Chapter 30: Oblivion

36 4 0
                                    

Patuloy pa rin ang pagmamatyag ni Elle. Any minute by now, aatake na ang mga kalaban nila. And they are ready as hell. Ang mga piling estudyante ng Hogwarts Academy ay nandito na sa loob ng Damian academy. Ang iba ay nasa loob mismo ng party ang iba ay nagmamatyag sa labas. Alam na rin ng buong council ang kataksilan ni Lincoln. Magiging madugo ito pero handa sila para maprotektahan ang isla at si Katherine.

Maging sina Katherine, Skyler, Lucas, Macey at Justin ay nagmamatyag lang din at nakahanda na sa pagsalakay ng kalaban. Mga isang oras na ata mula ng magsimula ang party ng tumayo muli si Lincoln sa gitna ng entablado.

"Ladies and gentlemen, we are really thankful that we are here, gathered in this special event, and witnessed the love of my son towards lady Katherine, but there's more to that.",pagkasabi ni Lincoln ng huling salita niya ay may sumabog sa itaas ng kisame at bumaba sina Lucio kasama ang ilang taksil na council at ilang mga vartija niya.

"Yeah there's more to that. And thank you my dear friend Lincoln for inviting me.",malakas na sabi ni Lucio sa mga na na nasa hall. Ang iba ay nabigla sa biglaang pagdating ni Lucio. Ang iba ay halatang nagpapanic na, ngunit ang iba ay kalmado lang.

"Anong ginagawa mo dito Lucio!",galit na sigaw ni Elle sa kaniya.

"Elle, alam mo naman na i love surprises. Kaya "surprise".,at nakakalokong humalakhak ito at isa isang pinasabog ang mga kandelabra sa gilid ng hall. Naging madilim na tuloy ang paligid at hindi na masyadong maaninag ang kalaban.

Lucas POV

"Maghanda kayo, kukunin nila si Katherine kaya huwag niyo siyang pababayaan.",mahinang sabi niYa sa mga kasama. Nakatuon ang mata niya sa kinaroroonan ng babaeng mahal niya. Medyo malayo ito sa kaniya pero hindi niya hinihiwalayan ng tingin. Gumawa siya ng bolang apoy, hudyat na maghanda ang mga kasama niya, at ng maitapon niya ang mga bolang apoy sa mga kandelabrang pinatay ni Lucio kanina ay nakatutok na lahat ng mga kasama niya sa kinaroonan ng mga alipores ni Lucio. Pero teka bakita wala ang magaling niyang ama sa gitna??

"Shit!",napamura siya ng di oras. Inilibot niya ang mga mata niya. Nakita niya ang ama niya at si Skyler, hatak hatak nito si Katherine, iginapos nito ang kamay ng babae sa silver string para hindi nito magamit ang kapangyarihan niya.

"Shit! shit! Justin doon tayo, kayo na ang bahala dito Macey!"at mabilis pa sa alas kwatro na sinundan niya sina Katherine.

Sa hallway.

"Bitawan niyo ako!",galit na sabi ni Katherine sa kanila. Marami itong vartija na nakasunod.

"Isa ka na lang na babae ka, uupakan na talaga kita.",sabi sa kaniya ni Skyler, hatak hatak siya ng lalaki at hindi niya maintindihan bakit ito nagkaganoon.

"Fuck you Sky, akala ko iba ka sa ama mo. Pareho ka lang din pala.",galit na sabi niya dito halos madapa na siya sa pagkakahatak nito.

"Iba talaga ako, dahil mas tuso ako sa kaniya.",sabay pa na humalakhak ang babae at isang saglit lang ay nag-iba na ang mukha nito. Hindi ito si Skyler. Isang impostor! Isang doppelganger ang ability niya. Nabigla talaga siya sa nasaksihan.

"Nasaan si Skyler?!", galit na talaga siya sa mga ito pero hindi siya makagamit ng kapangyarihan niya dahil ginamitan siya ng silver string.

"Pwede ba hija tumahimik ka!",mahina pero may diin na sabi ni Lucio sa kaniya. Nanindig ang balahibo niya pagkasabi noon ng ama ni Lucas. Hindi niya akalain na ganito ka makapangyarihan ang ama nito, kahit sa boses pa lang.

Bigla silang natigil sa paglalakad ng may humarang sa kanila, si Lucas, Justin at mula sa academy at ilang mga vartija.

"Lucas!",dumagundong ang boses ni Lucio.

"Ibalik niyo na sa akin si Katherine, ama.",mahinahon na sabi ni Lucas, pero umaapoy na sa galit ang mga mata nito.

"Ha! At ang lakas ng loob mo na kalabanin ako magaling kong anak!",panunuyang saad ni Lucio. Hindi ito nagdalawang isip na gumawa ng apoy na mga kutsilyo at itinapon sa gawi ni Justin. Mabuti at mabilis na nailagan ni Justin at nakatalon agad. Sunod-sunod na nagpa-ulan ng fire dagger si Lucio kaya gumawa si Lucas ng shield na mula din sa apoy.

"Hindi mo ako kaya anak!",marahas na sabi ni Lucio at gumawa na naman ito ng isang malaking fireball at ibinato sa kanila ni Lucas. Hindi nakayanan ni Lucas ang fireball ng ama kaya tumilapon sila ni Justin sa field ng academy.

Napatawa ng pagak si Lucio at dalidali na nitong hinatak si Katherine at ipinasok sasakyan nito. Sumunod na rin ang mga alipores nito at umalis na sila sa academy. Napakabilis ng pangyayari at nakuha pa rin nila si Katherine.

They are unaware that Lucio is much smarter than them, or should i say tricky.

They tricked us.

Hindi halos maigalaw ni Lucas ang katawan niya habang tinitingnan niya na lamang ang papalayong sasakyan ng ama.

Hindi niya akalain na ganito ka tuso ang ama niya.

Hanggang naramdaman na lamang niya na biglang bumigat ang talukap ng mga mata niya at nakatulog.

BELGER ISLAND (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon