Warning!

36 9 1
                                    

"NAK! MAKAPAGBABAKASYON NA TAYO SA PROBINSIYA~"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Mama.
"Talaga, Ma?!" paninigurado ko.

"Oo. Naka-usap ko na boss ko."

Tumalon ako sa saya dahil matagal na rin na panahon no'ng pumunta kami sa probinsiya.

Umakyat ako at pumunta sa k'warto, nagsimula na akong mag-impake ng mga gamit ko. Excited na excited na ako para bukas. Inihanda ko na rin ang isusuot ko  bukas at pagkatapos ay natulog na.

Nagising ako na may ngiti sa aking mukha. Bumangon ako't kumain saka naligo, sa sobrang excited ko, ay minadali ko na ang pag-aayos ko sa aking sarili.

"Anak, ready ka na? ready na mga gamit mo?" Tanong ni Mama.

"Opo, Ma," saad ko.

"Okay, here we go!"

8 hours ang biyahe bago kami makarating, at sa wakas ay nakarating na rin kami.

Na amoy ko ulit ang napakasariwang hangin. Nasilayan ko ulit ang berdeng kulay na paligid. Na-miss ko ang magandang tanawin na ito.

"Anak, tara na baka magabihan pa tayo!" Sigaw ni Mama.

"Sige, Ma. Nandiyan na!"

Naglakad kami hanggang sa makapunta na kami sa bahay ni Lolo. Kahit kubo lang ang bahay ni Lolo ay maganda ito at maaliwalas.

Pagkarating namin sa bahay niya ay nagmano ako sa kaniya at pati na rin si Mama.

"Lolo, na-miss ko po kayo," saad ko at niyakap si Lolo.

"Ako rin, apo. Dalagang-dalaga ka na, ah."

"Hehe." Napa-dalagang-pilina na ako sa sinabi ni Lolo.

Inilapag na namin ang mga gamit namin at nagsimula naman nang mag-luto si Mama ng kakainin para sa hapunan.

"Anak walang suka, bumili ka nga saglit. Bili ka kina aling Niña," saad ni Mama.

Sinunod ko naman ang utos niya at pinayuhan niya rin akong mag-ingat dahil magdidilim na.

Habang ako ay naglalakad sa daan, may napansin akong parang may sumusunod sa akin. Bumilis ang pagtibok ng puso ko at gano'n din ang paglakad ko.

Lumingon ako sa likod at nakakita ko ng isang lalaki, sinusundan niya ako. Maya-maya pa ay napataakbo na ako sa takot.

Sa pagtakbo ko ay may biglang humawak sa kamay ko dahilan ng aking pag-sigaw ng malakas.

"AHHHH!" Sigaw ko.

"IRENE!" Sigaw naman nito na nagpakaba pa sa akin mas lalo.

Napapikit na rin ako sa sobrang takot.

"SINO KA?!" Pasigaw na tanong ko sa takot.

"Nakalilimutan mo na ba ako?" Lumakas pa ang pagtibok ng pintig ng puso ko nang marinig ko ang kaniyang pamilyar na boses.

"Ako 'to si Natoy, 'yong ex mo na mahal na mahal ka."

DAILY CUP OF TEAWhere stories live. Discover now