Chapter 33: Forever and Always

61 5 0
                                    


Naging matahimik na ang buong isla ng Belger. Ang apat na sulok ng isla ay nagkaisa na dahil wala na si Lucio, at ang mga kaalyado nito ay binawian ng kapangyarihan at itinapon sa dungeon. Hindi na kailanman ang mga ito makakatakas pa.

Samantalang ang Mama at kapatid naman ni Lucas ay kinuha na niya at tahimik na namuhay sa West. Ang mama na nito ang namuno sa West Academy, at hindi na rin brutal magturo gaya ng pamumuno ni Lucio noon. Si Andrei naman ay naging matahimik na, kinuhanan na rin ito ng kapangyarihan ng mga nasa konseho.

"Nami-miss ko na si Katherine.", sabi ni Macey. Nasa Hogwarts academy sila ngayong tatlo, at nakaupo sa ilalim ng malaking puno.

"Ako din.", segunda naman ni Justin. Samantalang si Lucas ay tahimik lang na nakatingala sa langit. Dalawang buwan na rin ang nakalipas ng matapos ang malaking digmaan sa isla. At marami na rin ang nangyari sa loob ng dalawang buwan.

Lumipas ang isang taong paghihintay ni Lucas, pero wala pa ring Katherine na bumabalik. Hanggang sa umabot na ng 5 taon, pero wala pa rin.

Si Lucas na rin ang naging headmaster ng Hogwarts Academy simula ng mag retire si Miss Elle. Ayaw kasing tanggapin ni Sir Grey ang posisyon. Nasa opisina niya ngayon si Lucas at nagbabasa ng libro tungkol sa apat na elemento. Ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa si Macey bitbit ang 2 maliit na chikiting.

"Lucas darling magpahinga ka naman. Lagi ka na lamang nakamukmok dito sa opisina mo.", maarte na sambit ni Macey sa kaniya. Lumapit naman ang mga bata at nagpakandong sa kaniya. Itinabi na muna niya ang binabasa.

"Daddy, gusto ko sanang pumunta sa central town.", sabi ng cute na cute na 4 years old na si Agnes. Sumegunda naman ang kakambal nito na si Arthur.

"Naku wag niyong yayain yan, busy ang Daddy niyo.", sabat naman ni Macey.

"Pero Mama, sabi mo papayag si Daddy ngayon dahil day off niya.", maktol ni Arthur sa ina nito.

"Sinabi mo yun?", tinaasan niya ng kilay si Macey. Nakita niyang ngumisi lamang ito habang busy sa cellphone.

"Hay naku, minsan lang naman Lucas. Pagbigyan mo na.", mayamaya ay sabi ni Macey. Napabuntong hininga ito at napatango. Kita ng dalawang mata niya ang kasiyahan sa  mukha ng kambal. Niyaya niya na ang mga ito bago pa magbago ang isip niya.

Ng nasa central town na sila, ay agad silang niyaya ng mga bata na mag ice-cream. Hindi naman makatanggi si Lucas sa dalawa. Natatawa na lamang si Macey sa tatlo.

Ng kumakain na silang 4 ng ice-cream ay bigla na lang naiyak si Macey. Nagtaka tuloy ang 3 sa inasal niya.

"Sorry guys, may naalala lang ako. OMG, i really miss her. Do you?", tanong nito sa kaniya.

Tumango naman siya at hinaplos ang buhok ng mga anak niya. Nalulungkot siya tuwing maaalala niya si Katherine. Pero patuloy pa rin siya sa pag-asang magbabalik ito sa kanila.

" Nandiyan na si Papa Justin.",sigaw ni Arthur at papasok na nga ito kasama ang isang batang lalaki.

"Baby, hmmmm, namiss ka ni Mama.", sabi ni Macey at biglang niyakap ang batang lalaki na kasama ni Justin.

"Hello hon.", sabi naman ni Justin kay Macey sabay kiss sa labi nito.

"Hello Frank.", bati naman ni Agnes sa anak nina Justin at Macey. Ngumiti lamang ito at tumingin sa Mama nito.

"Kanina pa ba kayo dito?", tanong ni Justin.

"Ngayon-ngayon lang hon. Bakit ba ang tagal ninyo?",anito sa asawa.

"Nagpagupit pa kami ni Frank eh.",sabi naman ni Justin sabay kindat sa anak nito. Napansin naman ni Justin na parang namumula ang mga mata ng asawa kaya bigla nitong sinipat ang mukha nito.

BELGER ISLAND (Completed) Where stories live. Discover now