Chapter 3

56.3K 5.2K 3.5K
                                    

Chapter 3: Strange Boy

Astralla

Napangiti ako kasabay ng pangingilid ng luha sa mga mata ko. Lumapit ako kay Lola na nakangiti rin sa akin. Hindi ako nag-aksaya ng panahon para yakapin siya.

"Masaya akong makita ka uli, Astra."

Tuluyan nang lumandas pababa ng pisngi ko ang mga luha. Sa dami ng gusto kong sabihin ay walang lumabas sa bibig ko. Gusto kong magpasalamat dahil sa kwintas na bigay niya na nagbigay ng liwanag sa kaisipan ko. Gusto ko ring humingi ng kapatawaran dahil sa sinapit niya at ng kanyang anak.

"Nakauwi ka..." aniya.

"Salamat, Lola."

Tinapik niya ang likod ko. Hinarap niya ako sa kanya.

"I-I'm sorry for your loss," I whispered.

"Malamang na kasama na niya ngayon ang kanyang Tito Rold," nakangiting sambit niya sa akin. Kumislap ang luha sa gilid ng kanyang mga mata. "Malamang na pareho silang nakatingin sa atin at ginagabayan tayo."

I could see the pain and longing in her eyes. I couldn't imagine the feeling of losing your own child. Ilang araw pa nga lang na nawalay sa akin si Aya ay halos kainin na ako ng lungkot. Paano pa kaya kung... hindi mo na ito makikita uli.

"Andito ako para tulungan ang anak mo," sambit niya sa akin. Sumeryoso ang boses niya. "Gamit ang lahat ng natutunan kong kaalaman, sisiguraduhin kong magtatagumpay tayo sa pagkakataong ito."

Tumaas ang pag-asa ko. Sana nga...

Nagpahanda ako ng maliit na salo-salo sa isang gazebo. Hindi ko makita si Aya sa paligid kaya malamang na nasa silid siya. Doon ko nga siya nakita. Nakaupo ito sa kama at nakatingin sa labas ng bintana.

"Hey. What's bothering my princess?" I sat beside her.

Yumuko ito. "My fog did it again..."

Kumirot ang dibdib ko nang maramdaman na naiiyak ito. Mabilis ko siyang binalot sa yakap. Naiiyak man ay pinilit kong hindi ito ipahalata. Aya needs me and breaking down in front of her will just make things worse.

"I'm sorry to hear that but I have good news for you!"

She looked up at me. "What do you mean, Mom?"

"May nakita na akong manggagamot na tutulong sa 'yo."

"Again?"

"No. Aya..." Hinawakan ko ang kanyang pisngi at bahagyang hinaplos. "Hindi basta-basta ang manggagamot ngayon. Sigurado akong matutulungan ka niya."

Tumitig lang sa akin ang anak ko. Nasasaktan akong nakikita siyang unti-unting nawawalan ng pag-asa. Pero sigurado akong sa pagkakataong ito ay magtatagumpay kami.

"Maligo ka muna. Nagpahanda ako ng maliit na salo-salo kasama ng manggagagamot," paghihikayat ko sa kanya.

"Pwede ba nating isama si Koko?" tanong nito.

"Oo naman!" Ngumiti ako. "I will invite Koko and Tegan."

"Yay!" Nabigla ako nang yakapin ako nito at may binulong. "Okay lang naman Mama kung hindi kami magkasundo ng hamog ko. Okay lang na dito na lang ako. Basta dito na rin sina Tegan at Koko."

Saka ito patakbong pumasok sa loob ng rest room.

I let out a heavy sigh. No. She can't stay here forever. The war of her life is waiting outside these huge walls. She needs to prove herself to the world. She needs to prove that she's here to stay.

Hinanda ko na ang susuotin ni Aya at pinatong 'yon sa ibabaw ng kama. Lumabas muna ako para puntahan ang silid ni Koko. Nasa iisang building lang naman kami.

Freed SoulsWhere stories live. Discover now