LUMINGON KA LAMANG

6 1 0
                                    

***

Mula noon hanggang ngayon
nakontento na lamang ako
na pagmasdan ang mga ngiti mo
at lihim na pumalakpak sa tagumpay mo.

Hindi ko na sasabihin sa 'yo
ang isang sekreto,
hahayaan ko na lang na hipan iyon
ng hangin patungo sa 'yo.

Ibig ko mang ibulong ang mga salitang natatago
at hawakan ang mga kamay mo
upang iparamdam na nandito lang ako palagi
ay hindi maaari.

Ang posibilidad na hindi mo pagtanggap sa akin
ay 'di siyang kinatatakutan ko
kun'di ang masira ka lamang kung sakaling
patuluyin mo ako sa buhay mo.

Kahit nasaan ka man
palagi mo akong kasama.
Kahit nasa likod mo lang
at hindi mo nakikita.

***

The Unspoken ThoughtsKde žijí příběhy. Začni objevovat