The Stranger

32 2 1
                                    

Tama na, Stell. Tama na! Ilang beses ko na bang naiuntog ang ulo ko samanibela ng kotse ko? Lima? Sampu? Sa totoo lang ay hindi ko na talaga mabilang. Mabilis akong nag-drive papunta sa condo ko. Akala ko'y makakapagpahinga na agad ako pero hindi pala.Tumambad sa akin ang nagkalat na lata ng alak at ilang bote ng whiskey. Doon ko lang napagtanto, naging sandalan ko na pala ang alak. Maging ang ref ko ay walang ibang laman kundi mga alak. Napaupo ako sa sofa at napatulala sa pader. That's the only time when I realized that I already lost myself. Nawala ko ang sarili ko para lang makapiling ng taong mahal ko ang lalaking minamahal nito.

Doon ay unti-unting nagtuluan ang mga luha ko. Masakit! Ansakit sakit! I can't blame them. Una pa nga lang ay pag-aari na sya ni Josh. Sadyang ako lang 'tong epal. Umeksena ako noong panahong nagkakaroon na ng 'di magandang pangyayari sa relasyon nila. Ako rin ang puno't dulo ng sakit na nararamdaman ko ngayon.

Dumiretso ako sa banyo. Pagtingin ko sa salamin na nasa may sink ay halos hindi ko na makilala ang sarili ko. Humaba na ang buhok ko hanggang balikat. Nangingitim na rin ang ilalim ng mga mata ko.

What have I done to myself?

Kinuha ko ang shaving cream at ang pang-shave. I immediately shave the stubbles that are growing on my chin. I also shaved my growing mustache. Sunod kong ginupitan ang may kahabaan kong buhok. Nang matapos ako ay muli akong napatitig sa repleksyon ko.

Fix yourself, Ajero. She's already happy with your friend. Be happy for them.

I sighed before going to my room. Kinuha ko ang maleta na nakatago sa ilalim ng kama. I started to pack my things. Sa gabing ito, aalis ako. Aalis ako at lalayo sa kanilang dalawa. Tatanggapin ko na ang katotohanang silang dalawa ang para sa isa't isa at ako ay isa lamang na extra. I need to unwind. I need to bring back my old self. Ang parte ko na nawala noong nagmahal ako. I fished out my phone from my pocket. I dialled Sejun's number.

"What do you need, Stell? It's already midnight" Kinig na kinig ko ang paghikap nya sa kabilang linya.

Isang buntong hininga ang aking pinakawalan. "I need your help..." I paused. Tinitimbangko ang sarili ko kung desidido na ba talaga ako.

"Hello Stell? Are you still there?"

"I'm still here. Like what I've said, I need your help... Desidido na 'ko. I need you to rent a private plane. I will leave tonight. I'll just wire the payment to your account"

Gamit ang private plane na ni-rent ni Sejun, I fly to Spain, ang lugar na pinagsimulan ng lahat. Ang lugar kung saan unti-unti kong nawala ang sarili ko. Mabigat man sa pakiramdam, kailangan ko 'tong gawin. I need to bring back my own self. Para 'to sa ikakabuti naming lahat.

IT'S been almost five months since I left Philippines. Marami-rami na rin akong napuntahan dahil sa pag-so-soul searching ko. Don't get me wrong, I already moved on. Sadyang napamahal na lang talaga ako sa lugar. It's around six pm and I am wandering around Plaza Mayor. I am amaze with the great infrastructure around me. I am walking backwards, yeah, it may sound weird but I really walk backwards while still looking at the buildings.

"Oops!" I heard someone from my back. Hindi ko namalayang may nakabangga na pala ako.

"I'm sorry." Mabilis na sabi habang tinutulungan itong magpulot ng mga nahulog nyang gamit.

"It's fine, Stell. No need to say sorry." Napatigil ako sa ginagawa ako. She knows me?! "You know my name" Parang di makapaniwala kong sabi.

Now, it's her turn to look at me. She have an angelic face! And d*mn, she smiled! "Of course I know you"... She looks at me with adoration. I might melt because of her stares..." Bakit hindi ko makikilala ang isa sa mga tinatawag naming P-pop Kings"

I am astonished. I realised, she knows how to speak tagalog! Tsaka ko lang napansin ang bagay na hawak ko ngayon. It's hers and it's the magazine where our latest interview is! Inilibot ko ang paningin ko. Para akong sira na humahabol sa isang anino. Hindi ko alam kung saang direksyon sya nagpunta. Napatingin na lang ako sa langit. Magkikita pa kaya kami? Binuklat ko ang mga pahina ng magazine at may nakita akong isang sheet ng papel. Mukang ito ang schedule nya for this week.

I'll make sure that we'll meet again, miss stranger.

Madaling araw pa lang ay naghahanda na ako. Mula Madrid ay babyahe ako papuntang Barcelona. Kung tama ang nakalagay sa papel na nakasingit sa magazine, pupunta sya ngayon sa may Font Màgica de Montjuïc o mas kilala bilang Magic Fountain.

"Hay, salamat" Napabuntong hininga na lang ako ng makasakay na ako sa bus.

"So I guess you saw the paper" Biglang parang lumakas ang pandinig ko ng marinig ko ang boses na yon. Ang malambing na boses na yon! Agad akong lumingon at hindi nga ako nagkamali. Sya nga!

"Ikaw nga..." Wala sa sarili kong sabi. Lalo namang nagulo ang utak ko dahil ngumiti sya. Oh boy, she smiled! And she looks more beautiful wearing that smile.

"Anong ginagawa ng isang Stellvester Ajero dito sa Spain?" Her eyes shouts curiosity. Nakita ko na lang ang sarili kong sumasagot sa mga tanong nya. "So you're here because of a woman?" Tanong pa nya ulit pagkatapos kong magpaliwanag.

"You got it right! Nahulog ako pero wala eh, hindi sya para sa 'kin. Pero okay lang yon, masaya na sila ni Josh" Bigla namang nanlaki ang dalawang mata nya na parang na-shock. She looks cute tho...

"Ang haba naman ng hair nya! Dalawang member ng SB19 ang nagmahal sa kanya" She pouted and d*mn! She looks adorable with that pout. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at kinurot ko ang magkabilang pisngi nya. Bigla syang lumayo. Akala ko'y lilipat lang sya ng pwesto pero hindi pala! Oras na pala para bumaba. And for the second time, nawala na naman sya sa paningin ko.Naasar na napasabunot ako sa buhok ko. Yon na yon! Kasama ko na nga kanina, naging bato pa. Dumiretso ako sa fountain sa pag-asang baka nandon sya...pero wala. Nakailang ikot na ako sa paligid pero wala talaga! Tapos hindi ko man lang naitanong ang pangalan nya. Pagdating ng hapon ay pumunta ako sa La Sagrada Familia. Kung tama ang pagkakaalala ko ay dito nag-shoot ang Kathniel noon. Umupo na lang ako sa isang bench na naroon habang pinagsasawa ko ang aking mata sa pagtitig sa simbahan.

"Tulala ka na naman. Iniisip mo ba sya?" That voice.... Hindi nga ako nagkakamali, sya na naman. Umupo sya sa tabi ko habang nakakunot-noo. "Alam mo ang weird mo. I know that you're following me, no need to deny it. But the question is, bakit mo nga ba ako sinusundan?" Maging ako ay napaisip din.

Bakit nga ba?

Bigla syang naglahad ng panyo sa akin. Nagpabalik-balik ang tingin ko sa kanya at sa panyo. "Tsk! Kunin mo na. Tingnan mo oh, may pawis ka na sa noo" Kinuha ko ang panyo at tsaka ko pinunasan ang aking noo. Pagtingin ko sa panyo ay nakita ko ang mga nakaburdang letra. Princess.

Bumaling ako sa pwesto nya ng may ngiti. "Prin-" napatigil ako sa dapat kong sasabihin dahil wala na sya sa pwesto nya. Nakawala na naman! Inilibot ko ang mata ko sa paligid. Nakita ko ang pigura nya sa may di kalayuan."Princess!" Agad na sigaw ko. Huminto sya sa paglalakad at lumingon sa akin. Maging ako ay huminto rin. "Magkikitapa ba tayo?" Kusang lumabas ang mga salita na iyon mula sa bibig ko.

She smiled... "Siguro oo, kung babalik ka sa Pilipinas at parang isang bula, muli na naman syang naglaho sa aking mga mata. I fished out my phone at muli kong in-activate and deactivated kong Facebook account. I called Josh using messenger na agad din nyang sinagot. Wala ng hi o hello. I go straight to the point. "Pakisabi sa asawa mo na magpadala ng private plane dito sa Spain. Uuwi na ko."



--> Note <--

Basahin ang iba pang gawa ni DarkSelenophile 

Salamat sa pagsali!

Fan Fiction Stories with your IDOLS!Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt