Chapter 18- Hurting

5.6K 91 14
                                    

"SO WHAT did my mom told you?" 

Mula sa kalsada ay napalingon si Devy kay Lawrence na diretso ang tingin sa daan habang nagmamaneho. Pauwi na sila sa condo unit nito galing sa bahay ng mga magulang nang lalaki.  

"Wala naman, she just gave me some tips regarding pregnancy. She told me that the first trimester would be hard especially for first time mommies." 

Naalala niya ang sinabi nang ina nito tungkol sa pagiging mapili, emosyonal, at pagkakaroon ng morning sickness ng mga buntis. Hindi niya tuloy mapangiti. Natatakot siya ngunit hindi niya maiwasang maexcite sa mga mararanasan sa kanyang pagbubuntis. 

"At para saan ang ngiting iyan?" 

"Ha?!" nagtatakang tanong niya rito. 

"Ngumingiti kang mag-isa. Care to share kung ano ang dahilan ng pagngiti mo?" - Kawrence

"Ngumiti ba ako? Hindi naman ah," pagdadahilan ni Devy. 

"Okay, if you say so." Kibit-balikat na tugon nito. "My dad and I talked earlier and we agreed that we will be moving with them. Sa bahay na tayo titira." 

Nagdikit ang kanyang kilay sa narinig. 

"Kailangan pa ba iyon? Okay naman tayo sa pad." 

"Maiiwan kang mag-isa roon. I'll be working at the office, while you are going to stay at home. Hindi ka na magtratrabaho. Mas mabuti kung kina daddy tayo para may makasama ka. At least mom would be able to assist you with your pregnancy. Don't worry, it will be just temporary. I'll be looking for our own house but for the mean time kina daddy muna tayo," tuluy-tuloy na sabi nito. 

Napabuntung-hininga na lamang siya bilang tugon rito. May pinalidad sa tono ng boses nito kaya minabuti na lamang niyang manahimik. Wala siyang magagawa kundi magpatangay sa kagustuhan nito. Tutal simula palang ng kanilang relasyon ay wala na siyang karapatang isantinig man lang ang saloobin kaya isasara na lamang niya ang bibig. She'll just continue to act as a submissive woman to his man.  

Umayos siya sa pagkakaupo at sumandal sa headboard ng passenger's seat. Nais niyang matulog upang kahit papaano, kahit sandal lang ay makalimot siya sa kinasuungang sitwasyon. Ngunit hindi pa siya halos nakakapikit ay naramdaman niya ang paghinto ng kanilang sasakyan sa gilid ng kalsada. Muli siyang umayos ng upo at napalingon sa katabi na kasalukuyang inaaalis ang seatbelt nito at pagkatapos ay umupo paharap sa kanya. 

"What are you doing? Bakit tayo huminto?" nagtatakang tanong niya rito. 

"We need to talk," seryosong wika nito. "Seriously." 

Napayuko siya, hindi niya kayang salubungin ang mga tingin nito. Pakiramdam niya'y isa siyang kandilang nauupos. 

"W-what are we going to talk about? P-pwede bang umuwi na muna tayo? Gusto ko nang magpahinga," nauutal niyang tugon. 

Napasinghap siya nang pilit siya nitong iniharap upang pagtagpuin ang kanilang paningin. Natakot siyang bigla sa kaseryosohan ng mukha nito. 

"We need to talk, and we'll be going to talk now!" matigas na wika nito. 

Naumid ang kanyang dila. Wala siyang maapuhap na sabihin rito. 

"So tell me, what are you thinking right this moment?" tanong nito nang hindi pa rin siya nagsalita pagkatapos ng ilang segundo. 

Iniwas niya ang tingin dito bago nagsalita. 

"I don't know what you're talking about," pagmamaang-maangan niya. 

Napapiksi siya ng haklitin nito ang kanyang braso at muli siyang iniharap rito. "Come on Devy, don't give me that crap. You know very well what I'm talking about." 

Hindi ito sumisigaw ngunit alam niyang galit ito. At iyon ang hindi niya maintindihan, kung bakit ito pa ang may ganang magalit. 

"I hate you!" hindi na niya napigilang sumabog sa harap nito.  

Kanina pa niya pinipigilang huwag mapaiyak ngunit hindi siya nagtagumpay dahil sa oras na iyon parang dam na sumabog ang lahat ng kanyang kinikimkim sa damdamin. Nag-uunahang tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata. Tila natauhan naman ito ng makita siyang umiiyak. Sinubukan siya nitong yakapin ngunit pilit niyang tinutulak ito palayo sa kanya. 

"I hate you. I hate you but I hate myself more because I can't stop myself from loving you," aniya na patuloy pa rin sa pag-iyak. Hindi na magkandatuto ang kanyang mga kamay sa pagpunas sa kanyang mga luha ngunit patuloy pa rin ang mga iyon sa pagdaloy.  

"Yes, you heard it right. I love you Lawrence. I love you so much that I can't help myself from hurting knowing that you doesn't feel the same," patuloy niya na ngayon ay nakatitig na sa lalaki.  

Kitang-kita niya ang shock sa gwapong mukha nito nang maproseso nito ang kanyang sinabi. Pumagitna ang nakabibinging katahimikan sa pagitan nila pagkatapos. Tila nagpapakiramdaman silang dalawa ngunit hindi na niya nakaya ang tensyon kaya siya na muli ang bumasag sa katahimikan. 

"Let's go home, I'm tired. I want to take rest," aniya. 

Tila robot naman ito na sinunod lang ang sinabi niya. Muli nitong pinaandar ang sasakyan nang hindi man lang nagsasalita.Siya nama'y pumikit at nagpakalunod sa kaungkagang nararamdaman. 

Pagdating nila sa pad nito ay dire-diretso siyang pumasok sa kwarto. Ni hindi niya ito nilingon ng tawagin siya nito. Hindi pa niya kayang makausap ito pagkatapos nang nangyari kanina sa loob ng sasakyan nito. Pumasok siya sa banyo upang maglinis ng katawan. Hinubad niya ang damit at tumapat sa shower. Ninamnam niya ang lamig na nanggagaling sa tubig na umaagos sa kanyang katawan. Hindi niya namalayang kasabay ng pagpatak ng tubig mula sa shower ay nag-uunahang pumapatak ang luha mula sa kanyang mata.  

She can't believe that she just broke down earlier in front of Lawrence. She even told him out loud what she felt for him. 

"What now?" 

Alam niyang hindi mababago ng nararamdaman niya para kay Lawrence ang katotohanang wala itong pag-ibig sa kanya. Alam niyang magpapakasal ito sa kanya para lang sa sanggol sa kanyang sinapupunan at wala nang iba. Ngunit kahit ganoon hindi niya alam kung makakaya niyang mabuhay sa katotohanang iyon.  

Pagkatapos niyang maligo ay lumabas na siya ng banyo. Nagulat siya nang makita si Lawrence na nakaupo sa kama na mukhang hinihintay siyang lumabas mula sa banyo.  

"Hopefully we can talk like two mature adults now," punung-puno ng kaseryosohang sabi nito.  

Sa tono nito alam niyang kailangan niyang pakinggan kung ano man ang sasabihin nito sa kanya. Wala sa loob na napatango na lamang siya.  

"I know this is not easy for both of us, most especially for you. I'm not sorry for asking you to take a chance on me because I love every second that we had spent together. Even with your unexpected pregnancy, I'm not sorry that we're going to be parents soon. In fact I'm happy knowing that eight months from now I'm going a father." 

Hindi siya nagsalita, tinitigan lang niya ito. Pinakinggan lang niya ang lahat ng sinabi ni Lawrence. 

"You know what, I'm excited to see the baby. If I can just pull the time I already did," nakangiting pagpapatuloy nito.  

Napangiti siya narinig. Masaya siyang malaman na masaya ito at magkakaroon na sila nang anak.  

"But what I'm sorry about is that I can't tell you that I already feel the same as you did," pagkuwa'y wika nito. Nakita niya ang pagdaan ng lungkot sa mga mata nito. "I care for you Devy, especially now that you're pregnant with my child. You're one of the most important people in my life now. Hope that will be enough for now," pagsusumamo nito. 

Hindi niya napigilang lumapit dito. Hinaplos niya ang mukha nito at nginitian na sinuklian naman nito ng isa ring matamis na ngiti. Niyakap siya nito pagkatapos at hinalikan ang kanyang tiyan na naghatid ng kakaibang saya sa kanyang pagkatao. Tama ito, hindi niya mapipilit si Lawrence na suklian ang pagmamahal niya para dito. Sinabi nitong importante siya para dito, tama na sa kanya iyon sa ngayon.

Author's Note: Devy finally told Lawrence about what she truly feels for him, so what now? Where this one sided love would take them, or is it really one sided? What Lawrence true feelings is? Kaloka mag-isip ah.. hanggang dito muna,, bitin mode again..hahaha.. post your comments guys! tnx for reading :p

Say You Want Me To StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon