Chapter 17- Go With The Flow

5.2K 75 2
                                    

Author's Note: Hi guys! sorry if late ung update..just got super busy last weekend...musta? got more than 11k reads already for "Say You Want Me to Stay" thanks so much!!!! I Love you all and for that here's an update.. please do post your comments and thoughts about the story, it will be greatly appreciated...Enjoy reading!!!! :p


"So when's the wedding?" excited na tanong ni Victoria del Rio, ang butihing ina ni Lawrence. 

Pagdating nila sa tahanan ng mga ito ay agad silang niyaya nang ginang sa komedor kung saan nakahanda ang masarap na tanghaliang ito pa mismo ang naghanda para sa kanila. Mula ng dumating sila sa bahay nina Lawrence ay manaka-naka lang siyang magsalita. Kung hindi siya tinatanong ng mga ito ay hindi siya kumikibo. Hindi rin naman niya alam kung ano ang pwede niyang sabihin sa magulang nang lalaki. Nahihiya siya sa mga ito, lalung-lalo na sa ama nito. Parang anak na ang turing sa kanya ni Albert del Rio. Nang magtrabaho siya rito ay wala itong pinakitang masama sa kanya. Ang ina naman nitong si Victoria ay napakalambing sa kanya. Kahit hindi niya ito madalas makita noon ay hindi nakakaligtaan ng ginang na kumustahin siya tuwing dadalawin nito ang asawa sa opisina. Tuwing dadalhan nito ng pagkain ang asawa ay hindi nito nakakalimutang dalhan din siya. Sa madaling salita ay naging mabuti sa kanya ang mga ito kaya hindi niya alam kung paano pakikiharapan ang mga ito dahil sa sitwasyon nila ngayon nang nag-iisang anak ng mag-asawa. 

Napabalikwas siya sa kinauupuan nang abutin ni Lawrence ang kanyang kamay bago sagutin ang ina nito. 

"Atleast a month from now. Marami pa kaning kailangang ayusin for a civil wedding," sagot nito na sa kanya nakatingin. 

"What?!" hindi makapaniwalang tanong nang ina nito. "We can prepare the grandest church wedding in less than a month! Bakit naman sa huwes kayo magpapakasal nitong si Devy, anak anon a lang ang sasabihin ng mga kamag-anak at kaibigan natin?"  

"You're mom is right son. You our only son, we want to give you all the best for your wedding," segunda nang ama nito sa sinabi ng asawa. 

"Isa pa hindi mo man lang ba naisip na gustong maglakad sa aisle habang nakasuot ng trahe de boda nitong si Devy?" muling wika nang ginang na sa kanya nakatingin. "Babae ako hijo, alam kong pangarap ng lahat ng kababaihang maikasal sa simbahan." 

Napangiti siya sa narinig. Tama ang lahat ng sinabi nang ina ni Lawrence. Nais niyang maikasal sa simbahan at tulad ng ibang kababaihan ay makapagsuot ng puting wedding gown. Ngunit hindi niya isasantinig ang kagustuhan, hahayaan na lamang niya si Lawrence na magpasya para sa kanila. 

"Is that what you want?" ani Lawrence na nakatitig na pala sa kanya.  

"I-ikaw ang bahala." - Devy

Napabuntung-hininga muna ito bago muling nagsalita. "Okay, church wedding it is."  

"Yes!" masayang bulaslas ng ina nito. Nginitian na lamang niya ang ginang ng kumindat pa ito sa kanya. "Don't worry son, I'll handle everything. You just need to seat back and relax. I'll make sure that your wedding will be a wedding that you'll treasure. It will be a wonderful occasion" excited na wika nito. 

Muli siyang sinulyapan nito at nagthumbs-up pa ito sa kanya. Napangiti na lamang siya rito. Tila mas excited pa sa kanya ang magiging mother-in-law. 

"Alam na ba ito ng tiyo't tiya mo hija?" maya'y tanong sa kanya ng matandang lalaki. 

Kinakabahang napalingon siya rito. Alam nito ang istorya ng kanyang buhay at alam nitong wala na siyang kamag-anak maliban kay Kathy at sa mga magulang nito.  

"T-tatawagan ko pa sila mamaya para tawagan," nauutal na sagot ni Devy dito.  

Kahit alam niyang tanggap siya nito para sa anak ay hindi pa rin niya maiwasang mahiya sa dating amo.  

"Good," maiksing tugon nito. "Don't forget to talk to them Lawrence. You need to ask them formally for Devy's hand in marriage," baling naman nito sa anak. 

Tango lang ang ibinigay na sagot ni Lawrence sa ama. 

