Chapter 4: The Big Mistake

107 10 1
                                    

Third Persons POV:

That stupid girl. Ni hindi nga ako makalapit kay Lucas tapos siya ay nakasabay pa mismong maglunch si Lucas.

Nagpupuyos sa galit si Margarette Lewis. Kasama niya sa kabilang table ang mga kaibigan niya na sina Roxy , Tom, Sandy , Leo at Divine. Sila ang Mean group sa Academy. Puro sila nasa Heroes Category.

Roxy can clone herself. Tom has an elastic power. Sandy can control the wind. Leo has a power of speed and Divine can manipulate plants. And Margarette she has a power like a cat, she has the sense of smell and manifest the cat itself.

Parang gustong pigain ng buhay ni Margarette si Katherine. At hindi nga siya nakatiis lumapit siya sa mga ito. Sinundan naman siya ng mga kaibigan niya.

"Wow, ang kapal ng mukha niyo. Sumabay talaga kayong kumain kay Lucas and Justin?", bungad niya sa mga ito. Tiningnan siya ng masakit ni Katherine at Macey.

"Hindi ba talaga kayo titigil at lilipat sa ibang table??", galit na sabi ni Margarette. Nakapameywang pa ito. Hindi naman nagpatinag ang dalawa at patuloy lang sa pagkain. Sila Lucas naman ay wala ding pakialam sa mga sinasabi ni Margarette.

Hinablot niya ang buhok ni Katherine at iniwas sa tabi ni Lucas. Sa kabiglaan ni Katherine ay hindi siya nakaiwas dito. Aawat sana si Macey pero hinarang agad ng mga kasama nito. Si Justine at Lucas naman ay patuloy lang sa pagkain na para bang walang anumang nangyayaring kaguluhan sa tabi nila.

Masakit na ang anit ni Katherine sa pagsabunot ni Margarette. Hindi siya makapalag dahi may humawak sa magkabilang braso niya.

"You bitch, wala ka namang powers eh. Bakit ka ba nandito sa school na 'to? Kung ang pinagmamalaki mo ay ang pagiging Williams mo. So what? We are all Superheroes children here. Ikaw baka ampon ka, kaya wala kang kapangyarihan.". nanggagalaiti na sabi ni Margarette sa kaniya.

Naiinis na rin sya sa mga pinagsasabi nito. Ano daw? Ampon siya? Nagpapaatwa ba ito. Baka ito ang ampon. Ano ba ang gagawin niya masakit na talaga ang ulo niya. Hindi naman siya tinutulungan ni Lucas. Si Macey naman ay hinarang din.

Biglang iniangat ni Margarette ang buhok niya.

"Ano na? uulitin mo pa ba ang pagtabi kay Lucas?", galit na sabi ni Margarette. Ano ba nito si Lucas? Girlfriend ba ito ni LUcas?

"Ano mo ba si Lucas? Girlfriend ka ba kaya ka galit na galit?", sigaw niya sa dito. Naiinis na kasi siya eh.

Bigla na lamang siya nito sinampal ng dalawang beses. Take note mag-asawang sampal ang natanggap niya mula sa babaeng ito.

Biglang umalsa ang lahat ng dugo sa katawan niya. She make a wrong. A big mistake. She can touch me wherever she wants or grab my hair until i get bald. But not my face.

Nag-init ang magkabilang palad ni Katherine hindi niya ito macontrol. Nag-aapoy din ang mga mata niya sa galit. Nakita iyon ni Roxy at Sandy kaya binitiwan agad nila si Katherine.

Nakita din ito ni Margaretter pero parang naestatwa ito sa kinatatayuan.

"What did you call me? A bitch? Sa ating dalawa ikaw ang bitch. You can grab my hair but never touch my face.", galit na sabi niya. Lumikha siya ng fireball mula sa palad niya.

Naramdaman din ni Lucas ang lakas ng pwersa niya kaya napatayo ito. Nabigla ang lahat ng mga nasa loob ng cafeteria.

Ibinato ni Katherine ang fireball kay Margarette.

Si Lucas ay naka-abang lang din pala para ibato nito ang fireball at babatuhin niya rin ang fireball ni Katherine para hindi mapunta kay Margarette. At naagapan nga niya. Kung hindi tosta sana si Margarette.

Sa lakas ng nailabas na pwersa ni Katherine ay hinimatay ito. Nilapitan agad siya ni Macey at Justin. Lumapit din si Lucas sa kaniyang walang malay na katawan. Binuhat siya nito at dinala sa clinic.

Sumunod naman si Macey at Justin.

Ang grupo ni Margarette ay tulala sa nangyari. Lalong-lalo na si Margarette. Hindi niya inaasahan na ganoon kalakas ang kapangyarihan nito. Malaki ang impact ng pag-clash ng fireballs nila Lucas at Katherine. Basag ang lahat ng salamin sa cafeteria.

Macey's POV:

"Huh! Nganga ngayon ang Margarette na yun. Akala mo kung sinong maganda.", inis na sabi ni Macey habang naglalakad silang tatlo patungo sa clinic.

Sa wakas narating nga nila ang clinic. Nabigla ang nurse sa nangyari kay Katherine agad itong nilapatan ng first aid. Lumabas naman agad si Lucas sa clinic matapos mailapag si Katherine sa kama.

Naiwan si Justin at Macey.

"Ano ang nangyari?", tanong ng nurse habang iniinjetionan si Katherine.

"Inaway kasi ni Margarette si Katherine eh, kaya nailabas ni Kath ng di oras ang powers niya. Sa sobrang lakas nahimatay si Kath.", paliwanag naman ni Justin. Tumango-tango naman ang nurse sa pahayag ni Justin.

Naupo na ang dalawa sa sofa habang hinihintay na magising si Katherine. Baka any minute ay malaman na rin ng headmistress ang nangyari at puntahan si Katherine dito sa clinic.

" Saan ba pupunta si Lucas?", mayamaya ay tanong ni Macey kay Justin.

"Pumunta sa Faculty. Ipinaalam nito ang nangyari. This is wierd. Ngayon lang may kaparehong kapangyarihan si Lucas.", sabi nito.

Napaisip din si Macey. Totoo nga mostly ay mga common na powers katulad ng sa kaniya ang marami sa academy. Nag-iisa lang si Lucas noon na may kapangyarihan ng apoy. Ngayon dalawa na sila ni Katherine. Overall sa mundo ng magic? Tatlo ang may kapangyarihan na kayang kontrolin ang apoy. Si Lucas, Si Mr. Williams na Daddy ni Katherine at isa pang tao na hindi niya kilala. Ngayon apat na, that includes Katherine. Wierd noh? or it is just FATE.


BELGER ISLAND (Completed) Where stories live. Discover now