Chapter 25

38.4K 3.9K 2.4K
                                    

Chapter 25: History

Astralla

Kinailangan naming huminto sandali at hintayin ang paggising ni Koko. Malakas pa rin ang hilik niya habang nakahiga sa hita ko.

I ran my fingers through his hair. Now that I could freely stare at his face this close, his resemblance to Brix was more prominent. Now that I know who he is, the obscure feeling inside finally made sense.

It felt like the vacancy feeling inside has been filled.

Nilingon ko sina Brix at Abel na nag-uusap. Nahuli ni Brix ang tingin ko kaya nilapitan niya kami. Yumuko siya saka hinaplos ang pisngi ni Corbie.

"He's fine..." I uttered.

"We have to wake him up, Astra," bulong ni Brix. His statement contradicted his movement. He didn't want to wake him up.

Pinagmasdan ko ang payapang mukha ni Corbie. Ngayon na nga lang siya nakapagpahinga tapos kailangan pa namin siyang abalahin.

"They are not safe yet..." Brix sighed.

"Give me more minutes, please?"

"Sure." He kissed my forehead. "Paiinumin lang namin ng tubig ang mga kabayo. Malapit lang naman 'yon. Stay here, okay?"

I nodded. Hindi ko na sila tiningnan bago umalis.

I leaned and kissed Corbie on his forehead. Hindi ko pa rin matanggap na nagkawalay kami nang ilang taon. Mas lalong hindi ko matanggap ang lahat ng pinagdaanan niya habang kampante kami sa tinutuluyan namin.

He was suffering while we were living our lives in a secure place. He knew about us while we were clueless. He suffered alone.

"Corbie..." I whispered his name. "Mama's here now. I'm sorry..."

Nagulat ako nung bigla siyang magmulat ng mga mata. Mabilis na pinunasan ko ang mga luha sa mata ko saka tumikhim.

"May masakit pa ba sa 'yo?" tanong ko.

Sa halip na sagutin ang tanong ko ay bumangon siya. Gumala ang tingin niya sa paligid bago ito pumirmi sa akin. He didn't smile the way he did earlier. He just... stared at me.

"Salamat sa pagligtas sa akin, Tita Astra," sambit niya sa pananalitang hindi ko makilala. "Pero kailangan na nating hanapin ang iba. Baka nasa panganib na sila."

I just stared at him as he yawned. He's doing it again. Pretending.

"Alam ko kung saan sila tumutuloy ngayon," sabi pa niya sa akin. "Puntahan na natin sila baka hanapin pa nila ako. Mahihirapan tayo kapag nakalayo sila."

"C-Corbie..." Tila tinakasan ako ng mga salita sa sandaling ito. Tumango ako saka na rin tumayo. "Sige. Hihintayin na lang natin sila Brix at Abel."

"Sige po..."

Tumahimik kami nang ilang minuto. Sinulyapan ko si Corbie na nakatingala lang. Wala sa sariling hinawakan ko ang kanyang pisngi. Bigla siyang umatras.

He looked startled. "B-bakit po?"

I held back my tears as I tried to caress his face again. Pero umatras lang siya nang umatras hanggang sa may malaking puwang na sa pagitan namin.

"I-I'm here now..." I whispered in my shaking voice.

"Hindi ko po kayo maintindihan—"

I offered him my hand. "Come here, Corbie..."

He just stared at me.

Natigilan ako nung makitang mangilid ang luha sa kanyang mga mata. Aktong tatakbo siya nung mahawakan ko ang braso niya. Lumuhod ako para yakapin siya nang mahigpit.

Freed SoulsWhere stories live. Discover now