"How is that studying?" biglang tanong niya.

"Inaano ba kita?"

"You're literally just flipping through the pages."

"E naiintindihan ko naman binabasa ko."

"It's that Eidetic memory, isn't it?"

"Hotdog," sagot ko. "Eidetic ka d'yan. 'Wag mo na nga ako pansinin. Mag-aral na lang tayong parehas," dugtong ko pa.

Pero si Nikolai ay mabilis na kinuha iyong libro mula sa akin.

"Article 3?"

Napa-irap ako. "Ignorance of the law excuses no one from compliance therewith."

"Article 10?"

"In case of doubt in the interpretation or application of laws, it is presumed that the lawmaking bodies—"

"Body."

Umirap ako. "Bakit ba g na g ka? E sa mabilis akong magkabisado?" sagot ko sa kanya sabay hablot nung libro. Ang hater nito masyado!

Hinawakan niya biglang iyong mukha ko at saka naka-titig nang mabuti sa akin. Nilakihan ko siya ng mga mata. Sabog nitong si Nikolai ngayon! Ano ba'ng problema nito?

Binibilang ko iyong segundo.

Grabe naman maka-titig 'to!

Mabilis akong lumapit tapos hinalikan na lang siya. Na-stress ako sa pagtitig, e! Akala mo inaalam pati mga kasalanan ko nung kinder ako!

"Wag ka na maiinggit," sabi ko sa kanya. "Mayaman ka, matalino ako, ganon talaga. 'Di pwedeng nasa 'yo lahat," sabi ko tapos tinapik ko iyong pisngi niya bago ako bumalik sa pag-aaral.

"Jersey—"

Pagharap ko sa kanya ay mabilis niya akong hinalikan. Medyo nanlaki iyong mga mata ko sa pagka-bigla.

"You kissed me earlier."

Hinalikan ko siya. "Ano 'to? Gantihan?"

Hinalikan niya rin ako. "Olho por olho."

Pinanliitan ko siya ng mga mata. "Ukinam," sabi sa kanya kasi pino-Portuguese na naman ako! Simula nung pumasok ako sa law school, minsan nagsasalita siya niyang alien na salita niya. Guma-ganti ako at nag-Iilocano din ako. Pero kadalasan minumura ko lang siya doon kasi malay ko ba sa sinasabi niya.

Kapag ako napikon dito, mag-aaral na rin ako ng Portuguese, makita niya.

Tumawa siya. "Fine, let's just study," sabi niya at saka bumalik siya sa pag-aaral. Tumingin ako sa orasan. 9:30 pa lang pala.

"Wala ka bang recit or quiz?"

"Off deck," sabi niya.

"Ah, okay," sabi ko. Tumingin siya sa akin at mabilis na nanlaki ang mga mata niya nang makita niyang hinubad ko iyong t-shirt ako. I mean, ala-una pa naman iyong klase niya! Saka 'di naman siya nag-aaral at kinu-kulit niya lang ako.

"What—"

"Bilis na," sabi ko. "Kanina pa ako nag-aaral. Deserve ko ng premyo."

Direktang naka-titig siya sa mga mata ko. "You really weren't kidding when you said you don't wear a bra," sabi niya habang naka-tingin sa akin na topless. E nasa condo lang naman ako! Saka malay ko bang dadating siya. Saka proud naman ako sa boobs ko.

"May bra ako sa school—"

Pero hindi ko na natapos iyong sasabihin ko nang mabilis akong sunggaban ni Nikolai. Natapos din ang tagtuyot.

Wreck The Game (COMPLETED)Where stories live. Discover now