***
Namulat
na hinahanap-hanap
ang mga ngiti
na 'di ko mahihingi.
Umaasa
na sana maalala
sumagi sa 'yong isip
kahit na sandali.
Naghihintay
na makita
sa 'yong pag-idlip
ang pagmamasid.
Malaman nawa
na sa 'yong pag-iisa
mayro'n kang katabi
malayo man sa 'yong bisig.***
![](https://img.wattpad.com/cover/252304488-288-k94978.jpg)
YOU ARE READING
The Unspoken Thoughts
PoetryMaccheb's Poetry Collection --- Mga salitang hindi masabi mga letrang nakapiit ito ang magiging kanlungan ng lihim na 'di batid ang hantungan.