"Bakit ang daming pagkain Quim, may okasyon ba?"

"Oo meron, sa totoo nga nyan Anthony may mga bisita ka"

Isa isang lumabas sina aling Linda mang Nestor at ang kapatid ni Anthony na si Jason, laking gulat ni Anthony ng makita nya ang pamilya nya na nasa loob ng aking bahay.

"Ma, Pa.. Kuya?!"

Yan ang sinabi ni Anthony nung mga oras na nakita nya ang mga magulang nya, tumakbo sya palapit sa pamilya nya at niyakap ito ng mahigpit.

"Namiss ko kayong lahat!"

Sabi ni Anthony habang yakap yakap nya ang kanyang ina at ama, bumubuhos ang luha ni Anthony sa sobrang saya dahil sa wakas ay nakita nya na ang pamilya nya.

"Salamat Quim, salamat dahil dinala mo sakin ang pamilya ko"

"Wala yon Anthony, sinabi ko na sa kanila na nag panggap kang si Anthony kaya napilitan kang itaboy sila sa taping ng TV show na pinuntahan mo... Lahat lahat sinabi ko na"

"Maraming salamat talaga, ang laki na ng utang na loob ko sayo"

"Wala yon Anthony, ang gusto ko lang ay yung makatulong sayo... Ayokong nakikita kang malungkot at nahihirapan dahil hindi mo makasama ang pamilya mo"

Lumapit sakin si Anthony at bigla akong niyakap, ramdam na ramdam ko kay Anthony ang saya aa kanyang puso ng makasama nya muli ang kanyang pamilya.

"Sir Quim, kung may bukas pang kahit anong posisyon sa kumpanya mo mag tatrabaho ako sayo kahit walang sahod maibalik ko lang ang kabutihang binigay mo kay Andrei at sa mga magulang ko"

"Hindi na kailangan Jason, tulad nga ng sinabi ko... Ayos na sakin ang makatulong sa inyo"

"Salamat talaga sir Quim sa pag kupkup mo sa anak naming si Andrei, utang na loob namin sayo lahat ng to"

"Makita ko lang ho kayong masaya na mag kakasama nila Anthony mang Nestor ayos na ho sakin yon"

"Sobrang bait mo talaga Quim, hindi ko akalaing makakatagpo ako ng lalaking katulad mo"

"Para sayo yan Anthony, para hindi kana maging malungkot"

Masaya nakong makita sina Anthony at ang pamilya nya na masaya, maluwag sa loob kong makatulong sa kanila dahil tulad nila ay dumaan din ako sa hirap.
Alam ko ang pakiramdam na wala ang mga magulat o mahal mo sa buhay dito sa tabi mo, kaya ganon nalang ang pag pupursigi ko na makasama ni Anthony ang kanyang pamilya.
Ayokong nakikitang nalulungkot si Anthony dahil nalulungkot din ako para sa kanya, sana isang araw matutunan muli ni Anthony maging masaya.

• ANTHONY CHENG (ANDREI) POV:

Sigurado akong sa gagawin kong to mababaliw si Yvonne kakahula kung sino ba talaga ang kumakalantari sa kinakasama nyang si Freddie, lahat ng mga pasakit na binigay nila sakin noon ibabato ko lahat sa kanila ngayon.
Tignan lang natin kung makabangon pa silang lahat pagkatapos kong wasakin ang mga buhay nila.

"Good morning, Freddie!"

Bati ko kay Freddie ng pumasok ako sa loob ng office nya, nakasandal ako sa pinto habang kausap sya.

"A-Anthony? Anong ginagawa mo dito?"

"Can't you remember? Diba ako na ang bagong president of share holders ng company na to?"

"Ay oo nga pala! I'm sorry, nakalimutan ko na"

"It's okay, alam ko namang posisyon ko lang ang nakakalimutan mo... But I'm pretty sure, hindi talaga ako maalis dyan sa isip mo"

"I'm lying if I said no, kakaiba ka kasi Anthony... Hindi ko ma explain pero iba ang dating mo sakin, parang ang lakas mo talaga sakin!"

"Really? Kung malakas talaga ako sayo, can I invite you for a dinner tonight?"

The RevengeWhere stories live. Discover now