"Devy hija, we'll call one of my amiga later. She knew one of the best wedding coordinator in town. We'll ask for her number, okay?" masayang sabad nang ina ni Lawrence. 

Ngiti lang ang ibinigay niyang sagot dito. Ayaw niyang buksan ang bibig dahil baka hindi niya makaya at mapahagulgol siya sa harap ng mga ito. Kahit alam niyang tanging ang sanggol sa kanyang sinapupunan ang dahilan kung bakit siya pakakasalan ni Lawrence ay masaya pa rin siya. Lalo na at tanggap siya ng mga magulang nito. Naalala tuloy niya ang sariling magulang. Kung makakasama niya ang mga ito sa araw ng kanyang kasal ay mas magiging buo ang kanyang kasiyahan. Nakakalungkot at maaga silang kinuha ng Panginoon. 

Marahang pinisil ni Lawrence ang kamay na hawak-hawak nito, ito ang nagpabalik sa kanyang katinuan. Nilingon niya ito at nakita niya ang pag-aalala sa mukha nito. Marahil ay napansin nito ang kanyang biglang pagbabago ng ekspresyon. Nginitian niya ito upang iparating rito na okay siya at wala itong dapat ipag-alala. 

"Hija kain lang ng kain, huwag kang mahihiya. You need to stay healthy, for you and for the baby," muling sabad nang ginang habang nilalagyan nito ng pagkain ang kanyang plato. 

Magalang siyang nagpasalamat at maganang kinain ang hinapag nito sa kanya.

"I'M SO HAPPY na ikaw ang magiging asawa ni Lawrence Devy," ani Mrs. Del Rio sa kanya. 

Kasalukuyan silang nasa veranda nito. Sinamahan niyang magtsaa ang ginang habang ang asawa naman nito at si Lawrence ay nagpuntang study. May pag-uusapan di umano ang mga ito tungkol sa kumpanya ngunit iba ang kanyang kutob. Alam niyang siya ang pag-uusapan ng mga ito.  

"T-thank you po Ma'am," kinakabahang tugon niya rito. 

Tumaas ang kilay nang ginang sa kanyang sinabi. "Anong ma'am sinasabi mo diyan. From now on, call me mommy hija, okay?" nakangiting wika nito. 

Napatango na lamang siya rito.  

"I'm sorry po," basag niya pagkatapos ng mahabang katahimikan. 

Napakunot-noo itong napalingon sa kanya. Magsasalita sana ito ngunit inunahan na niya ito. 

"I'm sorry po. Alam ko pong mali ang ginawa naming ni Lawrence, isa iyong malaking kasalanan sa Diyos." 

Ibinaba nang ginang sa coffee table ang hawak nitong tasa at pagkatapos ay yumuko ito palapit sa kanya. Inabot nito ang kanyang kamay at marahang ginapgap iyon. 

"It's okay hija, you don't have to say sorry. Naiintindihan ko kayo nang anak ko. Mapusok ang inyong henerasyon at minsan ay nakakagawa kayo ng mga bagay na hindi tama sa paningin ng ibang tao. I admit, when Lawrence called us earlier and told us everything I wasn't happy. But when I saw how you look at each other I was somehow relieved. I saw how you look at my son when he's not looking, there's so much love it your eyes Devy." 

Napasinghap siya sa sinabi nito. Magsasalita sana siya upang itanggi dito ang sinabi ngunit naunahan siya nitong magsalita. 

"You don't need to deny it hija. I'm thankful that despite the not so good things about my son you still love him. Huwag kang mag-alala hija, my son is responsible. Hindi ka niya pababayaan at ang bata." 

"A-alam ko naman po iyon. Pero hindi ko pa rin po maiwasang matakot. Paano po kung hindi magwork-out ang marriage namin. Baka mauwi lang po kami sa hiwalayan," napayukong tugon niya dito. 

"Hindi mangyayari iyon. Nakikita ko kung gaano ka kamahal ni Lawrence."  

Napatingala siya sa sinabi nito. Hindi niya makapaniwala sa sinabi nang ina nang lalaking mapapangasawa. 

"Oo hija, my son loves you. Halata sa bawat tingin niya sa iyo. He may not be vocal about it but give him time. Pasasaan ba at magkakalakas siya ng loob upang sabihin sa iyo ang tunay niyang nadarama. So just be patient, okay Devy?" nakangiting sambit nito. 

Napilitang tumango siya bilang tugon sa sinabi nito. Nagpatuloy sa pagkwekwento ang ginang ngunit wala na doon ang kanyang pansin. Tanging ang sinabi nito tungkol sa nararamdaman ni Lawrence para sa kanya ang tanging laman ng kanyang isip sa oras na iyon.

Say You Want Me To StayWhere stories live. Discover now