NANG DAHIL SA MALING AKALA...

37 10 0
                                    

I was on my way home when I saw a car, far from here, parked infront of my boyfriend and I's apartment. Ang lakas ng kutob ko na parang may nangyayaring hindi maganda.

Dali-dali akong naglakad pauwi sa kadahilanang ngayon ko lang ito nakita. I never seen it before and I'm sure it's not ours.

I was about to open our front door, but I suddenly stopped when I heard a girl laughing inside together with my boyfriend. Hindi ko naririnig ang pinag-uusapan nila, pero alam kong masaya silang nag-uusap. I knew it!

"Ahhh!" rinig ko pang ungol ng boyfriend ko kaya't hindi ko na napigilan ang sarili ko na buksan ang pinto at sugurin sila.

I was astounded when I saw them holding the hands of each other while eye to eye talking. And the girl... she suddenly hugs my boyfriend.

Napalapit ako sa kanila atsaka napahablot ako bigla sa buhok ng babae.

"How dare you?!" sigaw ko at hinila siya sa pagkakayakap sa boyfriend ko.

"Ang landi mong babae ka! Hindi mo ba alam na may girlfriend na 'yang nilalandi mo?! Ang kapal ng mukha mo, hindi ka na nahiya, sa loob pa talaga ng teritoryo namin!" Dahil sa sobrang galit ko ay sinabunutan at hinila ko pa mas lalo ang buhok niya, dahilan upang mapatayo siya.

"Elise, tama na!" sigaw ng boyfriend ko habang pinipigilan ako.

"Napakawalang hiya mo!"
"Demonyo kang babae ka!"
"Kabit!"

Sunod-sunod na sigaw ko sa kaniya habang mahigpit na nakakapit ang mga kamay ko sa buhok niya, samantalang siya ay pilit na tinatanggal ang kamay ko sa buhok niya.

"Ano ba, Elise?! Mali ka ng iniisip. Bitawan mo na siya!" sigaw naman sa akin ng boyfriend ko at inalis ang mga kamay ko sa buhok ng babae.

I let out my hands off to his. I glared at his face and abruplty slapped him so hard.

"Paano mo nagawa sa akin 'to?" mangiyak-ngiyak kong sabi. "Harold, bakit?!" Dagdag ko pa at napaluha ako.

"No, Elise. Mali ka ng iniisip. Let me explain."

"No need to, Harold. Alam ko na. Hindi mo na kailangang magpaliwanag. Itigil na lang natin 'to," mahinahon kong sabi. Napatingin ulit ako sa babae at nakita ko naman siyang sinenyasan ni Harold para umalis.

"Sorry, but can we just talk another day?" ani ng boyfriend ko.

"Sige," sagot naman ng babae at akmang tumayo.

"Hindi na, ako na lang ang aalis. Nakakahiya naman sa inyo, baka naistorbo ko kayo." Walang emosyong tumalikod ako atsaka naglakad.

"Sandali, Elise. Saan ka pupunta?!" rinig kong saad ni Harold at hinawakan ang kamay ko.

"Wala ka na ro'n," I coldly said at binawi ang kamay ko.

"Please, huwag mong sabihing pupunta ka sa best friend mong si Aron?"

Napatingin ulit ako sa kaniya. "Pake mo ba, Harold?!"

"I'm just worried, dahil wala akong tiwala sa kaniya. Masama ang kutob ko na may gagawin siya sa 'yong hindi maganda sa tuwing magkasama kayo. Kaya please, Elise. Stay right here. Let's talk about this. Let me explain."

"Ano pa'ng i-explain mo, e' malinaw na nga sa akin lahat. Atsaka ano? Wala kang tiwala sa kaniya? Ako ang mas walang tiwala sa 'yo! You lost my trust, Harold. Ibinigay ko sa 'yo 'yon ng buong-buo kasi alam kong hindi mo ako sasaktan at lolokohin. Pero ano 'yong nakita ko?!" I started to cry again, but I tried to hold it back.

"Please, let me explain..." pagmamakaawa niya pa sa akin.

"Wala na akong ganang kausapin ka, tapos na tayo!" I slapped him with this words before I left our place.

DAILY CUP OF TEAWhere stories live. Discover now