Chapter 6- My New Boss Is?!!!!

6.7K 96 2
                                    

Author's Note: Hi guys!!! Mustah na? Nabitin ba kayo sa nakaraang kaganapan..hmmmn? hahaha well eto na po ang update.. don't forget to post your comments, suggestions and violent reactions! Tnx for reading, enjoy!

KANINA pa naghahabilin ang kanyang amo ng mga nais nitong ipagawa sa kanya ngunit kahit isa ay walang pumapasok sa kanyang utak. Kanina pa niya pinapanalanging bumuka ang lupa at saka siya lamunin nito ngunit hindi nangyari ang nais kaya hayun siya tinitiis ang mapanuring tingin ng lalaking katabi. Nang pasimpleng lingunin niya ito, tila aliw na aliw pa ang hinayupak sa kanya. Kahit ang amo ay tila nawiweirduhan sa kanyang mga kilos. Kanina pa siya hindi mapakali sa kunauupuan at tila naiihi.  

"Devy are you okay?" nag-aalalang tanong ng kanyang amo.  

"A-ah, eh. Y-yes sir," nauutal niyang sagot.  

"Okay. By the way as you know Lawrence my son will take over my position. Since ikaw naman ang sekretarya ko, ikaw na rin ang magiging sekretarya ni Lawrence." 

"What?! Why me sir?" nanlalaking matang tanong ni Devy sa amo.  

Napalingon siya sa lalaking katabi ng tumawa ito ng malakas. Pinandilatan niya ito ng mata ngunit hindi man lang ito nasindak. Tuloy sa paghagalpak ang hudyo.  

"Tulad ng sabi ko since ikaw ang executive secretary ko natural na ikaw ikaw ang aantabay sa kapalit ko," paliwanag nito. Hindi marahil nito maintindihan kung bakit ganoon na lamang ang kanyang pagtanggi sa inuutos nito.  

Muli niyang tinapunan ng masamang tingin ang katabi bago pilit na nginitian ang amo. 

"O-okay sir," hindi bukal sa loob na sagot niya.  

"Good. Since next week pa naman ako aalis tutulungan na rin kita dito kay Lawrence. Is that alright son?" baling ni Sir Albert sa anak.  

"Of course," sagot ni Lawrence habang hindi pa rin nito inaalis sa kanya ang tingin.  

"Okay that's all for now Devy, you may leave."  

Mabilis siyang tumayo at magalang na nagpaalam sa amo. Ni hindi man lang niya tinapunan ng tingin ang lalaking katabi. Para siyang hinahabol ng sampung kabayo sa bilis ng lakad niya. Gusto na niyang makalabas ng opisina nang amo dahil kung hindi ay baka maipagkanulo niya ang sarili.  

"What was that son?" nagtatakang tanong ni Albert sa anak na si Lawrence. 

Imbis na sagutin ang kanyangay tinawanan lang siya nito.  

"Come on, spill it out."- Albert

"Nothing, I just happened to bumped with your sexy secretary last week at a bar and that's it," paliwanag ni Lawrence sa ama. 

"Yun lang ba talaga?" hindi pa rin kumbinsidong tanong niya.  

"Yes dad, that's only it. Or you want me to go into the hot details?" nakakalokong balik tanong nito. 

Napailing nalang siya sa sinagot nang anak. Kilala niya ito at malakas ang kutob niyang may hindi magandang nangyari sa pagitan nito at nang sekretarya.  

"Are you sure you're going to be okay here? I know how you love you're freedom. Kapag lumabas na ang resolution ng board at nahalal ka na bilang bagong CEO ng kumpanya wala nang atrasan," pag-iiba ni Albert sa usapan. 

"I'm hundred percent sure. It's time for me to take over with the company. Para naman makapag-enjoy na kayo ni mommy. Why not go to Europe. Go and have a month vacation there."- Lawrence

"Isa sa mga araw na ito ay gagawin namin iyan ng iyong mama. Sa ngayon kailangan ko munang siguraduhing maayos ang pagtuturn-over ng kompanya. It's not that I don't trust you son, I know you can make it but I just want to make sure everything is on it's proper place before I can relax."- Albert

"Okay, if you say so. Maiba ako, gaano mo na katagal na sekretarya si Devy?" nakangising tanong ni Lawrence sa ama.  

Nagsalubong ang kilay kanyang kilay sa tanong nito.  

"Kung ano man ang masamang balak mo sa kanya ay huwag mo nang ituloy Lawrence. Isang mabuting babae si Devy at anak na ang turing ko sa batang iyon. Marami na siyang pinagdaan kaya huwag mo nang dagdagan mo pa ang paghihirap na dinanas niya," seryosong sagot ng ama sa kanya. 

"Ganyan ba ang pagkakakilala mo sa akin Dad?" natatawang tanong niya. 

"Kilala kita Lawrence. Anak kita kaya alam ko ang takbo ng isip mo. So hindi mo ba talaga sasabihin sa akin kung anong meron sa inyo ni Devy?"  

"Sabihin na lang nating laman siya ng isip ko sa nagdaang mga araw mula nang magkita kami sa bar," nakangising sagot ni Lawrence. 

Kumunot ang noo ni Albert ng marinig ang sagot nang anak. Ngayon ay nasisigurado niyang may nangyaring hindi kaaya-aya sa pagitan nang anak at nang sekretarya ngunit hindi na siya nagkomento. Pinalis nalang niya ang mga katanungang nasa isip at pinagpatuloy ang pagpapaliwanag sa anak ang mga gawaing maiiwan dito.

Say You Want Me To StayWhere stories live. Discover now