CHRISTMAS DAY!

7 0 0
                                    


Today is the day...

The day that I'll have to choose only one out of the seven dates that I had.

Napabuntong hininga nalang ako habang nakatulala sa mga gamit na nakahelera sa lamesa sa harap ko.

Isa-isa ko itong tiningnan.

Una, ay ang movie tickets at isang bouquet ng peony na galing kay Jinan.

Pangalawa, ang ilang tupperware, letter, at isang lipbalm na galing kay Yunhyeong.

Pangatlo, ang white dress na galing kay Bobby.

Pang apat, ang red dress, silver shoes, necklace, letter, at isang bouquet ng camellia na galing naman kay Hanbin.

Pang lima, ang t-shirt, short, denim jacket, cap, at isang bouquet ng sunflower na galing kay Donghyuk.

Pang anim, binoculars at isang bouquet ng red roses galing kay Junhoe.

And lastly, ticket sa amusement park, isang bouquet ng pink roses, at ilang copy ng pictures namin ni Chanwoo.

Lahat ito ay nakahelera sa harap ko.

Kung inaakala niyo na magbabase ako sa kung sino ang may pinaka maraming naibigay para makapili...nagkakamali kayo.

Dahil kung ganoon lang rin naman, si Yunhyeong na ang nanalo dahil sa dami ng tupperware na iniwan niya sa ref ko.

Pero hindi.

Hindi ko rin maibase ito sa kung kanino ako nag-enjoy at naging masaya, kung sino ang romantic at nag-effort ng sobra.

Nag-enjoy ako at naging masaya sa lahat.

They're all romantic in their own and different ways, and extraordinary efforts.

Isa pa, malaki ang impact sa'kin ng paghalik sa noo ko. 'Coz my mom used to tell me that it's a sign of respect.

And they all did that to me!

Aaarrggh! Nakakaloka! Mas mahirap pa 'to sa pag sosolve ng math problems!

"Think, Khloe! Think! Kaya mo 'to, okay? Pakiramdaman mo kung ano talaga ang gusto ng puso mo." bulong ko sa sarili ko.

Pumikit ako at inalala ang nakalipas na pitong maliligayang araw.

Their smiles, laugh, sweetness, gentleness, and sincerity makes my heart flutter even more.

Gaya nga ng sabi ko nung una, my love for the 7 boys are equal like a pizza slices.

Now I know.

I know what to do.

I can't choose all and I can't decide who to choose. But I can choose no one.

Dahil kahit ano pang klase ng pagpipilian ang ihatag sa'kin, I will choose 7 no matter what and whatever it takes.

Ayoko ng isa lang ang magiging masaya sa kanila. I want them all to be happy, because that's what they deserve.

Hindi baleng mag-isa lang ako ngayon. As long as masaya sila, masaya narin ako.

Alone but happy.

Kumuha ako ng isang box at inilagay sa loob nito ang mga gamit na galing sa kanilang pito.

I won't use these precious stuffs, but I will treasure these forever.

Tutuyuin ko lang muna ng husto ang mga bulaklak para maitago ko rin. Hindi pa kasi lanta ang mga ito.

Sinulatan ko muna ang labas ng box bago ito ipinasok sa kwarto ko.

Hinding hindi ko makakalimutan na minsan sa buhay ko ay nagkaroon ako ng pitong maliligayang araw.

7 FIRST DATESWhere stories live. Discover now