DAY 1

12 2 0
                                    

Khloe's Point Of View

DAY 1

It's the most wonderful time of the year
With the kids jingle belling
And everyone telling you be of good cheer
It's the most wonderful time of the year ~

I can already hear Christmas songs everywhere!

Talaga namang mararamdaman mo na ang papalapit na pasko.

Maaga akong nagising sa kadahilanang, hindi naman talaga ako nakatulog ng maayos.

Gusto niyo yern?

Napapangalumbaba nalang ako habang nakatanaw sa bintana ng kuwarto ko.

Totoo ba talaga? Hindi kaya nascam ako?

Haaaay! Hindi parin kasi ako makapaniwala na nanalo ako sa raffle, at hindi parin ako maniniwala hangga't walang nag dodoorbe---

*ding dong*

Owshet.

Napatayo ako bigla at agad na dumeretso sa may pinto.

Inayos ko muna ang buhok ko bago ko buksan ito. Nanginginig 'kong hinawakan ang doorknob.

Kasabay ng dahan dahan na pagpihit ko dito ang pagbilis ng kabog ng dibdib ko.

Posang ina

Ito na ba yun?

Hihimatayin ata ako.

Pagkabukas ko ng pinto ay para akong napako sa kinatatayuan ko.

"Goodmorning Ma'am! Delivery po."

Punyeta.

Napahawak nalang ako sa noo ko.

Hindi ko alam kung matutuwa ba 'ko dahil dumating na yung parcel na halos isang buwan ko ding inintay, o magluluksa ako dahil hindi isa sa pitong pinagpalang nilalang ang bumungad sa'kin.

Kinuha ko nalang ang parcel at binigyan ng tip si Manong rider.

Hahakbang na sana ako nang may bigla namang kumatok sa pinto.

Mukhang may nakalimutan ata si Manong.

"Kulang po ba yung tip na bini---"

Naiwan ang hininga ko sa ere.

Whaaat?

Kasabay naman ng paglaglag ng panga ko ang pag doble ng bilis ng tibok ng puso ko.

Ang daming "ng" sa sinabi ko.

Tila nanigas ako. Dahil lang naman ito sa lalaking nakatayo sa harap ko at nakangiti.

"Goodmorning, beautiful." sambit niya at inabot sa'kin ang isang bouquet ng peony sabay kindat.

MAMAAAAAAAAAA!!!!!

"Ang gwapo kahit maliit."

Napahawak agad ako sa bibig ko.

Shet ka Khloe Marie! Shet!

Bahagya siyang natawa at mabilis akong hinalikan sa pisngi.

"That's what you get for calling me maliit. "

Pusang ina.

Lalo akong nanigas sa kinatatayuan ko.

Is that a punishment?

Kung ganoon lang din naman ang parusa maaa, willing akong tawagin syang maliit habang buhay!

MAMAAAAAAA SI JINHWAN PO OH!!!

7 FIRST DATESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon