"Nakakahiya mang aminin pero totoo nga yung sinasabi ni Paolo, Anthony! Nahihiya na nga ako sayo dahil puro kahihiyan nalang yung binibigay sayo ni Yvonne eh"

"Sa akin ba o sayo? I don't know kung kahihiyan ang binibigay sakin ni Yvonne, as far as I know sarili ni Yvonne ang pinapahiya nya"

"Yun nga eh, pasensya kana Anthony ha? Pati pa tuloy ikaw nadadamay"

"Nah, naiintindihan ko naman yung asawa mo... But if I was her, hindi ko sasayangin ang energy ko kakaselos"

"I promise Anthony, hinding hindi ko talaga hahayaang magalaw ka pa ni Yvonne"

"Oh no Freddie, wag ako ang protektahan mo... I can handle my self, ang dapat mong asikasuhin ay yung asawa mo!"

Nahihiya na talaga ako kay Anthony dahil sa mga ginagawa ni Yvonne sa kanya, hindi ko na talaga alam ang gagawin ko kay Yvonne para mabawasan ang init ng ulo nya.
Sana lang talaga mabago ko pa ang ugali ni Yvonne dahil hindi ko kakayanin kung tatagal pa tong pagiging toxic nya, baka kahit may anak kaming dalawa mapilitan akong bitiwan sya dahil sa ugaling meron sya.

"Sigurado ka bang ayaw mo ng ihatid kita Anthony?"

"Hindi na Freddie, may mag susundo sakin dito ngayon"

"Anthony, gusto ko lang sana humingi ng tawad sayo sa mga ginagawa ni Yvonne"

"I'm on control dahil alam kong buntis sya, pero kahit buntis sya she doesn't have the rights para maliitin ang pagkatao ko... You know me Freddie, I'm taking him professionally pero kapag napuno ako... Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at mapilitan akong patulan sya!"

"Salamat Anthony, mabuti nalang marunong kang umintindi dahil kung katulad ka din ni Yvonne baka hindi ko na alam kung anong gagawin ko"

"Hangga't kaya kong hindi patulan si Yvonne, Freddie gagawin ko... Lahat ng yan ginagawa ko para sayo Fred!"

Niyakap ako ni Anthony, napayakap na din ako sa kanya nung mga oras na yon.
Hindi ko mapigilan ang puso ko na bumilis ang tibok dahil sa pag yakap sakin ni Anthony, siguro nga si Anthony na ang hinahanap ko.
Wala nakong pakealam kung hindi sya totoong babae dahil ang importante sakin ay mahal ko sya.

• ANTHONY CHENG (ANDREI) POV:

"Nakuhaan mo ba kami ng pictures?"

Yan ang tanong ko kay Ed habang nag da-drive sya pauwi ng bahay, nag pasundo ako kay Ed nung umalis ako at pumunta Kay Freddie.
Nag pasuyo ako kay Ed na kuhaan kami ng pictures ni Freddie ng hindi nakikita ang mukha ko, lahat ng pictures namin ni Freddie ay ipapadala ko lahat kay Yvonne para mabaliw sya kakaisip na may ibang kinakalantari ang asawa nya.
Tignan ko lang talaga kung hindi sya mawala sa sarili nya matapos makita ang mga litrato na kasama ako ni Anthony, I'm sure na uusok ang tainga ni Yvonne once na makita nya ang mga pictures na yan.

"Nakuhaan ko na kayo ng pictures, Anthony... Inayos ko yung anggulo ng picture para makita yung mukha ni Freddie pero hindi makita yung mukha mo!"

"Salamat, Ed! Siguradong mababaliw talaga si Yvonne kapag nakita nya yang mga pictures na yan!"

"May ipapagawa ka pa ba sakin Anthony? I'm will to help you, mag sabi ka lang sakin"

"Ang totoo nyan meron pa, Ed!"

"Tell me, ano yon?"

"Gusto ko sanang ikaw ang mag hatid ng mga pictures na yan kay Yvonne"

"Sabihin mo lang sakin kung saan sya nakatira, ako ng bahala dito!"

"Sige! Maraming salamat sayo, Ed!"

Hindi ko namalayang na nasa likod ko pala si Quim sa mga oras na nag uusap kami ni Ed, nagulat kaming dalawa ni Ed ng biglang pumasok si Quim sa loob ng kwarto ko.

The RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon