DAY 7

5 0 0
                                    

Khloe's Point Of View

DAY 7

Ngayon na ang huling araw ng date ko. At alam kong alam niyo na kung sino ang susunod.

Halong emosyon na ang nararamdaman ko habang hinihintay ang pag dating niya. Na-eexcite ako na nalulungkot.

Hays.

Talaga namang may hangganan din ang lahat.

Balik na ako sa normal na pagfafangirl pagkatapos ng pasko.

Wala po bang season 2 ito? Charot.

Give chance to others naman.

Hindi rin nagtagal ang pagtunganga ko dito dahil may nag doorbell narin sa wakas. Dali dali na akong nagtungo sa pinto para buksan ito.

Bumungad sa'kin ang isang mala anghel na ngiti. Oh gosh.

"Hi Khloe! Kamusta? Kumain ka na ba? Nagdala ako ng foods." bati niya sabay taas ng dalawang kamay na may hawak na paper bag at isang bouquet ng pink roses.

Napangiti ako dahil sa ka-cutetan ni Chanu.

Such a babyyyy! Wanna keep!

"Hello, Chanuyaaa! Pasok ka muna. Pagsaluhan na natin 'yan." nakangiti kong sabi at pinapasok na siya sa loob.

Hindi ko maalis kay Chanwoo ang tingin ko habang kumakain kami. Ang guwapo gwapo naman kasi niya.

He's like a living webtoon character. So perfect!

Pakiramdam ko tuloy ay nasa isang K-Drama ako at siya ang male lead. Hihi.

"May dumi ba sa mukha ko?" bigla akong nahimasmasan sa tanong niya.

Myghad, Khloe Marie!

"Ay hindi! I mean, wala. Hehe." kamot ulo kong sabi.

"Pero ikaw meron. Wait. Don't move."

Gaya ng sabi niya, hindi ako gumalaw hanggang sa padaanin niya ang thumb niya sa gilid ng labi ko.

"Yan. Wala na." sabay ngiti.

Kilig nanaman ang maharot na si Khloe!

"So...saan tayo pupunta mamaya?" tanong ko.

"It's a secret, sugar." sabay kindat.

Ano daw???

"Sugar?" tanong ko.

"Yep. Endearment. I'm sure nagamit na kasi ng mga kuya ko lahat kaya ayan nalang para sweet talaga." proud niyang sagot.

"Ginawa mo kong asukal ha. Langgamin ako niyan." natatawang sabi ko nalang.

"I'll make sure na hindi ka nila malalapitan."

Myghad. Bakit ba lahat ng sabihin ng batang ito ay ang cute ng dating? Kagigil.

Matapos naming kumain ay umalis narin kami ni Chanu. Nasa byahe na kami at mukhang may kalayuan pa ata ang pupuntahan namin.

"Sugar, ano 'yang nasa kamay mo?" tanong niya sabay turo sa kamay ko.

"Ha? Alin? Wala naman ah?" binalibaliktad ko ang kamay ko at wala naman talaga.

"Eto oh." sabay slide ng kamay niya sa kamay ko hanggang sa mag intertwine na ang mga daliri namin.

Napakagat ako sa labi ko dahil bigla akong kinilig at dumagundong nanaman ang puso ko.

Punyeta, damoves! Marunong kang bata ka ha.

"Aba aba, saan mo natutunan 'yan ha?" natatawa kong tanong.

7 FIRST DATESWhere stories live. Discover now