Meet My Professor ✓

By DamianLane

56.8K 3.4K 107

Series #1 Lana Iya Velasco had a very strange experience during their first-ever bar hopping. She met a DJ wh... More

Meet My Professor
Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 12.1
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 19.1
Chapter 20
[SEASON 2]
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Special Chapter
Special Chapter (Part II)
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 70
Epilogue

Chapter 69

517 24 0
By DamianLane


Season 2 – Chapter 69


Napangiwi ko nang biglang nabuga ni Jade ang iniinom nitong iced tea. Inabutan ko 'to ng tissue bago siya sinabihan ng: "Girl, ang lagkit niyan ha."


Sinamaan ako nito nang tingin bago inabot 'yong wet tissue na binibigay ni Shei kasabay nang inaabot ko.


"Beh, nambigla ka naman kasi."


"Ano'ng nakakabigla do'n? 'Di ba kayo 'tong atat na ata na manligaw sa'kin si Van?" Sagot ko kay Shei. Halos isang taon nila kong pinugpog ng mga tanong na; 'Bakit ayaw ka pa niya ligawan?' , 'Bakit confession for now lang?'.


"Nakaka-shock kasi na finally! Sa wakas! Nanligaw din siya! Isang taong mahigit matapos niyang mag-confess sa harap ng buong pamilya mo, ngayon lang siya nanliga—"


"Kung hindi pa panliligaw ang ginawa niya nitong nakaraang isang taon, paano siya kung totoong ligaw na?" biglang putol ni Anne kay Jade.


Tinignan ako no'ng tatlo, tinignan ko rito sila pabalik at tsaka nagkibit balikat. Aba'y malay ko. Pare pareho lang naming hindi alam.


"Tingin ko, inantay ka muna niyang makahanap nang maayos na trabaho bago ka niya ligawan," sabi ni Jade.


"Wow! Ang tatag niya!" reaksyon ni Shei sa sinabi nito.


"Sa tagal niyo bago umabot ng ligawan stage, nauna pa si Shei na magka-boyfriend sa'yo," ako naman ang nasamid sa biglang sinabi ni Anne.


Ilang saglit din bago ako napakalma at napatigil sa pag-ubo dahil sa sinabi nito.


"Sino?!" nakakunot noong tanong ko kay Shei.


Napaawang ang bibig ko nang makita ko ang pagpula ng mga pisngi nito. "Huwag mong unahin 'yong kilig, sagutin mo ko."


"Kilala mo naman siya, Beh. Kaibigan siya ni Van at Czam."


Napaangat ang mga kilay ko sinabi nito, "You mean nasa group of friends niya?"


Tumango ito sa sinabi ko, napaisip naman ako. Sino sa kanila? Unang pumasok sa isipan ko... "Si Fortin?"


Isang nagtatakang ekspresyon ang nakita ko sa mukha nito, "Sino 'yon?"


"Isa sa Narcisco brothers?" tanong ko, hindi na ko nag-abalang sagutin 'yong tanong niya.


Biglang nagbago ang ngiti nito, iyong ngiti na para bang pinipigilan ang sariling kiligin. Confirmed. "Sino do'n?"


Imbes na sagutin ako, yumuko lang ito at napakagat sa labi habang halatang pinipigil ang kilig. Si Anne na lang ang sumagot sa'kin.


"Ako na lang sasagot, ha? Shei? Nasa ulap ka na naman kasi," bumaling sa'kin si Anne. "Iyong doctor."


"Doctor—" napa-'ah' ako nang magpagtanto mo kung sino ang tinutukoy nito.


Bigla kong natulak si Shei dahil sa nalaman ko. "Bruha ka! Nahuli mo 'yong mailap na 'yon?" hindi ko maiwasang mapa-ngisi.


Mas lalong namula ang mukha nito sa sinabi ko, napailing na lang ako habang nakatitig dito. Napukaw naman ni Jade ang atensyon ko s amalakas na buntong hininga nito.


"Problema mo? Nag-away kayo ni bebe mo?" tanong ko na siyang kinalipat nang atensyon no'ng dalawa sa kanya.


Sinamangutan ako nito, napaayos tuloy ako nang pagkakaupo ko. Nagbibiro lang naman ako pero talaga bang nag-away sila?


Bigla na lang nitong tinuro si Anne, "May boyfriend."


Nilipat nito ang tingin niya kay Shei at tinuro rin ito, "May boyfriend."


Ako ang huling tinignan nito sabay turo rin, "Magkakaroon ng boyfriend."


Mas lalo 'tong sumimangot at tinuro ang sarili, "Wala pa ring title."


"Hindi ba ikaw ang may sabi sa kanya na aantayin mom una siyang maka-graduate bago kayo maging official?" tanong na may kasamang pag-paalala na sabi ko sa kanya.


Hindi ito umimik, dinagdagan naman ni Anne ang sinabi ko. "Konting tiis lang, girl. Ga-graduate din 'yon."


"Bakit kasi nag-Engineering pa siya, two years pa bago siya grumaduate."


"Nasaan na 'yong 'I'll wait for you' mong linyahan?" naiiling na sabi ni Shei.


Iyon ang naging simula nang mahaba haba naming kwentuhan. Simula nang grumaduate kami, mabibilang sa daliri ang mga pagkakataong nagkakasama sama kami. Lalo na no'ng review days namin, as in ang dalang—maliban sa'min ni Jade na magkasama. Dumagdag pang may trabaho na sila Shei at Jade after graduation. Kami kasi ni Anne nagdesisyong mag-focus at magpahinga muna ng isang buong taon, ngayong school year ang unang taon naming magtrabaho.


Umaga kami nagkita kita pero madilim na nang matapos kami. Sinundo ako ni Van, hinatid muna namin sila Jade at Anne bago kami dumiretso ng bahay. Si Shei naman bukod sa iba ang way, may sundo rin naman siya kaya wala na kaming inalala.


"How's your day?" napatingin ako kay Van nang magtanong ito, kaming dalawa na lang ang nasa sasakyan.


"Masaya. Na-miss ko sila. Ngayon na lang ulit kami nakumpletong apat. Matapos ang mahigit isang taon." Ni hindi kami nakapag-celebrate nang sama-sama no'ng pumasa kaming lahat sa LET.


Kahit hindi naman kami nagpagala-gala at kumain lang sa dalawang kainan, hindi ko naiwasang mapainat nang makaramdam ako nang pagod sa buong katawan. Naihawak ko sa likod nang magkabilang tenga ko ang mga kamay ko habang nakaliyad, at nag-iinat. Napatigil lang ako nang biglang nakawit ang buhok ko sa suot kong relo. Sinubukan ko 'tong tanggaling gamit ang libreng kamay ko pero hindi ko matanggal. Napansin 'yon ni Van at mabilis niyang itinigil sa may tabi ang sasakyan.


"Let me help," sabi nito bago tinanggal ang seatbelt niya para lumapit sa'kin. Inalis ko ang libreng kamay ko nang hindi ito makaharang.


Narinig ako nang pag-'click' bago ko naramdaman ang pagluwag ng relong suot ko. Naramdaman ko ring parang lumuwag ang pagkakahatak sa ilang hibla ng buhok ko.


Inilayo ko ang kamay ko sa may buhok ko, inalalayan ni Van 'yong relo para hindi ito dumausdos at matanggal nang tuluyan. Nang halos nakapatong na ang kamay ko sa may kandungan ko, sinimulang ayusin ni Van ang relo ko at sinubukang ikabit ito pabalik.


"Graduation gift sa'kin 'yan ni Orlando," bigla kong bulalas na nakapagpatigil sa kanya.


Ilang saglit lang itong nahinto bago muling inayos at kinabit nang tuluyan 'yong relo. Nakatitig lang ako rito habang ginagawa niya 'yon. Pagkasuot niya nito sa'kin, hinawakan niya ang palapulsuhan ko kasama na mismo 'yong relo.


"You know, even if you told me that, I can't and still won't ask you to never wear this." Nakatuon ang mga mata niya sa relo habang hinihimas himas pa ng hintuturo niya 'yong bilog na mismong orasan.


Napaangat ako nang tingin sa mukha nito nang titigan ako nito sa mga mata ko. "He'll always be part of your life. Asking to remove something he gave you, when you accepted it whole heartedly, is like disrespecting your decision. And it will also look like I'm asking you to forget him. That's impossible."


Inilapit nito ang kamay ko sa mga labi niya, hindi niya inaalis ang titig niya sa'kin. Gamit ang isa pa niyang kamay, hinawakan niya ang mismong kamay ko habang nanatiling nakahawak sa may palapulsuhan ko 'yong isa.


"I love you, that's it. I'm not courting you to limit or take control of your life." Ramdam na ramdam ko ang paghinga niya sa likod ng palad ko.


Damn. I so love this man. Bakit ba ko nagpapakipot pa? Gustong gusto ko na siyang maging boyfriend ko. But somewhere in my heart wants to savor this moment first. I just don't want to move on the next level yet, I just want to enjoy each passing time as much as possible for now. Kaya naman kahit na sobrang serious at sweet ng mga sinabi niya, hindi ko naiwasang asarin siya.


"Kahit nagpapaligaw ako sa'yo, walang garantiyang sasagutin kita."


Nginisian ako nito, napangat tuloy ang isang kilay ko sa kanya. Inilayo niya ang kamay ko sa bibig niya, pero hindi niya ko binitawan.


"Isn't the sole purpose of courting is trying to win the heart of your beloved one? That thing won't faze me."


"Now that you mentioned that, why are there guys who asked 'pag nanligaw ba ko may pag-asa ako?' to the woman they like? Do you only court someone when you have a chance?" naiiling na sabi nito.


Hindi ko mapigilang matawa sa sinabi nito habang napapailing din. "Sige, pagalitan mo sila. Mga matatapang lang kapag alam na may chance sila."


Tinignan ako nito nang masama—mapaglaro? Hindi ko masabi kung galit ba siya o pilyong tingin lang talaga ang binabato niya sa'kin. "Mocking me?"


"No," natatawang sagot ko habang umiiling.


"Yeah, right," sabay pisil sa kamay ko.






Napatitig ako sa oras ng cellphone ko, saktong alas-dose na. Tinignan ko ang likod ni Van na nakaharap sa'kin. Kating kati na kong magtanong kung kumusta 'yong ticketing, kung nakapasok ba siya online, kung nakabili ba siya pero ayokong masira ang concentration niya.


Ipinihit ko ang buong katawan ko paharap sa kanya. Sana naman nakabili siya! Unang beses mag-co-concert dito ng isang favorite KPOP group ko. Bukod sa Bigbang, sila lang ang kinahumalingan ko ng todo. Ticketing ngayong araw, dapat pipila talaga ako sa SM outlet kaso nagkasakit ako. Kaya nandito kami sa kwarto ko habang si Van ang bumibili ng ticket thru SM online. Ayoko ng online kasi balita ko nag-ca-crash 'yong site—although nag-improve na raw ngayon—kaso mas okay na 'to kaysa sa hindi ko sinubukan.


Bigla akong napamulat ng mga mata, hindi ko namalayang napapikit na pala ako. Tinignan ko ang narinig kong sumara, ang laptop na gamit ni Van sa pagbili ng ticket. Hinarap ako nito bago nagsalita.


"Rest." Hindi ko na nagawang magtanong kung ano'ng nangyari sa ticketing. Napasimangot na lang ako habang pinipigilang mapaiyak. Ibig bang sabihin nito hindi siya nakabili.


"Iya," lumapit 'to sa'kin at tsaka inilapat sa noo ko ang isang kamay nito. "I'm asking you to rest because there's nothing for you to worry. I bought the tickets; I'll claim it later when your brother arrives."


Biglang umatras ang mga luha ko at napatitig dito. Naibaba ko bigla ang kumot kong kanina pa nakabalot sa katawan ko.


"Nakabili ka?" kung hindi lang ako nahihilo kanina pa ko bumalingkwas ng bangon dito.


"Yes. Now, please rest already. Hm?" tumango ako sa sinabi nito at mabilis na ipinikit ang mga mata ko. Naramdaman ko ang muling pagbalot ng kumot sa katawan ko.


Hindi ko na maalala pa ang mga sumunod na nangyari dahil agaran na kong nakatulog.


Ilang buwan ang nakalipas at dumating na ang inaantay kong concert day. Hinatid ako ni Van hanggang MOA. Sabi ko nga mamamasahe na lang ako dahil ayoko siyang mag-intay sa'kin. Sigurado kasing aantayin ako nito, 'e ano'ng oras tapos ng concert? Magmamadaling araw na.


Dahil sa seated naman ang nabili naming ticket, naisipan naming maglibot muna. Maaga rin kasi kaming dumating ng venue. Namasyal muna kami at kumain. Nang mga alas-tres na nagpunta na kami sa may arena at hinanap ang pila ng lower box section.


Nang makita namin kung saan 'to, bumaling na ko kay Van. "Saan ka mag-iintay?"


Isang nagtatakang tingin ang ibinigay nito sa'kin, "What?"


"Hindi ka naman makakapasok sa loob. Kahit diyan lang sa may pila."


"Says who?" bago pa ko makasagot ay mabilis na kong naalalayan nito papalapit sa pasukan ng queuing lane para sa lower box at VIP seated na siyang magkasama.


Hinanap no'ng parang bouncer ang ticket namin. Mabilis kong ipinakita 'yong akin habang kinakabahan akong napatingin kay Van. Ano'ng ipapakita nito?!


Nagulat pa ko nang may ipakita rin itong ticket sa bouncer. Siya ang nagdala sa'min papasok, papunta sa pinaka dulo ng pila. Nang makapila kami, ako ang nasa unahan habang nasa likuran ko siya. Hinarap ko siya at tinignan.


Hinatak ko papalapit sa mukha ko ang kamay niyang may hawak ng ticket. Katabi nang upuan ko!


"Why do you think they let you watch this without asking if you have someone you can go to?" natigilan ako sa tanong nito.


Oo nga naman, ang unang kondisyon sa'kin noong unang beses akong nakanuod ng concert ay dapat may kasama ako papunta at pauwi. Pero para rito, noong sinabi kong manunuod ako, ni isang tanong wala silang sinabi.


Tinignan ko si Van, "You're really persistent."


"Thanks for the compliment," kinindatan pa ko nito. Natatawang napairap ako rito.


Mahigit dalawang oras nang matapos ang concert. Bago kami tuluyang lumabas ng venue, nagbanyo muna ko. Pagkalabas ko, nakita kong may kausap sa phone si Van.


"Okay po, nay. Tatanungin ko po siya. Okay po, good night."


"Si nanay?" tanong ko nang makalapit ako rito at nang tuluyang matapos ang tawag.


"Yes. I informed them we're done here. She told me it's too late to drive. So..."


"So?"


"She told us to check in a hotel to spend the night."


"Oh, okay."


Napakunot ang noo nito, "You're fine with that?"


"Oo, hindi naman tayo matutulog sa isang room 'e," sabi ko rito sabay talikod para makalabas na. Ngayong natapos ang concert, ramdam ko buong katawan ko ang sakit. Pati lalamunan ko masakit na, gusto ko na lang makapagpahinga.


Pumunta kami sa pinaka malapit na hotel na nakita namin. Napapikit na lang ako nang mariin bago muling mapamulat nang marinig ko ang sinabi no'ng receptionist.


"Sorry, Sir. Only one room is available."


Sa totoo lang, hindi naman na nakakapagtaka. Tiyak kasing maraming fans outside Luzon ang dumayo pa rito at nag-book ng hotel nila in-advance. Halata sa mukha ni Van ang pag-aalinlangan, gano'n din naman ako. Ang kaso kasi pagod na talaga ko at ayaw ko nang sumugal pa sa ibang hotel nab aka ganito rin ang sitwasyon.


Mas lalong na-push ang desisyon kong kuhanin na 'yong bakanteng room nang may dumating na couple na nag-hahanap din ng room.


"Miss, kunin na namin," mabilis kong sabi sa receptionist.


Isang hindi makapaniwalang tingin ang ibinigay sa'kin ni Van. Hindi ko pinansin ang reaskyon niya at mabilis na kinuha 'yong susi na binigay para sa'min.


Pagdating sa room, isang queen size bed ang sumalubong sa'min. Mabilis kong ibinaba ang bag ko sa gilid ng kama. Mabuti na lang at may dala akong extrang shirt at shorts. Mas kumportable kasi akong magdala ng extrang damit kapag concert.


"Body wash lang ako," sabi ko kay Van at mabilis na pumasok sa banyo. Lagkit na lagkit ako sa katawan ko. Gusto ko lang nang mabilisang paglilinis sa katawan at nang makatulog na agad.


Pagkalabas ko, napalinga agad ako nang hindi ko nakita si Van. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan ito.


[He—]


"Nasaan ka?" mabilis kong putol dito.


[I picked my clothes from the car.]


Pasimple akong napabuntong hininga nang marinig ako sinabi nito, "Okay. Tapos na ko maglinis, ikaw na."


[Sure.]


Pagkabalik nito, mabilis lang din itong naglinis ng katawan. Pagkalabas niya, tsaka nagsimula ang pagtatalo namin sa kung saan kami matutulog pareho.


"Bakit d'yan ka sa sofa matutulog? Ni hindi ka kasya d'yan!"


"Iya, we can't share the same bed. Not yet."


"Van, wala namang magagalit sa'yo kapag nagtabi tayo. Ang laki kaya no'ng kama! Tsaka alam ko namang wala kang gagawin. Takot mo lang sa pamilya ko."


Napapikit ito nang mariin at napahugot nang hininga. Para bang kinakalma niya ang sarili niya. Nang magmulat siya ng mga mata at direkta niya kong tinignan sa mga mata.


"I'm most afraid of myself right now. I'm tired for today, I'm not sure if I can hold it out."


Bahagyang napaawang ang bibig ko sinabi nito. Hindi naman ako inosente para hindi maintindihan ang ibig sabihin nito. Hindi ko tuloy naiwasang mapalunok sa sinabi niya.


"Iya, rest. I know you enjoyed today. Now, it's time for your body to have rest." Kinuha nito ang isang jacket na malamang ay galing sa kotse niya, isang unang mula sa kama at tsaka nahiga sa may sofa.


"Oh, the lights," akmang tatayo pa 'to pero pinigilan ko na siya.


"Ako na," pinatay ko ang ilaw sa buong kwarto, tanging lamp shade na lang ang may sindi. Akmang papatayin ko na rin 'yong pero pinigilan niya akong patayin 'yong isa, 'yong nasa isang side lang ang pinapatay niya.


Nahiga akong nakatalikod sa kanya. Hindi ko alam, hindi naman kami nag-away nang matindi o ano. Nagtalo lang naman kami, pero ang awkward na harapin siya. Ayoko nito.


Pagod na pagod talaga ang buong katawan ko pero hindi ako makatulog. Ano na? Sa ganitong pagkakataon kong gustong makatulog agad. Kahit na may parte sa'king ayaw pang matulog hangga't 'di ko siya nakakausap.


Hindi ko maiwasang isipin, kung sinagot ko na kaya siya, kung opisiyal na kayang kami, mababago kaya ang tingin niya sa pagtulog sa iisang kama? Alam kong walang kinalaman ang kasalukuyan naming relasyon sa desire niya pero wala...hindi ko maiwasang isipin. Hindi ko nga alam kung tama bang mag-isip ako nang ganito kahit na ako lang naman ang iniisip niya.


"Iya."


Napalunok ako nang tawagin niya ko. Napalunok ako, hindi ko siya hinarap pero sinagot ko ang pagtawag niya. "Hm?"


"Let's not let these circumstances affect our decisions," makahulugang sabi nito. Kinilabutan ako dahil pakiramdam ko ay nabasa nito ang iniisip ko.


"Take your time in deciding whether we're going to up our relationship or not. No one's rushing you. I'm patiently waiting and trying to win your heart."


Nanuyo ang nananakit kong lalamunan. Napasimangot ako at para bang ano mang oras ay may tutulong luha sa mga mata ko. Ang babaw ko! Bakit ang emosyonal ko? Ganito ba kapag pagod na pagod ka, physically?


"I love you, good night."


Napapikit ako nang mariin bago ko nagawang sumagot sa kanya, sa wakas.


I love you. "...good night."

Continue Reading

You'll Also Like

69.6K 2.1K 21
Kiesha Smith a heiress of a multi-million company. She was born with a silver spoon in her mouth and lived the extravagant and luxurious life. She ha...
13.6K 408 15
MAZE RUNNER TRILOGY MARKED COMPLETE FOR SAFETY MEASURES !! WILL UPDATE "𝓎ℴ𝓊 𝒶𝓇ℯ 𝒽ℴ𝓂ℯ." what happens when you life gets turned upside down, ev...
86.3K 2.6K 31
Pag maliit kailangan!! ipamukha ? xDD.
1.4K 139 28
Desire of the Soul | On-Going Language: FULL ENGLISH Zaileigh Abby Merindah, 23 years old and currently a college student and soon to graduate. She i...