X - Ticket

2.9K 148 22
                                    

BREE POV

"Huy! bakit mag isa ka diyan?" tanong ko kay Jimin dito sa may Gym.

Nanonood kase siya habang tulala. Paano kaya yun? Tulala tapos nanonood. Minsan ang bobo ko din mag isip.

"Wala naman" sagot niya.

Umupo ako sa tabi niya at nakinood na din sa mga nag papractice ng basketball.

"Nasaan yung iba?"

"May klase, yung iba pakalat kalat lang siguro diyan"

Tumango tango nalang ako. Nakakatamad naman.

"Bree may itatanong ako. Okay lang?" Tumango ulit ako.

Himala kasi na napaka serious na Jimin yung kaharap ko.

"Bakit kelangang pag-agawan ang bola?" tanong niya tyaka humarap sa mga nag babasket ball sa loob ng gym.

Sa una, diko alam ang irereact ko kung matatawa ba ako o maiinis sa tanong niya. Syempre pag aagawan nila, eh laro yun eh!

 "Chimchim sa lahat ng Laro may natatalo, may nana-nalo. Kelangan talagang pag-agawan yun kase yun yung kelangan mong gawin. I mean para manalo ka. Alangan namang tutulala ka lang dun at tatayo, kelangan mong gumawa ng moves, o dika ng strategy para manalo sa laban. Pag nagawa mo yung best mo, mananalo ka. Pero hindi lang porke magaling ka mananalo kana, nasa puso din yun" 

"Eh anong mangyayari dun sa natalo?" 

"Easy lang, kelangan niyang mag practice pa. Kelangan niya pang ihasa ang kakayahan niya. Hindi porke natalo na aayaw na, mag move on ka... Tanggapin mo na na hindi pa yun ang para sa'yo, may nakalaan din.. pag dating ng panahon basta matuto ka lang mag hintay. Bakit mo na tanong?" takhang tanong ko. 

"Ah.. wala hehe tara na nga kumo-corny kana!" natatawang sabi niya at hinila ako patayo at naglakad. 

"Hala! sige lang huh! kaladkad pa more! Ako pa yung corny? Psh ikaw nga diyang kung maka #WHOGOAT ng question eh? Drama mo!" pagtatalak ko sa kanya habang hila-hila 

"Oo na oo na, kumain nalang tayo" natatawang sabi niya. 

"Libre mo?" tanong ko. 

"Psh! Osige na!" 

"Parang labag sa loob mo eh! 'wag na nga baka sumakit pa yung tiyan ko" 

"Oy hindi ah! ayaw mo? Okay lang!" sabi niya at umalis. 

"Teka Chimchim, di talaga mabiro 'tong pandak na 'to" sabi ko at lumapit sa kanya. 

"Matcho at Gwapo hindi pandak!" pagtatama niya.

"Whatever pandak ka talaga" pang iinis ko sa kanya. 

"Hoy! Bree kahit pandak ako gwapo at may ABS ako, may A-B-S AKO!" 

"Paki ko ba kung may ABS ka? Kinatangkad mo ba? Growee ba yan? hindi!" binelatan ko siya at sabay na kaming naglakad. 

"Kahit pandak ako nakatikim naman ako ng Tiki tiki ah! Hindi pa yata uso yung Growee nun" sabi niya at nag pout. 

Tawa ako ng tawa kay Jimin. Pagkatapos naming kumain sa Cafeteria pumasok narin kami sa kanya kanya naming room. 

~

 "In fairness bagay kayo ah!"

Nagulat kami ng biglang may nagsalita sa likod. Liningunan ko siya kase alam ko kung kanino boses yun. 

"Kanina kapa diyan?" tanong ko kay Mariel. 

"Hindi naman masyado, ano ginagawa niyo dito?" tanong ni Mariel.

BTS TutorWhere stories live. Discover now