Chapter 5- What?!!!!!

6.4K 99 6
                                    

"Grabe, ang gwapo niya! Ngiti pa lang ulam na!" 

"Sorry ka nalang ako ang nginitian niya hindi ikaw." 

"Ambisyosa! Anong ikaw, ako kaya!" 

"Duling ka ba? Ako ang nginitian niya hindi ikaw nuh!" 

Napalingon si Devy sa dalawang babaeng nagtatalo sa kanyang likuran. Hindi niya maiwasang mainis sa dalawa. Kasalukuyan silang sakay ng elevator at hinihintay itong makarating sa palapag kung saan naroroon ang kanilang opisina. Tila naramdaman ng mga itong nakatingin siya sa mga ito kung kaya biglang nanahimik ang dalawa.  

"Sorry Miss Devy kung maingay kami." Hinging paumanhin ni Lina. Mula ito sa kanilang Marketing Department pati na rin ang kasama nitong si Ella.  

Binigyan lang niya ng pilit na ngiti ang dalawa at saka sumulyap sa kanyang wristwatch. Twenty minutes na siyang late sa trabaho. Naipit siya sa traffic dahil sa bilang buhos ng ulan. Kung kailan pa man din may mahalagang taong ipapakilala sa kanya ang kanyang boss ay saka pa siya nalate.  

Bigla siyang natauhan ng marinig nang pagbukas ng elevator. Dali-dali siyang naglakad palabas nang madaanan niya ang isang kasamahan sa trabaho ay tumigil siya sa harap nito.  

"Jean, nandiyan na ba si Sir Albert?" tanong niya sa kaibigan.  

Mula sa computer screen ay tumingala ito sa kanya.  

"O Devy ngayon ka pa lang dumating? Kanina pa dumating si Sir, kasama ang anak. Grabe ang gwapo pala ng anak ni sir!" Kinikilig na sagot nito sa kanya.  

Bigla siyang kinabahan sa sinabi ng kaibigan. Hindi niya maipaliwanag ngunit pakiramdam niya may hindi magandang mangyayari sa kanya ngayong araw. Napabuntong-hininga na lamang siya at nginitian ang kausap.  

"Sige puntahan ko na si Sir baka magalit kanina pa ako late," paalam niya rito.  

Mabilis siyang naglakad patungo sa kanyang cubicle at inayos ang gamit. Tiningnan muna niya ng tingin ang repleksyon sa salaming nasa ibabaw ng kanyang mesa at nang masiguradong presentable ang kanyang hitsura ay saka pa lamang siya naglakad patungo sa opisina ng amo.  

Kumatok siya ng tatlong beses bago dahan-dahang binuksan ang pinto. Nang makapasok sa loob ay nakita niya ang among nakaupo sa likod ng executive desk nito habang may kasamang lalaki na nakaupo paharap rito. Hindi niya mabistahan ang mukha ng lalaki dahil nakatalikod ito sa kanyang direksyon.  

"Excuse me Sir, sorry I'm late," kuha niya sa atensyon ng amo.  

Mula sa kausap ay nalipat ang tingin nito sa kanya. 

"Good morning Miss Alvarez. Narito ka na pala. Pasok."  

Muli niyang isinara ang pinto ng opisina at dahan-dahang naglakad palapit sa amo.  

"Sorry po ulit at late ako. Nabaha po sa kalsada eh," nahihiyang paliwanag niya rito. 

"That's fine Devy. I understand. You may take your sit," anito sabay turo sa bakanteng upuan sa harapan nito.  

Mabilis siyang lumapit sa itinuro nitong upuan. Uupo na sana siya ng biglang matigilan. Mula sa papales na hawak ay napatingala ang lalaking kausap nang amo at malaya niyang nabistahan ang mukha nito. Kung hindi pa niya natakpan ang bibig ay marahil napasigaw na siya sa sobrang pagkabigla.  

Author's Note: Sino ang nakita ni Devy at kung makapagreact siya ay wagas?!!!! hahaha, bibitinin ko muna kayo... sa weekend na nxt update... Don't forget to leave ur comments and suggestions.. tnx guys :)

Say You Want Me To StayWhere stories live. Discover now