Chapter 22: Missing You

48 6 0
                                    

Biglang nagising si Katherine ng gabing iyon. Ikatlong gabi na siyang ganito, palaging nagigising sa gabi at napapanaginipan si Lucas. This time ay iba ang pakiramdam niya, parang biglang mabilis na tumibok ang kaniyang puso.

"Lucas....",mahinang sambit niya at hindi niya namalayan na napaluha na pala siya. Mabilis niya itong pinahid at humiga na lamang muli para matulog. Ngunit ayaw naman siyang dalawin ng antok kaya naisipan na lamang niyang magbasa gaya ng nakagawian na niyang gawin.

Hindi na namalayan ni Katherine na nakatulog na pala siya ng nakaupo at hawak hawak pa rin ang libro na binabasa niya kagabi. Tinanghali na siya ng gising, kaya dali dali na siyang naligo at nag-ayos para makasali pa siya sa agahan sa dining hall.

Nagmamadali siya sa paglabas sa kaniyang kwarto kaya hindi niya nakita na nagmamadali ding lumabas ng kaniyang kwarto si Skyler, kaya nagkabanggaan sila.

"Aray.....",sabay nilang sabi sabay sapo sa kanilang mga noo.

"Grrrr.....ang aga aga mong mamerwisyo.",gigil na sabi niya dito.

"At ako pa talaga ang may kasalanan?",galit din na sabi nito habang sapo ang noo nito. Mabilis itong umalis at iniwan siya. Sasagot pa sana siya pero wala ng may lumabas sa bibig niya.

"Tssss.... antipatiko.",nasabi na lamang niya at naglakad na rin papuntang dining hall.

Naabutan niya si Macey sa isang mesa at umorder na pala ito ng maraming pagkain para sa kanila.

"Morning.",bati niya dito. Tumango lang ito at ngumiti dahil sa may nginunguya pa ito sa bunganga.

"Nakatulog kana ba ng mabuti?",tanong ni Macey matapos nitong malunok ang kinakain.

"Hmmm....",yan lang ang sagot ko dahil ako naman ang may kinakain. Wala na kaming imikan habang kumakain dahil nagmamadali na rin kami at baka malate pa kami sa first subject namin.

Mabilis na lumipas ang mga oras at hapon na naman. Malapit ng matapos ang last subject nila, at wala pa ring balita kay Lucas. Gusto ko sanang kausapin si headmistress Elle kung natapos na ang misyon nila Lucas pero hindi ko naman alam kung papaano.

Pagkatapos ng last subject namin ay nauna na si Macey. Nagpaalam ito na pumunta na muna sa library. Ako naman ay dumiretso na sa kwarto ko at nagbihis na muna, pagkatapos num ay kumuha ako ng isang libro at dinala ito sa secret place ko.

Simula ng madiskubre ko na ang tower ay hindi ko na rin nakita si Skyler na pumupunta dito.

"Lucas...apat na araw na ngayon mula ng umalis ka. Bakit ang tagal mo? Nami-miss na kita.",mahinang sambit niya at hindi na niya namalayan at napatulo na ang luha niya. Hindi niya maipaliwanag ang lungkot na nararamdaman niya ngayon.

"Siya ba ang boyfriend mo?",sabi ni Skyler na nakasandal malapit sa bintana nito. Nabigla naman siya sa biglaan pagsulpot nito at nagpahid agad ng luha.

"None of your business.",masungit na tugon niya dito. Aalis na sana siya ng mabilis siya nitong pinigilan, hinawakan nito ang braso niya.

"I don't know what's between you and Lucas, but I know your future. You two were not meant for each other.",mahinang sabi nito sa akin. Hinablot ko ang kamay ko na hawah niya.

Sino ito para basahin ang hinaharap? Wala itong karapatan na sabihin sa akin kung kami man ni Lucas ang magkakatuluyan o hindi.

"Who do you think you are? Are you a fortune teller now? You don't have the right to tell me that nonesense!",mariin na sabi niya dito. Kahit kailan talaga hambog ito.

"Ako ang nakasaad sa propesiya na makakasama mo habang buhay.",mayabang na sabi nito sa akin. And he grinned. He really hates it when he do that.

"Kainin mo yang propesiya mo!", sabi niya dito at walang lingon likod na umalis siya sa harapan nito at pumasok sa kaniyang kwarto. Kung hindi lang talaga ako nagtitimpi ay kanina ko pa pinaulanan ng fireballs iyon.

