CHAPTER 31

397 26 0
                                    

Title: The Revenge
Genre: Drama/Revenge/Romance/Thrill/Temptation
(BXB: Matured Content Rated SPG)

[CHAPTER: 31]

• FREDDIE LIU POV:

"Sorry Anthony, kailangan na kitang iwasan para sa ikabubuti ng lahat"

Bulong ko sa sarili ko habang hawak ang picture ni Anthony, tinapon ko ang picture nya sa basurahan at tumayo mula sa pagkakaupo at dumungaw sa bintana.
Alam kong mali tong nararamdaman ko para kay Anthony dahil may kakaroon nako ng anak kay Yvonne, dapat siguro hanggang maaga pa ay putulin ko na ang nararamdaman ko sa kanya para sa bandang huli maging maayos ang lahat.

"Ito nanaman ako, gumagawa nanaman ako ng isa pang pag kakamali... Kailangan itigil ko na tong nararamdaman ko sayo Anthony"

Sabi ko sa sarili ko habang nag bubuntong hininga, masyado nakong napalapit kay Anthony kaya mahirap na para sakin na kalimutan sya ngayon.
Hindi ko namalayan na pumasok si Anthony sa loob ng office ko.

"Iniisip mo nanaman ba si Anthony, Fred?"

"Siguro nga Pao kailangan ko ng iwasan si Anthony, hindi ko na dapat inuulit yung pag kakamaling nagawa ko noon kay Andrei"

"Yan nga ang dapat mong gawin Fred, buti naman at natauhan kana din sa wakas!"

"Inisip ko lang kasi yung magiging baby namin ni Yvonne, alam kong hindi magiging maganda ang resulta nitong gagawin ko"

Uminon ako ng wine habang nakadungaw bintana at nakatingin sa malayo, hindi ko maitatanggi na nahuhulog nako kay Anthony pero hindi naman pwede na iwanan ko nalang ang magiging anak namin ni Yvonne.
Hindi to madali para sakin pero kailangan ko tong gawin, alang alang sa ikabubuti ng lahat.

(Parang bumabalik ang dating love team na Andrei at Freddie)
(Mukhang nabuhay talaga ulit si Andrei dahil kamukhang kamukha nya si Anthony)
(Sana mabuo ulit ang Andrei at Freddie na love team)

Nagulat ako pag gising ko nung umaga na kumakalat sa social media ang pictures naming dalawa ni Anthony nang kumain kami sa restaurant nung nakaraang gabi, nakikita ng mga fans ko ang katauhan ni Andrei kay Anthony dahil nga mag kamukhang magkamukha silang dalawa.
Dahil don mabilis na sumikat si Anthony sa social media at ibinabalik ang dati naming samahan ni Andrei sa katauhan ni Anthony.

"Hindi ako makapaniwala, talaga ngang kumakalat sa internet ngayon ang mga pictures nyo ni Anthony, Fred!"

Sabi ni Paolo habang hawak ang cellphone nya at tinitignan ang mga pictures namin ni Anthony na kumakalat social media.

"Gustong gusto ng mga fans mo si Anthony dahil nga mag kamukha sila ni Andrei, Fred!"

"Paano sila nagkaroon ng pictures nyan eh that time kumain kami ni Anthony sa private restaurant!"

"Siguro may mga fans kang nakasabay mong kumain don that time"

"Yari nanaman ako nito kay Yvonne pag nakita nya yang mga yan!"

Nagulat ako dahil nakikita ng mga fans ko si Andrei sa katauhan ni Anthony, hindi ko naman sila masisisi dahil talaga namang mag kamukhang magkamukha silang dalawa.
Mahirap mang itanggi pero talaga naman parang mag kambal sina Anthony at Andrei, pero mukha lang naman ang nag durugtong sa kanilang dalawa dahil magkaibang magkaiba ang ugali nila.

"So anong plano mo neto, I'm sure makikita to ni Yvonne, Fred"

"Sigurado yan, sigurado din akong bubulyawan naman ako non mamaya"

"Hindi ko alam kung anong maipapayo ko sayo Fred, dahil kung si Andrei lang ang kinamasama mo ngayon paniguradong hindi ka mahihirapan mag explain dahil naniniwala yon sayo sa lahat ng mga sinasabi mo"

The RevengeWhere stories live. Discover now