CHAPTER 2

1K 40 0
                                    

Title: The Revenge
Genre: Drama/Revenge/Romance/Thrill/Temptation
(BXB: Matured Content Rated SPG)

[CHAPTER: 2]

• ANDREI DELOS SANTOS POV:

Naawa naman ako kay Yvonne dahil alam kong nahihirapan sya sa ginagawa sa kanya ni Papa, wala naman akong magawa dahil alam kong kapag umapila ako sa kagustuhan ni Papa siguradong mas lalo lang nya papahirapan si Yvonne.
Pagod na pagod na umuwi si Yvonne sa bahay, nakakaawa sya dahil pagod na nga sya sa trabaho nya pagod pa sya dahil sa pag commute nya makauwi lang ng eksaktong alas 7 ng gabi.

"Yvonne, mag pahinga ka muna dito mamaya mo na yan gawin"

"Kailangan kong gawin to, Andrei! Dagdag income din to eh sayang naman"

"Nako pagod na pagod kana oh, kakauwi mo lang eh tapos nag rerepack ka agad ng mga paninda mo sa online sell mo"

"Dagdag income din naman kasi to, Andrei... Sayang naman kasi kung aayawan ko to dahil pera din naman to eh"

"Bakit kasi sinusubsob mo yung sarili mo sa trabaho, Yvonne? Eh hindi ka naman hirap dito sa bahay diba?"

"Uhmm wala lang, syempre gusto ko makaipon Andrei"

"Para saan? Anong pinag iipunan mo?"

"Pwede ba Andrei wag na nating pag usapan pa yan? Pagod kasi ako ngayon eh ayoko muna sanang may kumakausap sakin, tsaka isa pa may ginagawa ako dito oh nililista ko yung nga umo order sakin"

"Ay sorry, oo nga pala!"

"Gusto ko muna mag karoon ng konting space Andrei... Mamaya mo nalang ako kausapin pag tapos nako, okay lang ba?"

"Pero gusto mo ba tulungan na kita, Yvonne?"

"Hindi na kaya ko na to, Andrei"

"Sigurado ka ba dyan?"

"Sigurado ako, please Andrei pwede ba umalis ka muna? Nalilito na kasi ako dito eh"

"Ay oo nga pala, sorry"

Hindi ko maintindihan kung bakit ang daming pinag kakakitaan ni Yvonne, hindi ko alam kung saan nya gagamitin yung kita nya sa mga binebenta nya sa online sell na ginagawa nya.
Hindi naman talaga sya nagugutom sa bahay dahil madami namang pagkain sa bahay namin, sa ginagawa nya hindi lang siguro pang sariling ipon yung ginagawa nya dahil kung tutuusin hindi nya na kailangan mag online sell pa dahil sa parlor palang tama na ang kinikita nya.

"Hays, kailan kaya kita makikita Freddie? Gustong gusto na kita makita, idol na idol kasi kita eh! Ay wait, hindi na pala idol ang tingin ko sayo dahil I love you na!"

Yan ang mga sinasabi ko habang hawak hawak ko yung picture ni Freddie, hindi ko na kasi mapigilan pa yung nararamdaman ko para sa kanya.
Habang patagal ng patagal mas lalong tumitindi yung pag hanga ko kay Freddie, pero sa tingin ko hindi na to pag hanga dahil mukhang mahal ko na ata sya.

"Oy, sinong kausap mo dyan?"

"Ay! Wala wala!!"

"Picture ba yang hawak mo? Patingin nga!"

"Wag na Yvonne, nakakahiya eh!"

"Sige, pero pwede ko bang malaman kung sino yang nasa picture na yan?"

"Alam mo naman na kung sino to, si Freddie to! Hehe nakakahiya lang sabihin sayo kasi baka isipin mo nababaliw nako sa kanya eh"

"Alam mo Andrei baka ito na yung time para itigil mo na yung obsession mo dyan sa Freddie na yan... Alam mo, hindi naman talaga mali magkaroon ng idol, pero mukhang obsessed kana dyan sa lalaking yan eh baka kung ano magawa mo sa sarili mo pag ni-reject ka nyan"

The RevengeWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu