Chapter 42

477 14 1
                                    

Chapter 42.


Velasco's.


Nagising ako nang maaga. Nakita kong may text si Ranz sa cellphone ko.


"Shit!" Napamura ako nang marealize kong may puountahan din pala kami.


Ranz:

10 am. Nandiyan na ako.


Nagtipa ako para sabihin sa kanya na hindi kuna tuloy. Mas importante sa akin si tatay ngayon. I want him to give the justice he deserves.


Kath:

Cancelled muna Ranz. May mas importante akong pupuntahan. Sorry rush to.


Pagkatapos kong magtipa ay binaba ko na ang cellphone ko. Tinext ko muna ang sekretarya nung boss ni tatay na si Sir James.


Kath:

Hi Sir James. Kath po ito. What time po tayo?


Kinakabahan ako sa reply niya. Napatalon ako sa gulat nang tumunog ang cellphone ko.


Sir James:

After lunch Kath. See you.


Kath:

Thank u po.


Tumingin akong orasan namin na magaalas-nuebe lang pala. Maaga pa para sa lunch.


Nagdesisyon akong bumabang bayan para makapaglakad lakad na lang.


"Ano kayang maluto?" Tanong ko sa sarili ko nang nasa bayan na ako.


Naalala ko ang Vapestream Fun Tea na meron nga pala silang spicy chicken wings at tea's.


Naglakad ako papunta doon at umorder ng ten pieces of spicy wings at mango graham shake.


Habang naghihintay ay biglang tumunog ang cellphone ko at may text si Ranz.


Ranz:

Where are u? Why ur house is locked?


Napangiti ako pero napakunot rin ang noo. Wait, nandoon siya?


Kath:

Don't tell me nandyan ka?


Mabilis tumunog ang cellphone ko.


Ranz:

Yes. Where are u?


Napailing nalang ako at nagtipa muli.


Kath:

Sa Vapestream Fun Tea. Dun sa pinuntahan natin kahapon. Nabili ako ng spicy wings.


Ranz:

Pupunta ako diyan.


Napalaki ang mata ko sa nabasa. Bakit siya pupunta? Dapat maghintay na lang siya doon at paalis na rin ako.


Kath:

Wag na. Paalis na rin ako. Hintayin mo na lang ako diyan. Bye.


Pagkasend na pagkasend ko ay tinawag na ako nung lalaking nasa counter para sa order ko.


"Salamat po." Pasasalamat ko rito.


"Comeback again po." Tumango ako at umalis na.


Sumakay na akong tricycle papuntang bahay para mas madali kasi naghihintay si Ranz sa akin.


Nang makarating kami ay nagbayad muna ako bago bumaba at doon ko nakita si Ranz na nakasandal sa gate namin.


ALS1: Tears In Hidden ValleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon