CHAPTER 37

362 24 1
                                    

Title: The Revenge
Genre: Drama/Revenge/Romance/Thrill/Temptation
(BXB: Matured Content Rated SPG)

[CHAPTER: 37]

QUIM VALENCIA POV:

Maybe this is the right time para sabihin ko na kay Anthony ang totoong nararamdaman ko sa kanya, I think he's the right person for me although hindi sya isang babae.
Kahit na hindi man sya isang tunay babae nagagawa nya paring magpaka babae para sa mga lalaki, bukod pa don napaka busilak ng puso nya.
Taama na atang mahalin ang katulad ni Anthony, wala na ata akong hihilingin pa pag napasakin na sya.

"Handa ka na ba Quim? Hindi madali tong gagawin mo"

"Handa nako Ed, alam ko namang matanggap ako ni Anthony"

"Mahirap na para kay Anthony ang mag mahal muli dahil sa mga nangyari sa nakaraan nya, bato na ang puso nya kaya mahirap na tong palambutin"

"Alam ko naman yun Ed, pero hindi ako susuko... Kung nawala ko man si Maxine noon, hindi ko na hahayaan na mawala pa si Anthony ngayon"

"Ikaw ang bahala pre, kung saan ka magiging masaya... Susuportahan kita, para na din kitang kapatid kaya susuportahan ko lahat ng kung anong makakabuti para sayo"

Hindi ko na sasayangin ang sandaling sabihin kay Anthony na mahal ko sya, ayokong mawala si Anthony kagaya nung nangyari kay Maxine noon.
Hindi ko hahayaan na pati si Anthony mawala pa sakin, mahal na mahal ko sya at gagawin ko ang lahat para sa kanya.

"Wala pa ba si Anthony?"

"Wala pa nga Ed eh, anong oras na oh pero wala pa sya"

"Alam mo namang simula nung naging Anthony si Andrei, naging busy na syang tao!"

"Kaya ko kaya to Ed? Parang kinakabahan kasi ako sa gagawin ko eh!"

"Wag kang kabahan Quim, mabuti ka namang tao eh kaya I'm sure na magugustuhan ka din ni Anthony!"

"Sana nga Quim, sana nga magustuhan din ako ni Anthony!"

Bumili ako ng chocolates at bouquet para ibigay sa kanya, paborito ni Anthony ang roses bouquet at chocolate milk kaya ito ang naisip kong ibigay sa kanya.

"Talagang pinag handaan mo to Quim ah?"

"Oo naman, ayokong mauwi sa lahat tong pag confess ko ng nararamdaman ko para kay Anthony kaya talagang pinag handaan ko to"

"Good luck pare, sana dumating na si Anthony para malaman na nya kung anong gusto mong sabihin sa kanya... Excited na kasi ako para sa inyo!"

"Mukhang mas excited ka pa kesa sakin Ed, wag ka mag alala... Mangyayari din yang hinihintay mo!"

Sigurado nako sa nararamdaman ko at wala na talagang urungan to, sasabihin ko na talaga kay Anthony na mahal na mahal ko sya at hindi ako mag sasayang ng sandali para iparamdam sa kanya to.
Maya maya lang at dumating na nga ang taong pinakahihintay ko, dumating na si Anthony, hindi nako makapag hintay na sabihin sa kanya ang nararamdaman ko.

"Quim, nandito nak- -"

Hindi na natuloy na Anthony ang sasabihin nya nung pag bukas nya ng pinto ay tumambad sa kanya ang maraming lobo at roses petals sa sahig.

"Ano to? Bakit merong ganto dito?"

Bulong ni Anthony habang dahan dahang nag lalakad at tila nag tataka sa mga nangyayari, lumilingon sya sa paligid para tignan kung may mga tao ba sa loob habang nag tatago kami ni Ed.

"Hello? May tao ba dito? Ed... Quim?"

Yan ang lumalabas sa labi ni Anthony habang dahan dahang nag lalakad at patingin tingin sa paligid, hindi na namin pinatagal pa ang pag tataka ni Anthony kaya't lumabas na kami para mag pakita sa kanya.

The RevengeWhere stories live. Discover now