Chapter 14

45.8K 4.7K 2.9K
                                    

Chapter 14: Cake

Hyacinth

I've had the best day ever!

Sobrang saya ko na kasama si Papa. Alam kong panandalian lang ito dahil kailangan na naman niyang umalis para bumalik sa kaharian pero para sa akin ay sapat na.

Sapat na kasama ko siya ngayon pero gusto ko pa. Gusto kong mas magtagal siya rito kasama ko.

I marched out of my parent's room with a wide smile plastered on my face. Sabi ni Mama ay maligo muna ako bago ipakita ang cake na ginawa niya para sa akin.

I love cakes!

"Prinsesa Aya!"

Natigilan ako sa pagtalon-talon habang naglalakad nang may tumawag sa pangalan ko. Isa lang naman ang tumatawag sa akin na prinsesa maliban kay Papa.

"Koko!" masaya ko rin siyang sinalubong.

"Ang astig ng Papa mo!" aniya.

I smiled proudly. I know that.

"Kaso... masungit," dagdag niya.

Natawa ako. Nang magpakilala kasi siya kay Papa ay hindi man lang siya binalingan ng atensyon. Unlike Tegan, he let him follow us wherever we go. Papa just didn't care enough, in fact, he made it look like Corbie wasn't even with us.

"Teka. Bakit kilala mo si Papa?" tanong ko.

I'm still confused about how much he knew my father. He even looked so mesmerized while staring at him.

"Hala. Sino bang hindi nakakilala sa kanya?" Pumamaywang pa ito habang nakangiti. "Lahat naman ng mga bampira ay kilala si Brixton Wenz Cardinal."

"Bakit?"

"S..."

"S?" tanong ko.

Kumamot siya sa batok. "Putik naman. Mukhang mas may alam pa pala ako sa kanya kesa sa sariling anak," narinig kong binulong nito.

I pouted my lips. That's true though.

"Kung gano'n..." There was anticipation in my voice. "Sasabihin mo sa akin lahat ng nalalaman mo! Pero... mamaya na. Maliligo muna ako."

"Oh, sige!"

"Hintayin mo na lang ako sa labas ng kwarto ko. Ang hirap mo kasing hanapin eh."

Corbie laughed. "Sige!"

I took a quick bath because I couldn't keep the excitement in me longer. The best day hasn't ended yet so there's more today. While brushing my hair, I suddenly remembered Corbie was nowhere to be found last night. I haven't asked him about that.

Narinig kong may nag-uusap sa labas ng kwarto ko. Tumayo ako at binuksan ang pinto. Naabutan ko sina Mama at Corbie. They seemed in the middle of a conversation.

Koko looked so confused and so was my mother.

What's happening?

"Mama? Bakit?" tanong ko.

"S-sabi kasi ni Aya ay hintayin ko siya rito, Tita..." Halos naging pabulong ang pagsagot ni Koko. Dahan-dahan na bumaling ito sa akin. "S-Sige, Aya. Hihintayin na lang kita sa labas."

"Mama. Galit ka ba kay Koko?" I couldn't helo but to ask because Koko seemed somehow terrified of my Mom.

Before Mom could even answer my question, Corbie had already left. A strange scene, he didn't even look back and wave his hand to us like what he used to do. He just... left.

Freed SoulsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon