"Tsk. It's not Axxel. It's Elmer." ani nito.

Hindi na talaga magkamayaw ang curiosity ko sa nalaman. Ano bang mayroon sa dalawang ito?

"Ah, right! How did you get my number?!" balik text ko.

"Secret! Nasaan ka nga?" sabi nito.

Napabuga ako ng hangin sa inis. Itong lalaking to talaga sarap tirisin. Pinaglalaruan yata ako nito eh.

Pinili ko nalang huwag magreply. Bahala siya diyan!

Inabala ko nalang ang sarili ko sa pagtingin tingin ng mga larawan sa pinterest. Maya maya pa ay naramdaman kong may tumabi sa akin.

"Hi!" bati nitong si Ivan.

"Hi, mag isa ka lang yata? Nasaan mga feelingero mong kaibigan?" saad ko.

“Hindi ko nga alam. Late ako kanina kasi napasarap ang tulog ko nimals kaya hindi ko sila kasama. Ikaw ba hindi mo sila nakita?” tanong niya.

Napapakamot ako sa ilong ko bago sumagot.

“Iyon na nga rin eh, same vibes pala tayo late rin ako kaya hindi na ako pumasok.” natatawa kong sambit na ikinangiti naman niya.

Pagkatapos ng ilang minutong chikahan naming dalawa ni Ivan ay pumasok na nga ang aming professor.

*** Lunch Break ***

Sabay kami ni Ivan na naglakad patungong cafeteria.

“First year ka pa rin ba Ivan?” tanong ko habang naglalakad kami.

“Hindi 3rd year na ako. Information Technology student.” sagot niya at namulsa pa bago ako nilingon.

“Bakit?” tanong niya.

“Wala lang tinatanong ko lang ganoon din ba sina Bradley, Eroy at Sugarol?” tanong ko ulit.

“Oo pareho kaming 3rd year student pero iba iba kami ng course. Si Bradley at Jeremiah parehong Marine Engineer samantalang si Eroy Accountancy ang kinuha.” sagot niya.

Tumango tango ako.

“May tanong ka pa?” natatawa nitong saad.

“Oo marami pa,” natatawa ko ring sagot.

“Paano pala kayo nagkakakilala. It seems kasi na parang ang close niyong apat?” dagdag kong tanong.

“Childhood best friend ko si Eroy. Si Jeremiah naman at si Bradley ay ganoon rin. Nagkakilala kaming apat sa isang sports feast noong first year kami." pagkukuwento niya.

"Sumali kasi kaming dalawa ni Eroy ng Basketball at silang Bradley naman Badminton. Nagkasabay kami isang beses sa cafeteria tapos ayun na. Lagi na kaming magkasamang apat. Napalapit na rin sa akin ang mga unggoy na iyon.” dagdag nito.  

“Ahhh," tatango tango kong sagot. 

Nakarating na kaming dalawa sa cafeteria. Nauna siyang pumasok kesa sa akin kaya nasa likuran niya ako.

“Bro! Is that really you?” rinig kong saad nitong si Ivan.

Hindi ko naman makita kung sino ang kausap niya dahil ang tangkad nitong si Ivan tapos may kalakihan din ang katawan.

“Yes! Its me your no other than handsome friend.” sagot ng lalaki.

“Kailan ka pa nandito? Bakit wala ka man lang pasabi?” tanong ni Ivan.

Purest-Tainted HeartWhere stories live. Discover now