Isang katok ang nagpabalik ng good mood niya. Bumuntong hininga muna siya bago tinungo ang pinto. Nabungaran niya ang isang palvelija ng nakangiti at may bitbit na isang puting sobre.

"Miss Williams, pinabibigay po ng Headmaster Lincoln. Galing daw po ito kay Headmistress Elle.",sabi ng palvelija sabay abot sa kaniya ng liham. Mabilis ko namang inabot ang ibinigay nito at nagpaalam din ito kaagad sa kaniya.

Ng maisara na niya ang pinto ay inisang takbo niya ang kaniyang kama at nahiga. Nakangiti niyang binuksan ang sulat ng headmistress.

Katherine,

How have you been? Okay ka lang ba sa bago mong school? I know it's hard for you to cope up so easily but please try hard enough and train well para makabalik ka na agad dito sa Hogwarts.

Hindi na muna ako makakadalaw sa iyo diyan dahil marami rin akong trabaho dito sa school. As for Lucas hindi pa niya natatapos ang kaniyang misyon, pero si Justin baka nandiyan na after 2 days. Huwag kang mag-alala kay Lucas he is doing well.

Ingatan mo ang sarili mo and train hard so that we can win this war.

Always,

Elle

Naiinis siya sa sulat ni headmistress Elle, si Justin ay nandito na within 2 days, pero si Lucas ay wala pa rin. Ano kasi ang misyon nito at hindi nito sinabi sa akin?

Gagawin ko na lang muna ang sabi nito, magte-train akong mabuti para matapos na ang kaguluhang ito. Gusto ko ng mamuhay ng matiwasay kasama si Lucas at ang mga kaibigan ko sa Hogwarts.

Kinabukasan lumiban ako sa klase at pumunta sa training room. I hope he got my message. Gusto kong sanayin niya na ako ng mas maaga para handa ako sa mga mangyayari.

Nagmi-meditate ako sa loob ng training room ng may narinig akong yapak papunta sa akin. Naramdaman ko ang presensya niya at alam ko na agad na siya ito dahil sa pabango niya.

"Thank you for coming Skyler.",sabi niya habang nakapikit ang kaniyang mga mata.

"Gusto mo na ba talagang magsimula ang training natin? Wala pang pahintulot ito ng headmaster.",nag-aalangang sabi nito sa kaniya.

"Yes, at alam ko na ikatutuwa niya rin ito.",sabi ko at iminulat ko na ang mga mata ko. Inalalayan niya akong tumayo.

"Where do we start? I think you already know how to use your elements.",sabi nito.

"Yes. Teach me in combat. Hindi pa ako masyadong naturuan ni Lucas sa combat."?diretsong sabi ko sa kaniya. Napatango naman ito at tiningnan niya ako ng napakaseryoso.

"Well you're in the right person, magaling ako sa pakikipaglaban. At matatalo ko rin yang Lucas mo when it comes to my combat skills.",mayabang na sabi nito sa kaniya.

"Well prove it.",sabi ko at bigla ko siyang binigwasan at tumilapon ito malapit sa pinto ng training room. I attacked unannounce kaya hindi ito nakapaghanda.

Pero nakabawi naman ito at mabilis siya na sinipa mula sa likod. Natumba siya at talagang parang namanhid sandali ang katawan niya.

"Alam ko na ang una kong ituturo sa iyo. You must master first your punching and blocking. Though hindi naman natin ipagkakaila, you're stronger than i thought, but your lacking more training.",sabi nito sa akin habang habol pa rin ang hininga nito. Napatayo siya at napangiti sa sinabi nito.

"Let's start today then.",sabi niya.

"No we will train tomorrow. Let's start tomorrow.",mariin na sabi nito at mabilis na itong lumabas ng tarining room.

Ramdam kong malakas nga si Skyler. Siguro magkasing lakas lang sila ni Lucas. Kinuha niya ang kaniyang towel at pinahiran ang kaniyang pawis. Namimiss na niya talaga si Lucas.

"I miss you.",mahinang smabit niya.

Magpapahinga na lamang muna siya bago pumasok sa kaniyang mga klase ngayong araw.





BELGER ISLAND (Completed) Where stories live. Discover now