Chapter 41

497 12 1
                                    

Chapter 41.

Justice.

"Bakla saan tayo pupunta?" Tanong ni Vincent sa akin.

"Alam mo ba bakla. Kahapon si Mama may dalang milktea! So... Doon tao pupunta ngayon. Di ba ililibre mo ako? This is it!"

Napairap ako. Di ba nagpainom na ako? Bakit niya ako hinahanapan ng libre?

"Alam mo Vincent. Ako ang nag dri-drive kaya mas may power ako sayo." Ngiti ko sa kanya.

Umungit lang ito sa akin. Nagcross arms ito sa at tumingin nang nakasimangot. Tinaasan ko ito ng kilay bilang pang-asar.

"Sige na Ganda!"

Napalaking mata akong napatingin sa kanya. Napahalakhak ako sa sinabi niya. Tumingin pa ako rito ng isang beses at naka close na ang kanyang dalawang palad na parang nagdadasal idagdag mo pa ang mukha niyang nakapout ngayon.

Cute ni Vincent!

Huminga ako nang malalim at tumingin ulit sa kanya na ganon pa rin ang ayos. Umirap ako bago mag salita.

"Saan ba?"

Lumiwanag naman ang mukha niya at masiglang tinuro ang direksyon. Napangiti ako ng tumingin kay Vincent, I really like his smile.

Nagpark ako sa may drug store at bumaba si Vincent. Taka naman akong bumaba din.

"Drug store? Really? Milktea?" Sarcastic kong tanong.

Inirapan ako nito. "Tatawid pa kasi. Walang parking space don."

Sabay kaming tumawid at doon ko nakita ang signage na 'Vapestream Fun Tea'. Umakyat kami kasi medyo mataas ang entrance.

"Wow." Hanga ko sa design ng store.

Ang gaganda ng furnitures parang nasa bahay lang. May mga lamesang kahoy at upuan. Sa taas naman ay may lawit na dahon dahon. Sa isang gilid ay pwede kang magpapicture kase may upuan doon na parang princess.

"Ang gwapo nung nasa counter." Rinig kong bulong ni Vincent sa akin.

Tumingin ako doon at napatango. May looks but my Ranz is better.

"Ikaw na umorder. Alam kong gusto mong umorder." Kindat ko sa kanya.

"Leave it to me girl." Kinuha niya sa akin ang pera at pakendeng kendeng pumunta sa counter.

Oh shit! Ako nahihiya kay Vincent. Halatang halatang kekerengkeng. Tumalikod na lang ako sa counter at nag cellphone. Nakita kong nag-message si Ranz.

Ranz:

U home?

Nagtipa ako ng sagot.

Kath:

No. Nasa milktea-han ako.

Ranz:

Who are u with?

Nagtipa ulit ako. Baka pumunta yun dito.

Kath:

Vincent.

Ranz:

Puntahan kita.

I knew it. Lagi naman. Di halatang namimiss ako nito.

Kath:

Wag na.

Ranz:

Sad. Nandito na ako sa bayan.

ALS1: Tears In Hidden ValleyWhere stories live. Discover now