Chapter 19

353 22 11
                                    

Chapter 19.

It's a yes.

Madaling araw na akong nakatulog dahil kakaisip sa picture.

Bakit kaya tinitingnan ni tatay yon? Namimiss niya ba si mama? Eh bakit sila naghiwalay?

Umiling lang ako sa aking naisip. Tinignan ko ang cellphone ko at twelve o'clock na pala. Biglang tumunog ang cellphone ko at nakitang may text ito.

Ranz:

Good morning sunshine. Two pm. Today. Susunduin kita. ;-)

Nagtipa naman ako ng irereply sa kanya.

Kath:

Good morning den. Kakagising ko lang. Noted.

Bumangon ako mula sa pagkakahiga at bumaba na. Nakita ko si tatay na naglilinis.

"Hi Tatay. Good morning." Tumingin ito sa akin at tumango.

"Good morning. Kumain ka na. Aalis kayo mamaya hindi ba?" Sabi niya.

"Paano niyo nalaman?" Tanong ko
naman sa kanya.

"Ti-ne-xt niya ako kaninang umaga." Ngising sabi ni tatay.

"Ang taray! Text mate sila." Tuwang sabi ko.

Ningitian lang ako nito at tinaasan pa ng kilay bago magpatuloy sa paglilinis.

Kumuha na ako ng plato at nagsimulang kumain. Niyaya kong kumain si tatay pero ang sabi ay kumain na daw siya kanina pa. Natapos na ako sa pagkain at maglinis linis din nang kaunti.

"Maligo ka na anak. Ala una na kasi." Tumango ako at umakyat na sa taas para kumuha nang damit at pumasok na sa banyo.

Pagkatapos ng kalahating oras ay natapos na rin akong maligo. Napili kong damit na susuotin ay ang damit na binili ni tatay. Dress siya siguro two inches above the knee ang haba tapos sleeveless siya na kulay pink na may dark pink sa baba.

Sinuklay ko na ang buhok ko at ibinagsak. Sinuot ko na rin ang sapatos na susuotin ko, syempre kulay pink.

I love pink.

Bumaba na ako at umupo saglit habang hinihintay si Ranz. Mga ilang minuto ko sa pagkakaupo ay nagbosina na siya sa labas at pumasok sa amin.

"Hi Tito. Hi sunshine." Matigas ang pagkakasabi niya sa tito pero pagdating sa sunshine parang lumambing iyo.

"Hi Iho. Kumain ka na ba?" Tanong ni tatay kay Ranz.

"Opo tito. Salamat po." Tumango lang si tatay.

"Let's go?" Aya sa akin ni Ranz.

Tumungo ako. "Tatay aalis na kami. Ba-bye na." Tumango lang sa akin si tatay at kumaway.

Pumunta na kami sa kotse niya at pinagbuksan niya ak ng pinto at sumakay na. Umikot siya para makapunta sa driving seat.

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko nang.makapasok na siya sa kotse.

"Secretong malupet." Sabay kindat sa akin. Kinunotan ko lang siya at tinignan ng mabuti.

Tumingin lang ito sa akin at kumindat mulit na may patawa tawa pa. Para siyang timang. May pa sway sway pa ng pwet na tila bang naeexcited siya.

"Bakit paramg di ka mapakali?" Tanong ko kasi para talaga siyang kiti kiti ngayon.

"Wala lang. Na eexcite lang talaga ako sa mga mangyayari." Sabi niya with matching ngiti ngiti at kindat kindat.

ALS1: Tears In Hidden ValleyNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