Chapter 38

6.4K 104 6
                                    

Habang pabalik kaming dalawa sa room namin ay inaalalayan namin ang isa't-isa. Sa tuwing ma-out of balance ako ay hihigpit ang kapit niya sa likod ko, ganoon rin ako sa kaniya. Mayroon pa ngang muntik na kaming matumba pareho sa sahig pero tinawanan lang namin iyon.

We probably looked liked messy idiots to the other guests but we were too drunk to care. Pagpasok namin sa elevator ay napuno kaagad 'yon dahil may iba pang sumakay. Napunta tuloy kami sa pinaka likod na part, nasa corner na ako at nasa harapan ko siya.

He rested his head in my shoulders then whispered. "I like you."

Hindi ko alam kung iyon talaga ang sinabi niya kasi nahihilo na talaga ako. Basta iyon ang narinig ko kaya sinagot ko na lang siya ng, "Thank you."

Nang makarating kami sa hotel room ay halos hilahin na namin ang isa't-isa makarating lang sa pinaka kwarto namin. Nadaanan pa nga namin si Yaelle sa may sala na nanonood sa malaking Flat Screen T.V.

"Sa wakas!" Narating na namin ang kama at sabay naming ibinagsak ang mga katawan namin doon na magkahwak ang mga kamay.

"That was tiring, but fun." Tumawa siya at hinila ang kamay ko papunta sa dibdib niya.

"Yeah, it was." Nakasagot pa ako bago tuluyang makatulog dahil sa sobrang pagkalasing.

Nang-magising ako ay ganoon pa rin ang puwesto namin. Ang magkasaklop naming mga kamay ay nakapatong pa rin sa dibdib niya. Hindi niya talaga binitawan ito hanggang sa makatulog siya.

Habang pinagmamasdan ko siyang matulog ay may napansin ako. I realized that we have a really, really weird relationship. Were too close to be considered as friends but not too intimate to be considered as lovers.

I get the deal, but isn't that over already? Nasanay na ba kami kaya ganito pa rin kami umasta kahit wala na namang ibang tao na makakakita? Ano ba talaga kami?

"Ano ba talaga tayo?"

Nagmulat siya ng mata at mapungay na tumitig sa akin, "Is it morning already?"

"Hindi ko alam, nagising lang rin ako. Kape tayo?" Binitawan ko ang kamay niya at hinilot ang sentido ko bago bumangon sa kama.

"Tara."

Sumunod soya sa akin sa kusina at siya na ang gumamit ng coffee machine, nakapangalumbaba ako banag pinapanood siya dahil medyo bangag pa ako dahil sa alak.

"Oh, mainit pa." Warning niya nang matapos na 'yung kape at ipinatong iyon sa lamesa sa tapat ko.

"Speaking of mainit, bakit ang init ng dugo mo kay Rain?"

Tumabi siya sa akin at ipinagdikit ang mga tasa ng kape namin. "Because he is an asshole."

"Tsaka bakit sinasabi niya na ex niyo si Arlene."

I saw him clenched his jaw the furrow his brows. Binawi ko tuloy kaagad ang sinabi ko dahil baka nagalit siya sa pamg-uusisa ko. "'Di mo kailangang sagutin, curious lang."

"Noong niligawan ko si Arlene, hindi ko alan na girlfriend na pala siya ni Rain. Tsaka ko lang nalaman noong naging kami na, pinagsabay niya pala kami ng ilang linggo bago siya nakipag-hiwalay kay Rain."

Napahawak ako sa bibig ko dahil sa gulat, alam kong panghihimasok na ito pero hindi ko mapigilan ang sarili kong magtanong kung ano ang kasunod na nangyari. "Tapos?"

"Syempre nasaktan ako at nagulat dahil matalik na kaibigan ko rin si Rain, pero nasira ang pagkakaibigan namin at lumabas akong mang-aagaw. I was so guilty and miserable. Kung alam ko lang ay hindi ko na sana niligawan pa si Arlene."

Kaya pala nagagalit si Air noong huli na niyang nalaman na "kami" ni Drake. Siguro nandoon siya at nakita niya kung paano nasira amg pagkakaibigan ni Rain at Air dahil kay Arlene.

"Kaya nga sabi ko sa sarili, aalagaan kong mabuti ang relasyon namin ni Arlene kasi naging kapalit noon ang tiwala ng mga kaibigan ko sa akin. Tapos- fuck!" Sinapo niya ang noo niya.

Sa pagkakataong ito ay parang gusto kong marinig lahat ni Arlene 'to, gusto kong ma-guilty rin siya kahit papaano.

"Magiging okay rin kayo."

Nag-angat siya ng tingin sa akin. "Davina, you won't do the same right?"

Anong ibig niyang sabihin? Syempre naman ay hindi ako papatol sa iba habang may boyfriend pa. Bakit ko naman gagawin iyon, ano ako tanga?

"You won't lea-"

Hindi niya natapos ang sasabihin niya dahil narinig namin ang pinto na bumukas at sinundan iyon ng pagtatalo ng boses ni Grien at Gabby.

"Umayos ka! Nandito na tayo!"

"Hindi pa ako lasing!"

"Gabriella! Oh my god!" bulaslas ni Yaelle.

Dahil doon ay pumunta kaagad kami ni Drake upang tulungang alalayan si Gabriella na parang lantang gulay na dahil sa kalasingan. Sa magkabilang braso kami ni Yaelle umalalay, habang si Drake naman ay pinapasok si Grien at pinaupo sa sofa.

Inihiga namin ni Yaelle si Gabby sa kuwarto nila at nagkatitigan kami.

"Ako nang bahala sa kaniya, magpahinga ka na rin muna dahil nakainom ka." Tinapik niya ang balikat ko

"Hindi, ayos lang. Nahimasmasan na naman ako." Inayos ko ang unan ni Gabriella at hinawi ang buhok na nakabuhaghag na sa mukha niya. Habang inaasikaso ko ito ay napansin kong hindi na kumilos si Yaelle, pinapanood niya lang ako.

Akala ko'y titigil na siya noong kumuha ako ng bimbo at inilagay 'yon sa likod nitong lasing na si Gabriella. Pero pinapanood niya lang talaga ako, pakiramdam ko tuloy ay may mali sa ginagawa ko dahil sa ginagawa niyang pagtitig sa'kin.

"Uhm, may problema ba?" Tanong ko dahil hindi ko na talaga matagalan.

Ilang beses siyang kumurap, bago ngumiti at umiling. "Ah, it's nothing. I just figured something."

"Akala ko may mali akong ginagawa." I laughed as sign of relief.

"'Yun nga e, wala ka namang maling ginagawa pero hindi ko maiwasan na mainis sa'yo."

Napaatras ako at awtomatikong nagsalubong ang mga kilay ko dahil sa sinabi niya.

"Ha?" Sa akin pala siya may problema at hindi sa ginagawa ko.

"Don't mind me, maybe it's just because I am jealous of you. I am insecure with you, but it's not your fault." Nag-iwas siya ng tingin at inasikaso na lang rin ang higaan ni Gabriella.

Itong model na 'to, insecure sa akin?

Deal With DeceptionWhere stories live. Discover now