MGA TANONG NA WALA PA RING SAGOT

6 1 0
                                    

***

Batid mo bang
ako'y nagdaramdam
sa hindi malamang
kadahilanan?

Bakit nga ba
sadyang mailap
ang pagmamahal
na ibig kong mahagkan?

Madamot nga bang sadya
ang mapaglarong tadhana
kaya't paulit-ulit na nawawala
kapag inaasahan kong siya na?

Sa pagkakataon kayang ito'y ikaw na
ang aking hinihintay
kaya dulot mo'y ngiti
maging sa bawat panaginip?

Doon sa bulalakaw aking hiniling
na ako'y iyong mapansin
ngunit sa aking paggising
tila sa iba pa rin nakatingin.

Hindi na aasa
ang pusong nagdaramdam.
Maghihintay na lamang.
Batid mo ba?

***

The Unspoken ThoughtsWhere stories live. Discover now