In Search (It All Starts Here...

By chibi_love

899K 8.9K 1.6K

--Love without pain is not real love... Sabi nila... Ako? Malay ko... NBSB ako eeh. As in "No Boyfriend Since... More

Introduction
Chapter One -- Youth Jam! 1,2,3 SMILE!
Chapter Two -- Kung alam mo lang Jared
Chapter Three -- Hadlang ^^
Chapter Four-- First Move :)
Chapter Five -- False Alarm...(Gelo's Mini Moment)
Chapter Six -- By the way I'm Zeke... Oh MY!
Chapter Seven -- Day Off XD
Chapter Eight -- 2 Friend Requests
Chapter Nine -- The Unexpected Customer
Chapter Ten -- Tuliro
Chapter Eleven -- May gusto yata sayo si Jared...
Chapter Twelve--Di pa ko nagla-lunch, past 1 na...
Chapter Thirteen -- Except LOVE LIFE
Chapter Fourteen -- Observe muna... POSITIVE!
Chapter Fifteen -- Sa may Fire Exit... -^_^-
Chapter Seventeen -- OMG!!! Late na talaga ako!!!
Chapter Eighteen -- Give Him Some Space
Chapter Nineteen -- I Can't Breathe...
Chapter Twenty -- GELO!!!!!
Chapter Twenty One -- Date? Hang out!
Chapter Twenty Two -- Waah! Ang cute!!! Kunin mo yun please...
Chapter Twenty Three -- I'm your missing piece
Chapter Twenty Four -- He kissed you where?
Chapter Twenty Five -- Recognition Day
Chapter Twenty Six -- Just a favor
Chapter Twenty Seven -- First Stop
Chapter Twenty Eight -- Gusto mo dito ka muna tumira? -^______^-
Chapter Twenty Nine -- Anong pipiliin ko?
Chapter Thirty -- Oh great! What time is it?
Chapter Thirty One -- Youth Camp na!!!
Chapter Thirty Two -- Baka hindi kita masalo...
Chapter Thirty Three -- Golden Egg Award
Chapter Thirty Four -- I know it's not too late.... But Happy Birthday! ^^
Chapter Thirty Five -- Nasa panaginip pa ba 'ko???
Chapter Thirty Six -- She's safe with me
Chapter Thirty Seven -- Tonight >___<
Chapter Thirty Eight -- Guess Who?
Chapter Thirty Nine -- I just want to make her happy
Chapter Forty -- I'd still miss you BABE
Chapter Forty One -- Naghihinala na ako na siya eh...
Chapter Forty Two -- Vrrooooooooooooooom
Chapter Forty Three -- "Daisuki"
Chapter Forty Four -- Right choice? Wrong move! Traitor heart...
Chapter Forty Five -- Wie geht es Ihnen?
Chapter Forty Six -- If I was the one
Chapter Forty Seven -- Sweet Revenge
Chapter Forty Eight -- Sorry kung magkaibigan tayo...
Chapter Forty Nine -- All She Knows
Chapter Fifty -- Prom Night
Chapter Fifty One -- Will you be my...
Chapter Fifty Two -- Hate that I loved you...
Chapter Fifty Three -- Puzzle Piece
Chapter Fifty Four -- Before I Let You Go
Chapter Fifty Five -- Graduation Speech
Chapter Fifty Six -- FINALE...
Epilogue -- HBFSB-NMB
THANK YOU!!! ^_____________________^

Chapter Sixteen -- Pull a Prank on ME

13.7K 100 7
By chibi_love

CHAPTER 16

 As for Jared…

“Anne! Ano? Sama ka? Kaso sa clubhouse ng Treelane gagawin kasi may gagamit ng gym mamaya. Hindi din naman pwede yung practice room kasi masikip para sa mga routines.” Pumunta siya nun sa row namin, wala pa naman yung teacher.

“Ah, oh sige.” Oo nga pala, nag-promise ako sa kanya na sa susunod na practice nila, manunuod na ko. “Tara Gelo!”

“Ah ako?” Di na natuloy yung pagsagot ni Gelo kasi biglang dumating na yung teacher namin at hindi pa man nakakapunta sa harapan…

“Ok, get one whole sheet of pad paper. Mr. Wilson, distribute these questionnaires.” Oh well… Eto ang teacher na walang patawad. Inconsiderate. Ayoko na nga ng social studies, anything that relates history, dagdagan pa ng ganitong teacher. Kainis! Pasalamat siya I hate failing grades…

Na- consume namin yung buong oras sa pag-sagot ng kung ano man yun. Di ko kasi alam kung seatwork o long quiz ang tawag nya dun. Para sakin naman kasi walang pag-kakaiba lalo na pag sa kanya. Uwian na pala. Nag-alarm na kaya nagligpit na naman kami ng gamit.

“Tara na Gelo.”

“Saan?”

“Practice nina Jared. Sa Treelane daw.”

“Ah eh… Ikaw na lang. kailangan daw ng photographer eh. Pinapatawag ako. Sige kayo muna.” Excuses, excuses… Ano na naman kaya ang gagawin nito ngayon? “Paano mauna na ko… Ge ‘tol! Ingat ka jan.”

“Sige. Wala naman sigurong masamang mangyayari sakin.” Haha… FUNNY?! Tumakbo na paalis si Gelo. Kainis talaga! Bigla-bigla na lang nang-iiwan sa ere.

“Oh? Bakit naka-pout ka jan?”

“Ah wala…” Nakakainis naman kasi eeh! Hmpf…

“Tara na.” Kinuha nya yung gamit ko. Siya na raw ang magbibitbit. Nagtext na ko kay mommy na ma-le-late ako ng uwi. Himala! First time ko atang pinayagan nang hindi ko kasama si Gelo. Sa bagay, first time ko lang din naman umalis na hindi siya kasama, tsaka sa Treelane lang naman eh.

Dumating na kami sa clubhouse. Nandun na yung iba nyang mga ka-crew. Naghintay na lang siya sa iba pa nilang kasama tapos nag-start na din silang mag-stretching. 4:37 pa lang pala. Nakaupo lang ako dun sa bench. The more I stare at him, the more I fall for him. Ang galing nya talaga sumayaw! Pero yung ibang steps eh hindi muna masyadong hataw. Praktisado na naman nila yun eh. Ni-reserve lang nila yung energy nila for their stunts and routines. Ang cool lalo na nung ginawa na nila yung mga yun; b-boy, backhand spring flip, shoulder stand, head spin at kung anu-ano pang hindi ko alam ang tawag. Kulang na lang tumulo yung laway ko, di ko alam natutulala na pala ako sa kanila.

“Teka, sino ‘to?” May nagtakip kasi ng mata ko.

“Ate!” Sabi na… maliit yung kamay eeh. Bakit nandito ‘to? Ai! Taga-dito din nga pala siya…

Tinanggal na niya yung pagkakatakip sa mata ko. “Ui Mico! Sinong kasama mo dito?”

“Ako lang po. Galing ako dun sa house ng friend ko eh.” Tinuro nya pa yung bahay sa kabilang side ng clubhouse. “Nakita kasi kita eh. Ano pong gawa nyo dito?”

“Ah… Nanunuod ako ng practice ng kuya mo.”

“Nandito si Kuya Jared ko? Where? I wanna play with kuya.”

“Ui Mico!... Haha! Teka amoy pawis si kuya.” Tumakbo si Mico sa kanya tapos biglang sumampa sa likod nya. Nakakatuwa silang tignan. I think he would become a good father to his son… in the future. hehe... XD

“Anne! Ano? Ayos ba?” tsk… pansin ko lang… unti-unti na rin lumalabas yung tunay na kakulitan nya, kasama din ba dun yung pagka-mahangin? Ok lang naman eh. Atleast he’s being himself. Wag lang sumobra… ^^

“Hands up ako! Ang husay!” Sabay apir... XD

“I’ll be back. Water break lang kasi eh. After 1 hour matatapos na din kami.”

Ayun at nanood na nga lang muna kami ni Mico. Hangang- hanga siya sa kuya niya at walang ginawa kundi gayahin siya. Naku naman… makulit din pala ‘tong batang ‘to. Aba! At nung nag head spin na nga si Jared, naku! Gagayahin na sana ni Kulit! Buti na lang napigilan ko… MICO-lit talaga. ^^

After ng cool down exercises nila, kanya kanya na silang pack-up at walang pakundangan ba namang doon nagpalit ng damit, wala silang ka-member na babae kaya ayos lang sa kanila. Well t-shirt lang naman kaso, hello?! Public place yun. Clubhouse? Playground? May mga bata pa na naglalaro… Di naman ako tumitingin. Isipin pa nila pinagnanasaan ko sila... ASA! uhm... ^^ slight... LOLZ... Haha!!! Dinismiss na rin naman sila ni Jared pagkatapos nun.

“Tara! Mag-ice cream tayo. My treat.” Umalis na nga kami. Bibili na lang ng ice cream dun pa sa labas ng subdivision nila. Ok lang naman kasi di naman malayo yung nilakad namin. Pagkabili namin, bumalik na ulit kami sa clubhouse para tumambay.

J:“Mico, may dala akong new games sa PSP. Gusto mong maglaro muna?”

M:“Yehey!” Nagtatalon naman sa tuwa ang bata.

J:“Ok, jan ka lang sa bench.” Sumunod naman si Mico. Wala pang ilang segundo eh busy na siya sa kakapindot. Grabe! F na F pati katawan sumusunod sa galaw… haha!!! Ako naman, niyaya ako ni Jared na maupo dun sa may swing.

J:“Anong advice sayo nung guidance counselor tungkol sa course mo?”

A:“Lumabas kasi sa result ko, first yung artistic tapos second yung entrepreneurial, but it’s better if business related na lang daw yung kunin ko. So I guess yun na nga lang. gusto ko rin naman eh. Ikaw?”

J:“Ako? Scientific nga yung first eh. Yung second hindi ko na matandaan. Tsk… Scientific? Eh ang baba nga madalas ng mga grades ko sa science.”

A:“Bakit? Ilan ba mostly ang nakukuha mong grades sa… quizzes?”

J:“7/10, 16/20.”

A:“Yun?! Mababa?”

J:“Yeah! Compared to yours… na madalas maka-perfect score. ^^” Is he competing with me?

J:“Pero hindi ako nakikipag-compete sayo ah. It’s just that, I don’t like science, I think. I just don’t wanna take thinks logically.” Logic? Meron din ba ako nun? Natawa lang siya bigla… nakita nya sigurong puzzled na nun yung mukha ko.

J:“I mean, hindi naman lahat ng sagot sa tanong, nakukuha ng logic diba? Emotions can sometimes do better. Ayoko lang kasi sa isa sa mga principles ng science na ‘logic way of thinking’.” Lalo na kong naguluhan sa sinabi nya. Are we still connected? “Enough of that. Kahit ako naguguluhan na rin sa sinabi ko. Back to our courses.” Fine. Much better… ^^

A:“So anong balak mong kuhanin na course?”

J:“My dad wants me to become an architect or an engineer. Gusto ko rin naman kaso ang gusto nila sa malapit lang. ayaw nila sa Manila ako at mag-dorm.”

Ayaw daw ng science pero science- related din naman yung engineering…

“Bakit naman?”

“Wala kasing makakasama si mommy. Si kuya kasi later on magiging busy na sa review para sa board exam so mas mapapadalas siyang wala sa bahay. Pero isa lang naman yun sa mga alibi nila coz until now they are still treating me as a baby, lalo na si mommy.” Nag-pout naman siya nang parang bata. Di ko ata kayang pigilan yung tawa ko. Anytime feeling ko mag-buburst ako. Yung last part kasi na sinabi nya, it’s not Jared’s thing, I guess. Pareho pala kami, yun nga lang it’s not usual for guys as cool as Jared, siguro nga yun lang din ang tingin ko. I think I’ve seen the other side of him. A manly, serious-type lad, acting now like a childish one. Cool…^^

“Bakit ka nangingiti jan?”

“Ah wala lang… may naalala lang ako.” Nakalusot naman ako… hehe.. Nakakapanibago talaga. Di ako maka-get over. ^^

“Eh ikaw? San mo balak?”

“Sa La Salle Dasma. Actually, magsusubmit na nga kami ni Gelo ng application form next week. I know!...” Inunahan ko na siya bago pa siya maka-hirit, napansin ko kasi na parang natatawa na siya. “…I know… Alam kong nangingiti ka dahil masyado kaming excited.” Wait up. “Teka, may sinasabi ka ba?” I know I heard something.

“Wala wala… Maige na nga na maaga para atleast hindi kayo maubusan ng slot at para na rin di kayo abutan ng dagsa ng tao.”

“Sabagay.” May point din naman siya. Pero may narinig talaga akong sinabi nya eh.

“Kuya… off na... ubos na yung battery… di pa ba tayo uuwi? Gutom na ko eh.”

“Owww… I almost forget about the time. Sheez… Mag –e-eight na pala. Sorry Anne. Mag-dinner muna tayo kina tita tapos…”

“Hindi na, dun na ko samin hinihintay na rin nila ko.”

“Sige, hatid muna natin si Mico and then iuuwi na kita.” Napatingin naman ako sa sinabi nya? What?! “I mean, ihahatid na kita sa inyo.”

“Wag na, mag-pepedicab na lang ako. Lalo ka pang gagabihin eeh…. ^^ I’m good.”

 “Alright.”

Ang sunod na lang na alam kong nangyari, tumakbo na lang siya bigla. At nag ‘bye’. BYE?! “Hey wait! San ka pupunta?!” tumakbo lang naman siya papalabas ng subdivision, hindi ko na siya naaninag kasi malayo na, di ko alam kung lumiko pa siya. Nung sumigaw ako, lumingon lang siya sakin tapos ngumiti na lang nang nakakaloko. Anak ng pitong kuba nga naman. Maiinis ba ako o ano? Kahit naman sino maiinis kapag iniwan ka sa ere diba? Di bale sana kung ako lang, hindi man lang siya naawa sa pinsan nya? Gutom na nga yung bata eh. Kung alam ko lang eh di sana pumayag na kong magpahatid. Kainis!

Mga 8 minutes din ata muna kaming nakatayo doon. Baka sakaling maisipan nya kaming balikan. Kaya lang mukhang wala na eh. Ganito ba siya topakin? Mukha namang hindi naman nagalit nung tinanggihan ko. Gulo nya rin noh?! Pasalamat siya…… Maha…

...

Maha...

maha...

...

...mahaba ang pasensya ko sa kanya.

Nakita ko na lang biglang tumawa si Mico. Akala ko ba gutom na ‘tong batang ‘to? At may gana pang tumawa ah.

“Ate, hatid mo na ko. Doon oh.” Tinuro nya yung bahay nila. Ang cute nung bahay nila, light pink, tapos beige yung gate. Sows naman! Dito lang pala sa tapat ng clubhouse. Kala ko naman sa kabilang kanto pa.

nasa tapat na kami ng bahay nila doon nung biglang may nagdoor bell na para samin. Paglingon ko…

A:“EWAN KO SAYO?!” Nakatayo na lang siya sa gilid namin, nakasandal sa may poste at nakangiti. NGTING PANG-ASAR!

J:“Ui galit ka? Sorry… I didn’t mean it. I just want to…”

“Pull a prank on me? Yeah right?!”

“Ayaw mo kasing magpahatid kaya…” Napatawa naman siya bigla. Hindi naman talaga ako galit. Inis lang ako. “… Alright I’m sorry. I won’t do it again. Today.”

Nakakunot na yung noo ko nun. Di ko na nga alam kung ano nang expression ng mukha ko, kung anong itsura ko. Nakatingin lang kasi siya sakin na para bang… grrr!!!

“Ano?! Pipigilan mo pa ba yang…” May lumabas naman na babae galing sa pinto, Ate kaya ‘to ni Mico? Ang ganda eh, sakto naman, si Jared na bigla na lang humagalpak ng tawa. At si Mico, akala mo wala nang bukas, nakitawa din ang mokong. Nakalimutan na nya sigurong gutom siya. As for me… nakatitig lang ako sa kanila.

“Anong meron at tawa kayo ng tawa jan?”

“Eh kasi… hahahaha!!! Eh kasi tita…” Naiinis na talaga ako. Kanina lang parang ok naman kami at nag-aasaran pa nga.Yung mukha ko eh kanina pa nag-iinit. Kasi naman?! Tawanan ba naman ako nang clueless ako kung ano ang dahilan? Better be out in here. ASAR!

“Hey hey… mamaya ka pa aalis.” Hinatak nya yung kamay ko.

“Anong mamaya? Uuwi na ko. Hinahanap na ko samin.” Pinigilan pa rin nya ako. Halata pa rin sa kanya na pinpigilan nya yung tawa nya. Hawak nya ko sa wrist ko, yung isa namang kamay nya, nakatakip na dun sa bibig ni Mico. Tapos siya yumuko na. what’s wrong with this two?

Tinanggal na nya yung kamay niya kay Mico sabay nag- ‘Sshh’. Ako naman, hawak pa rin nya sa wrist pero hindi na gaanong kahigpit tulad kanina.

“Tita Len, this is Anne.” Nakipag-kamay naman siya sakin. “Anne, this is Tita Len, Mico’s mom.” Wow ang ganda niya para maging nanay. Mukha lang siyang eighteen years old.

“Good evening po.” Humupa na naman na yung inis ko. Pasalamat ‘tong dalawang ‘to… nako…

“Nice meeting you hija. What a pretty girl… Are you Red’s…”

“Tita naman… Classmate ko nga po.” Sabi ko nga classmate eh. Totoo naman. ^^ Annessa girl…. Behave. Stop that freaking imagination thingy… ok?

“Tara pasok na kayo sa loob dito na kayo mag dinner and you little boy, magpalit ka muna ng damit mo. Ang dungis mo na oh. Di ka ba nahihiya kay Ate Anne mo?”

“Mommy!” Aba! Nahiya ang bata at tumakbo na papasok ng bahay nila. Kami naman, naiwang nakatayo pa rin sa labas.

“Uhm sorry po pero kasi baka hinahanap na po ako samin eh. salamat na lang po. Sige po mauna na po ako.”

“Sige na tita, gabi na rin, tsaka nagtext na rin sakin si mommy. Tara na Anne.”

“Hindi na, gagabihin ka pa lalo. Magpepedicab na lang ako.”

“Sus! Parang ang layo ng Park Place ah. Wala namang 15 minutes ang byahe ko pauwi eh.”

“Sige na hija, magpahatid ka na jan. Don’t worry harmless naman yan eh.”

“Ano? Tatanggi ka pa?” Sabi ko nga, no choice na naman ako eh. “Sige po tita, next time na lang po. Isasama ko na lang ulit siya. XD”

‘Isasama ulit tapos ano? Bibiruin mo na naman ako. bahala ka sa buhay mo!’ bumulong bulong naman ako nun. Tumingin siya bigla sakin, nginitian ko na lang siya, a super wide smile, ngiting aso XD.

“Sige po tita alis na kami.”

“Mag-iingat kayo.”

“Salamat po… bye bye…”

“Bye ATE!!!” Humabol pa nga ang mokong.

Hinatid nga nya ko. Nag-side car na kami para mas mabilis kasi ayoko naman na masyado na siyang gabihin.

“Sige, salamat sa paghatid. Umuwi ka na, gabi na.” Teka, ang sama naman ng ugali ko at parang pinapalayas ko naman siya kaagad. “Ah, pasok ka muna pala. Kahit mag-juice ka muna sa loob.”

“Hindi, salamat na lang. Nagtext na din kasi sakin si mommy. Baka nag-aalala na yun. Pano, bukas na lang ulit.” Nag-katitigan kami for about 5 seconds. Teka, may sasabihin ako eh…

“Ah, O-ok. Ba-bye… ingat… ^^” Hindi pa siya tumitinag sa kinatatayuan niya.Tapos tumalikod na siya. Nung papasok na ko sa loob…

“ANNE!” lubdub-lubdub “P-pwede bang…”

Ang bilis nung pagkakasabi nya kaya hindi ko masyado naintindihan, pero nasagot ko naman yata yung tanong nya. Akala mo naman nanalo sa lotto kung makareact, at napatalon pa nga. Napatalon nga ba? Imagination ko lang ata. Dahil nga sa tumakbo na siya, ako naman, naiwan sa may gate.

“Honey sino yun?” Bumukas yung pinto, si mommy pala.

“Mamsi! Si Jared yun. Baby Claire’s… Owww…” Tinapakan ko agad yung paa niya. Ang daldal kasi eh.

“Ah mommy, classmate namin, si Jared, yung sikat sa school. At ikaw?! Bakit ka nandito?” I pointed at Gelo.

“Dinner?..” Then he smirked… arrrrgghhh…. Pagkatapos mo kong iwan sa ere magpapakita ka sakin na parang wala lang?! hmmmph…

“Why don’t you let him in?”

“Nagmadali pong umalis eh.”

“Ganun ba? Tara na dito at magbihis ka na para makakain na tayo.”

Ako na lang pala ang hinihintay nila… Bago pa ko makapasok sa pinto, nag-vibrate yung phone ko… MAY NAGTEXT…..

Continue Reading

You'll Also Like

Pagsamo By Señorita M

Historical Fiction

73.2K 523 4
In the Filipino town of Santa Crusiana, a young man named Leonor marries a woman whose head has been torn off from an old photo. Within the Seguismun...
273K 16.4K 32
"Isabelle is now officially signing off." ILYBRPW BOOK 2. Plagiarism is big crime.
3.9M 133K 27
Isang misyon, isang hindi inaasahang pagtatagpo at isang pagkamamali na magiging dahilan ng pagbabago ng plano. Paano maitutuwid ang isang pagkakama...
39.5M 929K 37
Avah Chen is my name and hating is my game. Loved by no one, hated by everyone. Half-Chinese. Pure-Maldita.