Just wait until I'll make u mine again.


Nagpipigil ako ng ngiti nang mabasa ko ang text. Kinikilig ako, legit. Kinikilig ako!


Enebe Ranz! Wag kang ganyan!


Kath:

Balakajan. See u tomorrow. Bye.


Tinapos ko na ang convo namin baka kasi pakiligin ako ulit ni Ranz.


Naisipan kong pumunta sa kwarto ni tatay. Alas-syete na pala. Pumasok akk sa loob at kinuha ulit ang box. Napangiti ako ng walang dahilan.


Bukas tay magkikita na kami ni Mama. Sana matanggap niya ako. Kikitain ko na ang iyong love of your life.


Nagkalkal pa ako sa kwarto ni tatay kung may iba pa bang boxes na makikita ko maliban sa box nang picture nila ni Mama.


Binuksan ko ang aparador ni tatay. Amoy aparador na ang ibang damit ni tatay.


Sumilip ako sa ilalim nang mga nakasampay na damit at di nga ako nagkamali. May box nga doon na nakalagay at mas malaki siya sa box nang pictures.


Kinuha ko ito at pinagpagan. Binuksan ko ito at sumalubog sa akin ang mga sulat na lumang luma na.


"The hell?" Mahinang saad ko.


May dalawang notebook na nakalagay dito at meron ding mga envelopes na alam kong may sulat pa sa loob.


"Ano bang tinatago pa ni tatay? Baka mamaya ma baril na dito." Di ko makapaniwalang saad sa sarili ko.


Binuksan ko ang isang notebook na may pangalan ko sa unahan.


For my dearest daughter, Kath.


Ano ba ito? Puno lahat ng pages, baliktaran pa.


Nalula ako sa ganda nang hand writing ni tatay. Parang babae, mas maganda pa sa akin.


Binasa ko na ang unang page at di ko maiwasang umiyak.


My Dearest Daughter,

     Sorry sa lahat. Alam kong ayaw mong sabihin sa akin ang naranasan mo habang nasa puder ka nang step father mo. Alam kong alam mo na alam ko kaya lang ayaw mo paring aminin sa akin.
    Nak, I'm so sorry. Nagsisisi ako na dinala kita doon. Alam mo namang tarantado pa ang tatay mo noon at wala pang trabaho kaya kita binigay muna sa kanila. Anak, ngayong may trabaho na ako di na kita hahayaang makita pang muli ang step father mo. Di ka na ulit makakaranas ng ganong sakit.
     I'm so sorry Anak. Patawarin ko si tatay. Mahal na mahal kita.


Napaiyak ako nang matapos ko na ang unang liham. Tama siya, alam kong alam niya ang nangyari sa akin. Kaya siya laging nagsosorry.


"Tatay. Miss na miss na kita. I love you." Sabi ko habang niyakap ang notebook.


Sunod kong kinuha ang isa pang notebook na para kay Mama kasi may pangalan niya sa unang pahina.


For my lovely wife, Yen.


Napangiti ako ng walang dahilan. Ramdam kong mahal na mahal pa ni Tatay si Mama pero ano kayang nangyari sa kanila?


Bakit ba naghiwalay si Tatay At Mama?


Binuksan ko ang libro at nakakita ako ng mga puso na drawing.


My lovely wife,

     Hi Love. It's been years nung huli kitang nakasama. Miss na miss na kita. Sorry nga pala kasi hindi na ako ang Joseff na pinangako ko sayo dati. Kaya siguro umayaw ka na sa akin noh? Love, miss na miss na kita. Balik ka na sa akin. Alam kong gusto mo nang magandang buhay pero binigo kita. Naghahanap na ulit ako ng trabaho katulad ng gusto mo.
     Promise I will win you back. Pangako ko sayo na ibabalik kita sa bubong ko. Tayong dalawa, kasama ang anak natin.
     Mahal na mahal kita Love. Sorry ulit.


Napahagulgol ako nang mabasa ang isa sa mga sulat ni Tatay kay Mama. Mahal na mahal ni tatay si Mama. Pero bakit nga ba sila naghiwalay?!


Nagbuklat ulit ako ng mga pahina, nagbabakasakaling may makitang sagot sa paghihiwalay nila until nakakita na ako.


My Lovely wife,

     Nakita kita kanina kasama yung bago mong asawa. Kitang kita ko ang saya sa mga mata mo na hindi ko na magawa sayo. Love, kung masaya ka sa kanya sana di ka na niya saktan. Nagpapasalamat ako kay Eriberto at sinagip ka niya sa kalungkutan ko sa puder ko.
     Love, nagpapasalamat pa rin ako dahil iniwan mo sa akin ang anak natin. Pangako papalakihin ko siya nang maayos. Bibigyan ko nang magandang buhay na hindi ko nagawa sayo.
     Magpakasaya ka kay Eriberto, Love. I wish you all tge best. Thank you. Mahal na mahal kita.


Napahawak ako sa bibig ko at humagulgol nang matapos kong basahin ang sulat kung bakit sila naghiwalay.


Di na pala masaya si Mama sa puder ni Tatay.


Niligpit ko ang mga boxes at nilagay ulit sa aparador niya. Namamagang mata kong nilisan ang kwarto niya dahil sa mga nabasa.


Naglinis na ako nang katawan at saka humiga. Tomorrow is the day. I'll meeting my Mama.


Kinabukasan ay maaga akong nagising sa tawag ni Ranz kasi papunta na daw siya. Dali dali akong naligo at nag-gayak paalis.


Kinakabahan ako.


Hinintay ko labg saglit si Ranz bago may magbusina sa tapat ng bahay at nandiyan na nga si Ranz.


"Let's go?" Tumango ako at huminga ng malalim.


This is it. Wish me luck.


______________________

Tonyjade.

ALS1: Tears In Hidden ValleyWhere stories live. Discover now