Chapter 9- Dinner Meeting?!!!!

6.2K 82 1
                                    

"AKALA ko ba business meeting, bakit wala pa ka-meeting mo?" nakataas-kilay na tanong ni Devy sa among si Lawrence.  

Kanina pa sila sa Red isang restaurant sa loob ng Makati Shangrila. Ayon sa talipandas na amo ay doon daw nagpareserve ang ka-meeting. Nakakatatlong order na siya ng mango juice sat naubos na niya ang steak na inorder pero hanggang ngayon ay ni anino nang sinasabing business associate nito ay hindi pa rin nagpapakita sa kanila. Ang hudyo pinag-ayos pa siya para lang sa meeting na ito pero hindi naman ata sila sisiputin. Kanina pa niya gustong umuwi. Mula ng sunduin siya nang lalaki sa kanyang bahay ay hindi na siya tinigilan ng mga malalagkit na titig nito. Nagsisisi tuloy siya kung bakit naisipan niyang isuot ang little black dress na suot niya sa oras na iyon. Tube dress iyon at hanggang kalahati lang ng kanyang tuhod ang haba. Kitang-kita ang makinis niyang binti at dahil ipinusod niya ang mahabang buhok ay malayang mamamasdan ang kanyang mga balikat. Ngayon nga ay nakatitig lang sa kanya si Lawrence na hindi man lang itinago ang paghanga sa mga mata nito.  

"Tawagan mo na ang ka-meeting mo. Mahigit isang oras na siyang late kamo," utos niya rito.  

Ni hindi man gumalaw ang lalaki sa pagkakaupo nito. Mataman lang siya nitong tinitigan habang siya nama'y hindi mapakali sa kinauupuan. Pakiramdam niya'y tumatagos hanggang kaluluwa ang mga tingin nang lalaki sa kanya. Kung magtatagal pa iyon malamang na hindi na siya makauwi ng buhay. 

"Kung ayaw mo siyang tawagan para tanungin kung nasaan na siya fine! Pero uuwi na ako, mag-isa kang maghintay rito," aniya sabay binirahan ng tayo ngunit agad nitong naabot ang kanyang kaliwang kamay.  

"Alright, sit down," muling utos nito na padabog niyang sinunod.  

Bubulong-bulong pa siya sa kinauupuan ng muling magsalita ang kasama.  

"Walang darating na business associate dahil wala naman talagang dinner meeting," anito na ikinatigil niya. 

"What?!" nanlalaking matang tanong niya rito.  

"Ang sabi ko wala akong business meeting na nakaschedule ngayong gabi. Ako ang nagpareserve sa resto na ito ngayon dahil gusto kitang makasamang magdinner."  

Biglang nanlaki ang ulo niya sa sinabi nang lalaki. Inisahan siya nang hudyo at siya namang malaking tanga nagpagoyo siya sa lalaki. Gusto niyang sigawan ang lalaki ngunit ayaw niyang gumawa ng eksena. Maraming tao sa loob ng restaurant at malamang ay magiging sentro sila ng atraksyon kung gagawin niya iyon. Nanggigigil man ay pinilit niyang pakalmahin ang sarili.  

"Kung tapos ka ng kumain ay bayaran mo na ang bill at ng makauwi na tayo. Gusto ko ng magpahinga," matabang na utos niya sa lalaki. 

Napabuntong-hininga lang ito sa kanya at hindi na nagsalita. Tinawag nito ang waiter at binigay ang credit card nito para bayaran ang kanilang bill. Matapos nitong pirmahan ang receipt ay agad niyang kinuha ang kanyang purse at tumayo sa kanyang upuan. Walang sabi-sabing naglakad patungo sa pinto ng restaurant. Malapit na siya ng pinto ng marinig niyang magsalita ang lalaki mula sa kanilang restaurant.  

"Baby wait for me," anito sabay hawak nito sa kanyang braso. 

Inalalayan siya nitong maglakad palabas. Aalisin sana niya ang pagkakahawak nito sa kanya ngunit nagpigil siya dahil maraming nakatingin sa kanila. Nang pagbuksan sila ng pinto ng host ay nginitian sila nito at magalang na nagpasalamat. Paglabas nila ng restaurant ay agad niyang binalingan ang lalaki.  

"Alam mo ikaw wala kang ginawa kundi inisin ako eh nuh!" inis na inis na sabi niya sa lalaki.  

Lalo lang siyang nainis ng ngisian lang siya nito. Iginaya siya nito sa sasakyan nitong huminto sa harapan nila. Mula doon umibis ang valet at magalang na inabot sa lalaki ang susi. Binigyan ito nang lalaki ng tip at saka nagpasalamat. Pagkatapos umalis nang valet ay inalalayan siya ni Lawrence pasakay sa passenger's seat bago ito umikot patungong driver's seat.  

Ilang minuto ng nagmamaneho ang lalaki ngunit hindi man lang niya tinapunan ito ng tingin. Alam niyang mula sa daan ay nililingon-lingon siya nang katabi ngunit hindi niya pinapansin ito. Naiinis siya sa sarili dahil nahulog siya sa bitag nito. Naisahan siya nito at iyon ay hindi niya matanggap. Mula sa tingin sa daan ay napalingon siya sa lalaki ng bigla lang nitong ihinto ang sasakyan sa gilid ng kalsada.  

"Bakit tayo huminto rito? Pwede ba gusto ko ng umuwi kaya paandarin mo na ang sasakyan," inis na baling niya sa lalaki.  

Inalis nito ang seatbelt bago siya hinarap nang lalaki.  

"No, hindi tayo aalis dito hanggat hindi mo ako pinakikinggan. I just said that we need to go to a business meeting tonight because I want to spend time with you. Lagi mo nalang akong inaaway sa office kaya wala akong choice kundi magsinungaling sa iyo. I'm sorry, please don't get mad at me," paliwanag nito sabay ngiti sa kanya ng pagkatamis-tamis.  

Napipilan siya sa sinabi nito. Paano siya makakapagreact kung ginamitan siya ng killer smile nang lalaking kaharap. Paano niya pagsusungitan ito kung napacute nito habang pasweet na nakangiti sa kanya na nagpalitaw sa dimples nito sa pisngi na lalong nakapagpatingkad sa kagwapuhan nang lalaki.  

"Oo na, okay na. Paandarin mo na itong sasakyan at ng makauwi na tayo," irap niya sa lalaki.  

"Okay," maiksing sagot nito. Umayos ng upo ang lalaki at muling inilagay ang seatbelt nito bago pinaandar ang sasakyan. Walang namutawing salita sa pagitan nilang dalawa nang lalaki habang nasa daan sila nito.

Say You Want Me To StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon