Chapter 33

498 13 0
                                    

Chapter 33.


Practical.


The hearing went well. May susunod pa na hearing pero ayos naman. Napangiti ako habang nag aayos ng gamit.


This will be a sure win case. I'll win.


Patayo na ako nang tawagin ako ng kliyente ko. Napanguso ako. Aalis na ako eh!


"Atty. Sabando." Humarap ako dito ng tawagin ako.


"Yes?" I asked her.


Binigyan niya ako ng magandang ngiti. "Thank you po talaga. Sa susunod po ulit na hearing." Pasasalamat nito.


"Your welcome. I just do my job as a Attorney." Ningitian ko ito pabalik.


Namaalam kami sa isa't isa bago ako umalis. Pumunta akong parking lot para bisitahin si Vincent.


Yep. My friend is officially Attorney too. So proud of ourselves.


Sumakay na ako sa kotse ko at nagdrive papuntang condo ni Vincent. Parang kanina lang binisita ako sa office ngayon ako naman ang pupunta.


Matapos kong pumasa sa board ay lumipat akong Maynila. Wala pa akong one year here. Masakit para sa akin na iwanan ang bahay ko sa Alaminos Laguna at syempre ang Alaminos Laguna.


My hometown. Best.


Pumarada akong parking sa condo ni Vincent. Pumasok na ako sa building at lumakad papunta sa taas.


"Hi Atty. Kath." Ningitian ko ito bilang pagbati.


Pumasok na akong elevator at pinindot ko ang floor kung nasaan  ang condo niya. Nang bumukas ang pibto ay agad akobg dumeretso sa door niya at nag door bell. I patiently wait bago niya buksan ang pinto.


Pagbukas niya ay bumungad agad sa akin ang katawan niya. Yes Vincent! Kung di ka bakla at ayaw mo akong patulan baka ikaw ang jowa ko today. Eh kaso same vibes tayo sa lalaki. Hmp!


"Enjoying the view?" Nangasim ang mukha ko sa sinabi niya sa akin pero sakyan natin yan.


"Yes Sir?" Dinilaan ko pa ang gilid ng labi ko. Napalaki naman ang mga mata niya na parang nandidiri sa akin.


"Eww~ Mandiri ka nga Kath!" Singhal nito sa akin.


Tinawanan ko ito. "Bakit? Eh ikaw naman ang nauna. Sumakay lang ako sa trip mo?!"


"Ih! Basta! Dapat di ka sasakay sa mga trip ko! Ako lang dapat ang lalandi sa ating dalawa. Ikaw! Wag kang sasakay! Sinisira mo ang moment at nandidiri ako sayo! Di tayo talo mars! Parehas tayo ng bet! Mens!" Mahabang singhal niya sa akin.


Inirapan ko siya at pumasok na akong condo niya. Infernes sa kanya ha! Ang linis nglang condo niya parang babae ang naninirahan.


Dumiretso akong ref para kumuha ng chuckie at saka humilata sa sofa niya.


Tiningnan niya ako nang pagulat. "Wow! Bahay mo?! Bahay mo?!"
Tinaasan ko lang ito ng kilay bago sumupsop sa chuckie.


"Change topic tayo bhi3." Tinaasan ko ito ng kilay. Ulit. "Anong topic?" Kinunotan ko ito nang noo.


Ningisian ako nito nang maloko kaya napangisi din ako. Ewan ko jung bakit pero nahahawa na ata ako kay Vincent!


"Bakit ka nangisi?" Ngiting tanong ko.


ALS1: Tears In Hidden ValleyWhere stories live. Discover now