y: Arzillan
N I N E T E E N
T W E N T Y
T W E N T Y O N E
T W E N T Y T W O
T W E N T Y T H R E E
T W E N T Y F O U R
T W E N T Y F I V E
----
TWENTY SIX
T W E N T Y E I G H T
T W E N T Y N I N E

T W E N T Y S E V E N

6 1 0
Von hrxshyx

CHAPTER TWO:
The Plan

"Saglit, saglit, magta-traydor kami sa D.E.A.T.H?" Tanong ni Zch, gulong-gulo na siya sa mga nangyayari.

Ngumisi sa kanya si Percival at tinapik ang kanyang balikat.

"Hindi pa ba sapat? Hindi pa ba sapat lahat ng sakit at hirap na dala ng punyetang laboratoryo na iyon?" bigkas ni Jensen, hindi nawala ang ngisi niyang malademonyo ngunit ang mata nya ay puno ng poot at galit.

"Maya-maya lang, darating na dito ang death squad para kunin kayong muli" tuloy nya.

Nakatulala lamang si Alice, si Zch ay naguguluhan pa rin hanggang ngayon at si Charle na walang kibo na nakatingin lamang sa sahig.

"death squad?" Pagtatanong muli ni Zch.

"Mga tauhan nila, kukunin nila ang pinakamamahal nilang mga intern, wala kayong ibang gagawin kundi ang manahimik at sumunod sa plano" Ngumiti ito at naglakad na palabas ng kwartong kanilang kinalalagyan.

Walang kibo ang tatlo, maraming tumatakbo sa kanilang isip sa panahong ito.

Maya-maya pa ay may narinig silang isang napakalakas na pagsabog, kasunod nito ang sunod sunod na pagputok ng baril.

"C-Charle" nangingiyak na bigkas ni Alice habang nakabantay siya sa pinto. "A-Anong gagawin natin?"

Tumingin sa kanila si Charle, ibang aura na ang dala dala nito, ang mapagmataas at puno ng birong si Charle ay naging seryoso at walang buhay.

"Umupo kayo, susunod tayo sa plano" Sagot ni Charle. Tumango ang dalawa at naupo sa kanilang upuan.

Naghari na naman ang katahimikan sa kwarto, walang nagsasalita sa kanilang tatlo, pawang putok ng baril ang maririnig.

Zch

Naguguluhan pa rin ako hanggang sa ngayon, hindi malinaw sa akin kung anong nangyayari.

Nakakaramdam ako ng kakaiba kay Charle, feeling ko mayroon siyang alam sa nangyayari.

Pero si Charle?

Mali ito.

Mali na pinaghihinalaan ko si Charle.

Matagal kong nakasama si Charle, hindi niya magagawa na traydorin kami.

Si Alice.

Malaki ang tiwala ko kay Alice, mukhang pati siya ay naguguluhan na.

Hindi parin natatapos ang ingay at kaguluhan sa labas ng kwarto kung nasaan kami.

Hindi ko alam kung anong nangyayari sa labas, wala akong alam. wala.

wala akong alam.

Nagulat kami ni Alice, biglang tumayo si Charle at kinuha ang tali na nasa isang sulok mg kwarto.

"Charle? anong gagawin mo?" Tanong agad ni Alice.

Ngumiti si Charle, kagaya ng ngiti na ipinakita sa amin ni Percival.

Malademonyo.

Nakakatakot.

Nakakatindig balahibo.

Itinali niya si Alice na nagpupumiglas, agad akong umaksyon at tinangkang pigilan si Charle.

Ngunit tumingin si Charle sa akin, hindi ko alam pero napatigil ako, nakakatakot. Bumalik ako at napaupo sa aking upuan.

"Zch, tulungan mo ako" Iyak ni Alice.

Naitali na ni Charle si Alice sa upuan, at ako naman ang tinali niya.

"Charle? Bakit?" tanong ko.

Hindi niya ako pinansin at patuloy sa pagtatali sa akin.

Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong takot sa isang tao.

Tuloy ang pag iyak ni Alice. Nilapitan siya ni Charle at pinunasan ang mga luha niya.

"The Cheshire Cat has all the answers-but doesn't always tell. The answer, the culprit, the cat all lie in darkness."

Nagulat kaming dalawa ni Alice sa sinabi ni Charle.

Ano?

Umupo siya sa kanyang upuan at itinali ang sarili.

Naiintindihan ko na ngayon.

Hindi magiging kapani-paniwala ito kung hindi kami mukhang ikinulong ng Right Wing.

Pero ano yung sinabi niya?

Naguguluhan ako.

Tumahimik muli kaming tatlo, hindi ako makakuha ng lakas ng loob para magtanong kay Charle o mangamusta man lang kay Alice.

Bumukas ang pinto, isang grupo ng mga lalaking naka itim at may mga dalang baril ang pumasok sa kwarto at kinalagan kami.

Hindi nila kami kinausap, agad nila kaming inilabas sa kwartong iyon.

Habang tinatahak namin ang daan palabas ng right wing facility, nakita namin ang maraming bangkay, halo halong tauhan ng Right Wing at D.E.A.T.H.

Nakalabas kami sa lugar na iyon, piniringan nila kami at isinakay sa kung anong sasakyan.

Naramdaman ko ang paghawak sa kamay ko ni Alice.

"Natatakot ako Zch" bulong niya sakin. Pinisil ko na lamang ng bahagya ang kamay niya at isinandig niya sa akin ang kanyang ulo at katawan.

Ramdam ko ang pagod ni Alice.

Napakalayo ng binyahe namin, hindi ko alam kung umabot ba ng araw ang biyahe naming iyon, dahil sa buong oras ay nakapiring kami, walang nakibo miski na isa, tunog lamang ng makina ng sasakyan ang maririnig.

Nakarinig ako ng ingay ng mga tao?

tao?

Nasaan na kami?

Maya-maya pa ay tumigil na ang sasakyan, inalalayan kami ng mga tauhan ng D.E.A.T.H, naglakad kami ng ilang minuto at pinaupo sa isang komportableng upuan, tinanggal na rin nila ang aking piring.

Nasa isang modernong kwarto kami, kung saan mayroong isang mahabang puting mesa sa harap namin, ang pader ay gawa sa salamin, kita namin ang mga taong naka lab gown sa labas.

Napakaaliwalas ng lugar na ito kumpara sa mga lugar na pinanggalingan namin.

Pumasok si Jensen, si Queen at marami pang ibang hindi ko kilala.

"Welcome Back" Sabi ni Queen sa amin, naupo sila sa mga bakanteng upuan, si Jensen naman ay tumabi sa amin.

"Pasensya na kayo kung may mga baliw na nagtangka sa buhay nyo hmm? 'wag kayo magalala, safe na kayo dito" sabi niya muli, gamit ang napakatinis niyang boses.

"Kamusta naman? May nasaktan ba sa inyo?" Tanong niya sa amin.

Alice

"Asan kami?" Tanong ni Zch.
Nginitian siya ni Queen "Nandito na kayo sa D.E.A.T.H Main Lab, dito kayo magtatrabaho bilang mga empleyado na namin dahil napagtagumpayan niyo ang internship" sabi ni Queen sabay palakpak na parang tanga.

Hindi ko alam kung bakit ganoon na lang ang takot sa mata ni Zch kanina at si Queen naman, si Jensen at ang iba pang taong kasama namin sa kwartong ito ay iwas kay Charle.

Wala naman akong nararamdamang kakaiba kay Charle, mas gumaan ang loob ko sa kaniya ngayon.

Hindi ko alam.

"Patay na silang lahat tama ba?" Sabi ni Zch, nakayukom ang kanyang palad at nakatungo, nanginginig siyq sa galit.

Agad ko siyang hinawakan at tinapik sa likod para kumalma siya.

"PATAY NA SILANG LAHAT" Sigaw niya at inatake si Queen.

Nagulat kaming lahat, maging si Charle ay napatayo.

Nahablot si Zch si Queen sa leeg at sinakal ito, pinipigil naman ni Jensen at ng iba pa si Zch.

"Patay na sila, bakit nyo nagawa yon?" Hinigpitan ni Zch ang pagkakasakal kay Queen na halos ikawala na niya ng malay.

Nahila naman palayo nina Jensen si Zch pero nagpupumiglas ito.

Para siyang si Zch, noong wala siya sa katinuan, noong siya ay nasa katuhan ng Mad Hatter.

Pero akala ko ba tapos na yun?

Naibalik na namin siya sa dati diba?

Tumayo si Queen at inayos ang kwelyo ng ball qown na suot niya at ang kanyang postura.

Ibinalik niya ang ngiti sa kanyang maliit at pulang nga labi.

"One to be a murderer"

"One to be a Monarch"

"One to go Mad"

Bigkas niya, hindi nawawala ang kanyang ngiti at tiningnan kami isa isa mula kay Charle hanggang sa nagwawala pa ring si Zch.

Lumabas na ang lahat sa kwarto maliban sa amin at kay Jensen, ngunit dala nila si Zch.

"Saan ninyo siya dadalhin?" Sigaw ko habang hawak ang kamay ni Zch.

"Ija, kailangan pakalmahin si Zch, hayaan mo muna siya" Sabi ni Jensen at pinaupo ako muli.

Tumingin ako kay Charle at binigyan niya ako ng isang ngiti na nagsasabi na magiging okay din ang lahat.

"Sumunod kayo sa akin, ihahatid ko kayo sa mga kwarto niyo."

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

394K 26.1K 33
When tuning in to the parallel world seems to be the only way to explain Liz's sudden disappearance, high school students Maxx, Zero and Axes try eve...